Chapter 14
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan kong si Aurora.
"Grabe naman ang ina mo, hindi ba puwedeng tanggapin na lang? Sinampal ka pa talaga." si Niña.
Walang salitang lumabas sa bibig ko, nanatili akong tahimik hanggang sa matapos ang klase. Pagka-labas ko ng campus, hindi ko inasahang makikita ko si Jake. Kasama niya si Kuya Rodel, palagay ko ay sila ang susundo sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" Walang gana kong tanong nang magtapat kami.
"My dad wanted me to pick you up." Sagot niya.
Bumuntong hininga ako't umirap bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse, nang akmang sasakay na si Jake ay sinarado ko agad ang pinto.
"Kuya Rodel, tara na." Sambit ko sa aming driver, hindi naman na s'ya nagreklamo. "Paki-hatid po ako sa San Juan." sambit ko.
Nilingon ko ang kinatatayuan ngayon ni Jake, napakunot ang noo ko. Wala man lang akong nakitang inis o galit sa mga mata niya, para bang masaya pa siyang iniwan namin s'ya ro'n.
Medyo may kalayuan ang San Juan sa AU kaya ilang minuto rin kaming bumiyahe. Nang makarating sa anggake ay agad kong nakita si Pao, bumaba agad ako at dahan dahang naglakad papalapit sa kanya.
"Love!" Tawag ko sa kanya, nilingon niya ako. "Kanina ka pa ba?" Tanong ko, umiling s'ya. "Sandali lang, pauuwiin ko lang si Kuya Rodel." Paalam ko sa kanya, tumango lamang s'ya.
Napansin ko ang pagiging tahimik ngayon ni Pao, ni wala man lang kahit isang salita na lumabas sa bibig niya.
"Kuya Rodel, mauna na po kayong umuwi." Sambit ko.
"Ay! Hindi puwede, e. Mapapagalitan ako ng Mommy mo." tugon niya. "Pero kung gusto mo, lalayo muna ako para makapag-usap kayo." Sambit ni Kuya Rodel, napatango naman ako't napangiti.
"Sige po, salamat!"
Habang naglalakad pabalik kay Pao, napansin ko ang isang pamilyar na lalaking dumaan sa harap niya. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tuluyang makalayo, eksakto namang na sa harap na ako ni Pao.
"Sino 'yon?" Tanong ko.
"Mukha bang alam ko?" Masungit niyang tanong.
"M-may problema ba tayo?" Tanong ko, dahan dahan kong ipinantay ang aking mukha sa mukha nya. "Sabihin mo para maayos agad natin." dagdag ko.
"Bakit bigla mo na lang akong binabaan kagabi?" Tanong niya habang ang tingin ay nakapako sa kung saan.
"H-ha? Anong ibinaba? Ang alin?" Naguguluhan kong tanong, nilingon niya ako't tinaasan ng kilay. "A-ah! Yung tawag ba?" Tanong ko, tumango naman s'ya. "Bigla kasing dumating si Mommy, at narini-"
"Ano 'yan?" Pagputol niya sa sasabihin ko, agad akong yumuko at tinakpan ang aking kaliwang pisngi nang mapansin niya ang pasa sa mukha ko. "Sinaktan ka ng Mommy mo?" Tanong nya, imbes na sumagot ay nanatili na lamang akong tahimik. "Sabihin mo sa 'kin." dagdag pa niya.
"A-alam na ni Mommy ang tungkol sa atin." mahina kong usal habang nakayuko.
Napansin kong iniangat ni Pao ang mukha niya kaya napatingin ako rito, bakas ang gulat at pagtataka sa reaksyon nito.
"P-paano?" Tanong niya habang nanlalaki ang mga mata.
"That's the reason kung bakit ibinaba ko agad ang linya ko, narinig nya na naguusap tayo." Tugon ko.
"A-anong sabi niya?" Muling tanong niya, bakas sa boses at ekspresyon niya ang pagka-interest.
"N-nagalit, gusto n'yang hiwalayan kita." Sambit ko, mabilis namang nagbago ang reaksyon nya. "M-may sasabihin pa ako." dagdag ko.
"A-ano 'yon?"
"I-i-i..."
"I ano?" Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. "Ano? Sabihin mo na." pangungulit niya. Niyugyog niya pa ang braso ko.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo." sambit ko habang ang tingin ay na sa mga paa kong umiindayog.
"Sabihin mo na, parang masasaktan naman ako sa sasabihin mo." Sambit niya at bahagyang natawa, nang matapos n'yang sabihin ang mga salita ay para bang may kumirot sa puso ko.
"K-kasi..." Hinawakan ni Pao ang palad ko't hinimas. "I-ikakasal na ako." nakapikit kong sabi.
"H-ha?" Hindi makapaniwalang sambit ni Pao.
"Totoo...pero hindi ko siya gusto at ayaw kong matuloy ang kasal." Paliwanag ko.
"B-bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong niya, bakas sa boses ni Pao ang panginginig.
"A-ang akala ko kasi hindi matutuloy. Tapos kagabi, dumating sila sa bahay." Sambit ko, ni hindi ko magawang imulat ang aking mga mata. Ayaw kong makita ang reaksyon niya. "I'm sorry, love. Ngayon ko lang nasabi sa 'yo."
"O-okay lang, ang mahalaga. Mahal natin ang isa't isa." tugon niya. Para bang may naramdaman akong kakaiba nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. "Oh, bakit?" Tanong ni Pao at bahagyang natawa.
"W-wala." tugon ko't papekeng tumawa.
"M-may sasabihin din pala ako." sambit niya. Nilingon ko siya at nagtatanong na tinitigan. "Naikuwento ko na ba sa 'yo 'yong ex boyfriend ko?" Tanong niya.
"Hmm..." Saglit akong nag-isip, at agad ding umiling nang maalalang hindi pa.
"Bumalik s'ya." sambit ni Pao. Napansin ko ang malapad na ngiting kumurba sa kanyang labi. "Masaya ako, dahil ikakasal na s'ya pero ang sakit pala." Dagdag niya, nanatili lamang akong tahimik. "Halos ilang buwan na rin ang lumipas, feeling ko nga hanggang ngayo-"
"Mahal mo pa rin s'ya?" Pagputol ko sa sasabihin niya, nilingon ako ni Pao. "Okay lang naman sa 'kin kung sasabihin mo, basta 'yong totoo." Dagdag ko.
"Oo, pero hindi na gano'n kalalim dahil nandya'n ka na. Ikaw na ang mahal ko." sagot niya.
"Nandya'n ka na? ...Anong ibig sabihin no'n? Kung wala ba ako mas mahal mo s'ya?" Sunod sunod kong tanong, lulubusin ko na ang pagkakataong malaman ko ang totoo.
"Hindi naman sa gano'n, love. Syempre mahal kita, at walang mababago ro'n bumalik man s'ya sa buhay ko o hindi." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi't hinalikan ang dulo ng aking ilong. "Ikaw lang ang mahal ko, Levi. Ikaw lang, tandaan mo 'yan." Halos pabulong niyang sabi sabay halik sa labi ko.
"Talaga?" Tanong ko, tumango naman s'ya. "Sus! Baka mamaya n'yan isang sabi lang no'n sa'yo na mahal ka pa niya, sumama ka na't iwan ako." Nakanguso kong sabi, napailing lamang si Pao at natawa.
"Love, tingnan mo oh! Ang ganda ng clouds do'n!" Turo ni Pao sa kaliwang bahagi ng kaulapan, sinundan ko ng tingin ang daliri n'yang nakaturo rito. "Ang ganda, parang ikaw." She chuckled, hinampas ko ang braso n'ya at umirap. "Oh, bakit? Hindi ba totoo?" Tanong niya, sumimangot na lamang ako't bahagyang natawa. "Sa bagay, mas maganda nga pala ako sa'yo. Ikaw unang nainlove, e." Sambit niya at sana tumawa.
"Hindi ko ipagkakaila 'yon 'no." tugon ko.
"Talaga ba?" Sambit niya na para bang nang-aasar.
Tinusok ni Pao ng daliri niya ang tagiliran ko, muntik na akong malaglag dahil sa gulat. May kiliti ako sa bahaging 'yon.
Eksaktong paglubog ng araw ay nag-kanya kanya na ulit kami, sinundo si Pao ng driver nila at umuwi na rin kami ni Kuya Rodel. Sa kahabaan ng biyahe, nakatulog ako. Nagulat na lamang ako pag-gising ko, narito na ako sa loob ng kuwarto.
"S-sinong nag-akyat sa'kin dito?" Gulat kong tanong sa aking sarili, luminga linga pa ako hanggang sa tumama ang tingin ko sa tapat ng pinto kung sa'n nakatayo ngayon si Jake. "Anong ginagawa mo rito?" Inis na tanong ko. "Hoy! Anong gagawin mo?!" Sigaw ko.
Pumasok s'ya rito sa loob at ini-lock ang pinto, ni wala man lang pakundangan. At talagang naupo pa s'ya sa tabi ko.
"H'wag kang tumayo." Hinila niya ang braso ko, nawalan ako ng balanse at bumagsak sa kama. "May sasabihin ako!" Si Jake sa mataas na boses.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Inis kong sabi at pinaghahampas ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Umayos ka nga! Baka makita tayo ni Mommy!" Dagdag ko.
Napapikit ako nang lumapit s'ya sa akin at ako'y yakapin. "Edi, maganda para isipin ng Mommy mo close na close na tayo." Bulong niya, kumunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Alam kong ayaw mong matuloy ang kasal at tulad ko, 'yon din ang gusto ko kaya magtulungan tayo." Sambit niya na ikinagulat ko, kaya pala parang wala lang sa kanya na iniwan ko s'ya. "Pero mali 'yong ginawa mo kanina, dapat hindi mo ako iniwan." May halong inis n'yang sabi, natawa na lamang ako.
May inilapag si Jake sa harap ko, isang notebook. Iniabot niya sa akin 'yon at sumenyas na basahin ko, agad ko naman itong kinuha at binuklat. Nagulat agad ako nang makita ang nakasulat sa unang page ng notebook.
"Plan A, oplan itigil ang kasal?" Nilingon ko si Jake, tumango naman siya 'tsaka ngumiti. "Bakit ayaw mong ituloy ang kasal?" Tanong ko habang binubuklat ang bawat pahina ng notebook.
"Bakit? Nagbago na ba isip mo? Gusto mo na ba akong pakasalan?' Sunod sunod n'yang tanong, kumunot ang noo ko't umiling. "Ang totoo n'yan, mahal ko pa ang ex ko. Gusto ko syang balikan."
Muli ko siyang nilingon. "Talaga? Eh, bakit hindi na lang 'yon ang gawin mong dahilan?" Tanong ko.
Umiling s'ya.
"Hindi puwede, mas lalong magkakaroon ng dahilan ang mga magulang natin na ipakasal tayo." Sagot niya, napatango na lang ako bago binasa ang mga nakasulat sa notebook.
"Script ba 'to?" Tanong ko kay Jake.
"Oo, ginawa ko 'yan kagabi." Sagot niya.
"Bakit mayro'n ka nito?" Muli kong tanong.
"Para planado ang lahat at para hindi ka magkamali." sagot niya.
Napatango na lang ako. Kinabukasan. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko nang tumama ang mainit na sikat ng araw sa mukha ko, si Jake agad ang nakita ko.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko, kinuskos ko pa ang mga mata ko bago tumayo.
"Maligo ka na, bilisan mo. Ngayon na natin gagawin ang plano." nagmamadali niyang sabi.
"Plano? Kung may Plan A, mayro'n bang Plan B?" Tanong ko.
"Malamang, kaya bilisan mo na." Sambit niya sabay tulak sa 'kin papasok ng cr.
Nang matapos maligo, agad kaming bumaba ni Jake. Nairita agad ako nang hawakan niya ang kamay ko, kumunot ang noo ko't hinampas ang kamay niya. Kumunot din ang noo nya na para bang may isinenyas, hindi ko nakuha ang ibig n'yang sabihin kaya umirap na lamang ako. Mauuna na sana akong maglalakad pababa ngunit hinila niya ako't isinandal sa pader, nanlaki agad ang mga mata ko't sunod sunod na napalunok.
"Kailangan maging sweet tayo sa isa't isa." may inis n'yang sabi.
"Ayaw ko nga! Nakakairita kaya, hindi ko kayang gawin 'yon." Sambit ko.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang isandal ni Jake ang kamay niya sa pader, malapit sa ulo ko. Inilapit niya rin ang mukha niya sa akin, ilang beses ko siyang sinubukang itulak ngunit hindi ko s'ya kaya, masyadong matigas at mabigat ang katawan niya.
"A-anong ginagawa nyo?" Napalingon agad ako kay Mommy na paakyat pa lang ngayon ng hagdan.
"Si Jake kasi Mom!" Sigaw ko, tinapunan ko ng tingin si Jake bago muling ibaling ang atensyon sa aking ina. "M-masyado kasi syang sweet, e, pinasukan tuloy ng langgam ang tainga ko." Nakanguso kong sabi.
Ngumiti si Mommy at napatango bago muling lumakad, nang makalayo ay agad kong itinulak si Jake.
"Ano 'yong ginawa mo? Wala 'yon sa script ha!" Sambit ni Jake.
"Kung 'yong script ang sinunod ko, edi hindi naniwala ang nanay ko." Inis kong sabi.
"Tara na nga, bumaba na tayo. Basta sweet ha? SWEET." Pagdidiin niya sa huling salita, napatango na lang ako bago hawakan ang kamay niya.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sundin ang gusto ni Jake, desperado na akong h'wag matuloy ang kasal. Alam kong gano'n din s'ya.
Pagbaba namin, nadatnan agad namin ang parehas naming mga magulang na nag-aalmusal. Nakaramdam ako ng sakit, humigpit kasi ang hawak ni Jake sa kamay ko. Para bang unti unting nadudurog ang mga buto ko.
"Mukhang close na kayo, ah." Sambit ni Tita Gina, ang mommy ni Jake.
"I'm happy for you, my lovely daughter. I hope your child will be like you, sweet." Sambit ni Daddy kasunod ng malakas na pagtawa, tumawa na lang din ako.
"Sana nga po." tugon ni Jake.
Napalingon ako sa kanya, nilakihan ko s'ya ng mata ngunit iling lang ang isinagot niya. Hinila ni Jake ang isang upuan at inalalayan akong maupo rito, nagsubuan pa kaming dalawa.
"Say ah! The airplane will coming, ah!" He said, ginagawa niya akong bata.
Hanggang sa matapos kumain ay gano'n ang ginawa niya, hindi naman na ako nagreklamo. Pumasok agad kami sa kuwarto, nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Jake. Hindi s'ya normal na yakap, napakahigpit para bang ayaw nya akong bitawan.
"Aray! Ano ba?" Inis kong sabi.
"Ay! Sorry!" Sambit nya't tumawa. "Success!" Pabulong niyang sigaw at saka iniangat ang kanang kamay. "Good job, Levi!" Dagdag niya pa at nakipag-apir sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top