CHAPTER 17
Chapter 17: Takot
NAGTAKA ako noong una kung bakit kami sasakay ng speedboat pero nasagot naman ang mga tanong ko. Dahil nagtungo kami sa may likod ng resthouse at nasa isla pa naman kami.
Napangiti ako dahil mayroon pala rito na isang maliit na kubo at ang ganda ng mga bulaklak na nakasabit sa magkabilang bahagi nito. May manipis at puting kurtina rin.
“Ang ganda,” komento ko at inalalayan pa niya akong makababa. Dala-dala ni Leon ang bayong na naglalaman ng mga sangkap at ulam na lulutuin namin mamaya.
Hindi naman kami literal na maglalakad-lakad lang sa tabing dagat. Isang date ang nais niya na tila ba na kaming dalawa lamang ang nasa isla. Mas gusto niya yata akong masolo, eh.
“Yeah. Maganda rito tapos walang tao,” sabi naman niya na ikinatawa ko nang mahina.
“Ano naman ang tawag mo sa sarili mo kung ganoon?” natatawang tanong ko.
“Bagay tayo, eh,” sagot niya at tumaas pa ang sulok ng mga labi niya. Napakamot na lang ako sa kilay ko. “Ako lang ang nakaaalam nito kasi ako ang nagmamay-ari,” sabi niya sabay hawak sa aking kamay. Inayos ko ang buhok ko na nililipad ng malamig na hangin. Ang presko pala rito at mas malakas ang hampas ng alon. Dinig na rinig iyon.
Bumitaw rin ako kay Leon at umupo ako sa may hapag. “Nilagyan mo rin ng puting kurtina,” aniko at gumagalaw iyon na tila sumasayaw rin.
“Kanina ko lang iyan inilagay,” aniya at isa-isa niyang inilabas ang laman ng bayong. Mayroon din na hindi kalakihan na mesa.
“Nagmula ka na rito kung ganoon,” puma ko at tumango lang siya bilang sagot.
“Diyan ka lang at mag-relax. Ako na ang magluluto ng kakainin natin mamaya. Pero naghanda ako ng sandwich at juice.” Inilagay niya ang dalawang kapiraso ng sandwich sa platito at pulang tumbler ang inilabas niya. Ibinigay niya iyon sa ’kin.
“Maraming salamat,” wika ko at pinagtuunan nang pansin ang sandwich na gawa niya.
Hindi rin pala siya magaling humawak ng baril kasi marunong din siyang magluto.
“Puro ka pasalamat, Dainara. Bakit kaya hindi mo na lang ako halikan sa pisngi para sa pagpapasalamat mo?” Tingnan niyo? Ibang Leon na ang kasama ko ngayon, nagbago na bigla at ganoon na nga siya kapilyo. Kahit hindi naman kami magkasintahan ay pagkakamalan na talaga kaming dalawa.
Subalit katulad nga nang sinabi ko ay nagustuhan ko pa rin ang pagbabago niyang iyon.
“Tumigil ka, Leon. Magluto ka na lang diyan,” sabi ko at kinagatan ko na ang sandwich. Nalasahan ko agad ang tamis nito at ang palaman niya.
“Tsk.” Umupo rin siya sa tabi ko at binuksan ang tumbler. Nagsalin siya ng juice sa baso at hinawakan niya lamang iyon. Na tila ba naghihintay lang siya na kunin ko iyon at iinumin. Kinuha ko naman iyon at inilagay ko sa tabi ko. “Dainara, kapag ba sinabi kong sumama ka sa akin ay sasama ka ba?” mayamaya ay tanong niya.
“Balak mo ba akong itanan, Leon? Sa tanong mo lang kasi ay mukhang ganoon na nga ang mangyayari.” Napahalakhak siya sa sinabi ko at itinukod niya ang isang braso niya sa hapag. Nasa likuran ko lang iyon.
“Bakit ba ang advance mong mag-isip, Nana?” Mabilis akong napatingin sa kaniya nang sa unang pagkakataon ay narinig ko ang palayaw ko na sinambit niya.
“Ngayon mo lang ako na tinawag na ganyan sa palayaw ko,” sabi ko at ngumisi lang siya.
“So, iyong tanong ko. Sasama ka ba sa akin?” Dahan-dahan akong tumango.
“Kahit saan ka pa magpunta ay sasama ako. Basta ikaw ang kasama ko,” may sinseridad na sabi ko at mula sa pagkatitig niya sa mga mata ko ay bumaba iyon sa labi ko na marahan pa akong ngumunguya.
“I want to kiss you again,” utas niya at napanguso na lamang ako. Nang makita niya ang ganoong reaksyon ko ay inagaw niya ang sandwich na kinakain ko.
Kinagatan niya rin iyon at pagkatapos no’n ay kinabig niya ang batok ko. Siniil niya ako nang mariin na halik. Pumulupot ang mga braso ko sa leeg niya at dahil sa tensyon na pareho naming nararamdaman ay dahan-dahan niya akong inihiga sa papag.
Kung ano man ang mangyayari ngayon sa amin ay tatanggapin ko at magpapaubaya ako. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at nang mapatingala ako ay tumama sa mukha ko ang sikat ng araw.
“Leon, umaga pa lamang,” aniko.
“Yeah, I know,” sagot niya at nagawa niyang ibaba ang zipper ng bestida ko mula sa likod ko.
“Baka may makakita sa ginagawa natin ngayon, Leon,” nababahalang sambit ko. Hindi nakatulong ang puting kurtina sa paligid namin kasi nililipad pa rin iyon ng hangin. Maganda ngang tingnan, eh.
“Yeah,” sabi niya lamang at hinila niya ako paupo. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. “Wala naman tayong gagawin kundi ang maligo muna, bago ako magluluto.” Nakangisi pa siya at iniisip niya rin siguro na may gagawin na kami. Maliban sa mag-d-date lang kami.
Nang itayo niya ako ay nalaglag ang bestida ko sa buhangin. Ang tinakpan ko lang ay ang dibdib ko kahit na may suot pa akong underwear ko. Naka-shorts din kaya ako.
“Huwag mo akong tingnan nang ganyan, Leon. Naiilang ako,” puna ko kasi parang mapapaso ako sa mariin na pagtitig niya sa aking katawan. Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod siya kaya bago pa niya makuha iyon ay inunahan ko na siya sa pagpulot ng damit ko. Pinagpagan ko ang buhangin na dumikit doon.
“You are so beautiful, Dainara,” may lambing ang boses na sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko para lang patakan iyon nang marahan na halik.
Napangiti ako sa ginawa niya at hinalikan pa niya ako sa pisngi. Ibinaba ko sa hapag ang aking bestida.
“Tara na maligo?” pag-aaya ko. Hinila niya ang likod ng kuwelyo ng damit niya at hinubad niya iyon. Dahil wala na nga siyang saplot pang-itaas ay hindi ko na iniwasan ang mapatingin sa maganda niyang katawan. Talaga namang matipuno ang mga braso niya at nagsisilabasan ang mga ugat niyon sa tuwing gumagalaw siya. Nang maglalakad na siya ay binawi ko ang kamay ko. “Ipasan mo ako, Leon.”
“Ayoko. Mabigat ka.” Sumimangot ako at natatawang tumalikod siya saka lumuhod.
Sumakay na nga ako sa likod niya at hinigpitan ko pa ang pagkapit ko sa leeg niya. Hawak niya ang ilalim ng hita ko.
“Mabigat ba ako, Leon?” tanong ko.
“S-Sinasakal mo naman ako, Miss,” sagot niya at sinilip ko pa ang mukha niya na nakangiwi. Pinagdikit ko ang pisngi namin. Napahigpit ang hawak ko sa kaniya nang bigla na lamang siyang tumakbo. Napapikit ako.
Ngunit huminto rin naman siya sa tabing dagat. Hindi niya ako ibinaba. “Doon tayo sa mas malalim, Leon,” utos ko pa sabay turo sa dulo niyon.
Umabot na hanggang baywang niya ang dagat at hindi man lang siya nahirapan. “Ibaba mo na ako. Sige, dito na.” Hindi niya ako pinakinggan. “Leon, dito na nga ako. Hoy!”
Umaalog lang ang balikat niya kasi tumatawa siya. Nang sinadya niya na lumubog kaming dalawa sa ilalim nito ay saka niya lang ako binitawan.
Ginawa ko naman ang lahat para makalayo sa puwesto niya at dahil nga nasa likuran niya ako ay hindi niya iyon agad nakita. Alam ko naman kasi na may makikita pa rin siya sa ilalim.
“Dainara!” narinig kong tawag niya sa pangalan niya ako. Malayo siya mula sa kinaroroonan ko at masyado ring napalayo ang paglangoy ko. Umabot ito sa leeg ko. “Dainara!” Mahinang natawa ako kasi hinahanap na niya ako. “Where the fvck are you?!” Napangiwi ako sa narinig kong pagmumura niya.
“Nandito ako!” sigaw ko at kumaway pa. Naawa ako sa reaksyon niya.
“Paano ka napunta riyan?” nagtatakang tanong niya at nakita ko na tila nabunutan na siya nang tinik sa lalamunan niya.
“Lumangoy,” sagot ko at ewan ko kung narinig pa ba niya ako.
Siya na naman ang nawala kasi lumangoy siya sa patungo sa kinaroroonan ko. Hinintay ko lang siyang makalapit sa akin at nakita ko ang paggalaw ng tubig.
Lumitaw rin siya sa harapan ko. Matamis na nginitian ko siya at kinabig niya ang batok ko. Napapikit na lamang ako nang dumampi ang mga labi niya at hinahalikan na naman niya ako. Pumulupot na rin ang magkabilang binti ko sa baywang niya at bumaba ang mga braso niya sa baywang ko. Inaanod kami ng alon kaya naghiwalay rin ang mga labi namin.
“I’m fvcking worried, Dainara,” mariin na sambit niya at kinagat niya any pisngi ko.
“Sabi ko naman kasi sa iyo na ibaba mo na ako. Ayaw mong makinig sa ’kin,” naiiling na wika ko.
“Ang bilis mo naman kasing lumangoy. Paano mo nagawa iyon?” Nagkibit-balikat lamang ako. Pinitik na naman niya ang noo ko. “Huwag na huwag mo nang uulitin pa iyon. I swear Dainara.”
“Takot kang mawala ako?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Oo. Sino ang hindi? Dadalhin pa kita sa Manila. Gusto mo pang makita iyon, ’di ba?” tanong naman niya.
“Oo. Ipasyal mo ako, ha?”
“Siyempre. Tara na, magluluto pa ako.”
“Ipasan mo ulit ako.” Sumunod naman ulit siya. Masaya ako sa nalaman kong takot pala siya na mawala ako. “Takot din ako mawala ka, Leon,” bulong ko sa tainga niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top