Whiskey - Part 2

Whiskey (Short Story)

PART 2




Kinabukasan, maagang-maaga, nagulat pa ito nang nagawa na nitong makatayo at makalakad nang dahan-dahan. Inilibot nito ang paningin sa maaliwalas at magandang bahay. Hindi ito makapaniwala! Tuloy, mistulang lumutang sa ere ang mabigat nitong pakiramdam na matagal na panahon nang pasan-pasan. Tila pa nga napuno ng maliliit na nagkikislapang ilaw ang paligid katulad ng mga ilaw na namasdan nito kagabi sa kalye. At unti-unti, lumawig pa ang namuong ngiti rito. Dahil doon, sobra itong nagpapasalamat sa babae kagabi para sa panibagong buhay.

Naputol ito sa iniisip at ninanamnam na kaligayahan nang may marinig itong ingay at saya sa may sala. Kaya pinuntahan nito iyon.

Nakita naman ito ng babae at nakangiting tinawag. Nang alanganin itong humakbang, ang babae na ang lumapit at iginiya palapit sa ama.

"Dad, may sorpresa kami!" masayang sabi ng babae sa lalaking naka-wheelchair sanhi ng aksidente, kung saan naapektuhan ang dalawang binti na kinailangang magpagaling nang matagal.

Kaibigan?! hiyaw nito sa isipan at nilapitan nang husto ang lalaki sa wheelchair sa sobrang katuwaan. Hindi ito makapaniwala sa nakikita!

"Kaibigan?!" gulat ding sambit ng lalaki. Umangat ang tingin ng ama sa anak at dumaloy ang mga luha sa pisngi. "P-papaano mo siya natagpuan? Siya ang ikinukuwento ko sa inyo...."

Gulat din ang babaeng anak. Hindi akalaing ang ikinukuwento ng ama at ang nasa harapan ay iisa. Ipinaliwanag ng anak ang nangyari kagabi sa may fast food hanggang sa nagdesisyong iuwi na bilang sorpresa sa pamilya sa araw ng Pasko.

Masayang nakatunghay ang lahat sa reunion ng dalawa.

"Lolo," wika ng isang paslit maya-maya, "what's his breed?"

Saglit na pinagmasdan ng lalaki ang kaibigang nakabenda ang mga sugat. "Mixed Yellow Labrador Retriever at Askal."

"Sabi ng beterinaryo kagabi, nasa edad na limang taon na raw," dagdag ng babaeng anak.

Nagtanong muli ang bata. "Ano'ng pangalan niya?"

Napaisip ang matanda. Kailangan ngang may pormal na itong pangalan kung mula ngayon ay magiging miyembro na ito ng pamilya nila.

Nag-isip at nagsuhestiyon ang lahat.

Ito naman ay nagsiyasat sa paligid. Nakakita ito ng tubig sa kopita na nakapatong sa mababang mesa. Dahil ugaling-kalye, nilapitan iyon at dinilaan. Napahatsing at ubo ito sa sobrang pait at tapang ng tubig!

"Nako!" sabi ng babaeng anak at dagling iniwas ang kopita. "Alak ito!"

Nagtawanan tuloy ang lahat.

Sandaling tiningnan ng lalaki ang bote ng alak sa tokador. May naisip ito agad at sinabing, "Hmmm... malamang ay magugustuhan niya ang pangalang WHISKEY."


Wakas.


~~~~~~~~

AN: This story is dedicated to my friend, companion, therapist, Whiskey; a mixed Yellow Labrador Retriever and Saluki. He was a stray puppy (estimated 5 months old) when we found him. Malnourished, hungry, thirsty, so dirty with wounds, can barely stand up, and neglected by previous owner who left the Middle East. He was a tough dog still trying to survive on his own finding food in the trash/garbage despite the heat/temperature in the open which can reach easily from 42 °C (113 °F) to 50°C ! But still, he wagged his tail, forgot all the bad things that happened to him, and moved on. He will be 7 yrs. old on January 2018 :)


Portrait of Whiskey

2013 © Jay-c Photography

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top