Chapter 11
Kinabukasan. Sunod sunod na katok ng pinto ang gumising sa akin, dali dali akong tumayo at laking gulat nang makita ang aking ama. Bumungad sa akin ang napakalapad niyang ngiti, niyakap ko naman agad s'ya ng mahigpit.
"Aitaiyo, Papa!" Sambit ko sa wikang hapones na nangangahulugang 'i miss you' sa wikang ingles.
"I miss you too, anak!" May galak at pananabik sa boses ni Daddy. "I have something for you.'' sambit niya 'tsaka kumawala sa pagkakayakap ko.
Naglakad si Daddy papasok ng kuwarto at inilapag sa kama ko ang dala niyang box. Lumapit ako rito at ito'y binuksan, nagulat ako nang makita ko ang mga laruan ko no'ng ako ay bata pa.
"Thank you for bringing this here, Dad!" Nakangiti kong sabi.
Ilang saglit pa, nagpaalam na ako sa kanyang ako'y maliligo muna. May usapan kasi kami ni Niña na kami ay lalabas ngayon. Matapos maligo ay dumeretso na agad ako sa dining, ito ang unang araw na muli ko ulit makakasabay ang aking ama na kumain sa umagahan kaya hindi ko na pinalagpas pa. Nang matapos, pinuntahan ko na si Kuya Rodel para magpahatid sa Waltermart.
Eksaktong pagdating ko ay narito na rin si Niña, kasama niya si Aurora.
"Levi! We're here!" Sigaw ni Niña 'tsaka kumaway, bumuntong hininga naman ako bago tuluyang lumapit sa kanila. "Isinama ko nga pala si Aurora." Sambit niya, nilingon ko ang aming kaibigan at agad na nginitian. "Tara na?'' Aya ni Niña.
Pumagitna s'ya sa 'min ni Aurora at kami'y hinila papasok sa loob. Kung saan saan lamang kami nagpunta, kumain ng kumain hanggang sa naubos ang pera. Ngunit naubos man ang pera ko ay hindi ko naman maitagago ang sayang naramdaman ko ngayong araw, kahit na medyo awkward kasi kasama si Aurora.
"Lev, can we talk?" Si Aurora, tumango naman ako. "Nakausap ko si Pao kagabi, I'm sorry." Sambit niya.
"It's fine." Tugon ko.
"Niña, nakita mo ba 'yon?" Tanong ni Aurora kay Niña, lumapit si Niña sa kanya at sinundan ang hintuturo niyang nakaturo ngayon sa kung saan.
"Omg! Hi Pao!" Sambit ni Niña 'tsaka kumaway, awtumatiko naman akong napalingon sa aking likuran. "HAHAHAHAHA! Uto-uto!" Sambit niya sabay tawa ng malakas, napailing na lamang ako.
Nang makauwi, hindi ko nadatnan sina Mommy at Daddy dito sa bahay. Nagtanong ako kay Ate Joy at sinabi nya ngang may pinuntahan daw ang dalawa, nagkulong na lamang ako sa aking kuwarto habang kausap si Pao.
"Anak, who's the man with you last night at San Juan?" My father asked, dahan dahan kong ibinaba ang kubyertos sa plato at sya'y nilingon. "Is he your boyfriend?" Dagdag niya.
Umiling ako.
"Then who?'' Sabat ni Mommy, nakaramdam agad ako ng kaba nang marinig ang nakakatakot nyang boses. "Don't lie to us, Levi." Dagdag niya.
Mabait si Mommy pero kapag seryoso, matatawag mo lahat ng santo.
"S-si Pao." napapikit pa ako nang masabi ito.
"Pao? The one who pu-''
"Yes, mom." Pagputol ko sa sasabihin niya, sinenyasan ko pa s'ya na h'wag nang ituloy ang sasabihin.
"Bakit mo s'ya kasama?" Taas kilay niyang tanong.
"W-we're friends." sagot ko bago magpatuloy sa pagkain.
"Ang tinatanong ko, bakit mo s'ya kasama."
Napalunok agad ako at napapikit nang marinig ang madiin na pag-hiwa niya sa karne dahilan para tumama ito sa plato at magkaroon ng tunog.
"Vivian, stop that.'' Pagbabawal sa kanya ni Daddy.
"Okay, fine. Magkampihan kayong dalawa." she said bago tumayo at kumuha ng tubig.
Napailing na lang si Daddy nang marinig ito.
Nang matapos kumain ay dumeretso agad ako sa kuwarto ko, hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako sa araw na ito. Pipikit na sana ako nang marinig ang sunod sunod na katok sa pinto, dali dali akong tumayo para buksan ito. Si Ate Joy.
"Ah, hi! Baka nakaka-istorbo ako ha?" aniya, napakamot pa s'ya sa kanyang ulo at papekeng natawa.
"Ano ba 'yon, Ate Joy?'' Tanong ko.
"Nacu-curious kasi ako." nahihiya niyang sabi.
"Ano ba kasi 'yon, Ate Joy? Sabihin mo na baka mamaya manigas 'yang dila mo, hindi mo masabi." Natatawa kong sabi.
"Tungkol dun sa nagbibigay sa'yo ng bulakla-''
"Pumasok ka." pagputol ko sa sasabihin niya sabay hila sa kanya rito sa loob.
"Okay na ba? Puwede na ba akong magsalita?'' Tanong niya, napalingon ako sa kanya at tumango. "Kasi, naikuwento sa akin ni Kuya Rodel na hinalikan ka raw ng kasama mo kagabi sa pisngi. Napaisip kasi ako na baka s'ya 'yong nagbibigay sa'yo ng mga bulaklak." Kuwento niya, napalunok agad ako nang marinig ito. "Pero, h'wag kang mag-alala. Sinabi ko naman sa kanya na sa aming dalawa muna." Dagdag ni Ate Joy, nakahinga naman agad ako nang maluwag. May tiwala naman ako sa kanilang dalawa.
"Mabuti naman, hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag nalaman ni Mommy ang tungkol sa amin ni Pao." Sambit ko.
"Pao? Iyon bang tumulak sa'yo?'' May halong gulat niyang tanong, tumango naman ako.
"Pinag-uusapan niyo ba ang Pao na 'yon?" Sabay kaming napalingon ni Ate Joy sa pinto nang marinig ang boses ni Mommy, nakasandal s'ya sa hamba. Sunod sunod akong napalunok nang magtama ang mga tingin naming dalawa. "Answer me!" Si Mommy, nanlalaki ang mga mata niya habang magkasalubong ang dalawang kilay.
Nanginginig ang mga kamay ko at nanlalamig. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Ate Joy na nakahawak ngayon sa kanang kamay ko, hinihimas-himas niya ito. Sa palagay ko ay tinutulungan niya akong pakakalmahin ang aking sarili.
"Ah, eh, Opo, ma'am!'' Napalingon agad ako kay Ate Joy ng sya'y sumagot. Sasabihin niya kaya ang tungkol sa amin ni Pao?
"Bakit? Anong mayro'n sa anak ni Lorie?" Taas kilay na tanong ni Mommy kay Ate Joy.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, napapikit na lang ako nang makita ko sa aking peripheral vision ang pag-buka ng bibig ni Ate Joy.
"Oh, bakit hindi ka maka-sagot?" Muling tanong ni Mommy.
"Ah! Iniisip po kasi namin, ma'am. Kung paano po gaganti si Levi sa kanya, 'ba?" Sambit ni Ate Joy sabay tapik sa akin.
"Ah,opo!" Pag-sangayon ko kasunod ay papekeng natawa.
"Matagal na rin 'yon, h'wag nyo ng ituloy ang binabalak niyo. Spread love, okay?" Sambit ni Mommy bago tuluyang umalis.
"Nakaka-kaba 'yong nanay mo, akala ko makakatay ako." Sambit ni Ate Joy kasunod ng malakas na pag-tawa, napailing na lang ako bago s'ya gayahin.
Lumipas ang buong araw. Narito lamang ako sa aking kuwarto, nagkukulong habang naghihintay sa text at tawag ni Pao.
"Bakit ang tagal n'yang mag-text?" Inis kong sabi, napakamot pa ako sa aking leeg dahil sa inis. "Baka mamaya may iba na 'yon, ha?" Sambit ko pa.
Napalingon agad ako sa cellphone kong na sa lamesa nang maramdaman ang pag-vibrate nito, awtumatiko akong napangiti nang mag-pop up sa screen ang call sign namin ni Pao.
From: Love.
- Hi Baby, I'm sorry hindi ako nakapag-message kanina or nakapag-reply man lang sa 'yo. May activity kasi kami e, dun ako nag-focus.
- Kumusta? Ayos ka lang ba? May kailangan ka? Tell me.
Kumunot ang noo ko. "Bakit gano'n? Parang may kakaiba sa message nya ngayon?" Tanong ko sa aking sarili.
To: Love.
- Okay lang ako, love. Eh, ikaw? Okay ka lang ba?
From: Love.
- Of course, I am.
To: Love.
- Hoy! May problema ba tayo? Bakit ganyan ka? 😭😭😭
- May galit ka ba sa'kin? 🥺
- May iba ka na ba? 🥺😱
- Tell meeeeeee.😭😭
Mas matulis pa sa nguso ng isda ang nguso ko habang nagtitipa.
From: Love.
- Hoy! Anong sinasabi mo? Ano ka ba? Pagod lang ako HAHAH
To: Love.
- Parang ang cold mo sa 'kin ngayon.🥺
From: Love.
- Pagod nga lang ako.
To: Love.
- Okay, magpahinga ka na muna. Usap na lang tayo bukas.
From: Love.
- What? No!
Nang mabasa ang reply niya ay inihagis ko agad sa couch ang cellphone ko.
"Nakakainis! Bakit gano'n s'ya?" May halong galit kong at nag-cross arm.
Lumipas ang ilang segundo, muli kong ibinaling ang aking tingin sa cellphone kong na sa couch. Nagba-vibrate ito, nang makitang mahuhulog na sa lapag ay dali dali akong tumayo para ito'y kuhanin. Tumatawag si Pao, nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ito o hindi dahil baka mag-away lamang kami. Sa huli, hindi ko rin natiis na ito'y hindi sagutin.
Pauline's Point Of View.
"Hello-"
[Eh, 'di ba ang sabi ko sa 'yo magpahinga ka na lang! H'wag na tayong mag-usap baka mas lalo pa tayong mag-away!] sambit ni Levi mula sa kabilang linya, tila ba galit s'ya.
"H-hindi naman tayo nagaa---hello? Nandya'n ka pa ba? Love?"
Dahan dahan kong inilayo mula sa aking tainga ang cellphone at iniharap ito sa akin, napabuntong hininga na lang ako nang makitang tapos na ang tawag. Nagtatampo ba s'ya?
"Anak, may problema ba?" Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Mommy.
"W-wala po."
"Hmm! Don't lie to me..." she said. Hinawakan niya ang magkabila kong braso bago naupo sa tabi ko. "May bago na bang boyfriend ang anak ko?'' She asked then she placed her chin on my shoulder.
"I don't have a boyfriend." I answered.
"Kung gano'n, sino 'yong tinawag mong love kanina?" Tanong ni Mommy, at nag-puppy eyes pa.
"It's Levi." I said.
"Levi?" I nod.
"Mom..." Hinawakan ko ang hita niya.
"What?" She asked while raising her brows.
"...magagalit ka ba kapag sinabi ko sa 'yong..." napapikit ako.
"Ano?"
"Levi is my girlfriend." Sambit ko.
"She's what?" Si Mommy, napatakip s'ya sa kanyang bibig dahil sa gulat. "Oh! My precious daughter!" She said, nagulat na lang ako at mabilis na napatayo nang bigla na lamang siyang bumagsak.
"Mommy!" Sigaw ko. "Mommy, gumising ka!" Hindi ako tumigil sa pagyugyog sa katawan niya. "Ate Mina! Help us!" Sigaw ko sa labas.
Grabe magulat ang aking ina, pakiramdam ko hihimatayin din ako.
"What happened?" Tanong ni Ate Mina, nakahawak s'ya sa dibdib niya habang naghahabol ng hininga. "OMG! Anong nangyari kay Ms. Lorie?!" May pag-aalalang tanong ni Ate Mina nang makita si Mommy na naka-handusay sa sahig.
May kalakihan ang katawan ko kaya ako na lang ang bumuhat kay Mommy, inihiga ko s'ya sa kama ko habang si Ate Mina ay tumatawag ng doctor.
"Your mom is okay, nagulat lang siguro. May sinabi ka ba sa kanyang ikinagulat nya?" The doctor asked, papeke na lang akong napangiti.
Hinintay lang ng doctor na magising si Mommy at sya'y umalis na rin dahil may mga pasyente pa raw siyang naghihintay sa kani-kanila nitong mga bahay.
"I can't believe, Pauline! Maiinlove ka na nga lang sa katulad mong babae pa." ani Mommy at napapa-hilamos pa.
"Iyan din ang tanong ko no'n, Mom." Tugon ko.
"Do you love her?" Awtumatiko akong napatango nang marinig ito. "Promise me that you won't hurt her again, okay?" She added.
"Yes, I will never do it again. Mentally, Emotionally, and even Physically." I said.
"That's good, pero ang hindi ko lang matanggap. Bakit babae pa?" Si Mommy sa nagpipigil na inis n'yang tanong, imbes na sumagot ay nanatili na lang akong tahimik dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang dahilan kung bakit ko minahal si Levi at nagustuhan.
"Ma'am, ang mahalaga po parehas nilang mahal ang isa't isa." Sabat ni Ate Mina, nakahawak s'ya ngayon sa magkabilang braso ni Mommy at nakaupo sa tabi nito.
"Hindi ko alam...Basta umayos ka, Pauline! H'wag mong sasaktan ang babaeng 'yon dahil alam ko ang ugali ni Vivian!" Si Mommy sa mataas na boses habang nanlalaki ang kanyang mga mata. "Naiintindihan mo ba, Pauline?" Dagdag ni Mommy.
"Opo." sagot ko.
"Mabuti!" She said.
Pupunta sana ako sa bahay nila Levi ngunit gabi na, ipagpapa-bukas ko na lang siguro ang magandang balita ko para sa kanya.
"Masaya akong tanggap tayo ng Mommy mo, Love." Sambit ni Levi habang may nakakurbang malapad na ngiti sa kanyang labi.
"Eh, ang mommy mo kaya?" Tanong ko, bigla akong nakaramdam ng lungkot nang makitang unti unting nawala ang matamis na ngiti sa kanyang labi. "I'm sorry, may nasabi ba akong mali?"
"W-wala, ah." Sagot niya.
Bakas sa mukha ni Levi ang hindi maipintang ekspresyon, marami pa sana akong itatanong ngunit h'wag na lang dahil baka mapunta lang ito sa away.
"Free ka tomorrow?" I asked, agad niya naman akong nilingon.
"Uhm, bakit?" Nagtatanong niya akong tinitigan.
"Date tayo?"
"H-ha? Eh, hindi pa ba date 'to?" She asked.
Narito kami ngayon sa Bo's coffee dito sa Malasin, isa rin sa mga baranggay ng aming lungsod. Si Levi ang pumili ng lugar kung saan kami magde-date at ito nga ang kanyang napili dahil hindi raw pumupunta sa mga ganitong lugar ang kanyang ina.
"Bakit? Ayaw mo bang araw-araw tayong nagde-date?" I asked before taking a sip of coffee.
"Syempre, gusto ko!" Nakangiti niyang tugon, bahagya na lamang akong natawa.
Inilabas ko ang cellphone ko. "Let's take a picture together." I said bago ito iangat at sunod sunod na pindutin. "Alam mo ba, Love? Mula no'ng araw na naitula-"
"Don't!" She placed her index finger on my lips causing me to stop what I had to say. "Matagal na 'yon." she said then rolled her eyes followed by a soft laughed.
"O-okay." I giggled.
"Sunday tomorrow, right?" She asked, I nod. "After the mass, I will go home right away. We have an exam on Monday, kailangan ko magreview para naman hindi ako ma-bokya." She said, napailing na lang ako habang mahinang tumatawa.
"How disgusting!" Sabay kaming napalingon ni Levi sa bandang kaliwa namin nang marinig ang babaeng nagsalita sa maarteng tono, si Ishie, ang governor ng AU. "Kayo na pala, ano 'yong mga nangyari? Palabas nyo lang?" Nang-iinsulto niyang tanong, nakataas ang kanang kilay niya habang naka-cross arm at deretsong nakatitig sa amin.
"Ano bang problema mo, Ishie?" I asked sa nagpipigil na galit, hinawakan ni Levi ang braso ko nang akma akong tatayo. "Tell us, kung kailangan naming mag-adjust." Dagdag ko.
"Nakakadiri kayo! Hindi na kayo nahiya! Hays!" Maarte niyang sabi habang nanlalaki ang mga mata.
Alam ko kung ano ang ibig n'yang sabihin, nandidiri s'ya sa relasyon namin ni Levi dahil nga parehas kaming babae.
"Miss, kung may problema ka. H'wag kami ang pag-buntunan mo." malumanay na sambit ni Levi.
"Kayo ang problema ko. Mahiya naman kayo! Parehas kayong babae! Isa pa, wala kayong lugar sa mundong 'to!" Sambit niya.
"Bakit? Porke ba parehas kaming babae hindi na puwede?" Palabang tanong ni Levi, hinawakan ko ang braso niya at sumenyas na itigil ang ginagawa ng magtama ang tingin naming dalawa. "Alam mo, ikaw? Kaya ka siguro ganyan kasi walang nagmamahal sa'yo!" Si Levi sa galit na boses, nanlaki ang mga mata ko at sunod sunod na napalunok.
Ngayon ko lang siyang nakitang lumaban.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top