Chapter 7

Pauline's Point Of View

I felt guilt when I saw her na dahan dahang bumagsak sa sahig pero wala akong nagawa, hindi ko siya nagawang tulungan dahil ako naman ang nag-umpisa ng gulo. Instead of helping Levi, tinawagan ko si Aurora para tumulong sa kanya.

I saw the concern on Niña's face when she arrived. Ilang minuto lang din ang lumipas ay narito na rin si Aurora, kasunod no'n ay umalis na rin ako agad.

"You got kicked! And it's all your fault!" Halata sa boses ng aking ina ang labis na pagka-dismaya. "Ano bang nagawa kong mali? Bakit ka nagka-ganyan? Hindi ba kita napalaki ng tama?" sunod sunod na tanong ni Mommy, tanging pag-hikbi lamang ang naisagot ko.

Since that day, the principal got kicked me out of school. Sinubukan kong makipag-ayos kay Levi, humingi rin ako ng tawad. At hindi ko nga inasaahang patatawarin niya ako. She was too kind and understandable, napaka-suwerte ng mga magulang niya sa kanya.

"Kung ano man ang nagawa mo sa akin, sana h'wag mo ng gawin pa sa iba."

That's the exact word she told me.

Mula no'ng lumipat ako ng eskuwelahan, naramdaman ko na may kulang sa akin. At kung ano man ang kulang na 'yon ay wala akong balak pang alamin.

"The bully is here." Rinig kong sambit ng babae sa harap ko, sumama ang timpla ng mukha ko nang tapakan niya ang sapatos ko. "Oh! I'm sorry!" Nang-iinsulto nitong sabi, napatakip pa siya sa bibig niya at natawa.

"Bianca, stop that." Pag-babawal sa kanya ng babaeng katabi niya.

"Anong stop?" Galit niyang tanong dito. "Hayaan mong maranasan niya kung paano ang ma-bully." Umirap pa ito bago ibinalik sa akin ang tingin.

Imbes na bigyan pa sila ng pansin ay napairap na lang ako, akma na sana akong lalakad palayo nang itaklob niya ang trash can sa ulo ko. Nasusuka ako, ang baho. Nakakadiri!

"Get lost, dumb." Rinig ko pang sambit ni Bianca.

Inalis ko ang trash can na naka-taklob sa ulo ko, kasunod no'n ay hindi ko na sila nakita pa. Hindi ko maintindihan, hindi intensiyon o sinasadya ang ginawa ko kay Levi pero bakit nararanasan ko 'to?

"Pao?" Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses, si Aurora. "Anong nangyari sa 'yo?'' May pag-aalala niyang tanong, imbes na sumagot ay binigyan ko na lamang siya ng mapait na ngiti.

Binigyan ako ng tissue ni Aurora, pinunasan niya rin ang mukha ko. Sinamahan niya ako sa cr at ipinahiram niya ang ka-bibiling damit sa akin.

"Thank you!'' I smiled.

"You don't deserve this.'' may lungkot sa boses niyang sabi.

"Okay lang ako." Tugon ko.

It's been a month, ngayon ko na lang ulit siya nakita. As like we do before, we spent our remaining time together, we went to the Mall and wandered around. Dumaan lang siya saglit sa AU at kami'y umuwi na.

"Thank you for this day!" Nakangiti kong sabi nang maka-labas ng kotse.

"No worries, basta if you need me. Just call me." She smiled.

Napangiti na lang din ako bago lumakad palayo. Nang makarating dito sa bahay, nadatnan ko agad ang aking ina, nag-babasa ng diyaryo.

"Good e-evening, Mom." Bati ko sa kanya, inabot ko ang kamay niya ngunit inilayo niya ito. "Tomorrow is our card da-"

"Marami akong ginagawa." Pagputol niya sa sasabihin ko.

Napatango na lang ako't mapait na napangiti.

Ini-lock ko agad ang pinto ng kuwarto nang makarating dito. Saglit kong hinawi ang kurtina sa balcony bago ibinagsak ang aking katawan sa kama.

'Hindi ko 'yan magugustuhan at never kitang magugustuhan!'

'Hindi ko 'yan magugustuhan at never kitang magugustuhan!'

'Hindi ko 'yan magugustuhan at never kitang magugustuhan!'

Tatlong beses nagpa-ulit ulit ang mga katagang 'yon sa utak ko. Tumagilid ako ng higa, inunan ko ang aking kanang braso at iniyakap naman ang kaliwa sa aking tuhod, malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ipinikit ang aking mga mata.

"Did I say that to her?" Tanong ko sa aking sarili, naupo ako't inalala ang nangyari. "And why did I say that?" Naguguluhan kong tanong, napasapo na lamang ako sa aking ulo.

Hindi ko alam, hindi ko maintindihan. Sa tuwing papasok si Levi sa isip ko, may nararamdaman akong kulang.

Isinandal ko ang likod ko sa dulo ng kama 'tsaka pumikit, awtumatiko naman akong napa-dilat nang pumasok ang senaryo sa isip ko. Nasabi ko nga sa kanya ang mga salitang 'yon pero sa anong dahilan? She is just giving back my things, anong rason bakit ko nasabi 'yon? Naguguluhan ako.

"I need a reason! A damn fucking reason!" Inis kong sigaw. Mahigpit akong napahawak sa aking buhok habang iwinawagayway ang mga paa. "Why did I tell that to her?" Tanong ko, ginulo ko ang buhok ko kasunod ng pag-bato ng unan sa kung saan. "Ano 'yon? Kusa na lang lumabas sa bibig ko?" Inis ko pang tanong.

Dahil sa kakaisip ng maaaring maging rason, hindi ko namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras. Nakatulog ako, ni hindi ko na rin nagawang makapag-hapunan pa.

Kinabukasan, paglabas ko ng kuwarto, bumungad agad sa akin si ate Mina.

"Tara na?" Tanong niya, tumango na lang ako bago naunang naglakad. "Pag-tapos ng card day, saan mo gustong pumunta?" Muling tanong ni ate Mina.

"Wala, but I want pizza. All for pizza!" Masayang sigaw ko.

Eksaktong pagdating namin dito sa CRT ay nag-uumpisa na ang meeting. Naging masaya ako kasi kahit papano ay nasali pa rin ako sa honor.

"Congrats!" Bati sa 'kin ni ate Mina, ginulo niya pa ang buhok ko.

"Let's go?" aya ko.

Tumango naman siya. Sa short-cut kami dumaan dahil traffic kung sa highway, at kung hindi ako nagkakamali, madadaanan namin ang AU. I turn my gaze to ate Mina when she stopped the car in front of the gate.

"Hindi mo ba dadalawin ang mga kaibigan mo?" Tanong niya.

"Mula no'ng paalisin ako sa eskuwelahang 'yan ay kinalimutan na nila ako kaya hindi ko na sila kilala." Walang emosyon kong sambit.

"That was the girl you like, right?" Kumunot ang noo ko't sinundan ng tingin ang hintuturo niyang nakaturo sa labas, it was Levi. "Who's her?" Tanong niya pa, napairap na lamang ako. "Okay!"

Napansin ko ang sunod sunod niyang pagtango bago muling paandarin ang kotse, nadaanan namin ang kinatatayuan nila Levi. Nakabukas ang bintana kaya nagtama ang tingin naming dalawa, sunod sunod akong napalunok nang ngitian niya ako. Aaminin ko, mas lalo siyang gumanda.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, napahawak ako rito't napapikit. This was the strange thing I felt when I first saw my ex. Jake.

In love na ba ako sa kanya?

But how?

Hanggang ngayon ba mangangapa na naman ako ng rason?

"Pao, may problema ba?" Tanong ni ate Mina, napahawak ako sa sentido ko't nilingon siya.

"Paano mo malalamang in love ka?" Tanong ko, kumunot ang noo niya't bahagyang natawa. "It's not fun." I rolled my eyes.

"Don't ask me, ikaw lang ang maka-sasagot niyan." She answered.

"Kaya ko nga tinatanong sa 'yo kasi hindi ko alam." Inis kong sabi 'tsaka muling umirap.

"Bumalik ka sa nakaraan."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Balikan mo 'yong unang araw na nakita mo si Ja-" nilakihan ko siya ng mata kaya napatigil siya bigla.

Tulad ng sinabi ni ate Mina ay sinubukan kong bumalik sa nakaraan, gamit ang isipan. Katulad nga ng inaasahan ay muling pumasok sa isip ko ang unang araw na nagkita kami ni Jake na siya ko ring naramdaman ngayon kay Levi.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Hindi ko maalala, wala akong maalala." Palusot ko 'tsaka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.

Tumahimik ang biyahe, naramdaman siguro ni ate Mina na mainit ang ulo ko kaya hindi na siya nagsalita pa. Huminto lang kami sa Domino's Pizza at bumili, matapos makabili ay umuwi na rin kami agad. Inihatid lang ako ni ate Mina rito sa bahay at agad ding umalis.

"May gusto ba talaga ako sa kanya?" Tanong ko sa aking sarili habang nakapako ang tingin sa balcony. "Pero paano?" Muli kong tanong. "Babae ako at babae rin siya." Dagdag ko pa.

Nahiga ako't inunan ang aking mga kamay. Aaminin ko, hindi ito ang unang beses na nagkagusto ako sa kaparehas kong babae pero iba talaga ang naramdaman ko kay Levi.

"Magkaiba ang hugis ng mga kamay ko, maging ang laki nito but they are in the same body. What does it mean?" muli kong tanong.

Masisiraan yata ako ng ulo dahil lang sa rason na 'yon.

Kailangan kong malaman kung ano nga ba talaga itong nararamdaman ko, I need to find a way para makapunta sa AU. I'm sure, naroon ang sagot.

A week past.

I called Aurora to inform Niña that I wanted to see her across from Jacob's, a cafeteria in AU. I borrowed a motorcycle from my friend Cyrus to get here. After a few minutes, I saw Niña, walking towards me.

"What's your problem, Kicky?" Nang-iinis niyang tanong.

"I just wanted to know if..." napahinto ako nang makita si Levi, papalapit siya ngayon dito sa kinauupuan namin. Gladly, sa iba siya nakatingin. Mabilis kong kinuha ang menu at ito'y itinakip sa mukha ko. "Don't tell her that I'm here!" pabulong kong sabi kay Niña.

"May ka-date ka pala, sino sya?" Rinig kong tanong ni Levi, halata sa boses niya ang pagka-interest na malaman kung sino ako.

Her voice making me nervous.

"Ah! Si Pao..." sagot ni Niña. "Aray!" reklamo niya nang sipain ko ang kanyang paa.

"Pao?'' Nagtatanong na sambit ni Levi.

"Yes, si Pao...lo! Si Paolo! New friend ko." Sambit ni Niña, narinig ko pa ang bahagya niyang pag-tawa.

"Okay." Tugon ni Levi.

Dahan dahan kong ibinaba ang itinakip kong menu sa mukha ko nang maramdamang nakalayo na siya.

"Natatakot ka ba kay Levi?" Tanong ni Nina, kumunot ang noo ko. "Natatakot ka 'no?" Pangungulit niya.

"No. Bakit naman ako matatakot?" Taas kilay kong tanong. "I came her to ask for her number." Sambit ko habang ang tingin ay na sa labas.

"For her what? Number?" Pag-uulit ni Niña.

"Hindi mo ba narinig?'' inis na tanong ko.

"You can ask her for it personally naman, ah. Bakit kailangang makipag-meet ka pa sa 'kin?" She asked.

"I don't know. Just give it to me!" Sambit ko, nauubos na ang pasensya ko dahil sa babaeng ito. "Kung ayaw mo, aalis na ako." Akma na sana akong tatayo ng hawakan niya ang braso ko.

"Teka lang! Ibibigay na nga, e." Sambit niya 'tsaka inilabas ang telepono.

"Don't tell anyone that I like her, okay?" Bulong ko, nabitawan ni Niña ang cellphone niya at dahan dahang iniangat ang tingin sa akin.

"A-anong s-sab-"

"Narinig mo na." Sambit ko, kinuha ko mula sa kanya ang cellphone at pinicturan ang number ni Levi.

"H-How?" Tanong niya pa.

"It was so unexpected..." sambit ko, tumayo ako at binitbit ang helmet "...liking a person who are in a same gender like you." I added before leaving.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top