Chapter 15

Naging matagumpay ang pagpapanggap namin ni Jake, ang problema nga lang ay hindi namin alam kung paano ito tatapusin. Bukas na ang kaarawan ko, at hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari. Para bang may kirot sa puso kong hindi maipaliwanag ng kahit ano mang salita.

"Advance happy birthday!" Bati ni Jake, tinapik-tapik niya ang kanang braso ko bago naupo sa tabi ko. "So, anong plano?" Tanong niya, dahan dahan ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay.

"Bakit ako?" Taas kilay kong tanong.

"Ako na no'ng una ah, ikaw naman ngayon." Reklamo niya.

"Tapusin na natin?"

"Mabuti pa nga siguro, para hindi na tayo mamroblema pa sa susunod." Tugon niya, tumango na lang ako.

Tumayo ako't lumakad palayo kay Jake at nagpunta sa dining, eksakto namang naroon sina Mommy at Daddy. Dali dali akong lumapit sa aking ama at humalik.

"Good morning, dad!" Bati ko.

"Good morning, have you seen your fiance?" He asked, tumango naman ako't papekeng ngumiti.

"Good morning, mom!" Bati ko sa aking ina, lumapit ako sa kanya at akmang hahalik nang tumayo s'ya.

"What's wrong?" My father asked, hindi sumagot si Mommy.

Magmula no'ng nalaman nya na may relasyon kami ni Pao ay lumayo na nang tuluyan ang loob niya sa akin, kinakausap niya lang ako kapag kaharap ang mga magulang ni Jake.

Naupo ako't kumain, nang matapos ay agad akong nagpaalam. Halos isang linggo na rin kasi no'ng huli kaming magkita ni Pao kaya nag-settle ako ng date para sa aming dalawa, malapit sa San Juan, ang lugar na madalas naming puntahan.

"Akala ko nakalimutan mo na 'ko." pagbibiro ni Pao.

Nilingon ko s'ya, eksakto namang nagtama ang tingin naming dalawa. Iba ang mukha niya ngayon, hindi na s'ya mukhang maton. Babaeng babae na siyang tingnan.

"Tomorrow is my birthday, h'wag kang mawawala, ah?" Sambit ko, napangiti s'ya.

Hinawakan ni Pao ang baba ko at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa akin.

"Sobrang saya kong nakilala kita." sambit niya bago pinasadahan ng halik ang aking labi.

"Sana hindi na matapos 'to." bulong ko. "Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka." dagdag ko. Hinawakan ko ang leeg niya at tinitigan ko ang kanyang mga mata, para itong bituing nagniningning sa kalangitan. "Your eyes are giving me a new light for tomorrow." Dagdag ko bago s'ya hinalikan.

"I love you!" She whispered, her voice was so sexy.

"I love you, more than you do!"

Kumawala kami sa yakap ng isa't isa. Muli kong tinitigan ang mga mata niya, may namumuong luha sa mga ito para bang sinasabing "pasensya ka na" ngunit imbes na pansinin 'yon ay ibinaling ko na lang ang aking tingin sa kalangitan. Katulad ng palagian naming ginagawa, pinanonood namin ang paglubog ng araw.

Nang dumilim na ay agad din kaming naghiwalay ni Pao, umuwi s'ya gano'n din ako. Habang na sa biyahe, hindi ko maiwasang hindi isipin ang aking nabasa sa kanyang mga mata. Ano kaya ang ibig sabihin no'n?

Iwinaksi ko ang isiping 'yon.

Pagbaba ko ng kotse, sinalubong agad ako ng aking ina. Nakatayo s'ya sa tapat ng pinto at deretsong nakatitig sa akin, hindi ko alam pero may kakaiba sa asta niya ngayon. Nang makalapit ako sa kanya, tanging gulat at pagtataka na lamang ang naramdaman ko nang ako'y kanyang yakapin, napakahigpit ng yakap ni Mommy.

"Pasensya ka na sa nangyari noon ha? Hindi ko lang talaga natanggap kasi ang hirap, hindi ko naintindihan agad." Bulong niya, kumunot ang noo ko. Hindi ko s'ya maintindihan, kumalas s'ya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "I wanted you to be happy, anak." Sambit niya habang may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"W-what d-do you m-mean, mom?" Naguguluhang tanong ko.

"Nagka-usap kami ng daddy mo, and he said na sundin na lang namin ang gusto mo kasi buong buhay mo naman kami ang nasusunod but this time..." Ngumiti s'ya at 'di nagtagal ay tumulo ang mga luhang kanina niya pa pinipigilang bumagsak. "Hahayaan naming ikaw naman." She said.

Awtumatiko akong napangiti nang marinig 'yon. "Napakaganda pong regalo n'yan, Mommy." Masayang sambit ko at saka s'ya niyakap. "Thank you po!" Naramdaman ko ang mainit na likidong namuo sa mga mata ko. "Hindi ko po maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko, mom. Thank you very much!" I added.

Halos trenta segundo rin ang lumipas bago tuluyang umagos ang mga luha sa aking mga mata.

"Sige na, go to your room. Maaga pa tayo bukas." hinimas ni Mommy ang noo ko't hinalikan.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko.

"Before we celebrate your birthday, pumunta muna tayo sa church." Sagot niya, napatango naman ako't napangiti. "Matagal-tagal na rin no'ng huli tayong nagsimba ng magkasama, at ang gusto ko. Isama mo si Pao." she said.

Napangiti ako't muli siyang niyakap. Kung may pinakamasayang tao man sa gabing ito, ako 'yon. Wala na akong dapat na ikatakot pa, tanggap na ni Mommy at sigurado na rin akong wala ng dahilan pa para ituloy ang kasal.

Kinabukasan, tulad nga ng sinabi ni Mommy kagabi ay maaga kaming nagpunta rito sa simbahan. Hindi nakasama si Pao dahil sinamahan niya ang Mommy niya kagabi sa Bulacan, at mamayang hapon pa ang uwi nila.

'Where's your bo-girlfriend? I don't know what to call her." anang aking ama 'tsaka natawa. "So, where's her?" He asked in a serious tone of voice.

"She's at the Bulacan, dad. But she'll attend my birthday party, once they get back here." I answered, tumango naman s'ya.

Napansin ko ang pag-ilaw ng cellphone ko, kinuha ko ito agad at awtumatikong napangiti nang makita sa screen ang pangalan ni Pao. She's calling...

[Good morning, love of my life! Happy birthday, I love you!] Bungad ni Pao mula sa kabilang linya, malapad na ngiti ang kumurba sa aking labi.

"Thank you, love. I love you too!" Nakangiti kong sabi. "H'wag kang mawawala mamaya ha?" Nakanguso kong sabi.

[Sigurado ako, mas mahaba na naman sa nguso ng bangus 'yang labi mo] she giggled.

"Hoy! Hindi, ah!"

[Weh ba?] Pangungulit niya.

"Hindi nga!"

[Oo na nga, basta pupunta ako mamaya. Wait for me, okay?] Malambing niyang sabi.

"Opo, bilisan mo ha?"

[Kung kinakailangang mag-teleport ako para makarating agad sa'yo, gagawin ko] she said.

"Oo na, sige na baka mamaya may ginagawa ka. Good bye, I love you!" Sambit ko bago tuluyang ibaba ang tawag.

"Levi!"

Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses, nagulat ako nang makita si Jake. Nakatayo s'ya ngayon sa tapat ng isang kulay itim na sports car.

"Hmm...anong ginagawa mo rito?" I asked.

"I just wanted to greet you, congrats and happy birthday!" Sambit niya habang may matamis na ngiting nakakurba sa kanyang labi.

"Thank you!" Tugon ko. "But, congrats saan?" Taas kilay kong tanong.

"Congrats kasi hindi na matutul-"

"Ah, yeah!" Pagputol ko sa sasabihin niya. "So, what's your plan?" I asked.

He smiled.

"I want to go back to her, gusto kong magsimula ulit kasama s'ya dahil alam kong mahal niya pa ako."

I place my arm on his neck.

"I'm so happy for you, ngayon pa lang." Sambit ko, nagtatanong niya akong tinitigan. "Congrats na agad!"

He smiled again.

"Thank you! But, I'm sorry." He said, unti unting nawala ang ngiti sa labi niya.

"B-bakit?" Naguguluhan kong tanong.

"Sige na, aalis na ako. Hinihintay na ako ni Daddy." nagmamadali niyang sabi bago ako talikuran at tuluyang lumakad palayo.

Sinundan ko ng tingin si Jake, halatang nagmamadali s'ya.

"Si Jake ba 'yong kausap mo kanina?" Tanong ni Mommy.

We're on our way home now.

"Yes, mom. We talk about his plans," sagot ko.

"Plans? Anong plans?" Tanong niya, halata ang pagka-interest sa tono ng pananalita ni Mommy.

"Honey, stop, okay? You're not a reporter." sabat ni Daddy.

"Okay, fine." Tugon ni Mommy, narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya matapos sabihin ang salita.

Lumipas ang maghapon.

Dumating dito sa bahay ang mga kamaganak ni Mommy mula Manila, halos buong maghapon ay wala akong ibang ginawa kung hindi sagutin ang lahat ng katanungan nila. At sa hindi inaasahan nga ay natapat ang usapin sa pagkakaroon ko ng kasintahan.

"Hindi raw matutuloy ang kasal? Bakit? May boyfriend ka na ba, Levi?" Tanong ni Tita Min.

Nilingon ko pa si Mommy bago bigyang pansin ang aking tiyahin, walang emosyong nagpakita sa mukha ng aking ina.

"Po? Eh, ano po k-kas-"

"Boyfriend wala but girlfriend?" Napalingon ang lahat kay Jewel, ang pinsan ko. "Meron." Pagpapatuloy niya sa sasabihin, kumunot ang noo ko.

"Totoo ba? Bakit babae pa?"

"Nakakahiya!"

"Hindi ba s'ya nagiisip ng tama?"

"Hindi niya na binigyan ng kahihiyan ang mga magulang niya."

"Sa kinarami-rami ng lalaki, bakit babae pa?"

"Hindi ako agree na hindi itutuloy ang kasal."

Napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi nang marinig ang mga komento galing sa aking mga kamaganak, saglit akong napapikit bago ibaling ang tingin kay Jewel na ngayon ay nakasandal sa pader habang may malapad na ngising nakakurba sa labi. Kumuyom ang kamay ko, akma ko na sana siyang lalapitan nang humarang si Mommy sa aking daraanan. Hinila ako ni Mommy palayo sa living room.

"Kahit kailan talaga epal ang Jewel na 'yan!" May halong inis na sambit ni Mommy habang ang kanang kamay ay nakasapo sa kanyang noo. "Napaka-pakialamera!" Dagdag niya pa. Nanahimik na lamang ako't 'di na nagkomento pa. "Sige na, maligo ka na. Papupuntahin ko na lang 'yong make-up artist dito, at 'yong gown na isusuot mo, ilalabas ko na rin." Sambit ni Mommy, napatango na lang ako bago pumasok ng cr.

Lumipas ang halos isang oras. Sumilip ako sa balcony at nakita ko ngang marami ng bisita ang nagdadatingan.

"You're so gorgeous, bumagay sa'yo ang suot mo." Sambit ng tao sa likuran ko, dahan dahan ko itong nilingon at awtumatikong napangiti nang makita ko si Pao. "Happy birthday, love!" Bati niya, lumapit s'ya sa akin at ako'y niyakap.

"Thank you, love!" Nakangiti kong sabi.

Hinawakan ni Pao ang leeg ko, ilang segundo rin kaming nagtitigan bago niya ako hinalikan. Pao is wearing a americano suit, it make her more attractive. Tumagal ang halikan naming dalawa.

"Since legal age na ako, puwede na tayong pumunta sa america at magpakasal." Sambit ko ngunit nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang blangko ang kanyang reaksyon. "B-bakit? M-may problema ba-"

"Levi, bumaba ka na raw. Maguumpisa na." si Ate Joy.

Tumango ako at ngumiti. Nauna si Pao na lumabas, si Ate Joy naman naiwan. Inalalayan ako ni Ate Joy sa paglalakad hanggang sa makarating kami rito venue, tapat lang ito ng garden namin. Mula no'ng magkahiwalay kami kanina sa kuwarto ay hindi ko na nakita pa si Pao, natapos na't lahat ang okasyon ngunit ni anino nya ay wala.

"Saan kaya s'ya nagpunta?" Tanong ko sa aking sarili habang palinga linga.

"Sinong hinahanap mo?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng pinsan kong si Jewel. "Si Jake ba?" She asked.

"A-ah, hin-"

"Nandun s'ya, she's kissing your GIRLFRIEND." Sambit ni Jewel na nakapagpatigil sa akin.

Sinundan ko ang hintuturo ng aking pinsan na nakaturo sa kung saan at laking gulat ko nang makita si Pao at Jake na naghahalikan, napatakip agad ako sa aking bibig habang ang mga mata ko'y nanlalaki dahil sa gulat. Bigla na lang akong nakaramdam ng panghihina, hindi ko maigalaw ang aking mga paa para akong kandilang unti unting nauupos mula sa aking kinatatayuan.

"I heard a while ago that they used to be lovers." Muling sambit ni Jewel, halata namang nagsisinungaling s'ya. "Kung iniisip mong nagsisinungaling ako, try to ask them." Dagdag niya.

Wala akong magawa kung hindi ang panoorin sila habang ako'y lumuluha. Katulad ng mga paa ko, tila umurong ang aking dila, hindi ako makapagsalita.

Bakas ang labis na gulat sa mga mata ni Pao nang magtama ang tingin naming dalawa. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin 'tsaka yumakap ng mahigpit.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top