Chapter 1
I didn't believe in love, maybe because early love is just a waste of time. In my seventeen years of existence here on earth, hindi ko pa naranasan ang mahalin at magmahal.
"After your 18th birthday, makikilala mo na ang fiancé mo." anang aking ina, may halong gulat ko siyang nilingon. "H'wag ka ng mag-reklamo, hindi kita pag-bibigyan." Tumango na lamang ako't mapait na napangiti bago magpatuloy sa pagkain. "H'wag mo kaming ipapahiya ng daddy mo, promise me na you are not going to entered a relationship without our permission. Okay?" Dagdag niya.
"O-opo." Mahinang usal ko.
Labag man sa loob ko ay wala akong magagawa kung hindi ang sundin lahat ng gusto nila, katulad nga ng palagiang sinasabi sa 'kin ni mommy. Hangga't na'ndito ka sa pamamahay ko, ako ang susundin mo. Wala kang karapatang magreklamo. At dahil din sa palagiang pag-sunod, hindi alam ng mga magulang ko na nasasakal na nila ako. Pero, sino nga ba ako? E, anak lang naman ako.
"Levi-anne, bilisan mo na baka ma-late ka!" anang kasambahay naming si Ate Joy, tumatakbo sya ngayon pababa ng hagdan habang bitbit ang bag ko. "Grabe! Hiningal ako ro'n, ah!" Reklamo nya habang naghahabol ng hininga.
"Sino ba kasing nagsabing tumakbo ka?" Banat ng driver naming si Kuya Rodel.
Natawa na lamang ako. Magmula yata no'ng lumipat kami rito ay wala na silang ibang ginawa kung hindi ang magbardagulan.
"Aba! Magsisimula ka na naman Kuya Rodel, ha!" Natatawang sambit ni Ate Joy, napailing na lamang ako bago sumakay sa loob ng kotse.
"I gotta go!" Senyas ko sa aking ina na ngayon ay naka-tayo sa terrace, tinanguan nya lamang ako. "Kuya Rodel, malayo pa ba tayo?" tanong ko.
"H'wag kang masyadong atat, hindi pa nga tayo nakakalabas ng gate." Tugon nya.
Napailing at napairap na lamang ako bago ituon ang aking pansin sa labas ng bintana. Hindi kalayuan, may napansin akong burol. May nakatayong kulay puting krus dito, kukuhanan ko sana ito ng litrato ngunit biglang bumilis ang takbo ng kotse kaya nabitawan ko ang cellphone ko.
"Kuya Rodel, dahan dahan naman baka madisgrasya tayo." Reklamo ko.
"H'wag kang mag-alala, maingat ako. Lintik na lang kung hindi dahil patay ako sa nanay mo." Sambit niya 'tsaka pasimpleng natawa.
"Marunong ka pa lang ngumi-"
"Koreksyon! Tumawa." Pagputol nya sa sasabihin ko, tumango na lamang ako.
Nag-traffic kaya medyo natagalan kami sa biyahe, kahit pala rito sa probinsya ay uso rin ang traffic. Swerte na lang talaga at umabot ako sa oras.
"So, this is Araullo University!" Nakangiti kong sabi at tiningala ang buong Pamantasan ng Araullo.
Pagpasok ko sa loob, nagulat ako nang makitang halos lahat ng silid aralan ay walang pinto. Namamangha akong hindi ko matanto. Huminto ako at kinuha ang iskedyul na ibinigay sa akin ng proctor ko, matapos makuha ay hinanap ko na ang room 207. Akala ko ay mahihirapan ako, hindi pala dahil narito na ako sa tapat ng room na hinahanap ko, ang room #207.
"Nakaka-amaze nama-"
"Who the hell are you?" Tanong ng kung sino sa likuran ko.
Dahan dahan ko itong nilingon at laking gulat ko nang makita ang isang babae, naka-cross arm sya habang nakakunot ang noo at masungit na nakatitig sa akin. Maganda siya pero parang may kakaiba sa style nya, para syang lalaki.
"I'm asking, hindi mo ba ako narinig?" Masungit nyang tanong.
Dalawang beses naman akong napalunok ng tumama ang tingin ko sa labi nyang napakapula, para itong mansanas na kapipitas pa lamang.
"H-hello! I'm Levi, transfe-"
"I don't care." Malamig na sambit ng babae 'tsaka umirap bago ako nilagpasan, sinundan ko na lamang sya ng tingin bago pumasok sa classroom na pinasukan nya.
Pagpasok ko, bukod sa babae kanina ay wala yatang nakapansin sa akin. Napansin ko ang magkasunod na bakanteng upuan kaya lumapit ako rito.
"Hello! I'm Levi, may nakaupo ba ri-aray!" Reklamo ko, nabangga ako ng babaeng sumalubong sa akin kanina. Napahawak agad ako sa braso ko at pasimple itong tiningnan, sa sobrang lakas ng pagkaka-bangga niya, naramdaman kong sumakit ang braso ko. "I-I'm okay!" Sambit ko sa babaeng pinagtanungan ko kanina nang hawakan niya ang braso ko.
"S-sigurado ka?" Nagaalala niyang tanong, tumango na lamang ako kasunod ng mapait na pag-ngiti. "Halika! Dito ka na maupo," anyaya nya 'tsaka kinuha mula sa akin ang bag ko't inilapag sa bakanteng upuan. "Ano pang hinihintay mo? Pasko?" Natatawa nyang tanong.
"H-ha?"
"Ano ka ba?" Tinapik niya ang braso ko 'tsaka papekeng natawa. "Maupo ka na," dagdag niya 'tsaka itinuro ang upuan.
"Thank you, ha?" Sambit ko at sya'y nginitian.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong nya, kumunot naman ang noo ko.
"H-ha? A-anong sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong,
Bahagya syang natawa. "I'm Niña Honelyn Villegase!" Iniabot nya sa akin ang palad nya, nakipag-shake hands naman ako. "That word 'ha' is my nickname," sambit nya, napatango naman ako. "Charurut!'' She said, ang lakas ng boses nya. "Kapag ako ang kasama mo, hindi ka mabo-bored kaya sa'kin ka na lang sumama kasi desisyon ako!" Dagdag pa nito.
"Halata naman, ang daldal mo kaya." I giggled.
"Truths hurt!" Sambit nya at muling tumawa.
"I like your hair." Pagpuri ko sa buhok nya. "You look like Arianna Grande." Sambit ko 'tsaka bahagyang natawa.
"Sa sobrang dami mong puwedeng mapansin, buhok ko pa talaga." Natatawa nyang sabi, ngumiti na lamang ako. "Oo nga pala, Levi. Ingat ka kay Pao, ha?" Halos pabulong nya ng sabi.
"Who?" Tanong ko, ngumuso sya at sinundan ko naman ito ng tingin hangang sa tumama sa masungit na babae kanina. "Anong mayro'n sa kan-" napalingon agad ako kay Niña nang hampasin nya ang braso ko.
"Ano ka ba? H'wag kang magpa-halata!" Bulong nya, dali dali naman akong umayos ng upo. "Epal 'yan, e, masyadong papansin." Muli nyang bulong.
Lilingunin ko na sana ulit ang babae kaninang nagngangalang Pao nang hampasin ng kung sino ang lamesa sa harap ko, napatalon tuloy ako ng wala sa oras dahil sa gulat.
"Ako ba ang pinag-uusapan niyong dalawa?" Masungit nyang tanong, nakapatong ang kanang kamay niya sa lamesa habang deretsong nakatitig sa akin. "Ano? Hindi ka magsasalita?" May pagbabanta ang kaniyang tono.
Magsasalita na sana ako nang hawakan ni Niña ang braso ko, para bang sinasabi nya na 'let me handle this' kaya nanahimik na lang ako.
"Alam mo ikaw? Napaka-assuming mo!" Deretsong sambit ni Niña, napapikit na lamang ako nang akma syang sasampalin ni Pao.
"Class, ano 'yan?" Tanong ng kung sino. Napalingon ang lahat sa babeng nagsalita, she looks familiar. "Oh! Miss Dimayuga, you're here!" Sambit nito 'tsaka lumapit sa akin, sabi ko na nga ba kilala ko siya. "Kung hindi mo naaalala, isa ako sa mga naging teacher mo no'ng elementary ka pa lang. Sa Japan," kuwento nya.
"Ah! Yes po! I remember." Tugon ko, nginitian niya ako.
"So, good morning, class!" Sambit ng guro, lahat kami ay tumayo at binati sya pabalik. "Are you guys ready for today?" Tanong niya sa amin, sumagot naman kami. "After we proceed to our lesson, let me ask you. What is Chemistry?" Tanong nito, napalingon ako sa aking likuran nang makarinig ng mga bulungan. "Miss.....Estrada!"
"Grabe! Akala ko, ako matatawag." Mahinang sambit ni Niña bago magpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Che-chemistry is....." Muli akong napalingon sa bandang likuran nang marinig ang boses ni Pao. "It is the branch of science that deals with the identification of substances of which matter is composed." Sagot niya.
"Excellent!" The teacher says and clap her hands. "Miss Dimayuga, same question." Sambit nito, nanlaki pa ang mga mata ko bago tumayo.
"It is a study of matter, analysing its structure, properties and behaviour to see what happens when they change in chemical reaction." Sagot ko, ngumiti ang guro.
"Very good! Hindi ka pa rin talaga nagbabago, hanggang ngayon ay matalino ka pa rin." Pagpuri nito sa akin.
Nagpatuloy ang klase. Ilang oras lang ang lumipas ay natapos na ang buong maghapon, napakabilis. Palabas na ako ngayon ng classroom, aalis na sana ako nang may kung sinong humila sa braso ko. Mabilis ko itong nilingon.
"P-pao?"
"Una sa lahat, ayaw ko sa KSP!" Inis na sabi ni Pao, kumunot ang noo ko nang mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko.
"Aray, Pao! Masakit!" Reklamo ko.
"Talagang masasaktan ka kapag hindi mo tinigilan ang pagiging KSP mo!" May pagbabanta niyang sabi.
"H-hindi naman ako KSP, Pao." Sambit ko.
"You're not? E, ano 'yong ginawa mo kanina?" Tanong niya, kumunot ang noo ko't inaalala ang nangyari kanina.
"P-parang wala naman, e." Sambit ko.
Binitawan ni Pao ang braso ko, binigyan niya ako ng tingin na 'Sige, ulitin mo. Tatamaan ka sa akin.' bago siya tuluyang umalis. Nang maka-alis siya ay bumaba na agad ako ng hagdan, eksakto namang habang naglalakad ay nag-vibrate ang cellphone ko. Si mommy, nag-text.
From: Mommy.
- Hindi ka masusundo, humanap ka na lang ng masasakyan mo pauwi.
"Grabe! Hangang sa text ba naman, cold pa rin si Mommy." Reklamo ko.
"Maam, sakay po?" Tanong ng trycicle driver sa akin.
"Sa Belareez po," sagot ko.
"Oh! Sa Belareez daw!" Sigaw niya sa mga kasamahan niya. "Sige po, sumakay na po kayo ro'n." Sambit nito 'tsaka itinuro ang nauunang trycicle sa kanan.
Pumunta ako ro'n at sumakay na. Akala ko kapag nakahanap ng sasakyan ay makakauwi na, hindi pa pala dahil kailangan mo pang maghintay ng kasama. Halos tatlumpong minuto rin akong naghintay.
"Boss, sa tapat ng Belareez po." Sambit ng pamilyar na boses, napalingon agad ako rito at laking gulat nang makita si Pao. "Ikaw na naman!" Irita niyang sabi, imbes na magsalita ay nginitian ko na lamang siya.
"Sumakay ka na para makalarga na tayo," sambit ng driver.
Wala nang nagawa si Pao kung hindi ang sumakay na, magkatabi kami ngayon dito sa loob. At dahil sa kalakihan ng katawan niya ay masyado akong na-iipit, ni hindi na nga ako makalanghap ng hangin mula sa labas.
"P-pao, puwede bang umayos ka ng upo? Naiipit kasi ako, e." Pakiusap ko, hindi niya ako pinansin. Hindi ko napansing may nakasalpak pa lang airpods sa tainga nya. "P-pao?" Kinalabit ko sya, agad naman nya akong nilingon.
"Ano?" Inis niyang tanong habang nanlalaki ang mga mata.
"N-na-iipit kasi ako, e, puwede bang umayos ka ng upo?" Pakiusap ko.
She raised her brows. "I DON'T CARE."
Imbes na magreklamo pa ay nagtiis na lamang ako sa sobrang sikip. Lumipas ang ilang minuto, narito na kami sa tapat ng Belareez.
"Bumaba ka na."
Napalingon ako kay Pao, nanlalaki ang mga mata niya habang ang kanang kamay ay nakaturo sa labas ng sasakyan. Tumango na lamang ako bago tumayo at dahan dahang naglakad pababa, hindi pa man ako nakakalabas ay itinulak na ako na niya agad ako. Nawalan ako ng balanse kaya bumagsak ako sa semento.
"Ang bagal mo." She rolled her eyes.
"Ang laki siguro ng problema mo sa mundo," bulong ko.
"Anong sabi mo?" Naghahamon niyang tanong.
"Si Kuya ang kausap ko, ito na po ang bayad." Sambit ko bago i-abot ang pera.
"Keep the change, Kuya." Sambit ni Pao, napalingon tuloy sa akin ang driver, ngumiti na lang ako bago pumasok sa gate.
"Maganda pa naman sana siya, masungit lang." Nakanguso kong sabi.
Pagkarating dito sa bahay, bumungad agad sa akin ang aking ina. Hapon pa lang pero parang lumagpas na ako sa napag-usapan naming oras ng uwi ko tuwing may klase.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni mommy, nakataas ang dalawang kilay niya habang deretsong nakatitig sa akin. "Kumain ka kung nagugutom ka, may aasikasuhin lang ako." Sambit niya, tumango na lang ako bago tuluyang pumasok sa loob.
Nang matapos kumain ay dumeretso agad ako sa kuwarto ko, nagpalit lang ako ng damit 'tsaka nahiga na. Sa sobrang pagod ay deretso na akong nakatulog, ni hindi na nga ako nakapag-hapunan. Nang magising ako, tumayo agad ako't tinignan ang orasan.
"Gabi pa pala,"
Muli akong nahiga at natulog, naka-bibingi ang katahimikan sa gabi kaya mabilis akong nakabalik sa pagka-katulog. Nang magising kinabukasan, nagmadali agad akong kumilos dahil tanghali na rin at baka ma-late na ako.
"Bilisan mo, baka ma-late ka na!" tarantang sambit ni Ate Joy.
Ibinigay nya agad ang bag ko 'tsaka ako hinila palabas ng bahay, wala si Kuya Rodel ngayon kaya magco-commute na naman ako.
"Mabuti na lang at may naabutan pa tayo, kung wala baka naglakad ka papunta sa AU." Sambit ni Ate Joy, tinutukoy niya ang mga trycicle na nagdaraan tuwing umaga. "Kuya, hindi pa po ba kayo aalis? Baka ma-late na itong alaga ko, e." sambit ni Ate Joy sa driver.
"Sandali na lang, hihintayin lang natin 'yong nakasabay niya kahapon." Sagot nito, kumunot ang noo ko.
"S-sino po?" tanong ko.
"Hindi mo ba naaalala? Iyong mukhang maton?" tanong ng driver 'tsaka tumawa, natawa na lang din ako nang maalalang si Pao ang tinutukoy nya. "Oh! Ayan na pala sya, e."
Napalingon ako sa gawing kanan, narito na nga si Pao. She's wearing a white polo, black pants and a pair of...a men's black shoes? Kung hindi mo sya kilala, aakalain mo talagang lalaki sya. Natulala ako nang magtama ang tingin naming dalawa, ni hindi ko nga rin namalayang nakangiti na pala ako.
"Hoy!" Si Pao, pinitik niya ang noo ko. "Ano pang hinihintay mo? Pumasok ka na!" Taas kilay niyang sabi, napatango na lang ako bago tuluyang pumasok.
Nang makarating kami rito sa AU. Nagmadaling pumasok si Pao sa loob kaya naiwan nya ang sukli nya, iniabot naman 'yon sa 'kin ng driver at nakiusap na ibigay ko na lamang kay Pao. Sa kalagitnaan ng paglalakad, napansin ko ang pamilyar na tao. Dali dali ko itong nilapitan at hindi nga ako nagkamali dahil ang pamilyar na tao ay si Pao, nakatayo sya ngayon habang ang mga siko ay nakasandal sa railings.
"Pao!" Tawag ko sa kanya, agad nya naman akong nilingon kaya nagmadali akong lumakad palapit sa kanya. "Sukli mo." Iniabot ko sa kanya ang barya ngunit tinitigan niya lamang ito. "Ipinabibigay ng driver-"
"Hindi ko sinabing kunin mo." Si Pao sa malamig na tono, inirapan niya ako bago kinuha mula sa mga kamay ko ang barya.
"Akala ko ba hindi niya pinapakuha?" naguguluhang bulong ko.
"May sinasabi ka?" She raised her brows.
"Wala, ang sabi ko ang guwapo mo. Have a great day ahead! Bye!" Kinawayan ko pa siya bago tuluyang umalis.
Masyado syang masungit, kung lalaki lang sana sya baka ako pa ang nanligaw sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top