CHAPTER 25
Chapter 25: Visitors
"GUSTO ko siyang makita, Leon. T-Tulungan mo ako. Tulungan mo akong makita siya. Gusto kong makita ang anak ko," nagsusumamong sambit ni Ma'am Cynthia. Tumango ako.
Gagawin ko ang lahat para lang makapunta siya at makita niya ang anak niya. Ayokong ipagkait ito sa kaniya. Ramdam ko ang sakit sa dibdib niya ngayon.
Maski ako ay nasasaktan din sa sitwasyon ngayon ni Dainara. Hindi ito ang inaasahan ko na mangyayari sa kaniya. I failed, I failed to protect her. Kaya sinisisi ko rin ang sarili ko.
"Don't worry, Ma'am Cynthia. I'll find a way. I'll talk to my superior so you can leave and see your daughter," I said to her. Ilang beses siyang tumango at nagpasalamat.
I waited two days, and I already spoke with my superior, and a court permit is also required. Ma'am Cynthia was granted temporary release to visit her child in the hospital. Alam ko rin na mas matutuwa ang anak niya kapag naramdaman ang presensiya ng mama niya. Matagal na niya itong gustong makita ulit.
Pagkapasok pa lamang niya sa private room ay muntik na siyang mabuwal, kaya mabilis ko siyang inalalayan. Kahit noong nasa biyahe na kami ay kanina pa siya umiiyak, wala namang tunog ay sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya.
May kasamahan din kaming pulis, naiwan lang sila sa labas at doon magbabantay.
Inalalayam ako ang mama ni Dainara na makalapit sa hospital bed niya. Pinaupo ko ito sa tool. Mabilis na ginanap nito ang kamay ng anak.
Ang mommy ko ay nanatiling nakatayo lang sa isang sulok. Tahimik niyang pinapanood ang gagawin ni Ma'am Cynthia.
Sinenyasan ko ang aking ina. Nang maglakad siya ay sinalubong ko siya. Namamasa ang sulok ng mga mata niya. Lumabas kaming mag-ina para bigyan ng privacy ang ginang.
Sa bench kaming umupo at yakap-yakap ni mom ang kanang braso ko.
"Bilang isang ina. Napakasakit ang makita na nasa ganoong kalagayan ang kaniyang anak. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib niya ngayon, son," she said. Parang pinipiga rin ang puso ko.
Mahal ko si Dainara, mahal ko siya kaya ganoon din naman ang nararamdaman ko. Sobrang sakit ngang makita na nakaratay lang sa kama ang babaeng mahal mo. Walang malay at walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising. Sobrang sakit na parang pinipiraso ang puso ko.
"I love her, so much, Mom. Kung sana dati ay sinabi ko na po iyon sa kaniya. Na kung gaano ko siya kamahal. Na hindi ko lang basta pinaramdam sa kaniya, sana po nasabi ko," nagsisising sambit ko. Yumuko ako at mahigpit na kumuyom ang aking kamao.
Naramdaman ko ang paghaplos doon ni mommy at pinapakalma niya ako. "Magigising din si Dainara, and if that happens, tell her how you truly feel. Let her know how much you love and cherish her, how important she is in your life. It's not too late, son. Remember, hope is never lost. Trust in God's plan. Ask God for another chance to be with her, and have faith that He'll make it happen."
"S-Sana nga po, Mom. Sana nga po," I said emotionally. Niyakap na lamang niya ako at hinalikan sa noo. Parang bumalik lang ako sa pagkabata, na inaway ako ng kalaro ko, na inagawan ako ng laruan at nagsumbong ako sa mommy ko. Na ngayon ay inaalo niya ako, hinihile na parang sanggol.
ISANG araw at isang gabi ang ibinigay kay Ma'am Cynthia. Sinulit niya ang nalalabing mga oras para sa anak niya. Hindi siya natulog, nakabantay lang at pinapanood niya ito. Ilang beses namin siyang inayang kumain pero umiling lang siya. Tanging tubig lang ang iniinom niya.
Kahit mugtong-mugto ang mga mata niya, namumutla, hindi namin siya nakitaan nang pagod at gutom. Buhay na buhay. Panay ang halik niya sa kamay nito at walang oras na hindi lumilipas na walang luha ang titulo sa kaniyang pisngi.
"Leon," tawag niya sa akin. Babalik na rin siya sa kung saan man siya nanggaling. Akala ko ay lungkot ang mababasa ko sa mga mata niya pero hindi. Maaliwalas at may ngiti sa labi.
"Ma'am Cynthia."
"Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi mo natupad ang ipinangako mo sa 'kin na poprotektahan mo ang anak ko, Leon. Kahit gaano ka pa nag-iingat at iniiwasan ang mga bagay ay kung nakatakdang mangyari iyon sa iyo ay wala kang magagawa. Kundi ang hayaan na lamang iyon, na sumabay ka na lang sa agos ng buhay. Ang gawin mo lang ngayon, bantayan siya at alagaan," mahabang sambit niya. Pumiyok pa ang kaniyang boses. Namula agad ang mata na nagbabadya na naman ang pagtulo ng kaniyang mga luha.
"This time I won't fail, Ma'am," matigas ang boses na sambit ko. Hindi ko na hahayaan na masaktan pa si Dainara. Hindi ko na siya hahayaan na malagay na naman siya sa kapahamakan.
Hinding-hindi na siya mawawala sa paningin ko. Hindi na.
"Umaasa ako na magigising pa rin ang anak ko. Naramdaman ko kasi ang paggalaw ng kamay niya kanina. Lumuluha rin siya na parang naririnig niya ang boses ko, na parang alam niya na binisita ko siya. Gigising pa siya, Leon. Gigising pa ang Dainara ko, dahil gusto pa niya akong makasama nang matagal. Kailangan niyang marinig kung gaano ako kasuwerte sa kaniya. Kung gaano siya kamahal ng mama niya." Umaalog na ang mga balikat niya dahil sa pag-iyak niya.
Hinagod ko ang likod niya at tumango-tango. "Ako rin po, Ma'am. Umaasa rin ako na makikita ko ulit ang maganda niyang ngiti."
"Maraming salamat. Magiging maayos na ako pagkatapos nito." Inutusan ko na rin ang mga pulis na kasama niya at saka siya iginiya nito palabas ng hospital. Nagkayakapan pa sila ng mommy ko.
Bumalik ako sa loob. Umupo agad ako sa gilid ng kama ni Dainara. Masuyo kong hinaplos ang pisngi niya saka ko hinawakan ang kaniyang kamay. Dinala ko ito sa labi ko.
"Binisita ka na ng mama mo, pero ikaw naman itong natutulog diyan. Gumising ka na, Dainara," malambing na sabi ko.
Tatlong buwan pa ang lumipas. Wala pa rin siyang malay pero may improvement naman daw. Kahit papaano ay nararamdaman na namin ang paggalaw ng kamay niya.
Nahanap na rin ni Alked ang asawa niya. Naayos ang mga gulo sa pagitan ng tito ko. Ngayon nila pinagbabayaran ang mga kasalanan nila.
Mabilis ko namang pinunasan ang luha ko nang may kumatok at bumukas ang pinto. Nagulat pa ako nang makita ang bumisita kay Dainara.
"Tita Yssaven, Jam," tawag ko sa dalawang babaeng mahalaga sa buhay ng matalik kong kaibigan. Ang kaniyang asawa at ina.
Maayos na rin si Jam, buntis na siya sa pangalawang anak nila ng kaibigan ko. Ako ma'y nanghihinayang at nasasaktan pa rin hanggang ngayon, dahil munting anghel ang nawala sa amin ay tanggap ko na. Masaya rin ako para sa kanila. Dahil ang pagsasakripisyo ng babaeng mahal ko ay hindi nasayang.
"You cried?" tanong ni Alked. Halatang inaasar niya lang ako. Kilala niya ako na hindi basta-bastang umiyak lang kung hindi mahalaga para sa akin. Ngunit iba rin ito.
"No," matigas na sagot ko sa kaniya. Nang tiningnan ko ang dalawang magandang babae ay may ngiti na sa labi ko.
Matiim ang titig ni Tita Yssaven sa mukha ko. Hindi ko man siya makikitaan na naaawa lang siya sa 'kin ay may lungkot na naman sa mga mata niya. "Natutulog ka pa rin ba, hijo?" tanong niya. Natural na malamyos at malambing ang boses ni tita.
"Hindi po 'yan, 'Ma," sagot na naman ni Alked. Kahit na kailan talaga ay mahilig itong sumagot kahit hindi naman siya ang tinatanong. Bihira nga lang niya ginagawa sa iba.
"Kumusta siya, Leon? Kailan daw siya magkakamalay?" tanong naman ni Jam. Siyempre, wala akong maisasagot sa kaniya.
Si Tita Yssaven ang umalalay kay Jam para makalapit sa hospital bed ng kaniyang niyang si Dainara.
"Hoy, hindi matutuwa si Dainara kapag nakita iyang hitsura mo." Siniko ko ang aking kaibigan.
Mayamaya lang ay umiiyak na ang asawa niya. Nasasaktan sa nakikita na wala pa ring malay ito. Alam kong naging malapit din ang loob niya sa babaeng mahal ko. Siya rin ang kauna-unahang babae na naging kaibigan nito.
Doon na rin natauhan si Alked, nilapitan na niya ang asawa niya. Nag-aalala kasi siya, buntis pa naman.
"Baby..."
"Ano... A-Ano ba talaga ang nangyari sa kanya? Leon? Noong... huli ko siyang nakita," umiiyak na saad ni Jam.
"Makasasama 'yan sa 'yo, Jam. Magigising pa rin naman siya," sabi ko. Sunod-sunod kasi ang patak ng mga luha niya. Nakikitaan ko rin siya nang pagsisisi.
"G-Gusto kong malaman ang nangyayari..." sabi niya.
"Hija..."
"H-Halos magtatatlong buwan na po, Mama Yssaven... D-Dalawang buwan ang nakalipas ang makita ko siyang ganito at hanggang ngayon. Ganyan pa rin siya?" she asked her mother-in-law.
"J-Jam... Anak..." Maging si tita ay nag-aalala na sa kalagayan niya. Bigla na lamang siyang nag-breakdown. Well, I can't blame her. Ganito rin ako noong una. Mas malala pa nga ako.
"Ano ba talaga ang dahilan? N-Nabaril ba siya? Nabaril ba siya kaya siya... na-comatose? Nakita ko pa siya na maraming dugo sa katawan niya..."
"Yeah. Bago pa lang siya bumaba mula sa barkong sinasakyan niya ay inambangan na siya ng mga tauhan ni... Actually... Sniper, sniper ang bumaril sa kanya at diretso iyon. D-Diretso iyon sa p-puso niya kaya. Naging kritikal ang kondisyon niya and we... we lost our b-baby..." Napahinga ako nang malalim pagkatapos kong sambitin iyon.
"Kirsten..." Alked called his wife.
"P-Paanong hindi ko rin alam na buntis din pala si D-Dainara?"
"She will be fine, Jam. Magigising pa rin naman siya. Don't blame yourself. Alam mong hindi rin iyan magugustuhan ni Dainara kapag iiyak ka nang ganyan at sinisisi mo ang sarili mo. Kung mayroon man ang dapat na sisihin iyon ay ako 'yon, Jam. Iniwan ko kayo sa isla. Iniwan ko kayo at hindi ko naisip na sa pag-alis ko ay baka may panganib din ang nag-aabang sa inyo," mahabang pahayag ko sa kaniya. Para naman tumahan na siya.
Matagal pa silang nanatili kahit umiiyak si Jam. Biniro pa nila ako na aampunin nila ito, e may mama pa nga si Dainara.
Tapos paano ko raw ito nabuntis kung hindi ko naman daw naging girlfriend? Umalis din naman sila pagkatapos niyon at naiwan na naman ako sa loob.
Lumapit ako sa puting kurtina at hinawi ko ito. Napangiti ako nang makita ko ang magandang tanawin ng Metro Manila. Malapit nang gumabi. Pinili ko ang pinakamataas na private room para sa kaniya.
Nangarap kasi siya na makapunta sa Manila. Kaya naman kapag nagising na siya ay ito ang unang bubungad sa kaniya.
"Wake up so soon, baby," I whispered. I approached her again and stared at her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top