Chapter 6
"Hoy!" Si Niña, tinapik niya ang braso ko. "Okay ka na ba?" Tanong niya, tumango naman ako't binigyan siya ng mapait na ngiti. "Sus! Sinungaling, nakita ko 'yong nangyari kanina. Alam kong nasaktan ka." Sambit niya sabay dikit ng palad sa noo ko.
"Itigil mo nga 'yan, hindi ako lalagnatin dahil sa sabunot lang." Sambit ko sabay irap.
"Aba! Nag-away lang kayo ni Pao, nakuha mo na agad ugali niya." Sambit ni Niña habang nanlalaki ang mga mata.
"Hindi kaya!"
"Tsh." She rolled her eyes. "Bumalik na tayo ro'n, gusto ko ng umuwi." Walang gana niyang sabi sabay hila sa akin.
Binawi ko ang braso ko mula sa kanya, sumama ang tingin niya sa akin.
"Unahan tayo?!" hamon ko sabay takbo.
"Hintayin mo ako!'' reklamo niya.
Natawa na lamang ako ng hilahin niya ako't nagpumilit na mauna. Sa kalagitnaan ng pagtakbo, nalaglag ang cellphone ko. Huminto ako't dali dali itong pinulot, chineck ko ang cellphone at nang makitang wala naman itong basag ay agad akong bumalik sa pagtakbo.
"Levi!" Tawag ng kung sino.
Muli na naman akong huminto. Si Pao, ano na naman kaya ang problema niya?
"Levi, halika na, H'wag mo ng pansinin 'yan," nagmamadaling sambit ni Niña, akma na sana niya akong hihilahin ng hawakan ni Pao ang braso ko. "Kung nag-hahanap-"
"You're wrong." Pagputol ni Pao sa sasabihin ni Niña, inilipat niya ang tingin sa akin. "Can we talk?" She said, nilingon ko si Niña at akma na sanang aatras nang muling hawakan ni Pao ang braso ko. "Ikaw." Sambit nya.
"A-ako?" I stuttered.
"Yes." Tugon niya. "Gusto ko sana 'yong tayong dalawa lang.''
Nilingon ko si Niña at sinenyasan na lumayo muna.
"A-ano bang pag-uusapan-"
"I'm sorry." Pagputol niya sa sasabihin ko, tinaasan ko siya ng kilay. "Nagpadala ako sa emosyon ko, hindi ko napigilan ang sarili ko. Pasensya na." dagdag nya. Napangiti ako nang makita ang sunod sunod niyang pag-lunok. "Ano? Wala ka man lang bang sasabihin?" Masungit niyang tanong, imbes na magsalita ay natawa na lamang ako.
Tinalikuran ko siya at lumakad palayo, alam kong tatawagin niya ako kaya nagpatuloy lang ako. Si Pao ang tipo ng taong hindi mo makikitaan ng kabaitan, kung kasamaan lamang ng ugali, masasabi kong kalahati ang na sa kanya.
"Hoy!" Pao shouted.
"Sabi ko na nga ba, tatawagin niya ako." Nakangiti kong bulong, nilingon ko siya at nginitian. "Apology accepted!'' Sigaw ko 'tsaka nag-thumbs up.
"Seryoso?'' Halos mapatalon ako dahil sa gulat nang marinig ang boses ni Niña, hinintay niya pala ako rito sa room 206.
"Jusko naman! Aatakihin ako nyan sa puso, e." reklamo ko.
"Nakakainis ka!" Nanlalaki ang mga mata niyang sabi. "Kung ako sa 'yo, hind ko patatawarin ang babaeng 'yon." Inis niyang sabi.
"E, kaso..." nagtatanong niya akong tiningnan. "...hindi ako ikaw." Pagpapatuloy ko.
"Tsh. Tara na nga!" aya nya, tumango na lamang ako.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya dali dali ko itong kinuha mula sa aking bulsa.
Pao.est. started following you.
Pao also sent me a message, saying "Babawi ako." Napangiti na lang ako nang mabasa ito.
"Lev, omg!" Si Ashiee, kumunot ang noo ko. "Nag-dudugo noo mo!" may pag-aalala niyang sabi.
Napahawak ako sa noo ko at totoo nga, dumudugo ito pero hindi gaano karami.
"Dahil lang sa init 'to, tara na, Nins."
Wala akong narinig na reklamo kay Niña kaya tumuloy na rin kami, hindi na ipinatuloy ang event dahil natakot daw ang principal na baka maulit ang nangyari. Isinabay na ako ni Niña pauwi dahil sa iisang village lang naman kami nakatira.
"What happened to your forehead?" Salubong sa akin ng aking ina, hinawakan niya ang ulo ko't tinitigang mabuti ang noo ko. "Sinong nanakit sa 'yo?" May pag-aalalang tanong ni Mommy.
"It was me, nadulas ako kanina." Palusot ko.
Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit. "Mag-iingat ka, ha?" Sambit niya 'tsaka ako hinalikan sa noo.
"O-opo." Tugon ko.
Hanggang ngayon, palaisipan pa rin talaga sa akin ang nangyayari. Hindi ako sanay na ganito ka-alaga ang aking ina, maging sa mga ginagawa niyang hindi niya nagagawa noon. Nakapag-tataka.
Pumasok ako sa kuwarto ko, hindi ko naman inasahang susunod si Mommy para linisin ang sugat ko. Naging maayos naman na ang pakiramdam ko kaya pinalabas ko na si Mommy. Tumayo ako para sana kunin ang cellphone ko sa bag nang bigla na lamang akong nawalan ng balanse, natumba ako't tumama ang ulo sa semento.
"Ano 'yon?" Rinig kong tanong ng tao sa labas, sigurado ako na si Ate Joy ang nag-ma-may-ari ng boses na 'yon.
Nawala ang presensya ni Ate Joy, kasunod no'n ay narinig ko ang mabibilis na yabag mula sa labas ng kuwarto. Dahan dahan kong iginiya ang aking ulo at ito'y nilingon. Bumukas ang pinto, iniluwa nito sina Mommy at Ate Joy.
"Levi!" Sigaw ng aking ina.
Sa pagkakataong ito ay unti unti nang pumikit ang aking mga mata at tuluyan na akong nawalan ng malay.
...
"Doc, what happened to my daughter? Bakit hindi pa siya nagigising?" Rinig kong tanong ni Mommy, ramdam ko ang labis na pag-aalala sa boses niya.
"Don't worry, okay naman na siya. Hindi niya lang siguro kinaya ang sakit ng ulo." Sagot ng doctor.
"I will be okay, mom." Sambit ko habang nakapikit.
Hinaplos ni Mommy ang noo ko, wala naman na akong narinig na reklamo mula sa kanya kaya natulog na ulit ako.
Kinabukasan, nang magising ako ay agad kong nakita si Mommy na inaayos ang mga gamit naming idinala rito kagabi. Ilang minuto lang ang lumipas, narito na ang driver naming si Kuya Rodel.
"Mom, did you tell my friends about what happened?'' Tanong ko sa aking ina, hinaplos niya ang buhok ko kasunod ng pagtango.
Nang makarating sa bahay, nagulat ako nang makita si Niña na nakaupo sa sofa. Hindi niya napansin ang pagdating ko kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya, hindi ako gumawa ng kahit anong ingay. Nagulat na lamang si Niña nang maramdamang nakaupo na ako sa tabi niya.
"L-levi!" May halong gulat nitong tawag sa pangalan ko, bahagya pa akong natawa nang makita ang reaksyon niya. "O-okay ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya, bakas sa mukha ni Niña ang labis niyang pag-aalala dahil sa nangyari.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinaplos ito.
"You don't need to worry, Niña. I'm fine." Sambit ko.
"Sigurado ka?" Paniniguro nito, hindi ko napigilan ang malakas na pagtawa nang bigla na lamang siyang ngumuso na para bang bata. "H'wag mo akong tawanan, hindi nakakatawa." Inis niyang sabi habang nakanguso pa rin.
"You make me laugh with your expression!" Sambit ko habang tumatawa, aksidente ko pang nahampas ang braso niya dahil sa tuwa. "I'm sorry!" Kumunot ang noo ni Niña at nag-pout, mas lalo tuloy akong natawa. "Ang funny mo!" dagdag ko pa.
Sumeryoso ang mukha niya kaya natigil agad ako sa pagtawa.
"HAHAHA! Funny?" bakas sa boses niya ang pagpipigil ng inis.
"Okay." ani ko sa malamig na tono.
"Ang seryoso ha! Pinapatawa lang kita!" ani Niña at sa dulo ay natawa pa.
Ilang sandali pa, nagpaalam na si Niña'ng uuwi na. Pinapauwi na s'ya ng kanyang ina dahil may pupuntahan sila, ayon sa kuwento niya ay sa Zambales ang punta nila. Dalawang araw lang naman ang pasok sa isang linggo kaya habang walang pasok ay doon daw muna s'ya, gusto niya pa ngang isama ako pero dahil sa nangyari, minabuti kong manatili na lang muna rito sa bahay.
"Umuwi na ba ang kaibigan mo?" Tanong ng aking ina, tumango ako ngunit nanatiling nakapako ang aking tingin sa telebisyon. "Aalis ako, si Joy muna ang bahala sa 'yo." Sambit niya pa.
Nilingon ko siya, laking gulat ko nang makitang bihis na bihis siya. Muli ko na namang naramdaman ang kaba ko kahapon ng umaga. My mom is wearing a dress from Gucci, she's spraying perfume on her neck. At ngayon ko lang siya nakitang nakatali ang buhok.
"Where are you going?" Tanong ko.
"I have a meeting." Maikli niyang sagot.
"A meeting? E, bakit parang sa beach ang punta mo?" Muling tanong ko, binigyan ako ni Mommy ng masamang tingin.
"Levi, you are just my daughter. Kung ano mang gawin ko sa buhay ko, wala ka ng paki." Nanlalaki ang mga mata niyang sabi, napatango na lamang ako't hindi na nagsalita pa.
Hindi ko na hintay pa ang pag-alis ng aking ina. Umakyat na agad ako, ramdam ko namang hanggang sa maka-akyat ay sinusundan niya ako ng tingin.
Kailangan ko siya ngayon pero mas inuna niya pa ang kung anong meeting niya, hindi na rin ako mag-tataka kung bakit lumaki akong malayo sa kanya. Mas inuuna niya ang ibang bagay kaysa sa sarili nyang anak.
Gabi na, ngunit wala pa ang aking ina. Aaminin ko, nagtampo ako kanina sa kanya pero sa kabila no'n, hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa kanya. Hindi ako umalis dito sa couch hanggang sa hindi naka-uwi ang aking ina, at dahil sa matagal na pag-hihintay, hindi ko namalayang unti unti na akong nilamon ng antok.
"Mabuti naman, gising ka na." Bungad sa 'kin ni Mommy pag-bukas ko ng pinto. "Bumaba ka na at kumain." Dagdag pa niya bago ako talikuran.
A week past.
Maayos na ang naging pakiramdam ko kaya bumalik na ulit ako sa eskuwela.
Habang nag-lalakad, napansin ko ang maraming estudyante na nagkalat sa hallway. Gumilid ako para hindi maka-abala, mukhang seryoso kasi ang pinag-uusapan nila. Napahinto ako at napahawak sa ulo, muli na namang pumasok sa isip ko ang araw na aksidente kong natapunan ng milk tea si Pao
Biglang nanginig ang mga tuhod ko, pakiramdam ko ay may mangyayari na namang hindi maganda. Bumuntong hininga ako ng malalim at inalis ito sa aking isipan. Napalihis agad ako nang makita si Pao na tinatahak ang aking dereksyon.
"Bakit ka lumilihis?" Tanong niya, naka-sandal siya ngayon sa pader habang naka-cross arm. "Free ka ba mamaya?" muli niyang tanong.
Hindi iyon agad pumasok sa aking isipan. "H-ha?"
She rolled her eyes.
"Narinig mo na, uulitin ko pa ba?" May halong inis nyang sabi bago ako daanan, hindi ko naman na sya sinundan pa ng tingin. "Ah!" Sigaw ni Pao.
Napalingon agad ako sa likuran ko nang marinig ang boses niya, laking gulat ko nang makita siyang naka-salampak sa sahig. Dali dali akong lumapit para tulungan siya, iniabot ko ang kamay ko sa kanya para alalayan siyang tumayo ngunit nagulat na lang ako nang atakihin niya ako.
"Pao, bitawan mo ako!" Pakiusap ko, bitbit niya ngayon ang kuwelyo ng uniporme ko. "Pao, nasasaktan ako!" Dagdag ko pa.
"Sinasabi ko na nga ba, kaya ka umiiwas kasi may pina-plano ka!" Galit niyang sabi sa akin.
"Wala naman akong gina-"
Hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin nang hilahin niya ng napaka-higpit ang buhok ko, hinawakan ko ang kamay niya at pilit itong inalis ngunit mahigpit ang pagkaka-hawak niya.
Narito kami sa hagdan ngayon, na sa bandang itaas ako at siya naman sa ibaba. Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin ako paabante ni Pao, dahilan para magkapalit kami ng puwesto. Hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang kuwelyo ko kaya hinawakan ko ang braso niya, kalahati ng mga paa ko na lamang ang nakatapak sa hagdan. Alam kong kapag binitawan niya ako ay gugulong ako paibaba.
"Pao! Tama na! Natatakot na ako!" Pagmamakaawa ko habang kumakawag.
"Ano ulit? Hindi ko narinig.'' Nang-iinis niyang sabi.
Mariin na lamang akong napapikit nang makita ang taong na sa likod ni Pao, nadulas ito at dere-deretso sa kinatatayuan naming dalawa.
"Levi!" May pag-aalala sa boses ni Pao, nabitawan niya ang kuwelyo ko kaya bumagsak ako sa sahig.
Nakasubsob ngayon sa semento ang mukha ko, ramdam ko rin ang likidong tumutulo mula sa aking ulo. Napako ang tingin ko pababa ng hagdan kung nasa'n ngayon ang kaibigan kong si Niña, bakas sa ekspresyon ng mukha niya ang pag-aalala habang tumatakbo. Nakita ko pa ang pag-buka ng bibig ni ya bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top