Prolouge
Paulene's Point Of View.
Ngayon ang ika-apat na taon namin ni Jake bilang magkasintahan, pupunta ako sa mall para makipagkita sa kanya.
"Where are you going?" Tanong ng aking ina.
Nilingon ko sya't nginitian.
"I'm going to meet Jake at the mall, mom.'' Sagot ko, kumurba ang malapad na ngiti sa aking labi nang masabi ang bawat salita. My mom raised her brows as if asking. "Nakalimutan nyo na po ba?" tanong ko, kumunot ang noo nya. "Ngayon po ang anniversary namin ni Jake," nakangiti kong sabi.
"Oh! Yeah! I forgot." Napatakip sya sa kanyang bibig, bahagya naman akong natawa. Tumayo sya at lumapit sa akin. "Masaya akong suportahan ka sa lahat ng ginagawa mo, happy anniversary to the both of you! Nakangiting sambit ng aking ina, inakbayan nya ako't hinimas ang aking buhok. "Lagi mong tatandaan na na'ndito lang si mommy, anak." Dagdag nya, napangiti naman ako kasunod ng pagtango.
Ang sarap pala sa pakiramdam na suportado ka ng mga magulang mo sa lahat ng ginagawa mo't nagiging desisyon sa buhay, sana hanggang huli ay suportahan ako ng aking ina. Kinuha ko ang bag ko at ang cake na ginawa ko para kay Jake. "Sigurado akong magugustuhan nya ito," may ngiti sa labi kong sabi.
Jake send me a message, saying that he was already at the mall. I can't wait yo spend this beautiful day with him. Pag-sakay ko sa kotse, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba para bang may parte sa aking katawan na makipagkita ako sa aking kasintahan ngunit imbes na bigyan pa ito ng pansin ay hinayaan ko na lamang.
When I got out the car, bumungad agad sa akin ang kotse ni Jake. Nagmadali akong lumapit dito, habang naglalakad ay hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Napahinto agad ako nang tumapat sa likod ng kotse, bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba, hindi ko alam kung bakit.
Naningkit ang mga mata ko nang mapansin ang tila ba babaeng nakaupo sa shutgon seat, kasunod no'n ay mas lalong bumilis at lumakas ang tibok ng aking puso.
"Sino 'yon?" Tanong ko at naglakad papalapit sa harap ng kotse, habang naglalakad ay hindi ko mapigilang hindi sumilip sa bintana nito. "J-jake?" Gulat kong banggit sa pangalan ng aking kasintahan.
He's kissing another girl. He cheated on me.
Napaatras agad ako nang magtama ang tingin naming dalawa. Halata sa ekspresyon nya ang labis na gulat nang makita ako. Dahan dahan kong inihakbang ang mga paa ko palayo sa aking kinatatayuan, papeke pa akong napangiti bago tuluyang tumakbo. Sa kalagitnaan ng pagtakbo ay hindi sinasadyang nadapa ako, nabitawan ko ang cake at tumama ito sa paa ko.
Muli kong nilingon ang kinaroroonan ng kotse ni Jake, may kalayuan na rin ako ngayon mula roon. Tumingala ako dahil ito lang ang paraang alam ko para mapigilan ang aking luha na kanina pa gustong kumawala.
"P-pao!" Pinunasan ko agad ang mga luha ko bago ko nilingon ang aking kasintahan. "A-anong g-ginagawa mo rito?" Utal nyang tanong.
Mapait akong napangiti.
"Mukhang nakalimutan mo na yata ang endearment nating dalawa, ah?" Pagbibiro ko, hindi sya sumagot. Saglit akong tumalikod para pigilan ang nagbabadya kong luha, nang mapigilan ay muli ko syang nilingon. "Pinapunta moa ko rito tapos tinatanong mo kung bakit ako na'ndito?" Mahinahon kong tanong ngunit ni isang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig.
Akma na sana akong aalis nang hawakan nya ang braso ko, dahan dahan ko syang nilingon. Bumaba ang tingin ko at tumama ito sa kanyang kamay na ngayon ay malagkit at mamasa masa.
"I-i..." Napayuko sya.
Kumunot ang noo ko.
"B-babe, I-i..." Napakagat sya sa ibaba nyang labi.
"A-ano 'yong nakita ko?" Mahinahon kong tanong, umiiyak man ay pinilit ko pa rin ang aking sarili na h'wag maglabas ng galit. "S-sino sya?" Muli kong tanong.
"I'm sorry," sambit ni Jake.
Naramdaman ko ang mainit na luhang pumatak sa braso ko.
"P-paano m-mo n-nagawa s-sa 'kin i-iyon?" Tanong ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "May nagawa ba a-akong mali?" dagdag ko pa.
Hindi sya sumagot.
"B-babe, kanina pa ako naghihintay. Let's go!" Maarteng sambit ng boses babae na nagmula 'di kalayuan sa kotse ni Jake.
Binitawan ni Jake ang kamay ko. Napapikit na lang ako nang makitang dahan dahan na syang umatras.
"A-alam m-mo ba kung a-anong mayroon ngayon?" Tanong ko, naramdaman kong huminto sya. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit nanatili itong nakapako sa sahig. "It is our anniversary, babe. Our 4th anniversary," halos pabulong ko nang nasabi ang huling salita.
Napahawak na lang ako sa aking bibig nang makitang lumakad na sya palayo. Dahan dahan kong iniangat ang aking tingin, muli akong napahawak sa aking labi't umiyak nang makita silang magkahawak ang kamay habang ang ulo ng babae ay nakasandal sa kanyang balikat. Dahan dahan kong ibinagsak ang aking sarili sa sahig, bigla na lamang akong nakaramdam ng panghihina.
"I can't believe, mom!" Sigaw ko habang ang mukha ay nakasubsob sa dibdib ng aking ina. "Paano nya nagawa sa 'kin 'to?" Tanong ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Na'ndito lang si mommy, anak." Anang aking ina habang dahan dahang tinatapik ang likod ko.
"Ayoko na, mommy!"
"Okay lang, na'ndito si mommy hindi ka nya iiwan. Okay?" May lungkot na sambit ng aking ina, mas lalo ko namang isiniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib.
"If I have a chance to choose, I will never choose to become a woman." Sambit ko bago ako mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top