CHAPTER 24

Chapter 24: Miscarried

BUMALIK ang doktora pagkaalis nga ni Keo. Nasa OR pa kasi si Dainara, hindi pa nila ito nailipat sa ICU. "I have an additional statement regarding the patient," she uttered. I felt uneasy upon hearing the doctor's words. "Based on what we've observed, there's a small tissue or blood in the patient's uterus. She's six pregnant. Unfortunately, the baby was too small and fragile to survive. Sorry to say, we couldn't save the baby, and the patient experienced a miscarriage."

Kahit inaasahan kong iyon na nga ang nangyari ay parang ang sakit pa ring paniwalaan at tanggapin. Sumikip ang dibdib ko at nawalan ako nang sasabihin. Dahil hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko. Tumango lang ulit sa akin ang doktora.

Namalayan kong lumuluha na naman ako. Kung hindi sana nangyari ito ay baka pareho kaming masaya ni Dainara. Na kasama pa namin ang magiging anak namin. God, bakit naman ganito? Bakit ganito ang ipinaranas mo sa amin?

"Son?" Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses na iyon at nakita ko ang mommy ko lang pala. Kasama niya si Ate Naome. Ang kasambahay namin sa bahay. Bukod doon kasama niya ang dalawang bodyguard niya na sinadyang i-hired ni dad

Sino kaya ang tumawag kay mommy na nasa hospital ako. Tumayo ako at nilapitan siya. Nasa magandang mukha niya ang pag-aalala. Hinawakan niya agad ang magkabilang pisngi ko. Sinuri kung may sugat ako o ano.

"Are you okay, son? Nalaman ko kay Keo na nasa hospital ka at kailangan mo raw ng kasama," sabi niya. Ang lalaking iyon, kaaalis niya lang ay paano niya natawagan si mommy nang ganoon kabilis?

"Ayos lang po ako, Mom. Bakit pa kayo nagpunta rito? Si Dad?" tanong ko. Inalalayan ko siyang makaupo sa bench. Sinusuri pa niya ang mukha ko.

"How's she?" she asked. May alam na siya tungkol kay Dainara. Dahil sa tuwing umuuwi ako sa amin ay tinatanong niya ako kung ano ang pinaggagawa ko sa isla.

I told her na may nakilala akong isang babae, matapang at independent. Maganda at mahirap din basahin ang ekspresyon ng mukha niya. Sa tingin ko pa nga lang ay mahirap makuha ang loob at tiwala niya. Pero nakuha ko iyon nang walang kahirap-hirap.

Napayuko ako at bumuntong-hininga. "She's in coma, Mom. Naubusan siya kanina ng dugo, malalim ang sugat niya pero hindi rin naman iyon umabot sa puso niya. At isa pa." Parang may bumara na naman sa lalamunan ko. Hinagod niya ang likod ko. "W-Wala na ang baby namin, Mommy." Pumiyok pa ang boses ko nang sambitin ang huling katagang iyon.

"Oh, my God." Ngayon na kasama ko si mommy ay hindi ko na mapigilan pa ang umiyak. Ngunit luha lang ang lumalabas at hindi ang paghikbi ko. "I'm sorry, son." Niyakap ako ni mommy. Sumubsob ako sa balikat niya at hinayaan ko munang mamahinga roon.

Matagal bago ako nahimasmasan at inutusan na lang ni mommy si Ate Naome para asikasuhin ang bills ni Dainara. Hindi niya ako iniwan at hinintay lang namin hanggang sa ilipat na rin sa ICU si Dainara.

"Dainara," sambit ko sa pangalan niya. Sinundan ko lang nang tingin ang pagpasok sa kaniya sa ICU. Wala pa siyang malay dahil kaoopera pa lang sa kaniya. Sana nga ay magkamalay agad siya para hindi na ako mas mag-aalala pa.

"Ano ba talaga ang nangyari, Leon? Paano siya napunta sa sitwasyon niyang 'yon?" usisa ni mommy. Humugot na muna ako nang hininga.

"Nasa daungan ako po, Mom. Nag-aabang lang kami at titingnan ang mga pasahero ng barko. Nalaman ni Alked na wala na sa isla ang asawa niya. Kaya tinawagan niya kami bantayan ang daungan. Ang alam ko rin ay magkasama na sina Dainara at Jam. Pero nag-iisa lang siya noong dumating iyon. Nakita ko na lang na..." Hindi ko na rin kayang tapusin pa ang sasabihin ko dahil ayokong maalala na muna ang eksenang iyon. Masakit pa rin sa dibdib.

"Kung ganoon, napagkamalan lang pala siya. But the important ay okay na siya, son. Kahit in coma siya ay at least maaalagaan na siya rito ng mga doktor. Huwag ka nang mag-alala para sa kaniya. Mukha namang malakas siya, Leon. At ang baby niyo, siguro nga ay hindi pa para sa inyo ang pagkakataon na iyon," wika ni mommy. I sighed and I nodded. I don't have any choice but to accept the fact that we lost our baby.

Hangga't wala ring respond si Dainara na tuluyan na siyang magiging maayos, kahit successful na ang surgery niya ay natagalan pa rin siya sa paglipat sa private room.

Isang linggo ang nakalipas bago nangyari iyon. Ngayon ay mas mababantayan ko na siya nang maayos. Na makikita at mahahawakan ko siya. Hinaplos ko ang pisngi niya at marahan na hinalikan ang kamay niya.

"Son, heto na." Tinitigan ko na muna si Dainara saka ako tumayo at nilapitan ko ang aking ina.

Ngayong araw ay bibisitahin ko ang mama niya para sabihin ang tungkol sa kaniya. Ayoko sanang sabihin sa kaniya noong una. Nagsuhestiyon lang si mommy na sabihin ko na para malaman daw nito ang nangyari sa anak. Nag-aalala ako na baka hindi kayanin ni Ma'am Cynthia.

Nang wala pa itong kaalam-alam na mag-ina sila ay nakikita ko na sa kaniya na mahal na mahal niya ang anak niya. Kaya iba rin ang trato niya rito.

Si mommy naman ay gumawa siya ng cookies. Siya rin mismo ang nagsasabi na dalhan ko kahit iyon lang. Kung may pagkakataon din siya ay nagluluto siya. Ewan ko ba kung bakit nag-e-effort din ang mommy ko.

"Thanks, Mom." Humalik ako sa pisngi niya. Wala pa rin si dad, dahil busy pa siya sa pagtulong sa kaibigan ko at sa paghahanap sa nakababata niyang kapatid. Kung bakit kasi lumilihis sa landas ang mag-ama na iyon. Si dad naman ay retired pulis siya. Tama, sumunod ako sa yapak niya. Gusto ko rin kasi na magserbisyo sa bayan.

I glanced at Dainara again. Mom tapped my shoulder. "Ako na ang bahala sa kaniya, son. Sige na, lakad na. Para makabalik ka agad dito."

Nagbabantay sa labas ang dalawa niyang bodyguard. Nang makita akong lumabas ay yumuko lamang sila. Kampante naman ako na iwan na muna sila saglit. Ngayon lang kasi ako aalis sa hospital. Dinalhan ako ng damit ng aking ina at madalas ay luto niya ang kinakain ko.

Ang gamit kong sasakyan ay iyong akin din. Si dad naman ang nagdala nito rito. Diretso na ako sa lugar kung saan nakakulong ang ina ni Dainara.

Binibigyan ko pa rin ng update ang ginang tungkol sa anak niya. Nabibisita ko pa rin siya at kung minsan ay siya mismo ang unang tatawag sa akin para lang kumustahin ang anak niya. Pinapahintulutan naman ang mga nakakulong na tumawag sa mga pamilya nila.

Ang tungkol naman sa biological father ni Dainara, alam niyang nakakulong na si Cynthia Ortega. Hindi niya lang magawang bisitahin ito o puntahan kasi ayaw niyang madamay sa gulo. Wala pa rin naman siyang kaalam-alam sa anak niya. Mas mabuti na iyon para hindi na pahamak si Dainara.

Pero sa gulo namin ito nadamay na labis kong pinagsisihan. Matagal nang sinabi ni mommy na dalhin ko na raw sa bahay. I just can't dahil nagkataon nga na naging komplikado na ang lahat at si Jam na naiwan sa isla. Siya ang naging kaibigan nito. Si Alked, sa halip na itago niya roon ang asawa niya ay higit din itong napahamak.

Nang makarating na ako sa destinasyon ko ay nagsimula na rin akong kabahan. Magugulat ang mama ni Dainara kapag nalaman nito na nasa hospital siya at muntik na rin siyang mawala sa amin.

Umibis na rin ako mula sa kotse ko at naglakad papasok na bitbit ang paperbag na pinaglagyan ni mommy ng cookies

May mga pulis ang nakakilala sa akin, kaya panay bati sila. Tanging pagtango lang ang nagagawa ko.

Pinaalam ko agad ang pagdating ko at naghintay na lang ako sa visitor's area, kung saan na makikita pa rin ang kamag-anak ng mga babaeng nakukulong.

Nakayuko lang ako habang naghihintay. Kanina ko pa pinapakalma ang malakas na kabog nang dibdib ko.

"Leon." Nag-angat ako nang ulo nang marinig ko na ang boses niya. Napatayo ako. Simula rin nang makulong siya ay kapansin-pansin na ang pagbawas nang timbang niya. Pero maayos pa rin naman ang lagay niya.

"Ma'am Cynthia," I uttered her name. Ngumiti siya at sinenyasan ako na umupo ulit. Sumunod ako at umupo rin siya sa tapat ko.

"Kabibisita mo lang sa akin noong nakaraang dalawang linggo. Napapadalas na yata," sabi niya. Nakasalikop na ang magkabilang kamay ko sa ibabaw ng mesa. "May problema ka ba, Leon?" Pansin niya agad ang pananahimik ko. "Kumusta ang anak ko?"

Mariin akong napapikit at diretsong tinitigan siya sa mga mata. "I'm sorry, Ma'am. I failed to save your daughter," paghingi ko nang paumanhin. She remained silent na parang hindi pa nag-sink in sa kaniya ang sinabi ko.

Until her eyes widened in shock. Nanginginig na agad ang mga kamay niya. "Ano ang ibig mong sabihin doon? N-Nalaman ba ng kaniyang ama? Nakuha ba siya nito?" sunod-sunod niyang tanong na inilingan ko. Kabadong-kabado siya.

"Isang linggo na po ang nakararaan nang mabaril po siya ng sniper, natamaan siya malapit sa dibdib. Nadala naman po agad siya sa hospital. Ang kaso lang po ay wala pa rin po siyang malay hanggang ngayon at sinabi na ng doktor na comatose siya. At isa po, nakunan po ang anak niyo," mahina at malumanay ang pagkakasabi ko upang hindi siya mabigla. Ngunit nakitaan ko agad siya nang pagkaputla. Napahawak pa siya sa dibdib niya na parang kakapusin siya nang hininga kaya tumayo ako at nilapitan siya.

"A-Ang anak ko..." mahinang sambit niya at tumulo ang mga luha niya. "Dainara. O, anak ko!" Kitang-kita ko kung paano mag-breakdown si Ma'am Cynthia. Nakuha niya ang atensyon ng mga taong nasa loob. Napahagulgol na lamang siya at ang hirap niyang aluhin. Iyak nang iyak at ramdam ko ang paghihinagpis niya. Paulit-ulit na sinasambit ang pangalan ng kaniyang anak.

"Ma'am..."

"Bakit ang anak ko pa?! Bakit hindi na lang ako pinarusahan?! Bakit siya pa?! Walang kinalaman ang anak ko sa karma namin ng kaniyang ama! kami lang dapat ang pinaparusahan at hindi ang anak ko! H-Hindi ang Dainara ko!" paulit-ulit niyang sigaw.

Lalapit sana ang dalawang ladyguard nang sinenyasan ko sila na huwag nang lumapit. Niyakap ko si Ma'am Cynthia kahit nagwawala siya.

Sinisisi niya rin ang sarili niya. Ako rin, ganoon din ang nararamdaman ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top