Chapter 10

Levi's Point Of View.

Hindi ko inaasahang maagang bibisita rito si Niña, narito na s'ya sa kuwarto ko ngayon pero hindi ko s'ya pinapansin. Ang aga aga nambubulabog.

"Good morning, Levi-Ann! I hope this bouquet will be a reason to brighten your day! I love you my gorgeous girl, from A human from nowhere!" Mabilis kong tinanggal ang kumot sa buong katawan ko nang marinig ang sinabi ni Niña, tila binasa niya ang letter.

"Bitawan mo nga 'yan!" Inis kong sabi 'tsaka pilit na inabot sa kanya ang letter.

"Ayaw ko nga, bumangon ka muna." Mas lalo niya pang itinaas ang letter para hindi ko maabot.

Sumama ang tingin ko at walang pakundangang kinaliti ang tiyan nya, nabitawan nya ito't pati s'ya ay muntik ng bumagsak sa sahig, mabuti na lamang at agad kong naabot ang kanyang braso. Imbes na magalit o umiyak ay tila ba tuwang tuwa pa si Niña.

"Mukhang hindi magkakatotoo 'tong sinabi ni Ms. A human from nowhere, ah. Ang aga pa lang pero high blood ka na." Pagbibiro niya, kumunot ang noo ko.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo." Sambit ko.

"Saan do'n?" Tanong niya.

"Iyong sa Ms."

"Ms. A human from nowhere?" Pag-uulit niya, tumango ako. "Bakit may problema ba?" Muli n'yang tanong.

"B-babae s'ya?" Naguguluhan kong tanong, tumango s'ya. "P-paano m-mo nalaman?" Na-uutal kong tanong.

"Because I know her." sagot niya na mas lalo kong ikinagulat. "Puntahan mo 'tong address, malalaman mo ang sagot sa mga katanungan mo. Nag-iisa lang s'ya r'yan.'' Sambit niya bago lumabas, ibinigay niya sa akin ang isang maliit na papel kung saan may nakalagay na address. Marques Restaurant.

Naligo agad ako. Mabuti na lamang at walang pinuntahan si Kuya Rodel ngayon, maihahatid niya ako. Nang makalabas, agad akong dumeretso sa kotse. Ngunit nang mapansing wala ang cellphone ko ay agad akong nagbalik sa kuwarto, kinuha ko ito at eksakto namang nag-message si Niña.

From: Niña

- She's your worst nightmare, Levi. Matutuwa ka kaya kapag nakilala s'ya?

Nang mabasa ang text ay agad akong napaisip kung sino ang tinutukoy nya, sino kaya ang tao sa likod ng pseudonym na, A human from nowhere?

"Kuya Rodel, sa Marques Restaurant po." Sambit ko sa aming driver, tumango naman ito kasunod no'n ay pinaandar na ang kotse.

Habang na sa biyahe, hindi nawala sa isip ko ang message ni Niña. Ni hindi ko mahulaan kung sino.

Pagbaba ko ng kotse, agad akong pumasok sa loob ng resto. May sumalubong sa aking staff at iniabot ko naman ang address na ibinigay kung saan may nakalagay na "8-9 am, reservation for Ms. Estra-" teka! Bakit ngayon ko lang nakita 'to?

Iwinaksi ko ang katanungang 'yon sa aking isipan, nagdere-deretso ako papasok sa loob at 'di nga kalayuan ay nakita ko si Pao. Walang ibang tao kaya sigurado ako na s'ya na ang tinutukoy ni Niña na the worst nightmare ko.

Hindi yata naramdaman ni Pao ang pag-dating ko, nagulat na lamang s'ya nang makita ako sa harap niya.

"L -levi?" utal niyang banggit sa pangalan ko.

Nanlalaki ang mga mata niya. Bumaba naman ang tingin ko sa mga kamay niya na ngayon ay nanginginig.

"Hi, A human from nowhere." Bati ko sa kanya, hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.

Ramdam ko ang kaba ni Pao, ekspresyon pa lang ng mukha niya ay hindi ito magagawang itago. Hindi s'ya umimik, kahit isang salita ay wala man lang lumabas sa bibig niya.

"Ang tanga ko, hindi ko man lang nalaman no'ng una pa lang na ikaw ang nagpapadala ng mga 'yon." Pag-tukoy ko sa mga mensahe at bulaklak na ipinadala niya. "Bakit hindi mo agad sinabi?" Taas kilay kong tanong.

"Anong dahilan?" Walang emosyon niyang tanong, kumunot ang noo ko.

"Hindi mo kailangan ng dahilan, Pao." Sambit ko sa kanya, inilipat niya ang tingin sa akin at nagtatanong akong tinitigan. "Kung noon pa lang sinabi mo na, edi sana matagal ng naging tayo." Deretso kong sabi, may inis sa boses ko.

"Y-you like me too?" She asked.

"Yes!'' I answered, confidently.

"S-so?" She asked again, hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang mga sinasabi ko o hindi.

"Tatanungin kita, totoo lang ang gusto kong marinig." Sambit ko.

"Go on."

"M-mahal mo ba ako?" Deretso kong tanong.

Napansin ko ang sunod sunod n'yang paglunok, hindi ko makuha ang reaksyon niya, para bang masaya na natatakot na medyo may gulat at lungkot.

"Bakit hindi mo masagot?" Taas kilay kong tanong, nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. "Siguro, pinaglalaruan mo na nam-"

"Yes, I love you. Not because I like you nor I want you, but because 'yon ang sinasabi ng puso ko." Pagputol niya sa sasabihin ko na nagpatigil sa akin, natulala ako't hindi alam ang magiging reaksyon. "Ikaw? Do you like me? Do you love me? Tell me." She said.

"Yes, una pa lang, gusto na kita." Sagot ko, biglang may namuong luha sa mga mata ko.

"Iyong totoo, Levi. Gusto kong marinig 'yong totoo.'' Sambit niya.

"Narinig mo na, h'wag mo akong gawing sirang palaka." May halong inis kong sabi 'tsaka ibinaling sa labas ng resto ang tingin.

Hindi ko napansing tumayo si Pao, nagulat na lamang ako nang yakapin niya ako mula sa aking likuran. Naramdaman ko ang mainit n'yang hininga nang ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"I didn't expect you to like me back." she whispered with a trace of happiness in her voice.

"But, what about Aurora?" May halong lungkot kong tanong.

"What do you mean?" She asked, kumawala s'ya sa pagkakayakap sa akin.

"She tell me na she likes you." I answered.

"Wow! Conyo, ha?'' Natatawa n'yang sabi, sumama naman ang tingin ko. "I will talk to her." nakangiti niyang sabi.

Inabot niya ang mga kamay ko't dahan dahang inilapit sa mukha niya 'tsaka hinalikan, malapad na ngiti naman ang kumurba sa aking labi nang makita ang saya sa kanyang mga mata.

"I love you!" I whispered.

"I love you, more than you do." Pabalik niyang sabi.

Ganito pala kapag nagmamahal.

"But wait!" Sambit ko.

"What?" She asked.

"Anong mayro'n sa 'tin?" Taas kilay kong tanong.

"Tayo, mayro'ng tayo, Love." Sagot niya habang may matamis na ngiting nakakurba sa kanyang labi.

We spent this day together. Sa maghapon na ito, hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Nangangawit na tuloy ako, grabe naman kasing magmahal 'tong si Pao. Abot ang kilig hanggang mars.

Narito kami ngayon sa San Juan, isang baranggay dito sa aming lungsod. Nakaupo kami sa ilalim ng punong mangga habang nakasandal ang ulo ko sa braso nya, pinanonood namin ang paglubog ng araw. Kulay kahel ang buong kalangitan at medyo dumidilim na rin.

"Can we keep our relationship under wraps for now?" Pagbasag ko sa katahimikan, ramdam kong iginiya niya ang kanyang ulo. "My mom doesn't want me to enter a relationship." sambit ko.

Inakbayan nya ako't hinaplos ng dahan dahan ang buhok ko.

"It's okay, as long as sa 'kin ka.'' She said, natawa naman ako. "I'm serious, love." Seryoso niyang sabi, iniangat ko ang tingin ko at mas lalong natawa nang makita ang seryoso niyang mukha.

"Hanggang dito ba naman dinada-"

"Ang alin?'' Taas kilay niyang tanong. Ang kilala kong Pao ay nagbalik na. "Saglit lang, ha? May kukunin lang ako." Paalam niya, tumango naman ako.

Sa buong buhay ko, ngayon pa lang ako nakapasok sa isang relasyon. At hindi ko rin akalaing sa katulad kong babae ako magkakagusto, ang pagkakaalam ko kasi sa pag-ibig noon ay isang lalaki at babae lamang ang puwedeng magmahalan. Hindi pala, dahil kahit ano pa ang kasariang mayro'n ka kung mahal ka ng tao ay tatanggapin mo s'ya at gano'n din s'ya sa iyo.

Halos limang minuto na rin ang lumipas ngunit hindi pa nagbabalik si Pao, hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng takot at pagdududa na baka nilalaro niya lang ako.

Nagulat ako at agad na natakot nang maramdaman ang pagtakip ng kamay ng kung sino sa aking mga mata, dalawang beses ko itong hinampas ngunit hindi pa rin nito inalis ang kanyang mga kamay sa aking mga mata.

"Alisin mo nga ang kamay mo sa mga mata ko! Sino ka ba?" Inis kong sabi habang patuloy pa rin sa pag-hampas sa kamay ng kung sinong tao na nakatayo ngayon sa likuran ko. "Ano ba? Sinabi nang alisin mo, e!" Sigaw ko, hindi ko na napigilang maglabas ng emosyon.

"Nainip ka ba?'' Tanong nito, kinabahan agad ako nang marinig ang boses lalaking tinig.

"Sino ka ba?'' Inis na tanong ko at bumuwelo para sana muling hampasin ang mga kamay nito ngunit mukha ko ang nahampas ko. "Aray!" Reklamo ko at agad napahawak dito.

"Are you okay?" Tanong nito. "Love, naman! Bakit mo sinasaktan ang sarili mo? Nawala lang ako nabaliw ka na.'' nawala ang kaba sa aking dibdib nang marinig ang mala-anghel na boses ni Pao. Nag-aalala pa talaga s'ya sa lagay na 'yon, ha.

"Nakakainis ka!" Galit kong sabi sabay hampas sa braso niya.

"Sorry na, I love you!" Sambit niya sabay halik sa pisngi ko.

"Mukha mo!" Sambit ko sa nagtatampong tono 'tsaka s'ya tinalikuran.

I rolled my eyes when I heard her annoying laugh. "Love, galit ka ba" She asked.

"What do you think?'' Masungit kong tanong habang nakataas ang kanang kilay at naka-cross arm.

"Sorry na." naglalambing nyang sabi. "I have something for you, love." She whispered, napalingon naman agad ako rito. "Flowers for you, my love!" She said before handed me the bouquet she bought.

"I have a question." nakabusangot kong sabi.

"What is it?" She asked bago muling maupo sa tabi ko.

"Seryoso ka ba sa relasyon natin?" tanong ko habang nilalaro ang mga bulaklak. "Natatakot kasi ako na baka pinapaasa mo lang ako." dagdag ko.

She put her arm around me. "Sa palagay mo ba laro lang ang nararamdaman ko para sa 'yo?" She asked, napalunok naman agad ako nang marinig ito.

"I don't know." maikli kong sagot.

Bumaba ang tingin ko nang maramdaman ang mainit n'yang palad na humawak sa aking kamay, ilang segundo ko rin itong tinitigan bago ibinaling sa kanya ang aking tingin. Seryoso siyang nakatitig ngayon sa akin, napalunok naman agad ako ng tumama ang aking tingin sa labi n'ya na ngayon ay sobra sa pula.

"H'wag kang magduda, totoo lahat ng nararamdaman ko. Kung hindi, sa palagay mo ba mag-aaksaya pa ako ng oras para lang paglaruan ka?" Tanong niya sa malumanay na tono, umiling ako bago ibalik ang aking tingin sa mga kamay namin na ngayon ay magka-hawak. "H'wag kang mag-isip ng kung ano ano, love. Mahal kita, okay? At mamahalin kita hanggang sa'kin ka." dagdag niya.

"Gabi na, should we go home?" Tanong ko habang ang tingin ay na sa screen ng cellphone ko kung saan makikita ang oras.

"I'm sorry, but I'm with my home now.'' She chuckled.

"H-ha?''

"Wala, ang sabi ko umuwi na tayo. Gabi na, 'di ba?" Tanong niya 'tsaka mapait na napangiti habang nakataas ang dalawang kilay, tumango naman ako.

"Tara na?" Aya ko.

Nag-lakad kami na magka-hawak ang mga kamay.

"Good bye, I love you!" Paalam niya, akma na sana siyang lalakad palayo ng hilahin ko ang dulo ng damit niya. "May sasabihin ka pa-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang sya'y aking halikan. "P-para saan i-iyon?" Utal niyang tanong habang tulala.

"First kiss for our first day of being in a relationship." Sagot ko.

Tumalikod agad si Pao, hindi man niya ipinakita ay sigurado akong kinilig s'ya. Ilang saglit lang ay nagpaalam na kami sa isa't isa, naiinip na rin kasi si Kuya Rodel. Pagdating namin sa bahay ay agad akong nag-message sa kanya.

To: Love.

- I'm home, ikaw?

From: Love.

- Home? You are my home tho.

To: Love.

- Haha matulog ka na nga.

From: Love.

- I love you muna

To: Love.

- Ayaw ko nga🤪

From: Love.

- Sige, magtatampo ako layk dis.👉😔🥺

To: Love.

- Oo na, sige na. I love you po! 💗💗💗

From: Love.

- I love you, love. Sa susunod katabi na kita, prameses. 🤩🤪

Habang tinitipa ang bawat letra ay hindi ko napigilang hindi matuwa, biglang nawala ang lungkot nararamdaman ko. Mula kasi no'ng maghiwalay kami kanina ay nalungkot na lang ako bigla.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top