Chapter 16
Pauline's Point Of View.
Levi is so pretty, her pink dress suits her perfectly. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatitig sa kanya, mas lalo akong binibihag ng mga mapupungay n'yang mga mata.
She's standing at the stage now, holding a mic. Alam kong hinahanap niya ako dahil kung saan saan napapadpad ang kanyang tingin, hindi ito mapakali. Masyadong madilim dito sa kinatatayuan ko kaya hindi niya ako nakikita, may malaking puno rin na nakatanim dito kaya natatabingan ako.
"P-pao?"
Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses, si Jake. May matamis na ngiting nakakurba sa kanyang labi.
"Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong ko.
"I'm not here to attend the birthday party." sagot niya.
"W-what do you mean?" Naguguluhan kong tanong.
"Na'ndito ako kasi hinihintay kita." Bakas ang tuwa sa kanyang boses.
"A-ako?" Tumango agad siya nang isensyas ko ang aking sarili. "B-bakit ako?" Naguguluhang tanong ko.
Dahan dahang naglakad si Jake papalapit sa akin, wala naman akong ginawa kung hindi ang umatras.
"Until now, I'm still in love with you." Mahinang usal niya, napalunok ako nang makita ang pagka-sinsiro sa mga mata niya. "Gave me a chance to prove it, please."
Inilapit ni Jake ang mukha niya sa akin, umatras ako ngunit hindi ko napansing wala na pala akong tatapakan. Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang mawalan ako ng balanse. Jake immediately grab my wrist, he pulled me closer to him. And we accidentally kiss each other.
Sinubukan kong kumawala sa labi niya ngunit habang mas lalo kong ipinipilit ay mas lalo siyang nagkakaroon ng dahilan para mas lalo itong sakupin.
Pwersahan kong itinulak si Jake nang mapansin si Levi 'di kalayuan sa kinaroroonan namin ngayon, umiiyak siya. Dali dali naman akong tumakbo palapit sa kanya.
"It's not what you think." Naghahabol hininga kong sabi.
"Paano mo nagawa sa 'kin 'to?" Halos pabulong niya ng sabi.
"I'll explain-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sampalin niya ako.
"Akala ko ba mahal mo ako?" Tanong niya habang patuloy sa pag-iyak. "Bakit?"
"H-hayaan mong i-ipaliwanag ko, l-love." I stuttered.
"Then do it!"
Tila ba umurong ang dila ko nang mapansing na sa amin na ang atensyon ng mga taong narito, hindi ko magawang mag-salita.
"What happened?" anang ina ni Levi na kadarating lang.
Hindi naalis ang tingin ni Levi sa akin, hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mga mata niya ang labis na galit.
"Ano?! Bakit hindi ka makapagsalita?" Halos pasigaw niyang tanong, napapikit ako't napakagat sa aking ibabang labi. "S-si Jake b-ba?" Tanong niya. "Siya ba ang ex mo?" Imbes na sumagot ay nanatili na lamang akong tahimik.
Pinaghahampas niya ang dibdib ko, wala naman akong magawa kung hindi ang tanggapin ang mga ito. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak, naiinis ako sa sarili ko dahil ko man lang magawang punasan ang luha niya. Tila ba katulad ng dila ko ay nanigas na rin ang katawan ko rito sa kinatatayuan ko.
"Kaya ka ba nag-sorry kanina?" Tanong niya, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Wala sa akin ang kanyang tingin kung hindi na kay Jake. "Ganda ng regalo nyo, ah." Nangiinsulto niyang sabi kasunod ng malakas na pagpalakpak at pekeng pagtawa. "Grabe! Ang ganda, natuwa ako!" Sambit niya habang patuloy pa rin sa pagluha.
Umalis si Levi, naiwan ako ritong nakatayo habang pinakikinggan ang samo't saring opinyon ng kanyang mga kamaganak.
"How poor she was." sambit ng pamilyar na boses. Nilingon ko ito. "My cousin and I are mortal enemies pero 'yong ginawa mo? I won't forgive you!" Singhal niya.
Hinila nito ang buhok ko, napaka-lakas niya. Kinaladkad niya ako palabas ng village, at hindi ko inaasahang susunod sa akin si Jake. He's with tito Ralph, his dad.
"Kaya mo ba sinaktan ang pinsan ko kasi gumaganti ka?!" Barumbadong tanong nito.
"A-anong gumaganti?" Inosente kong tanong. "A-anong ibig mong sabihin-" naputol ang sasabihin ko nang sampalin niya ako.
"Gumaganti ka dahil nasaktan ka namin ni Jake!" Sigaw niya.
Kumunot ang noo ko, habang tumatagal ang konbersasyon naming dalawa ay nakikilala ko ang boses niya. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari mga ilang buwan na ang nakalipas. Nagkamali ako. Hindi boses ni Levi ang narinig ko noon, kundi boses ng babaeng kaharap ko ngayon.
Napapikit ako nang akma niya akong sasampalin.
"Jewel, stop!" Si Jake, iniharang niya ang katawan niya sa akin dahilan para sa kanya tumama ang palad ng babae.
"Don't you dare to stop me!" anang babaeng nagpakilalang pinsan ni Levi. "Oo! Aaminin ko! Hindi kami magkasundo ni Levi pero oras na naagrabyado ang pinsan ko, makakapatay ako!" Sigaw nito.
"It's me! Ako ang may kasalanan!" Depensa ni Jake.
"Kung talagang concern ka sa pinsan mo. Puntahan mo s'ya, comfort her." Sabat ni Tito Ralph.
Hindi naman na nagreklamo pa si Jewel, tumakbo s'ya pabalik sa bahay nila Levi at naiwan kami rito sa labas. Hinarap ako ni Jake, umatras ako nang akma niya akong hahawakan. Iniangat ko ang tingin ko't binigyan ko s'ya ng matalim na tingin.
"I'm sorry, it was my fau-" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang sya'y aking sampalin.
"Look what you've done!" Sigaw ko, hindi nakasagot si Jake. "I love her!"
Tumulo ang mga luha ni Jake, gano'n din ang sa akin.
"But I love you!" he whispered.
"You fucking what?!" Galit kong sigaw.
"Until now, mahal pa rin kita. Isa pa, hindi naman tayo nag-break, e." Sambit nya, nagpantig ang pandinig ko.
"Anong sabi mo? Pakiu-"
He grabbed my arm then kissed me again, nagpumilit akong kumawala ngunit napakahigpit ng pagkakahawak niya sa akin. Agad ko siyang sinampal ng bitawan niya ang labi ko.
"Stop this nonsense!" Halos pabulong kong sabi. "Oo, aaminin ko hanggang ngayon mahal pa rin kita pero hindi na 'yon gano'n kalalim katulad ng dati." Sambit ko.
"Then you admit it."
Napalingon ako sa gate nang marinig ang boses ni Levi, namumugto ang mga mata niya at halos burado na rin ang kolorete sa mukha niya.
"No, it's not what I meant. Mali ang narinig mo." Malumanay kong sabi.
"Go home, mag-usap na lang tayo kapag handa na ulit kitang harapin." She said.
"No! Mag-usap na tayo ngayon, love!"
Lumapit ako sa kanya ngunit hindi pa man ako tuluyang nakalalapit ay humarang na ang tatlong lalaki, umatras ako dahil sa laki ng katawan ng mga ito.
"Narinig mo ang sinabi ng anak ko, go away!" Sigaw ng ina ni Levi.
Muli kong sinulyapan si Levi, agad siyang umiwas nang magtama ang aming mga tingin.
"Sige. Uuwi ako pero bukas, mag-usap tayo." Eksaktong pagtalikod ko sa kanila ay dumating si Ate Mina.
"Anong nangyari?" She asked but I refuse to answer, nagdere-deretso ako sa kotse. "Uuwi ka na ba?" Muling tanong ni Ate Mina, tumango lamang ako.
Nang makarating sa bahay ay dumeretso agad ako sa aking kuwarto, tinanong din ako ng aking ina kung ano ang nangyari ngunit nilagpasan ko lamang s'ya. Sa palagay ko ay hindi ko kayang ipagsabi sa iba kung ano man ang nangyari ngayon.
Buong gabi akong umiyak, ni hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Nahihirapan ako, hindi ko alam kung paano ko pa haharapin si Levi sa kabila ng lahat. Pero may pagkakamali naman talaga ako, aaminin kong kahit nagalit ako ay nagustuhan ko rin ang ginawa ni Jake.
Kinabukasan...
I received a text message from her saying na magkita na lamang kami sa aming tagpuan, sa San Juan.
Hindi ko na hinintay pang matapos ang maghapon, dali dali akong gumayak at nagtungo sa San Juan. Nang makarating ay naupo agad ako, ilang oras din akong naghintay dito sa tila ba kubong nirentahan ko. Malapit nang lumubog ang araw ngunit wala pa rin si Levi, hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-isip kung pupunta ba siya o hindi.
"Kanina ka pa?"
Napalingon agad ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Levi, she's wearing a white sleeveles top with a pair of a denim jeans. Lumapit ako para yumakap ngunit lumihis siya, natulala lamang ako at pinanood siyang maglakad palapit sa upuan.
"Dito ko nakita si Jake noon, nagkita ba kayo?' Tanong niya.
Nagunot ang noo ko. "K-kailan?"
"Before our monthsarry, I guess?" Si Levi sa malamig na tono, kagabi lamang kami hindi nagka-usap ngunit para bang napakarami ng nagbago sa kanya. "Mahal mo pa ba sya-"
"Hindi." Sagot ko.
"Hindi pa ako tapos." Masungit niyang sabi, napatango na lamang ako bago lumapit sa kanya at maupo sa tabi niya. "Uulitin ko, mahal mo pa ba sya? Totoo lang ang gusto kong marinig." sambit niya. Masungit man ang tono ng pananalita niya ngayon ay bakas pa rin dito ang panginginig at pagpipigil ng kung ano. "Sumagot ka, mahal mo pa ba-"
"Hindi ko alam!" Sigaw ko, napahilamos ako sa aking mukha at pumikit na lamang. "Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko." naiiyak kong sabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Mahinahon niyang tanong.
"My mind says no, but my heart says yes." I answered.
"So, you still love him?" Muli niyang tanong.
"I don't know." I whispered.
"But you says, your heart says yes." Sambit niya, dahan dahan kong iniangat ang tingin ko't nilingon siya. Tumango ako na may pag-aalinalangan. "Then, always choose what your hearts desire." Sambit niya habang may mapait na ngiting nakakurba sa kanyang labi.
"No, I wanted to be with you." sa pagkakataong ito ay hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.
"I also wanted to be with you pero hindi puwede dahil mas mahal mo s'ya kaysa sa akin." mahinang usal niya.
Hinawakan ko ang kamay niya, nanginginig ang mga ito. Tinitigan ko ang kanyang mukha habang patuloy pa rin sa pag-luha. Nanatili ako sa gano'ng posisyon hanggang sa unti unti na ngang naging kahel ang kaulapan, malapit ng lumubog ang araw.
"The sunset is beautiful, isn't it?" Sambit ni Levi, nilingon niya ako at binigyan ng mapait na ngiti. "Sa ngayon, hanggang dito na lang muna tayo." Mahinahong sambit niya. Kumunot ang noo ko kasunod ng pag-iling. Bumaba ang tingin ni Levi sa mga kamay naming ngayon ay magka-hawak. "Mahal kita, mahal na mahal." Halos pabulong niyang sabi bago tumayo. "I love you, good bye."
Hinawakan ko ang braso niya. "Please, don't leave me like this." Pagmamakaawa ko.
"Wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang katotohanang...mahal mo ako pero mas mahal mo s'ya." Sambit niya.
"I'm sorry!" Umiiyak kong sabi. "You are the love of my life, Love. I'm sorry kung nasaktan kita." sambit ko.
"It's okay." sambit niya bago dahan dahang bawiin ang braso niya. "Sa oras ng pagbalik ko, pupuntahan kita. At siguraduhin mong masaya ka dahil kung hindi, pagtatawanan kita." Dagdag niya sabay papekeng natawa, pinunasan niya pa ang mga luha ko bago sumenyas na aalis na.
Uuwi na sana ako ngunit hindi ko inakalang susundan ako rito ni Jake, pagbaba ko ng kubo ay sinalubong niya agad ako ng mahigpit na yakap. Iyon bang yakap na "dito ka na lang, h'wag ka ng umalis pa sa tabi ko".
"Kinausap niya ako." sambit ni Jake. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko't sya'y nagtatanong na tinitigan. "Sinabi n'yang bumalik ako sa'yo, mahalin kita ng buo tulad ng pagmamahal niya sa 'yo. At 'yong nangyari noon? Ipinapangako kong hindi na 'yon mauulit pa, hindi lang 'yon basta pangako dahil isinumpa ko na 'yon." Habang sinasabi ni Jake ang bawat salita ay hindi ko napigilang hindi maging emosyonal. "Mahal kita, puwede bang ligawan kita ulit?" Tanong ni Jake.
Napangiti ako. "Ligaw lang muna. Hanggang hindi ko nakakalimutan si Levi, hindi kita sasagutin." Sambit ko.
Nag-pout si Jake. "Paano kung hindi mo s'ya makalimutan?" Nakanguso nyang tanong.
"Edi hindi kita sasagutin." sambit ko.
"Gano'n?" May pagtatampo sa tono nya.
"Hindi." Sagot ko.
"E, ano?" Interesado niyang tanong.
"Hanggang hindi nagiging masaya si Levi, hindi tayo babalik sa dati." bahagya pa akong natawa bago s'ya talikuran.
...
Katulad ng mabilis na paglubog ng araw ay mabilis ding lumipas ang panahon. Sampung taon na rin ang nakalipas at masasabi kong unti-unti na akong nakakabangon, unti-unti ko na rin siyang nakakalimutan. At si Jake naman ay hindi tumigil sa panliligaw sa akin.
Naka-graduate na ako sa kurso kong agrikultura. Nabili ko na rin ang isa sa pinaka-mahalagang lugar sa buhay ko, ang tagpuan namin ni Levi. Tinawag ko itong 'Ang tanaw ng bukas' at ngayon, masasabi kong masaya na ako sa buhay na mayro'n ako.
"Pao!" Si Jake, bigla akong kinabahan nang matanaw na nagmamadali s'ya.
"A-anong nangyari? Bakit?" Taranta kong tanong.
"I have a news about Levi!" Sigaw niya, nanlaki ang mga mata ko at tila ba may nabuhay na parte sa puso ko. "Tignan mo 'to." Iniabot niya sa akin ang cellphone niya, it was Levi. "She looks happy, right?" He asked, kunot noo ko naman siyang nilingon.
"Ang sabihin mo, gusto mo nang magka-balikan tayo!" May halong inis kong sabi, but he just laughed.
It was Levi's instagram post, sent by Aurora, our friend. Nakatalikod si Levi sa picture, ang tingin niya ay nakapako sa kulay kahel na ulap sa harapan niya.
"Fully healed, now happy."
Her instagram caption. Jake was right, she look sa happy right now.
Malapad na ngiti ang kumurba sa aking labi nang mabasa ang mga ito.
"Masaya akong masaya ka na." nakangiti kong sabi bago ibalik kay Jake ang cellphone. "I think we need to move." I said.
"Move? Bakit? Ayaw mo na ba rito?" Sunod sunod n'yang tanong.
I shook my head before placing my arm on his neck. Inilapit ko ang mukha ko sa leeg niya. "Let's move to our next plan." I whispered.
"Plan? What plan? Having a baby?" He asked, I giggled when he smiled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top