Chapter 3
Napalingon ako sa entrance, narito na si Aurora, bitbit niya ang paper bag kanina. Kasunod ng pag-pasok ni Aurora ay narito na rin si Niña. Isinandal ko ang likod ko sa upuan at ipinatong ang kanang paa sa kaliwang hita, hihintayin ko ang pag-pasok ni Levi.
"Look at her! Oh my gosh! Ang ganda nya!" Kumunot ang noo ko nang marinig si Ashiee, bakas sa boses nya ang pagka-mangha.
Muli kong ibinaling ang aking tingin sa pinto. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang may namuong saya sa puso ko nang tumama sa pinto ang tingin ko, para bang may kung anong parte nito ang nagpa-tigil sa ikot ng mundo ko. Levi is here. She's wearing a white long sleeve with a pair of a black pants, at kung hindi ako nagkakamali, katulad ng suot niya ang mga ipinabili ko kay Aurora.
"Iyan 'yong pina-order mo online, right? O baka naman mali ako." Sambit ni Carlo mula sa likuran ko, saglit ko siyang nilingon bago ibinalik ang tingin kay Levi. "Pero, bumagay sa kanya ang suot niya, huh." Dagdag nito.
"Yeah, you're rigth." pagsang-ayon ni Ashiee.
Habang nag-lalakad ay tila ba hinahangin ang buhok ni Levi, parang may malakas na electric fan sa harap niya.
"Pao!" Para akong nabalik sa ulirat nang hampasin ni Ashiee ang braso ko. "Kanina pa kita tinatawag, hindi ka man lang lumingon. O-okay ka lang ba?" Imbes na sumagot ay tinanguan ko na lamang sya't nginitian.
Lumipas ang buong maghapon, ni hindi ko man lang naramdaman ang mabilis na pagtakbo ng oras. Sa mag-hapong ito, wala man lang akong natandaan sa mga nangyari maliban sa ginawa ni Levi, para bang hinahangin ang utak ko.
"Pauline, bakit na'ndito ka pa?" Napalingon ako sa pumasok, it was ma'am Cecil, our math teacher. Imbes na sumagot ay tinitigan ko na lang siya, lumapit ito sa akin at idinikit ang kanyang kamay sa aking noo. "Matamlay ka, 'di ka naman nilalagnat." Sambit nya.
Luminga linga ako, tanging kami na lamang ni ma'am Cecil ang narito.
"I wanna go home," walang emosyon kong sabi bago tumayo.
"Okay, wait me there. Hahanapan kita ng masasakyan pauwi," ngumiti pa ito bago lumabas.
Hindi ko na hinintay pa ang pagbalik ng aking guro, lumabas na ako. Eksakto namang nasalubong ko siya.
"Ang sabi ko hintayin mo 'ko," sambit niya.
Binigyan ko na lamang sya ng mapait na ngiti.
Ma'am Cecil hold my arm, hindi nya ito binitawan hanggang sa tuluyan akong makasakay. Saglit akong nagpasalamat kasunod no'n ay umandar na ang trycicle, mabilis ang naging biyahe at halos madilim na rin nang makauwi ako.
"Ginabi ka," salubong sa 'kin ng aking ina. Binigyan ko na lamang siya ng mapait na ngiti bago naglakad papunta sa kitchen. "Aalis ako." napahinto agad ako.
"Where are you going? Maiiwan na naman ako rito?" Sunod sunod kong tanong.
"Wait for Mina, sasamahan ka niya rito." I just sight, secretary na naman niya ang makakasama ko sa buong magdamag. "Medyo matatagalan ako, mag-iingat ka." Dagdag niya.
My mom is too cold as ice now, I wonder why?
"Matatagalan?" paniniguro ko.
"Yes, one week lang nam-"
"One week?" Gulat kong tanong habang nanlalaki ang aking mga mata.
"Yes, be nice. Okay?" She said, hinimas niya pa ang buhok ko't ngumiti bago niya kinuha ang bag niya mula sa lamesa. "Minsan lang akong aalis, matuto ka sa buhay mo. H'wag mong pasasakitin ang ulo ng ate Mina mo, okay?" Paalala niya.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Okay, enjoy." Papeke pa akong napangiti bago siya tinalikuran.
Eksaktong pagpasok ko rito sa kuwarto ay narinig kong bumusina ang kotse ni Mommy, tanda na sya'y paalis na. Napansin kong umilaw ang cellphone ko, dali dali akong lumapit sa kama at ito'y kinuha. Notification sa Instagram, nag-follow request si Levi. Hindi ko naman 'yon pinansin.
Mariin akong napahawak sa aking ulo nang marinig ang sunod sunod na katok sa mula sa labas ng pinto, tumayo ako sa aking kinahihigan at ito'y binuksan. Si ate Mina, may dala siyang tray ng pagkain. Napalingon ako sa bintana, umaga na pala ni hindi ko man lang naramdamang nakatulog ako.
"Pagod na pagod ka siguro kagabi," sambit ni ate Mina habang inilalapag ang pagkain sa kama.
"Bakit hindi mo ako ginising?" May halong inis kong tanong.
"Pag-dating ko, mahimbing na ang tulog mo kaya hindi na ako nag-abala pa para gisingin ka." She answered, napatango na lang ako bago ituon ang aking sarili sa pagkain.
"Thank you sa food!'' Nakangiti kong sabi.
Ako na ang nagligpit sa pinagkainan ko, hindi ko na hinintay pa ang sekretarya ni Mommy na kasing bagal ng pagong kung kumilos.
Nag-toothbrush lang ako saglit, binuksan ko ang faucet at inunang binasa ang aking kamay bago ang mukha. Ngayon ko lang nalaman na masarap pala sa pakiramdam ang pag-dampi ng malamig na tubig sa mukha, nakaka-relax.
Paglabas ko, dumeretso agad ako sa living room. Naabutan ko namang nanonood ng chess tournament si ate Mina, kumakain siya ng popcorn habang ang tingin ay na sa telebisyon. Inalok nya ako ngunit agad naman akong umiling.
"I've heard malapit na ang intrams niyo, anong sport ang sasalihan mo?" Tanong niya, hindi naalis ang tingin niya sa telebisyon. "Maganda ang chess. 'yon na lang ang salihan mo." kumunot ang noo ko, inuutusan niya ba ako? "Eksakto, nanonood ako. Panoorin mo rin, marami kang matututunan dito.'' Dagdag niya.
"Ikaw ba ako?'' Taas kilay kong tanong.
"Hindi, baka gusto mo lang. Wala naman akong sinabi, unless may iba kang narinig na hindi ko alam." She giggled.
I just rolled my eyes. Ipinatong ko ang kanan kong paa sa kaliwa kong hita, nag-cross arm at isinandal ang likuran sa couch. Habang tumatagal ang program sa tv ay mas lalo akong na-i-engganyo, chess na lang kaya ang sport na salihan ko? Hindi pa ako mapapagod. Iwinaksi ko ang isiping 'yon at nag-focus na lang sa panonood.
"Humahaba na ang buhok mo, hindi ka pa ba magpapagupit?" Inis kong nilingon si Ate Mina. "Ang sabi mo kasi noon sa 'kin, ayaw mong humahaba ang buhok mo dahil naaalala mo lang si Ja-" dumakot ako ng popcorn at walang pakundangan ko itong isinubo sa kanya.
"I-train mo na lang ako." Sambit ko.
Tumango sya bilang pag-sang ayon. Kinuha ko ang chess board at pagbalik ko ay nagsimula na kami, pinili ko ang kulay itim at sa kanya naman ang kulay puti. Kabayo ang una kong iginalaw, sumunod ang pawn sa tapat ng king para magbigay daan sa pag-labas ng Queen. Tumagal ang laban, sa huli ay si ate Mina ang nanalo.
"You didn't tell me na marunong ka pala." sambit ko habang ang tingin ay nakatuon sa mga piyesa.
"Hindi ka naman nagtanong, anong rason para sabihin ko?" aniya, bigla akong nakaramdam ng inis nang marinig ang kanyang sinabi. "If you wanted to learn more, sabihin mo lang." tumango na lamang ako.
Nag-vibrate ang cellphone ko, kinuha ko ito mula sa mesa. Si Niña, ngayon lang s'ya nagreply. Nakalimutan ko na nagsend pala ako ng message sa kanya kagabi. Well, tinanong ko lang naman kung anong sports ang sasalihan ni Levi and she confirmed na chess ang lalaruin nito sa Intrams.
"Teach me, I wanted to defeat someone." Walang emosyon kong sabi, inihagis ko ang cellphone ko sa couch bago nilingon si Ate Mina.
"Okay, then."
Umupo ako sa floor at nag-umpisa ulit kami. Hindi puwedeng matalo ako ni Levi, kailangan kong manalo para maipamukha sa kanyang talunan s'ya. "Sisiguraduhin kong ako ang mananalo." sambit ko sa aking isipan kasunod no'n ay may naglarong ngisi sa aking labi.
Levi-Anne's Point Of View.
"Happy Sunday!" Nakangiti kong bati kay Ate Joy na ngayon ay nag-didilig ng mga halaman sa hardin. "Are you going out with me?" Pasigaw kong tanong sa kanya, narito ako sa terrace.
"Magbihis ka na, tatapusin ko lang 'to!" tinanguan ko na lamang siya.
Ilang araw na rin ang nag-daan, dalawang araw lang sa isang lingo ang pasok namin kaya malimit kong makita ang aking mga bagong kaibigan.
Nagpalit na lamang ako ng damit, naligo naman na ako kanina. Eksaktong paglabas ko ay tapos na si Ate Joy sa kanyang ginagawa. Nakatayo siya ngayon sa tapat ng kotse, nag-seselfie habang naghihintay sa akin. Hindi ako lumapit agad, hinayaan ko muna siya sa ginagawa niya.
"Kanina ka pa ba dya'n?" Tanong ni Ate Joy, imbes na sumagot ay ngumiti na lamang ako. "Bakit? May problema ba?" Muli nyang tanong.
Umiling ako bago lumapit sa kanya at yumakap, hinaplos ni Ate Joy ang buhok ko't hinalikan ang aking noo ko.
Ilang sandali pa ay kumawala na ako sa pagkakayakap kay Ate Joy, umandar na ang kotse kaya sumakay na rin kami. May topak ang bago naming driver, ayaw na pinaghihintay dahil nagagalit, daig pa ang amo.
"Sa'n tayo?" Tanong ng driver, kakaiba ang paraan niya ng pagtatanong para bang tropa niya lang ako.
"Sa simbahan, pare." Sagot ko sabay hagikgik, pinalaki ko pa ang boses ko.
"Napalingon ako kay Ate Joy na ngayon ay hindi matigil sa katatawa, napahawak pa siya sa kanyang tiyan na tila ba may iniindang sakit.
"Hindi ako nakikipagbiruan." Makapangindig balahibong sabi ng driver.
"Alam mo, Kuya? Tara na at baka matapos na ang misa." Si Ate Joy, nilingon niya ako't sinenyasan na tumigil sa aking ginagawa.
Bago pa umabante ang sasakyan ay na sa labas na agad ang tingin ko, na sa likod ako ng driver kaya mas marami akong nakikita kumpara kay Ate Joy na na sa kaliwang bahagi ng sasakyan. Maraming bulubundukin dito, at talaga nga namang marerelax ka.
Habang tinatahak ang mahabang daan palabas ng aming baranggay may napansin akong pamilyar na tao, maikli ang buhok nito, parang lalaki ang pormahan, at kung hindi ako nagkakamali ay si Pao ang tao na 'yon. Ano kayang ginagawa niya sa bilihan ng mga bagay pang bukid?
Iwinaksi ko ang isiping 'yon, mas lalo ko pang pinakatitigan si Pao hanggang sa makalampas na kami sa kinaroroonan niya at tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
"Sinong tinitingnan mo?" Tanong ni Ate Joy, walang emosyon ko siyang nilingon. Napahagikgik ako, lumilinga linga s'ya na para bang may hinahanap. "Wala naman ah," mahina n'yang usal sabay kamot sa ulo.
Ilang sandali pa, narito na kami sa simbahan. Hindi na kami pumasok sa loob dahil napakaraming tao, sigurado ako na puno na ang mga upuan sa loob. Nanatili kaming nakatayo hanggang sa matapos ang misa.
"Tapos na ang misa, humayo kayo't iparating ang magandang balita!" Si Father, napangiti naman ako at nag-bow.
Napalingon ako kay Ate Joy, tinapik niya ang kanang kamay ko at sumenyas na pumunta na sa parking kung nasa'n ang kotse. Sumunod na rin ako sa kanya dahil lumalabas na ang mga taong na sa loob ng simbahan kanina, mahirap naman kung makikipagsabayan ako sa kanila.
"Levi!" Napalingon ako sa gawing kanan kung saan ko narinig ang tumawag sa aking pangalan, si Aurora.
Napangiti ako't kumaway sa kanya.
"May pupuntahan ka?" Tanong niya nang makalapit sa akin, umiling naman ako. "Gala tayo?" Hindi na ako nag-isip pa, agad akong om-oo.
"Levi, kanina pa kita hinihintay." Si Ate Joy.
"Mauna na kayong umuwi, Ate. May pupuntahan lang po kami ng kaibigan ko,'' tugon ko 'tsaka siya'y nginitian. Inilipat niya ang kanyang tingin kay Aurora at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. "Ah, this is Aurora, my bestfriend." Sambit ko.
"Ah, okay." tugon niya.
"Don't worry, ako ng bahala kay Mommy." Nakangiti kong sabi, tumango naman siya na may pag-aalinlangan.
"M-mag-ingat ka, ha?" paalala niya, tumango naman ako.
Hinintay namin ang sundo ni Aurora sa tapat ng Jollibee. Ilang sandali pa, may kulay itim na kotse ang huminto sa harap naming dalawa.
"Let's go!" Hinawakan ni Aurora ang braso ko at inalalayan papasok sa loob ng kotse.
"Who's her?" The man who drove the car asked, ang tingin niya ay na sa salamin kung saan makikita ang repleksyon ng mga taong na sa loob.
"Dad, this is Levi." Nakangiting sambit ni Aurora sa kanyang ama, mapait akong napangiti nang lingunin ako ng dad niya. "My friend!" Dagdag ni Aurora.
"Hello po, Tito!" Bati ko, inabot ko ang kamay nito para magmano.
"You are Christopher Dimayuga's daughter?" He asked, napataas naman ang kilay ko at nagulat nang sabihin niya ang pangalan ng Daddy ko.
"Ah, yes po. How'd you know po?" I asked, he smiled.
"He's my friend, hindi mo na yata ako naaalala." I feel strange nang marinig ang sinabi niya, kilala niya ba ako?
"What do you mean po?" Naguguluhan kong tanong, napakunot pa ang noo ko.
He laughed.
"Dad! H'wag ka namang ganyan sa kaibigan ko!" Nakangusong sambit ni Aurora, napalingon ako sa kanya. "Don't mind my dad, ganyan talaga s'ya sa laha—"
"Seryoso, hindi mo na talaga ako naaalala?" He asked again, gusto kong mainis dahil paulit-ulit ang tinatanong niya pero 'di ko magawa, tatay pa rin s'ya ng kaibigan ko. "Lagi kitang binubuhat tuwing pumupunta ako sa inyo, ang sabi mo pa nga no'n sana ako na lang ang naging Daddy mo 'coz your dad is too busy para magawa ang nagagawa ko for you." Sambit niya na ikinagulat at ikinasaya ko, napatakip pa ako sa bibig ko nang maalala ang mga pangyayaring 'yon.
"Tito Anthon?" May halong gulat at saya kong tanong.
"Yes, Levi Anne. It's me," nakangiti n'yang sabi.
Hindi ko maikalma ang aking sarili dahil sa galak. Ang tagal na rin no'ng huli ko siyang makita, kung babalikan ang panahon na 'yon na sa pito o walong taon pa lamang ako.
"I'm sorry, Tito. Hindi agad kita narecognized," nahihiya kong sambit.
He giggled.
"Uhhh!" Si Aurora, she pressed her voice and snorted.
"Sa'n ba kayo pupunta? Sasama ako, ha?" sambit ni Tito Anthon. Obvious namang sasama s'ya dahil s'ya ang driver ng kotse.
Aurora decided na sa waltermart na lang kami pumunta dahil kung sa SM pa ay dalawang oras ang magiging biyahe, na sa Cabanatuan pa kasi 'yon. Ngayon ko lang naranasan ang maingay at puro kulitan na biyahe, kadalasan kasi kapag sina Mommy at Daddy ang kasama ko parang kasalanan ang mag-ingay.
Huminto ang kotse, narito na kami sa tapat ng entrance. Pagbaba namin, hinintay pa namin si Tito Anthon dahil ipinarada pa nito ang kotse sa kung saan.
"Saan tayo?" Aurora asked.
"Ewan ko sa'yo." nakanguso kong sabi habang ang tingin ay palipat lipat sa kung saan. "Ikaw ang nag-aya sa 'kin dito." dagdag ko.
"World Of Fun tayo!" Sabay kaming napalingon ni Aurora sa likuran nang marinig ang boses ni Tito Anthon "Gusto ko kayong makitang maglaro." he said then smiled.
Napa-downward smile ako at napatango bago magsimulang lumakad papasok sa loob. Na sa gitna namin ni Aurora si Tito Anthon, hawak niya ang kamay ko gano'n din ang kamay ni Aurora. Ang akala niya yata bata pa kami na kailangang alalayan para hindi mapunta sa kung saan saan.
"Game?" Tito Anthon asked.
I just nod.
Naghulog ako ng coins sa machine at nag-umpisa nang mag-shoot ng bola. Ang naging laban namin ay kung sino ang matalo, s'ya ang manlilibre para sa kakainin namin mamaya. Tito Anthon scored 9, Aurora is 12, at ako naman ay 20.
"Parang may daya yata, ah." reklamo ni Tito Anthon at napakamot pa nga sa ulo.
Iniwan namin s'ya ni Aurora, naglakad na kami papunta sa KFC. Tulad nang naging laban, si Tito Anthon ang may low score kaya s'ya ang magbabayad ng kakainin namin. Pagkatapos kumain, nagpaalam si Tito Anthon na may pupuntahan lang saglit at babalikan rin kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top