CHAPTER 21
Chapter 21: Escaping
MABAIT si Kirsten at magaan siyang kausap. Kaya naman ay naging komportable ako habang kasama ko sila ng anak niya. Hindi na muna ako pinapapunta pa ni Leon sa resort dahil gusto niyang makasama ko ang mag-ina ng kaibigan niya.
Pero nang mapansin ko na parang may problema ito ay kinompronta ko na si Leon.
“Ano ba ang problema ng kaibigan mo, Leon? Alam mo ba na nasasaktan ang asawa niya?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Napadila siya sa ibang labi niya at nasundan iyon nang tingin ko. Napataas lang ako ng kilay nang tumaas din ang sulok ng mga labi niya.
Nandito kami ngayon sa board walk dahil nang hinanap ko siya kaniya ay natagpuan ko siya rito. Hinila niya ang kamay ko upang makaupo na rin sa tabi niya at nagpaubaya naman ako.
Umatras siya at inilipat niya ako sa gitna ng mga hita niya. Bumibilis na naman ang pintig ng puso ko nang yakapin niya ang baywang ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.
Napahawak ako sa magkabilang binti niya sa takot na mahulog ako sa dagat pero sa paraan nang paghawak niya sa akin ay hindi na ako puwedeng mag-aalala pa.
Naramdaman ko pa ang pag-amoy niya sa buhok ko at napatikhim ako. Napapikit pa ako nang mariin dahil sa paghagod ng dulo ng ilong niya sa pisngi ko at bumaba iyon sa leeg ko.
“Huwag mo nga akong landiin, Shadrick!” sigaw ko sa kaniya at dahil maikli ang pantalon niya ay pinagdiskitahan ko ang makapal na balahibo niya roon.
“Ow! God, masakit!” reklamo niya at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Pinirmi niya ito sa bandang tiyan ko.
“Tinanong kasi kita kaya sumagot ka naman nang maayos!” sigaw ko at nang lumingon ako sa kaniya ay mabilis na halik ang iginawad niya sa pisngi ko. “Ano na?!” nakataas ang kilay na tanong ko pa.
“Basta. Masyado ka pang inosente para sabihin ko sa ’yo ang totoo,” sabi niya at humigpit lalo ang yakap niya sa akin.
Napabuntong-hininga ako. Wala siyang balak na sabihin iyon. “Nakalimutan mo yata ang lugar na kinalakihan ko, Leon,” nakaismid na sabi ko.
“Yeah,” tipid na sabi niya lamang. Napabuga ako ng hangin sa bibig.
“Nasasaktan si Kirsten,” mahinang sabi ko.
“Yeah.” Marahas na binalingan ko siya. Kasi parang wala lang sa kaniya kung masasaktan si Kirsten.
“Sa maikling panahon na nakasama ko siya ay naging kaibigan ko siya, Leon. Gumawa ka naman ng paraan, please?” May multong ngiti na naman sa mga labi niya.
“Kailan ka pa natutong makiusap sa akin and saying this word, please?” Umikot ang mga mata ko.
“Hindi ako nakikipagbiruan sa ’yo, ha Leon,” banta ko. Hinaplos niya ang pisngi ko at tumango.
“Sapat na ang magkaroon siya ng kaibigan dito. Ang gawin mo lang ay palakasin ang loob niya, okay? I know you can do this, Dainara. Hmm. You have a strong personality compared to Jam.” Pinagkiskis na naman niya ang tungki ng kaniyang ilong sa pisngi ko bago niya pinatakan iyon ng halik.
Kinabig niya ang batok ko at mariin niya akong hinalikan sa mga labi ko. Dahil sa magaan na paghalik niya ay tumugon ako sa mapanukso niyang dila na pilit na pumapasok sa bibig ko. Mariin kong kinagat ang labi niya at nagsalubong ang kilay niya. Ngunit hindi siya huminto at nagpatuloy lang siya sa paghalik sa akin. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pumulupot ang isa kong braso sa batok niya.
Kahit walang sinasabi si Leon ay alam ko talagang may problema sila ng kaibigan nila at napatunayan iyon nang isang gabi na nakarinig si Inang Yanel nang usapan ng nga tauhan ng mga ito.
***
Isang hapon naman ay kumalam ang sikmura ko. Gutom ako pero ibang pagkain ang gusto kong kainin. Ang ginawa ko ay naghanap ako sa maliit na kusina ni Inang Yanel.
Napanguso pa ako dahil hindi ko naman mahulaan kung ano talaga ang gusto kong kainin. Aalis na sana ako nang mapako ang tingin ko sa mesa. Lumapit ako roon at nang makita ko ang kulay lupa na iyon ay parang naglalaway na ako sa sarap kahit hindi ko pa naman ito nakakain.
Umupo ako at kumuha ng isang piraso ng sampalok. Kinagatan ko ito at napahinto ako dahil mas gusto ko nga ang maasim.
“Dainara? Ano’ng ginagawa mo?” Nilingon ko si Kirsten o si Jam. Sumisilip siya sa may bintana.
Iniginuso ko ang sampalok na binabalatan ko na. “Gusto kong kainin. Gusto mo rin ba? Ipagbabalat kita,” sabi ko at lumapit siya sa akin.
“Sampalok?” naaaliw na tanong niya at umupo na rin siya sa tabi ko. Pagkatapos kong balatan ang isa ay ibinigay ko sa kaniya. “Masarap ito isawsaw sa tomato sauce o kaya naman sa asin!” Tumango ako dahil naiisip ko pa lang na iyon ang sawsawan naman ay natatakam na ako.
Nawala nga ang paglalaway ng bagang ko nang makakain ako ng ganoon. Nagtataka tuloy si inang na kung bakit naubos daw ang sampalok namin. Sinagot naman siya ni Jam na kinain namin.
Nang makita ko si Leon sa tabing dagat ay patakbo akong nagtungo roon. Nakuha ko agad ang atensyon niya.
“Aalis ka?” tanong ko sa kaniya. Ayos na ayos kasi siya at alam ko na kapag ganito ang ayos niya ay baka nga aalis siya.
“Sasaglit lang ako sa Manila. Babalik din agad ako rito. Mayroon ka bang gustong ipabili sa akin pagbalik ko?” Umiling ako. Lumapit pa siya lalo at hinawi ang hibla ng buhok ko.
“Isama mo si Jam. Ihatid mo siya sa asawa niya,” sabi ko at kumunot ang noo niya.
“No. Dito lang siya, Dainara,” sabi niya at sinuntok ko ang dibdib niya. Napadaing siya at hinuli ang pulso ko.
“Sasabihin ko sa kaniya na uuwi ka sa Manila. Para siya na rin ang pumilit sa ’yo na sumama siya,” aniko.
Hinila niya ako para ikulong sa mga bisig niya. “She’s safe here with you, Nana. Hintayin niyo ang pagbabalik namin,” aniya.
Sinabi ko naman iyon kay Jam, kaya lang ay hindi niya napilit si Leon. Kung kasama niya lang sana ang anak niya ay alam kong mas pipiliin niyang manatili na lamang dito sa isla. Pero hindi, eh. Nangungulila na nga kasi siya sa mag-ama niya.
Ang cell phone na bigay sa ’kin ni Leon ay hindi ko ginagamit dahil wala naman akong hilig sa mga ganoon.
***
Aligaga naman ako nang isang gabi at parang hindi man lang ako dinadalaw ng antok kaya ang ginawa ko ay nagbasa lang ako ng libro. Hanggang sa dumating si Inang Yanel na humahangos na tila mayroong humahabol sa kaniya.
“Inang?” Mabilis na dinaluhan ko siya at hinagod ko ang likuran niya. “Ayos lang ho ba kayo, Inang?” nag-aalala kong tanong.
“Magmadali ka, Dainara. Puntahan natin si Jam doon sa resort!” sigaw niya at natataranta pa siya.
“B-Bakit ano pong nangyayari, Inang?” tanong ko at sa hindi malaman na dahilan ay kinakabahan na rin ako.
“Sige na, hija. Puntahan na natin siya.” Kahit wala akong ideya sa totoong nangyayari ay sumama pa rin kay Inang. Dahil isa siya sa pinagkakatiwalaan ng asawa ni Jam ay nasa kaniya ang susi at nagawa naming makapasok doon nang walang nakaaalam.
Doon ko na rin napansin na maraming tauhan sa labas. Ipinaliwanag naman niya sa ’kin ang lahat-lahat at dahil hindi ko pa man kilala ng lubos si Alked ay hindi ko rin dapat paniwalaan ang mga narinig ni inang. Ayokong manghusga agad.
“K-Kanina, inutusan ko si Dainara na patayin ang mga ilaw para hindi ka nila matatagpuan agad, Jam... K-Kaya hindi sila agad nakarating sa kuwarto mo dahil sa dilim ng paligid. Puwede silang gumamit ng ilaw sa cell phone nila pero mahihirapan pa rin sila,” paliwanag naman ni Inang Yanel at alam kong ano mang oras ay mayroon nang makapapansin sa ginawa namin.
Ayaw maniwala ni Jam dahil hindi raw iyon magagawa ng asawa niya pero dahil iba na rin ang pakiramdam ko ay pinilit ko na siya na umalis na kami rito sa resort.
Tahimik nga ang pagtakas namin, isa pa na madilim ang buong paligid. Dinig na rinig ko na ang mabilis na pintig ng puso ko at sa kalagitnaan nga nang pagtakas namin ay nakarinig kami nang ingay na nagmumula kay inang.
“Inang!” pabulong na sigaw namin upang hindi kami marinig pero wala.
“May tao roon. Tingnan niyo baka tumatakas na siya!” sigaw ng kung sino at mas nanlamig lang ang palad ko.
“Umalis na kayo rito, Dainara! Tumakas na kayo ni Jam! Magmadali na kayo!” sigaw niya sa amin at halos ikatulala ko na.
Ni minsan ay hindi ko naisip ang umalis at may maiiwan kapag nasa panganib na kami. Mas gugustuhin ko ang maiwan na rin ako kaysa magsasakripisyo ang isa sa amin o kung mayroon man ay higit kong pipiliin ang sarili kong magsakripisyo.
“A-Ayoko po, Inang... S-Sasama po k-kayo sa amin... Sasama kayo sa amin ni Dainara na aalis sa lugar na ito!” sigaw ni Jam at siya ang naunang lumapit kay inang.
Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sunod-sunod na yabag ng sapatos nila. Doon na rin ako natauhan at pinagtulungan namin siya ni Jam na makatayo.
“Inang... W-Wala pong maiiwan dito... Wala po... Isasama ka namin ni Jam...” sabi ko naman.
“Mas... m-mababagalan kayo sa akin. A-Ako lang ang magiging hadlang sa pagtakas niyo... B-Bakit ang tigas ng ulo niyo pareho?” tanong niya at napaiyak na rin. Naramdaman ko ang pagkirot sa dibdib ko. Hindi siya puwedeng magpaiwan dito. Sasama siya sa amin, ano man ang mangyari.
“Hindi siya puwedeng makalabas sa bahay na ito! Harangan niyo ang posibleng pintuan na lalabasan nila!”
“Opo!”
“Magmadali na kayo baka mahuli tayo!” narinig namin na sigawan ng mga tao.
Totoo nga talaga na pinagtatangkaan nila ang buhay ni Jam at alam ko na isa sa pinsan ni Leon ang may galit.
“Jam... H-Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak kayo ng dahil sa akin...” hagolgol na saad pa rin ni Inang Yanel.
“H-Huwag n-niyo pong sabihin ’yan, Inang...” nauutal na saad naman ni Jam.
Gayunpaman ay nagsumikap kaming malakas sa resort. “S-Saan na po tayo pupunta, Inang?” tanong ni Jam. “K-Kasalanan ko po ’to, Inang... Napahamak po kayo ng dahil lang sa akin...” malungkot na sambit pa niya.
“Huwag mong sabihin ’yan, hija... Bukal sa kalooban ko ang tulungan ka...” mahinang wika ni inang.
“Ganoon din ako, Jam... Hindi ka namin pababayaan ni Inang, ikaw ang unang babaeng naging kaibigan ko kaya hindi ko rin hahayaan na mapahamak ka,” sabi ko naman at hinawakan ko ang kamay niya.
“M-Maraming salamat, Dainara...”
“M-Mangako k-ka rin na kung magigipit tayo, na kung may isa lang ang puwedeng makaliligtas...at kung ikaw ’yon... Kung ikaw man iyon, Jam... Pikit-mata mo kaming iwanan, Jam... Huwag kang magdalawang isip na gawin iyon...” Tumango ako sa sinabi ni inang.
“I-Inang...”
“Makinig ka sa akin, Jam. Sa ating tatlo... Ikaw ang dapat makaligtas... Hindi kami...”
“Tama si Inang. Tama siya, Jam...” sabat ko naman.
“Ayoko... A-Ayoko po...” umiiling na sabi niya. “Kayo po ang dahilan kung bakit... Kung bakit hindi ako agad nahuli ng mga taong iyon... Kayo ang dahilan kung bakit nasa labas na ako ngayon...” umiiyak na wika niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top