CHAPTER 23

Chapter 23: Critical condition

LEON’S POV

If ALKED wasn’t with me, I might not have had the intention to leave my current situation. He pulled me towards his car and even opened the passenger’s door beside the driver seat.

“Come on, Leon. Marami pa tayong kailangan na gawin,” seryosong sabi niya. Mariin kong kinagat ang labi ko at huminga nang malalim. Parang ayaw na ring gumana pa ang utak ko.

“Ihatid mo na lang ako sa hospital. Gusto ko pa rin siyang makita kahit na...” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil sa bigat nang nararamdaman ko.

Sa tuwing naaalala ko ang eksena kanina ay parang may kamao ang pumipiga sa puso ko. Hindi ko pa rin matanggap.

“Alright,” tipid na sabi niya lang. Sumakay na rin ako at pinaharurot niya ang sasakyan niya para mahabol pa namin ang ambulansya.

Nanginginig pa ang mga kamay ko. Nagsisisi ako, sobra-sobra pa. Dahil ang plano ko sa kaniya. Kung tapos na ang kaguluhan na ito at ang problema namin ay saka ko dadalhin sa Manila si Dainara. Ipapakilala ko siya sa mga magulang ko bilang girlfriend ko.

Pero ngayon, wala na siya at ni hindi ko rin alam na buntis siya. Fúck, buntis si Dainara. Hindi ko man lang siya nagawang protektahan. Ang sakit sa dibdib. Ang hirap-hirap nang huminga. Nawala sa amin ang munting anghel at hindi man lang kami nabigyan nang pagkakataon na makita siya, na alagaan siya. Mamahalin pa namin siya.

Ang dami ko pang dapat na sasabihin kay Dainara, may mga plano ako para sa kaniya pero ganito lang pala ang mangyayari sa akin.

I shut my eyes. Ibang imahe na ang nakikita ko. It wasn’t her smiling face I saw, but her painful and struggling expression, with blood dripping from her mouth. Oh, God. My Dainara...

When we arrived at the hospital, the ambulance stopped at the entrance. I stepped out at napatingin pa ako sa mga rescuers na parang nagmamadali sila pero nandoon ang pag-iingat. Nagtatakang napatingin pa ako dahil nakaabang din ang mga nurse at doctor.

Lumapit ako roon, napahinto rin ako nang makita kong nasa stretcher na si Dianara. Naka-oxygen mask na siya at nilalagyan ng gauze ang sugat niya sa dibdib. Napuno pa rin iyon ng dugo.

Umawang ang labi ko sa gulat.  “What’s happening?” tanong ko sa isang medic at kasabay nang pagkulbit ko sa kaniya.

“Ah, Sir. Bumalik po ang heartbeat ng pasyente. Nag-r-respond po siya. Iyon nga lang po ay critical pa ang kondisyon niya. Posible rin po na sasalinan siya ng dugo dahil marami na ang nawala sa kaniya,” paliwanag nito. Wala sa sariling napatingin ako sa namumutlang mukha ni Dainara.

She’s still alive. Fúck! She’s still fighting!

Sa emergency room agad siyang dinala, wala pa rin siyang malay pero hindi siya dapat gamitan ng defibrillator dahil sa sugat niya sa dibdib.

Doon lang din ako pinalabas ng mga nurse. Napasandal na lamang ako sa malamig na pader ng hospital.

“Leon.” Muntik ko nang makalimutan na kasama ko pa pala si Alked. “Tinawagan ko na ang kapatid ko para samahan ka rito sa ospital. Kailangan ko pang bumalik dahil hindi pa nahahanap ang asawa ko. Huwag kang mag-aalala, Leon. Lumalaban pa rin naman siya. Malakas yata siya kaya hindi agas sumuko.”

Tama siya, malakas si Dainara. Matapang siya at hindi agad-agad sumusuko.

Tumango ako. “Akala ko. Tuluyan na siyang mawawala sa akin.” Napayuko ako dahil nararamdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko.

Tinapik ng kaibigan ko ang aking balikat. “Mabuti ka pa ay alam mong magiging ligtas na siya. Ako, hindi ko pa alam kung saan ko hahanapin ang asawa ko.” Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. Nag-angat ako nang ulo at tinitigan ko siya sa mga mata niya.

“Mahahanap mo pa rin siya. Kapag nasigurado kong maayos na si Dainara ay saka ako tutulong sa ’yo, dude,” sabi ko at umiling siya.

“Ayos lang kung kami na muna, dude. Mas kailangan ka niya rito,” saad niya. “Sige na. Aalis na muna ako.” Tinanguan ko na lamang siya.

Napasunod naman ako nang makita kong dinala na naman siya sa kung saan. Narinig ko lang na sa operating room na siya dadalhin at kailangan niyang operahan. Nakabaon pa ang bala sa kaniyang dibdib. Sa labas na rin akong naghintay dahil humarang na naman sila.

Kahit nag-re-respond siya kanina ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala. Hangga’t hindi siya nagiging okay.

Dumating nga si Keo, ang panganay na kapatid ni Alked. “Kumusta?” tanong niya. Mahina pa niyang sinuntok ang braso ko.

Sabagot pa lamang ako nang bumukas ang pinto sa OR at agad naman akong napalapit sa isang doctor.

“Sino ang guardian ng pasyente?” Kinakabahan naman ako kasi wala pang isang oras nang lumapit sila sa OR.

“A-Ako po,” nauutal na sagot ko. May nangyari na naman ba na masama kay Dainara?

“Kailangan namin ng blood donor. Maraming nawalang dugo sa kaniya at bihira lang kami mahanap ng dugong compatible sa pasyente,” paliwanag nito.

“Ano ang blood type niya, doc?” tanong ko.

“AB- ang blood type ng pasyente. Kailangan namin agad iyon. Natanggal na namin ang bala sa dibdib niya, kaya sasalinan na siya ng dugo,” paliwanag pa niya.

Hindi AB- ang dugo ko. Pero puwede pa naman akong maging donor kahit A- lang ako.

“AB- ako, doc. Puwede akong maging donor ng pasyente,” sabat naman ni Keo. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Isang Keo Fortalejo? Mag-do-donate ng dugo niya sa taong hindi naman niya kilala? I must say na heathy naman siya pero talaga kayang okay lang sa kaniya ito? “Huwag mo akong tingnan nang ganyan, Leon. Kahit may atraso ang pinsan at tito mo ay hindi pa rin nagagalit sa ’yo ang kapatid ko. Nawawala ang asawa niya.”

Hindi na ako nakapagsalita pa, kasi sumama na siya sa doctor. Mamaya na lang ako magpasalamat sa kaniya.
Napaupo na lamang ako sa bench para muling maghintay. Tahimik lang ako, kahit kabado ay piping nagdasal pa rin ako. Sana ay makaligtas pa si Dainara.

Bumalik din si Keo, tanging longsleeve na lang niya ang suot niya. Nakataas ang manggas nito at may band-aid siya sa braso niya. Namumutla siya pero parang balewala pa rin iyon sa kaniya.

“Thanks, Keo. Malaking bagay ang ginawa mo,” sabi ko.

“It’s okay,” sabi niya lamang at sumandal siya sa headrest nang inuupuan niya.

“Gusto mo bang bilhan kita ng tubig?” tanong ko. Parang pinagpapawisan din siya.

“Huwag na. I’m good.” Hindi na lang ako nagpumilit pa at hinintay na lang namin matapos ang surgery ni Dainara.

“Doc.” Ngumiti ang doktora na parang successful na rin ang surgery.

“The patient is stable now. The bleeding has stopped since the bullet was removed from her chest. Luckily, it didn’t hit her heart despite being deeply lodged. Hindi na rin critical ang kondisyon niya but we’re keeping her in ICU for now to monitor her progress. As of the moment ay wala pa siyang malay at aabot iyon nang ilang mga araw. Based on the patient's current condition, I am declaring her in a comatose state,” she stated. Kahit na ganoon ay magiging kalmado na rin ako.

Basta alam kong maayos na siya, hindi na critical ang kondisyon niya. “Thank you, doktora,” pasasalamat ko na tinanguan niya lamang.

Isang nurse ang lumapit sa akin para i-fill out ang ibinigay niya sa akin na papel. Babayaran na rin ang bills niya. Walang problema sa akin ito. Basta alam kong ligtas na si Dainara.

“Aalis na rin ako mamaya, ha? Mukhang ayos.” Tumango ako sa sinabi ni Keo.

“Salamat ulit, Keo,” sabi ko.

“Hindi ba tumatawag sa ’yo ang pinsan mo?” Inilingan ko siya.

“Imposibleng tatawag iyon sa akin. Matagal na siyang hindi nagparamdam nang malaman namin ang plano niya,” sabi ko.

He stood up from his chair. Nasa balikat na lang niya ang hinubad niya na coat kanina. “I’ll go ahead, Leon. Tumawag ka lang kapag nagkaproblema,” paalala pa niya. Tinapik niya ang balikat ko bago niya ako tinalikuran.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top