Chapter 2

Para sa 'kin, ang angas ng personality ni Pao. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang ang init ng dugo nya sa 'kin, para bang may kasalanan ako sa kanyang hindi ko alam.

"Niña, may itatanong ako." Sambit ko sa aking kaibigan habang inaayos ang aking buhok at ang tingin ay na sa salamin.

"Ano 'yon?" rinig kong tanong nya.

"Gano'n ba talaga si Pao?" Tanong ko.

"What do you mean?" Pabalik tanong nito sa akin.

"Parang ang harsh nya kasi masyado." Sambit ko, saglit kong itinigil ang aking ginagawa at ibinaling ang tingin sa kanya. "Alam mo 'yon? Parang kapag ako ang kaharap niya, ang sama ng timpla nya."

"Ha? Sigurado ka?" May gulat niyang sabi, para bang hindi siya naniniwala. Tumango ako at mapait na napangiti. "Parang hindi naman siya gano'n, kasi as what I experienced masama lang siya kung titignan mo pero kapag naging close mo, mabait naman siya." Sagot niya, tumango na lang ako't hindi na nagsalita pa. "Oh! Bakit natahimik ka?" Biglang basag ni Niña sa katahimikan.

"Ano ba? H'wag mo nga akong kausapin." Sambit ko sabay irap.

"B-bakit? M-may problema ba?" Tanong niya na para bang maiiyak na. "M-may nagawa ba ako?" Nakanguso niyang tanong.

Nagunot ang noo ko.

"Itigil mo nga 'yan, hindi ka cute." Kunwari pa akong napairap, sa huli ay hindi ko rin napigilang hindi tumawa. Para syang batang kaunti na lang ay iiyak na. "Joke!" I giggled.

"Ayoko na nga bahala ka r'yan." Nagtatampo niyang sabi, akma na sana syang aalis ng bigla ko siyang hilahin.

"Samahan mo muna ako sa cr," nakanguso kong sabi.

"Kaya mo na 'yan, malaki ka na." kasunod no'n ay iniwan niya na akong nag-iisa rito sa classroom.

Habang naglalakad sa hallway, may natanaw akong nagtitinda ng milk tea sa canteen. Bago bumaba ay tinapunan ko muna ng tingin ang cr na kaunti na lang ay mararating ko na, ilang beses pang nagpalipat-lipat ang tingin ko rito at sa canteen, sa huli ay sa canteen din ako dumeretso. Kaunti lang ang customer kaya hindi ako masyadong nagtagal, nang makabayad ay agad din akong umalis.

Sa exit na ako dumaan dahil mas malapit ito sa cr kumpara sa entrance, mapapagod lang ako't baka hindi kayanin ng pantog ko kapag umikot pa ako.

"Bakit dito ka dumaan?" Tanong ng pamilyar na boses, dahan dahan kong iniangat ang tingin ko.

"Mas malapit ito sa pupuntahan ko kaya dito na ako duma-"

"Baba!" Si Pao sa mataas na boses, nanlalaki ang mga mata niya habang ang kanang kamay ay nakaturo sa hagdan pababa.

"Pero ka-"

"Hindi ko kailangan ang rason mo, bumaba ka na kung ayaw mong ako mismo ang humila sa 'yo pababa!" Galit niyang sabi, napabuntong hininga na lamang ako bago inihakbang ang mga paa ko pababa.

"Ganda mo pa naman sana," bulong ko.

"Anong sabi mo?!"

Napalingon agad ako sa kinatatayuan niya nang marinig ang kanyang sigaw, doble sa laki ang mga mata nya ngayon kumapara kanina. Inis ko siyang nginitian bago tuluyang bumaba. Sa asta niya ngayon, mukha siyang problemado.

Huminto ako at muling nilingon si Pao, wala na sya ro'n ngunit tinapunan ko pa rin ito ng masamang tingin. Habang naglalakad papunta sa cr, napansin ko ang isang barumbadong babae na nakatayo ngayon 'di kalayuan sa cr. Bakas sa ekspresyon nito ang galit at pagka-irita. Hindi nagtagal, napuno ng mga estudyante ang hallway.

"Saan ako dadaan nito?" kunot noo kong tanong.

"Ano? Hindi ka lalabas?"

"Duwag ka pala, e!"

"Papansin!"

"Masyado kang mayabang!"

"Lahat na lang napansin mo!"

"Gusto mo pa lagi kang tama!"

"Ikaw ang tunay na loser, ayaw nalalamangan!"

"Mukha kang paa!"

Ilan lamang 'yan sa mga sigawang naririnig ko, sa sobrang ingay ay halata namang hindi na magka-intindihan ang lahat. Nagpa-linga linga ako't pasimpleng nakinig sa mga nag-sisigawan, ngunit wala rin akong naintindihan.

Kumunot ang noo ko nang maalala kung ano ang ipinunta ko rito. Napakaraming tao rito sa hallway, hindi ko alam kung paano ako makakarating sa cr. Halos may limang minuto rin akong naghintay, nagbabaka-sakaling matatapos ang tensiyon ngunit hindi, tila ba walang nagpapatalo.

"Hindi ko na kayang tiisin 'to." Sambit ko sa aking isipan, napahawak pa ako sa aking puson nang makaramdam ng kaunting kirot.

Muli akong luminga linga, habang tumatagal ay napapansin kong mas lalo pang dumadami ang mga nakaharang sa hallway. Hindi na ako makatiis, alam kong kaunti na lang ay puputok na ang pantog ko. Medyo may kalayuan din ang cr mula rito sa kinatatayuan ko, may nagdaratingan pang mga estudyante kaya dali dali kong itinulak ang ibang nakaharang. Nang mapansing kaunti na lamang ay dali dali akong tumakbo.

Na sa cr ang tingin ko, ni hindi ko pinapansin ang ibang estudyanteng nag-rereklamo dahil nabubunggo ko. Desperado na talaga akong makarating doon sa lalo't madaling panahon dahil hindi ko na talaga kayang pigilan ang likidong namumuo sa pantog ko. Sa bilis nang pag-takbo, hindi ko napansin ang paa ng isang estudyanteng naiharang sa aking dinadaanan, dahan dahan kong nabitawan ang hawak kong milk tea. Nanlalaki pa nga ang mga mata ko habang sinusubukan itong abutin ngunit huli na dahil natapon na.

"What the?!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Pao sa harap ko, punong puno ng mantsa ang kanyang kulay puting damit at nagkalat ang mga tapioca pearls sa buhaghag niyang buhok. "Anong ginawa mo?!"

"I'll explain later, hindi ko na kayang pigilan 'to." Nagmamadali kong sabi, isinenyas ko pa ang puson ko bago tuluyang tumakbo.

"Bumalik ka rito!" Si Pao sa mataas na boses, imbes na pansinin ay nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa tuluyang makapasok sa loob ng cr.

Naupo agad ako't inilabas ang mabigat na kanina ko pa dinadala. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim nang maalala ang nangyari, panigurado mas lalong magagalit sa 'kin si Pao. Nang matapos, dahan dahan kong binuksan ang pinto't sumilip sa labas, nang makita si Pao ay mariin na lamang akong napapikit.

Paglabas ko, na sa akin agad ang tingin niya.

"I'm sorry," nakayuko kong sabi.

"Your sorry is not enough!" May halong galit nitong sigaw, mariin akong napapikit at napakagat sa ibabang labi. "Look what you've done! You'll pay for this!"

Dahan dahan kong iniangat ang tingin ko, nakaturo ang kamay nito sa damit nyang ngayon ay nagkukulay kalawang na.

"H-hindi ko n-naman s-sinasadya, e." I stuttered.

"Tsk!"

'Promise! Hindi ko talaga sinasadya," sinsiro ko pang itinaas ang aking kanang kamay.

"Who cares?" Taas kilay niyang tanong. "I'm sure, sinadya mo kasi papansin ka!" Bakas sa boses niya ang labis na inis.

"Eh, kasi nam-"

"I'm not interested, get out!" Pagputol niya sa sasabihin ko.

"Puwede ba? Hayaan mo muna akong mag-explain?" Pakiusap ko, nakataas ang aking kanang kilay habang deretsong nakatitig sa kanya.

"Okay, sige. Explain yourself." Walang emosyon niyang sabi.

"Hindi ko sinasad-"

"Puwede ba?" She asked, nagtatanong ko siyang tinitigan. "SABIHIN MO NA! HINDI 'YANG PINA-LILIGOY LIGOY MO PA." Nanlalaki ang mga mata niyang sabi.

"Kasalanan mo rin naman kasi, kung hindi ka pa-harang harang doon, edi, hindi ka sana natapunan." Sambit ko.

"What a nonsense reason!" Sambit nya't papekeng natawa. "Now, leave." Mahinahon niyang sabi, napatango na lamang ako bago tumakbo palabas ng cr.

Pagkarating ko sa classroom, agad kong hinanap si Niña.

"Aurora, nakita mo ba si Niña?" tanong ko sa babaeng katabi ng upuan ni Niña.

"Yeah, na sa canteen." She answered.

Anong ginawa nya sa canteen? Sinundan nya ba aiko?

Agad kong iwinaksi ang mga katanungang 'yon sa aking isipan. Imbes na puntahan pa siya sa canteen ay naupo na lamang ako.

"Hindi raw siya makatiis kaya sinundan ka," pagpapatuloy ni Aurora. "Oh, ayan na pala siya, e." Dagdag niya sabay turo sa exit door.

Napalingon ako sa exit, lalapit sana ako kay Niña ngunit napansin kong may kausap siya. Muli kong nilingon ang kinaroroonan ng aking kaibigan, papalapit na sya ngayon sa akin. Kumaway ako't ngumiti ngunit agad ding umiwas ng tingin nang makita si Pao na naka-sunod sa kanya.

"Ang sama mo!" May halong inis niyang sabi. "Bakit hindi mo ako hinintay?" May pagtatampo sa boses niya, bahagya naman akong natawa.

"Akala ko ba ang sabi mo, malaki ka na, kaya mo na 'yan." Sagot ko, hindi ko naman mapigilang hindi matawa. "Niña, cute pala ng noo mo." Pangiinis ko, tumayo pa ako para tapikin ito.

"Ah, talaga?" May pagbabanta sa tinig niya, muli akong natawa. "Ito ka oh!" she raised her middle finger.

"Bad!''

"Edi wow!" nang-iinis niya akong dinilaan.

"Itigil nyo na nga 'yan, para kayong bata." Pagbabawal sa 'min ni Aurora, parehas na lang kaming natawa ni Niña.

Aurora is right, para kaming mga bata.

"Hey!" Napaatras agad ako nang marinig ang boses ni Pao.

"May kailangan ka pa?" Tanong ni Niña kay Pao, umiling ito at inilipat ang tingin sa akin.

"Milk tea?" alok niya, nakatitig isya sa akin kaya sigurado akong ako ang inaalok niya. "Natapon kasi ang milk tea mo kanina, gusto ko sanang palitan." Nakangiti niyang sabi 'tsaka iniabot sa akin ang milk tea.

Akma ko na sana itong aabutin nang ilayo niya.

"Akala ko ba papalitan mo?" tanong ko.

"As what I said, yes. Hindi ka naman siguro bingi, 'di ba?" She asked, ngumiti naman ako sabay tango. "Here!"

"Ah!" Sigaw ko, ibinuhos niya sa 'kin ang milk tea.

"Oh my gosh!"

"Anong ginawa mo?" Iritang tanong ko, napahawak ako sa aking damit at ito'y dahan dahang pinagpag.

"Hindi pa ba obvious?" she smirked before walkin' away.

Kung ikukumpara sa isang sisiw na nabasa ng ulan ay maihahambing ko nga ang sarili ko rito. Para akong nanigas na yelo rito sa kinatatayuan ko dahil sa lagkit ng katawan ko. Naiinis ako, gusto kong magalit pero hindi ko magawa.

"Okay ka lang?" tanong ni Aurora.

Tanging buntong hininga na lamang ang naisagot ko sa kanya. Napalingon ako sa exit, naroon ngayon si Pao. Naka-cross arm sya habang deretsong nakatitig sa akin, kumaway pa nga siya at ngumiti pero sa itsura niya ay halata namang nang-iinis.

Pauline's Point Of View.

I've never met her, but I know her voice. Siya ang babaeng kahalikan ni Jake no'ng araw na nag-hiwalay kaming dalawa, sigurado ako ro'n. Wala pang isang taon ang lumipas kaya sigurado ako na hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin ang boses nya maging ang mga salitang binitawan niya.

"Every time I hear her voice, I can't help but to feel angry." Sambit ko.

"Pero mali pa rin 'yong ginawa mo!" Si Ashiee sa mataas na boses, hindi ko man nakikita ay sigurado akong nanlalaki ang mga mata niya.

"Anong mali ro'n?" Taas kilay kong tanong, kumunot ang noo nya. "Sya ang nauna, bu-"

"Bumawi ka lang, gano'n?" May pagpipigil na galit nyang sabi.

Imbes na makipagtalo pa sa kanya ay tinapunan ko na lang sya ng tingin. Pupunta na sana ako sa library nang lumabas si Levi, nagka-salubong kaming dalawa. Kasama niya sina Niña at Aurora, nginitian ko sila pero hindi nila ako pinansin. I think they're mad at me, kasalanan 'to ni Levi.

Lumayo agad ako nang magtapat kaming dalawa.

"Where are you guys going?" Rinig kong tanong ni Carlo.

Huminto ako sa paglalakad, naupo ako sa hagdan at kunwaring may kinakalikot sa aking cellphone.

"Sa cr, sasamahan namin si Levi. H'wag ka ng sumama. You're not allowed there." Si Niña, narinig ko namang mahinang natawa si Carlo. "Tara na?" Aya ni Niña.

"Wait!" Napalingon ako sa hallway nang marinig ang boses ni Aurora, may bitbit syang paperbag. Kung hindi ako nagkakamali, sa paperbag na 'yon nakalagay ang ipinabili ko sa kanya. "Gamitin mo na muna 'to," sambit nya't iniabot kay Levi ang paperbag.

Tumayo ako't naglakad papalapit sa kanila.

"Ah, hehe....." May pag-aalinlangan sa boses ni Levi. "H'wag na, kaya ko naman sigurong tiisi-"

"Kaya nya naman palang mag-tiis bakit ipahihiram mo pa?" Sabat ko, napalunok ako nang sabay sabay silang tumitig sa akin. "Siya ang nagsabi no'n, not me." Sambit ko habang ang tingin ay na sa kisame.

"Don't mind her. Sige na, pumunta na kayo." Sambit ni Carlo, sinamaan ko siya ng tingin ngunit parang balewala lamang ito.

I just rolled my eyes before going back to our classroom. Pagpasok ko, napansin ko agad na masama ang tingin sa 'kin ng lahat. May mali ba sa nagawa ko? Gumanti lang naman ako, bakit parang galit sila?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top