CHAPTER 15

Chapter 15: Unang halik

“HINDI naman talaga ako nagsusuot ng ganito pero wala na akong ibang pagpipilian kundi ito na lang at saka isla naman ito. Puwede akong magsuot kung ano man ang gusto ko,” paliwanag ko sa kaniya at nagsalubong lang ang kilay niya. “Salamat,” sabi ko pa dahil sa pagsara niya ng butones sa damit ko.

“May pasalubong uli ako,” sabi niya at nang mapataas ang kilay ko ay nag-iwas siya nang tingin sa akin.

“Ang dami mo nang naitulong sa ’kin, Leon. Magsabi ka lang kung ano naman ang gusto mo at ibibigay ko iyon sa ’yo,” aniko at ibinalik niya ang tingin sa mukha ko. Hindi naman puwede siya lang ang magbibigay ng mga bagay na kahit hindi ko naman kailangan.

Nang matamis ko siyang nginitian ay naiiling na ngumiti rin siya pabalik. Bumilis na naman ang pintig ng puso ko. Ganito siya kapag kasama ko talaga si Leon.

“Bakit kaya mo bang ibigay sa akin kung ano man ang gusto ko?” tanong niya at bahagya ring tumaas ang isa niyang kilay.

“Ako ba’y hinahamon mo, Leon?” tanong ko at ginaya ko rin ang reaksyon niya. Sa huli ay siya lang ang natawa sa tinuran ko. “Aray!” daing ko nang pinisil niya ang pisngi ko. Hinampas ko iyon.

Hindi pa man ako nakababawi sa ginawa niyang pagpisil nang hinila niya ang siko ko at nanlaki ang mata ko nang dumampi ang mainit niyang labi sa ’kin. Kumalabog tuloy nang malakas ang dibdib ko at naramdaman ko pa ang paggalaw ng speedboat hanggang sa iupo niya ako sa kandungan niya.

Nang maramdaman ko ang marahan na galaw ng mga labi niya ay kusa rin akong sumunod at inikot ko na lamang ang mga braso ko sa leeg niya.

Nagpaubaya ako sa mga halik niyang nakahahalina at tila dinuduyan lamang ako sa alapaap. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam nang hinahalikan at napakatamis ng mga labi niya.

Sa tuwing gagayahin ko ang paraan nang paghalik ko sa kaniya ay mariin niyang sisipsipin ang pang-ibabang labi ko, kung kaya’t bumuka ang bibig ko at unti-unting pumasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Na tila tinitikman niya rin ang panlasa niyon.

Matagal bago naghiwalay ang mga labi naming dalawa at kapwa habol namin ang sariling hininga. Pinagdikit niya ang noo namin at marahan niyang pinagkiskis ang aming ilong.

“Gusto kita, Leon,” wala sa oras na pag-amin ko sa nararamdaman ko sa kaniya at naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya.

Kumibot-kibot ang labi niya at hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita dahil ako na ang humalik ulit sa mga labi niya. Kinabig niya lang ang batok ko at hinigit ako palapit sa katawan niya.

Nang inihiga niya ako sa speedboat ay muli akong nagpaubaya. Hindi naghiwalay ang mga labi namin habang pumapaibabaw na siya at naramdaman ko na ang buong bigat niya.

Isa-isa niyang tinanggal ang butones ng damit ko at hinahalik-halikan na niya ang leeg ko pero natigil iyon nang nakarinig kami na may paparating na sasakyan pandagat. Pareho kaming natauhan sa ginagawa namin at mabilis niya akong pinaupo.

“Goodness, I’m sorry! Muntik na akong mawalan ng kontrol, Dainara,” paghingi niya nang paumanhin at may sensiridad naman iyon. Sa tingin ko nga ay ito rin ang gusto ni Leon.

“W-Wala iyon,” nauutal na sagot ko dahil kinakabahan pa rin ako.

“It’s early in the morning. God,” narinig kong sabi pa niya.

“P-Puwede naman nating. . .ituloy iyon mamaya,” sambit ko at hindi ko alam kung saan ko na nakuha ang lakas nang loob na sabihin ang mga katagang iyon.

Hanggang sa kinabig na naman niya ako para bigyan nang mainit na yakap. “Huwag mong isipin na pinaglalaruan lang kita, Dainara. Na ito ang gusto kong kapalit. Hindi iyon ganoon. I meet a new girl, and I want to try to like you. Even though, iyon na ang nararamdaman ko. Hindi lang masyadong malalim.” Ewan ko kung bakit sumikip ang dibdib ko sa narinig na paliwanag niya pero dahil gusto ko siya ay hindi ko na pinansin pa iyon.

***

Bumalik na rin kami at hinintay ko lang siya. Dahil tinatali pa niya ang speedboat. Ngumiti pa siya nang bumaling sa gawi ko. Naglahad siya ng kamay at tinitigan ko lang iyon, saka naman niya hinawakan ang aking kamay.

“Bakit ba palagi kang nagdadalawang-isip na ibigay sa ’kin ang kamay mo, Dainara?” kunot-noong tanong niya at pinagsiklop niya ang mga daliri namin.

“Hindi mo naman kasi sinasabi na gusto mong hawakan ang kamay ko, eh. Kapag ba may maglalahad din sa akin ng kamay ay agad-agad kong tatanggapin iyon?” tanong ko at napatiim bagang pa siya. Na tila hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.

“Of course not! Iyon ang huwag na huwag mong gagawin pero kung ako. Ibigay mo agad ’yan,” sabi niya at nang sinubukan kong bawiin ay hinigpitan niya lang iyon. “Dainara, hindi ako nagbibiro.”

“Namamawis ang kamay ko sa iyo, eh,” reklamo ko at nagmistula siyang batang nawalan ng direksyon sa reaksyon niya. Naiiling na lamang ako sa kaniya.

Napadaan pa kami sa isang cottage kung saan na binigyan ko kanina ng bimpo ang isang lalaki at napatitig pa ito sa magkasiklop naming mga daliri ni Leon. Bago ako hinatak ng isa.

Wala na rin doon ang babae sa dati nilang puwesto. Napanguso ako at sinilip ko ang mukha ni Leon.

Ang matangos na ilong niya tuloy ang bumungad sa ’kin at nang maramdaman niya marahil na nakatitig ako sa mukha niya ay lumingon siya.

“Oh, bakit?” tanong niya.

“Nasaan na ang pinsan mo? Hindi mo ba ako ipakikilala sa kaniya?” mahinang tanong ko at mabilis siyang umiling.

“Huwag na. Ayokong makilala ka ng babaeng iyon. Aawayin ka lang niya,” sagot niya at nagtaka naman ako.

“Babaeng iyon?” nalilitong tanong ko. Puwede naman niyang tawagin ito sa pangalan, ah.

“Pati pangalan niya ay huwag mo na ring alamin. Maldita iyon,” aniya at hinila niya ako papasok sa resthouse.

Hindi ako nahihiya sa kasamahan ko sa trabaho kapag kasama ko na si Leon. Dahil kung pumupunta nga rito ang isang iyan ay palagi naman kaming magkasama.

Pumasok kami sa isang malaking silid na para lang din sa kaniya. Malinis ito at napakaganda ng dekorasyon.

Pinaupo niya ako sa kama at binuksan niya ang kabinet saka niya inilabas ang bag niya.

“Ano na naman ’yan, Leon? Puro pabango at pampaganda na naman ba ’yan?” tanong ko na nasa boses ko ang kuryusidad.

“Hindi. Iba ito,” sagot niya at malaking paperbag ang inilabas niya saka siya lumapit sa kinaroroonan ko.  Ibinigay niya iyon kaya agad kong tinanggap at may kabigatan ito.

Inilabas ko ang laman at parang nagkaroon ng hugis puso ang mga mata ko sa nakikita.

“Libro,” sambit ko at gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top