Chapter 13
"It's been a long time, how are you?" Jake asked, tanging mapait na ngiti na lang ang naisagot ko. "I'm sorry." malumanay niyang sabi.
"For what?" Patay malisya kong tanong.
"For all the pain I made you feel." tugon niya. I feel his sincerity.
"No, it's okay. Medyo matagal na rin naman, besides masaya na ako." I answered.
"I'm glad to hear that." he said followed a smile. Napangiti na lang rin ako bago abutin ang isaw. "I miss this kind of bond, Pauline." Jake said, awtumatiko akong napalingon sa kanya nang marinig ito.
"Bond?" Naguguluhan kong tanong.
"Yes, have you forgotten? This kind of bond is our favorite thing to do, no'ng tayo pa." Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung nananadya ba s'ya o ano. "Oo nga pala, I have something to say." He added.
"Spill it then."
"I'm getting married." sambit niya na nakapagpatigil sa akin. "My father decided na pakasalan ko ang anak ng kaibigan nya." Kuwento niya.
"Talaga?" Tanong ko na para bang ngayon pa lamang narinig ang mga salitang 'yon.
"Yes, and I like her.' anang ex kong si Jake habang may malapad na ngiting nakakurba sa labi.
Nakangiti man ay hindi ko nakitaan ng saya ang ngiti niya, maging ang mga mata niya ay wala. Anong ibig sabihin nito?
"Really?"
"I actually don't know." may halong lungkot niyang sabi.
I raised my brows. "You said, you like he-"
"I don't know because until now, mahal pa rin kita." Pagputol niya sa sasabihin ko na muling nagpatigil sa akin.
Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Bakit tila may nabuhay na kung ano sa puso ko? Hindi ba dapat galit ang maramdaman ko dahil sa ginawa niya?
"I-I'm sorry." sambit ko.
Mabilis akong tumakbo palayo kay Jake. Nang makarating sa bahay ay dumeretso agad ako sa cr, naupo ako sa bowl at saka umiyak.
"Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ganito?" Tanong ko sa aking sarili.
Napalingon ako sa short ko nang mag-vibrate ang cellphone ko, tumatawag si Levi.
"H-hello?" Bungad ko.
[L-love? Umiiyak ka ba?] Tanong ni Levi mula sa kabilang linya.
"Ah, hindi, ah. Tumatawa nga ako, e." Papeke akong tumawa.
[Puwede ba tayong magkita bukas? May sasabihin ako] sambit niya.
"Sure, sure. Wala naman akong gaga—hello?........Love?........hello?" Malalim na buntong hininga na lamang ang napakawalan ko nang putulin niya ang linya. "Kinakabahan ako." walang gana kong sabi.
Umangat agad ang tingin ko sa pinto nang marinig ang sunod sunod na katok mula rito, agad kong pinunasan ang aking mga luha bago binuksan ito binuksan. Hindi na ako nagulat nang makita si Ate Mina.
"A-anong nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak?" May pag-aalalang tanong nito sa akin.
"W-wala, bakit ako iiyak?" Taas kilay kong tanong bago ako lumakad sa harap niya, ibinagsak ko agad ang katawan ko sa kama, hinila ko ang comforter sa paanan ko at itinalukbong.
"Ano bang nangyari?" Muling tanong niya, naramdaman ko pa ang mahinang pag-tapik niya sa hita ko. "Sabihin mo sa akin, para alam ko." Pangungulit pa nito.
"Ano ba? Umalis ka na nga, hindi ako natutuwa." Masungit kong sabi.
"Aba! Kahit ako hindi natutuwa sa ginagawa mo! Ano bang problema?" May galit n'yang tanong.
Dahan dahan kong inalis ang kumot sa katawan ko.
"Nagkita kami ni Jake." walang gana kong sabi habang ang tingin ay nakapako sa balcony.
"Oh, anong nangyari? Sinabi nya sa'yong mahal ka pa nya?" Tanong niya, napatango naman ako. "Eh, bakit ka umiiyak?" Muli n'yang tanong.
"Kami na ni Levi, anong gusto mo? Bumalik ako kay Jake?" Inis kong tanong sabay lingon kay Ate Mina na ngayon ay nakatayo sa harap ko.
"Wala naman akong sinabi na bumalik ka sa kanya. Ang tinatanong ko, bakit ka umiiyak." Walang emosyon niyang sabi.
"Gano'n na rin 'yon." sambit ko sabay irap.
"Sungit mo!" Singhal ni Ate Mina, tinaasan ko s'ya ng kilay na para bang naghahamon. "Bigla tuloy pumasok sa isip ko na baka mahal mo pa si Ja-"
"Ano ba?! Lumabas ka na nga!" Sigaw ko.
"Ito na, beh. Lalabas na."
Pag-sara ng pinto ay agad kong isinubsob ang mukha ko sa unan. Gustuhin ko mang tanungin ang sarili ko tungkol sa nararamdaman ko ay hindi ko magawa dahil hindi ko rin naman alam ang kasagutan, wala akong maintindihan.
Levi's Point Of View.
Hindi man lang ako nakapag-paalam ng maayos kay Pao matapos akong sunduin ni Kuya Rodel sa kanilang bahay, hindi ko rin kasi inasahang darating kaagad ang aking ina.
"Where have you been?" Taas kilay na tanong ni Mommy.
"S-sa bahay po ng kaibigan ko." sagot ko. Naramdaman ko agad na tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko, maging ang buhok sa ilong ko. "M-mommy, akala ko po ba one month po kayo sa japan?" Tanong ko.
Inabot ni Mommy ang tasa na na sa lamesa. "Bakit? Ayaw mo bang umuwi ako?" Tanong niya, para bang nagpipigil s'ya ng galit.
Hindi na rin siguro ako magtataka dahil noon pa lamang ay gano'n na ang pakikitungo niya sa akin, masyado siyang malamig.
"Hindi naman po sa gano'n, naitanong ko lang po." Sagot ko at saka papekeng tumawa.
"Go to your room, mag-ayos ka." Sambit ni Mommy bago humigop ng tsaa.
"Mag-ayos? Bakit po?" Naguguluhang tanong ko.
"Jake and his family are on their way, we will talk about your upcoming wedding." Natulala agad ako matapos marinig ang sinabi ni Mommy. "What are you waiting for? Bilisan mo." Napatango na lang ako bago tumayo at pumunta sa kuwarto.
Papunta na raw sila Jake, ano nang gagawin ko? Paano na si Pao? Dapat mapigilan ang kasal naming dalawa.
Iwinaksi ko ang isiping 'yon. Kinuha ko agad ang cellphone ko at pumasok sa cr matapos makapasok dito sa kuwarto at agad na tinawagan si Pao. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay naramdaman ko ang mabilis na yabag papalapit dito sa kinaroroonan ko ngayon, dali dali kong pinatay ang cellphone at binuksan ang pinto. Hindi na ako nagulat nang bumungad sa akin si Mommy, naka-cross arm s'ya ngayon habang ang kanang kilay ay nakataas at matalim na nakatitig sa akin.
"Hindi ba't ang sabi ko mag-ayos ka?" She raised her brows.
"S-sumakit po kasi ang tiyan ko, Mommy." Pagsisinungaling ko.
"Sumakit ang tiyan mo?" She asked again, tumango naman ako. "I heard you talking to someone, who is Pao? Why did you call him Love?" Sunod sunod n'yang tanong.
"W-wala p-po." I stuttered.
"Wala? Ano s'ya? Imaginary friend mo?" Muling tanong ni Mommy.
Heto na naman s'ya sa pagiging reporter.
"Tell me, is he your boyfriend?!" Pasigaw na tanong niya, napayuko agad ako't napapikit matapos itong marinig. "Sabihin mo sa 'kin, kung sino ang Pao na 'yon." Bakas ang pagbabanta sa boses ng aking ina.
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lamang bumalik sa pagiging istrikto ang ugali ni Mommy, hindi naman s'ya gano'n no'ng mga nakaraang buwan.
"Matagal ko na pong gustong sabihin sa inyo kaso natatakot ako na baka magalit kayo." sambit ko habang ang tingin ay na sa baba pa rin.
"Magalit? Bakit? Boyfriend mo ba ang Pao na 'yon?" Sunod sunod na tanong ni Mommy, napapikit ako't bumuntong hininga ng malalim bago iniangat ang aking tingin at sya'y titigan.
"Yes, you're right, mom. But she's not my boyfriend 'coz she's not a boy." Sagot ko.
Nakita ko kung paano nagsalubong ang mga kilay ni Mommy, kasunod no'n ay naramdaman ko ang malutong na kung anong tumama sa pisngi ko. Napahawak ako sa aking pisngi at halos bumagsak pa ako dahil sa lakas nito.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" Si Mommy sa nagpipigil na galit.
"Pao is my girlfriend." mahinang usal ko. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha, bumagsak na ito. "That's why ayaw kong sabihin sa inyo kasi alam ko pong hindi nyo matatanggap." sambit ko habang umiiyak.
"Paanong hindi ko matatanggap? Maiinlove ka na nga lang, sa babae pa!" Si Mommy sa mataas na boses, napapikit ako nang muli niya akong ambaan. "Nakakahiya ka! Hindi mo man lang binigyan ng kahihiyan ang ama mo!" Dagdag niya.
Napalingon ako sa pinto nang marinig ang sunod sunod na katok, si Ate Joy. Nagtama ang tingin naming dalawa, binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin ngunit iling lamang ang naisagot ko.
"Bakit?" Tanong ni Mommy kay Ate Joy.
"N-na sa baba na po si Sir Ralph, kasama po si Sir Jake." Sambit ni Ate Joy, bakas sa boses niya ang takot.
"Ikaw na ang bahala dya'n." sambit ni Mommy sabay turo sa akin bago lumabas ng kuwarto.
Tumakbo agad dito sa gawi ko si Ate Joy at pinunasan ang mga luha ko. "Anong nangyari?" Nagaalala niyang tanong.
"N-nalaman ni Mommy na may relasyon kami ni Pao." sambit ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"G-ganon ba?" Tanong ni Ate Joy at saka ako niyakap ng mahigpit, tumango ako at ibinuhos ang mga luha sa dibdib niya. "Tahan na, h'wag ka ng umiyak." Sambit niya, naramdaman kong dahan dahan n'yang hinaplos ang buhok ko. "Magbihis ka na dahil baka magalit pang lalo ang ina mo." napatango na lang ako bago tumayo at muling pumasok sa cr.
Iniabot sa akin ni Ate Joy ang damit na isusuot ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng luha, naligo agad ako't nag-ayos. Nang matapos ay binuksan ko agad ang pinto.
"Hays! Wala man lang akong nagawa para kay Levi, ang tanga ko." Sambit ni Ate Joy, nakaupo s'ya ngayon sa dulo ng kama habang ang tingin ay deretsong nakatingin sa balcony.
"Okay lang, ate." Sambit ko, nakitaan ko ng gulat ang mga mata niya nang lumingon s'ya sa akin. "Medyo maga po ang mga mata ko, anong gagawin ko?" Tanong ko, luminga linga agad s'ya na para bang may hinahanap.
"Maupo ka." sambit niya at saka tumayo. Napansin kong may kinuha s'ya sa drawer ko. "Hayaan mong pagandahin kita. Pasensya ka na ha? Wala man lang nagawa ang ate para sa 'yo." may lungkot niyang sabi bago ilagay ang kung anong produkto sa mukha ko. "Oh ayan! Pak! Ang ganda mo na." sambit niya nang matapos.
Humarap ako sa salamin at laking gulat nang makita ang aking sarili na lumiliwanag dahil sa kinang ng highlighter sa mukha ko.
"Sige na, bumaba ka na dahil baka nagagalit na ang Mommy mo." Sambit ni Ate Joy, ngumiti na lang ako bago lumabas ng kuwarto.
Eksaktong paglabas ko ay nagkasalubong kami ni Mommy.
"Kanina pa kita hinihintay." Sambit ni Mommy, nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko. "Be nice to him." paalala niya.
Hindi pa man nakakababa ng hagdan ay nakita ko na agad si Jake, kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko na s'ya. Hindi ko lang alam kung saan, paano, at kailan.
Napansin kong may isinenyas ang lalaking katabi niya sa kanya kaya napalingon s'ya sa akin. Napakunot pa ang noo ko nang slowmo siyang tumayo, hindi ko alam kung tama ang iniisip ko pero para siyang tanga.
"Hi, Levi." Bati ni Jake nang makalapit ako sa kanila, iniabot nya sa akin ang kamay niya.
Hindi sana ako sasagot, napatalon na lang ako at papekeng napangiti nang kurutin ni Mommy ang tagiliran ko.
"Hi! Nice to meet you in person." Sambit ko, inabot ko ang kamay niya at nakipag-shake hands.
"We've also met before." He said.
'So, let's start?' Sambit ng lalaking kasama ni Jake.
Tumango si Mommy at hinila ako palapit sa couch, inalalayan naman ako ni Jake na maupo.
'Salamat." sambit ko.
"Since Levi is turning eighteen next week, and like what we talked about last night, next month na ang kasal nila." My mom said, kumunot ang noo ko. Magsasalita sana ako pero nilakihan ako ng mata ni Mommy, senyas na h'wag kong subukan ang binabalak ko.
Tumagal ang usapan at katulad nga ng inaasahan ko ay napag-usapan nilang ituloy ang kasal. Wala akong nagawa kung hindi ang manahimik na lang at makinig sa usapan nila. May pakiramdam tuloy ako na hindi ko hawak ang buhay ko, ni hindi man lang ako makapag-desisyon ng pansarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top