6. Found You
Napatanga ang lahat habang inililibot ang paningin sa buong resort. It was a perfect place for people who wants to get away from the city lights and just be one with nature. At walang ibang nararamdaman ang mga Lagdameo kung 'di ang matinding panghihinayang. It was too late when they heard about the island. Naunahan sila ng mga Geronimo na bilhin ito.
Rhea Lagdameo and Helen Geronimo are long time friends. Despite being on each other's throat in the business world nanatili pa rin ang kakaiba nilang pagkakaibigan. Matapos marinig ni Helen ang plano ng kaibigan patungkol sa nalalapit nitong anniversary, walang patumpik- tumpik niyang ini-rekomenda ang katatayong resort ng anak.
"Tita, tito, I'm so glad to see you again." Yumakap si Hexus sa dalawang matanda at ginawaran pa ng halik sa pisnge ang ginang.
"Oh my goodness! Ang laki-laki mo na Hexus. You were so patpatin pa the last time I saw you. How was France, ijo?"
Tipid siyang ngumite dito at napakamot sa batok. He was still 9 the last time they saw each other at hanggang ngayon ay naaalibadbaran talaga siya sa boses nito. It was high-pitched and shaky at talaga namang mapapapikit ka sa tinis ng boses nito.
"It was good, tita. I'm sorry I didn't get to visit you during my vacations. Si mom kasi...and I got busy with my son." Ang paliwanag niya dito.
He spent all his time with son tuwing umuuwi siya ng Pilipinas galing sa France. Lumaki sa pangangalaga ng kanyang nga magulang ang kanyang anak kaya naman ay bumabawi siya ngayon dito.
"Oh, Hernan! How is he na nga pala? It'll be nice kung magiging magkaibigan sila nitong apo ko. By the way, this is Regil Lagdameo and my sons Raego and Ramcis." Ipinakilala nito ang dalawang lalaking kasing-tangkad at kasing-laki lang yata niya.
Inilahad niya ang kamay sa dalawa at nakipag-kamay dito.
"Hexus Geronimo. It's a pleasure to meet you."
Noong mapang-abot ang kamay nila ni Raego agad na napahigpit ang kapit ni Hexus dito. For a brief second, Hexus thought of crushing his hands for no reason. He let go of his hands and stared at the guy in front of him. Salaud. Aniya sa kanyang isip bago binalingan ang babaeng Lagdameo.
"How about I lead you to your rooms, tita? Pagod na siguro kayo."
Iginaya niya ang mga ito sa overwater villas na tutuluyan nila. It was created for visitors like them. With an extraordinary amout of private space, and extravagant interiors that's perfectly balanced between the elegant, comfortable luxury and a kind of eco-friendly vibe the Lagdameos can't help but be in awe. Hindi nga talaga magpapahuli ang mga Geronimo sa kanila.
Matapos maihatid ang mga ito, minanduhan niya ang mga tauhan na maging alerto sa mga pangangailangan ng mga bisita nila. There were almost twenty guests at ayaw niyang pumalpak. He don't want to disappoint his parents, his friends, and the island people. They have high-hopes for this.
Buong maghapon naglilibot lang siya sa buong resort para masiguradong maayos ang lahat. It was almost midnight ng maka-uwi siya ng bahay. Napakunot pa ang kanyang noo ng makitang bukas ang ilaw sa kanilang sala.
May ideya na siya kung sino ang nandito ngunit hindi siya dapat magpakampante. Dahan-dahan siyang lumapit siya sa sofa at nakita ang isang maliit na katawan na himbing na himbing sa pagtulog. Wala itong kalaban-laban kapag ginawan niya ng masama.
"Aisen," ang mahina niyang pagtawag dito. Umungot lamang ang lalaki at tinalikuran siya. Mahina siyang natawa ng tampalin pa nito ang kamay niya.
"Aisen, wake up. Umakyat ka na d'on sa guest room." Ang muli niyang sabi dito ngunit ayaw talaga nitong gumising.
Napailing na lang siya dito bago yumukod ng bahagya para mabuhat ito. The familiar light body cradled on his chest as soon as he had him in his arms. Para itong batang sumiksik papalapit sa kanya. Tahimik siyang umakyat sa itaas at nagtungo sa guest room na palagi nitong inuukuphan tuwing dumadayo ito sa bahay niya.
Hindi pa man sila tuli, magkakilala na sila nito. Tuwing naaalala niya kung paano sila nagkakilala hindi niya maiwasang mapangisi at mamangha. Sa kabila ng pagiging patpatin nito, nagawa nitong patumbahin ang limang batang lansangan na naghahamon sa kanya ng away. He used to be a quiet kid back then who likes to have his little adventures after a successful escape from his bodyguards.
Hindi niya pinatulan ang mga batang lansangan dahil sigurado siyang sa manghihilot ang diretso nito. He was a black belter in taekwondo and was a competitive kid. Ayaw na ayaw niyang nagpapatalo sa larong nasimulan niya. But Aisen came to rescue him. May dala-dala itong stick na ginamit para ipangpalo sa mga bata. Nakatayo lang siya sa isang tabi habang sinasabunutan nito ang mga bata. Nakangiti pa ito ng malaki sa kanya nang maitaboy ng tuluyan ang mga batang lansangan. He was smiling brightly despite the wounds on his arm.
Matapos niyang mailapag ang lalaki, inayos niya ang pagkakahiga nito at binuksan ang aircon ng kwarto. The corner of his lips lifted upwards as soon as Aisen burried his face on the pillow he was hugging.
They were the best of friends. He wonders what went wrong, though. Saan nga ba nagsimulang masira ang pagkakaibigan nila? They're still friends, but it's never been the same.
Marahan niyang isinara ang kwarto bago dumiretso sa kwarto ng anak. Mahimbing itong natutulog habang nakayakap ng mahigpit sa unan nito at nakasubsob ang mukha dito. A habit that reminded him of someone.
Lumapit siya dito upang gawaran ito ng halik sa noo.Inayos niya rin ang pagkakatakip ng kumot nito. His son is his energizer, his life and his inspiration to strive harder. He wanted to give him the kind of life his parents gave him. He wanted to give it on his own.
"Daddy?" Bahagyang bumukas ang talukap ng mata nito upang silipan siya.
"It's me. Go back to sleep, sweety." Ang malambing niyang sagot dito at tinapik-tapik ang likuran nito.
"Goodnight, daddy. Good job ka po." Bahagya ng humina ang boses nito sa dulo hanggang sa muli ng bumagsak ang talukap ng mata nito.
Matapos niyang masiguradong nakatulog na nga ulit ang anak, lumabas na siya ng kwarto nito saka nagtungo sa kwarto ni Angelo.
The pregnant man laid uncomfortably on the bed. Nakakunot ang noo nito habang mahinang dumadaing. Nang nilapitan niya ito nakita niya ang pagtagaktak ng pawis nito sa noo. Mabibigat at malalalim rin ang ginagawa nitong paghinga.
"Angelo...wake up, Angel." Umupo siya sa tabi nito saka tinapik-tapik ang mukha nito para gisingin.
"Hngh...a-ang baby ko.." Lumandas sa pisnge nito ang ilang butil ng luha. Mabilis niya iyong pinunasan gamit ang kanyang hinlalaki.
"Angelo, you're having a nightmare. Gumising ka." Muli niya itong tinapik at niyugyog ang katawan. "Angel...Lancer."
And like a spell being casted upon, bumukas ang mata ng lalaking tinawag niya. His lashes flattered like butterfly's wings before him. His misty eyes reflected the pain and fear he's currently in.
"Hexus..." Mabilis itong bumangon at yumakap sa kanya ng mahigpit. Ibinuhos nito sa kanyang balikat ang balde-balding luha.
"You're safe, Angel. Hindi mo kailangang matakot. Nandito ako."
Lancer Trinidad
Busy ako sa pagde-decorate ng cake nang makarinig ako ng yabag ng paa mula sa entrada ng kusina. Lumingon ako dito at ngumite ng makita si Aisen na papasok. Gulo-gulo ang buhok nito habang humihikab.
"Good afternoon, Angelo. Sorry late ako nagising. Akala ko kasi nasa bahay na ako." Ang nakanguso niyang saad bago umupo sa counter ng kusina. "Si Hexus nga pala?"
"Good afternoon rin, Aisen. Nasa resort na si Hexus. Maaga siyang nagtungo doon." Ang sagot ko bago ipinagpatuloy ang paglalagay ng strawberry sa ibabaw ng cake. "Kung nagugutom ka na may niluto akong lemon garlic tilapia, hindi ko lang alam kung magugustuhan mo."
"Lahat naman ng niluluto mo masarap kaya siguradong magugustuhan ko 'yan. Para kanino pala yang cake?" Ang tanong niya habang nakamasid sa ginagawa ko.
"Para kay Binrasol, hindi pa raw kasi siya nagkaka-cake. May isa rin akong binake kanina, nag-request kasi si Hernan Clyde na gusto niyang bigyan ng cake ang kaibigan niya." Ang magiliw kong pagkwe-kwento dito.
Habang nandito sa bahay nakahiligan ko ng mag-experiment ng luto at pagbe-bake. Noong una ay nahihiya pa ako pero kalaunan ay naging komportable din naman ako. Lalo na n'ong pinadalhan ako ni tita Helen ng mga pang-bake.
"Alam mo, nakakainggit ka." Ang nakapalumbaba niyang saad na nagpa-alarma sa akin. "Pero not in a bad way, no! Gusto ko rin kasing matuto mag-bake at magluto kaso parang ayaw sa akin ng kusina. Hanggang lamesa lang yata talaga ako." Pareho kaming natawa sa huli niyang sinabi.
"Marami namang tutorial sa youtube. Lalo na ngayon na mas malakas na ang internet pwede ka d'on manuod. Saka pwede ka namang pumunta dito, hindi ako ganoon kagaling pero may kaunti naman akong alam." Ang sabi ko dito.
"Thanks. Si H-Hernan? Nasaan?"
"Nakikipaglaro sa mga kaibigan niya. Pagkatapos nilang magtanghalian dito at magpahinga saglit bumalik na naman sa labas." Ang naiiling kong sabi.
"I see. Masaya ako na may nag-aalaga na dito ng mabuti. Pansin kong mas sumigla pa ito ng dumating ka. Sana hindi ka magsawang alagaan at mahalin siya." May maliit na ngiti sa kanyang mukha. Nakangiti si Aisen pero bakit pakiramdam ko malungkot ito?
"Hindi naman siya mahirap mahalin. Malambing at mabuting bata si, Hernan. Kahit sino naman siguro ay gustong alagaan ang cute na batang 'yon." Ang saad ko habang nakatuon ang buong pansin sa cake.
Hindi ko na ito narinig magsalita kaya tiningnan ko ang pwesto nito. Nakita kong kagat-kagat niya ang kanyang mga labi habang nakatitig sa kawalan.
"Aisen? Okay ka lang?" Ang tanong ko dito.
Kumurap-kural ito saka humarap sa akin.
"Hmn..gutom lang siguro ako." Ang nakangiti niyang saad bago tumayo mula sa pagkakaupo.
Naglakad ito papunta sa lamesa saka umupo doon.
"Kain tayo, Angelo." Ang narinig kong pag-aaya niya na mabilis kong tinanggihan.
"Kumain na ako, Aisen. Thank you." Tumango lang ito saka inabala ang sarili sa pagkain.
Pagkatapos kong ibalot ang dalawang cake, muli akong nag-bake ng mga brownies at cookies para sa mga kaibigan ni Hernan. This time ay tumulong na si Aisen sa akin. Noong una ay para pa itong maiiyak dahil iba ang kinalabasan ng cookies niya. Pinagawa ko kasi siya sa ibang bowl. Muli ko itong tinuruan mula sa una saka siya gumawa ng bago. Pareho pa kaming napapalakpak ng makita ang kinalabasan ng cookies niya.
"Sa tingin mo magugustuhan to ni Hernan?" Ang tanong niya sa akin habang yakap-yakap ang tupperware na may lamang cookies na ginawa niya.
"Sigurado!" Ang pagpapalakas ko ng loob dito. Narinig ko mula kay Hexus na si Aisen ang tumutulong sa kanya dati sa pag-aalaga kay Hernan nang lumipat sila dito kaya siguro close sila ng bata.
"Magaling kang teacher kaya maniniwala ako sa'yo." Ang pambobola niya na tinawanan ko lang.
Papunta kami ngayon sa kid's club ng resort. Nag-text kasi si Hexus kanina na doon niya iniwan ang mga bata. Nakasuot ako ngayon ng isang itim na oversized maternity dress sweater na binili sa akin ni Hexus.
Baka matakot sa akin ang mga guests ni Hexus, ako pa maging dahilan ng pagbagsak ng business niya. Bahala na kung magtaka sila kung bakit ganito ang suot ko gayong ang init-init.
"Benrasol!" Ang masigla kong pagtawag sa lalaking nasa harapan ng Kid's Club. "Happy birthday," ang pagbati ko bago iniabot sa kanya ang box na may lamang cake.
"Happy birthday, Ben." Ibinigay niya rin dito ang isang box na may lamang mga hanky.
"Oi, Gelo, Aisen! Salamat. Hahaha! Ano to?" Nanlaki ang mata niya ng makita ang laman ng kahon. "Cake at panyo?! Wow. Saka ang gaganda pa! Maraming-maraming salamat dito, Gelo, Aisen. Hulog talaga kayo ng langit." Lumapit siya sa amin para yumakap.
"Asus! Bolero ka. Pasensya ka na yan lang nakayanan ko. Sana magustuhan mo." Ang natatawa kong sabi ko dito.
"Kapag ikaw ang gumawa siguradong masarap. Maraming salamat talaga sa inyo." Aniya sa naiiyak na boses. Tinapik lang ito ni Aisen sa likuran.
"Walang ano man. Saan nga pala sila Hernan?" Tanong ko dito ng makalayo siya.
"Ayon nagtatatakbo papunta sa harap ng hotel kasama iyong pinakabatang bisita." Ang sagot niya. "Magpapakitang gilas daw sa kanyang laruan."
Ilang sandali pa kaming nakipag-usap dito bago kami nagpaalam para hanapin si Hernan at ang kanyang kaibigan na bibigyan ko nitong cake. Pagkarating namin sa hotel may mangilan-ngilan kaming nakakasalubong na hindi pamilyar ang hitsura.
Sa di kalayuan ay nakita ko na ang hinahanap namin. Kasama ito ng ilang bata, may mga matatanda din doong sigurado akong mga bisita nila Hexus. Nakatalikod sila sa pwesto ng mga bata.
"Hernan Clyde!" Pagtawag ko dito nang makalapit kami sa pwesto nila.
"PAPA!! TITO AISEN!" Ang masaya niyang sigaw bago siya nagtatakbo sa amin.
"Aba, pawis na pawis ka ah. Tanggalin mo muna yang damit mo." Utos ko sa kanya bago ko kinuha ang pamalit sa dala-dala kong bag.
Pinunasan muna siya ni Aisen bago pinalitan ng damit. "Papa, dala niyo po ba 'yong cake po?" Ang masiglang tanong niya na tinanguan ko lamang.
"Ibibigay ko sa iyo mamaya pero may ipapatikim muna kami sa'yo." Sinenyasan ko si Aisen na iabot dito ang cookies na ginawa niya.
Kinuha iyon ni Hernan at nagpasalamat.
"Papa, ang sarap po! Mas masarap po 'to ngayon po." Ang papuri niya na ikinangiti ko. Nilingon ko si Aisen at nakita ang kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha. Nakangiti ito habang nanunubig ang mga mata.
"Talaga? Mag-thank you ka kay tito Aisen, nak. Siya ang gumawa niyan."
Lumapit ito kay Aisen at mahigpit na yumakap dito. "Thank you po, tito ang galing niyo pong mag-bake po." Ang nakatingala niyang saad dito.
"W-Welcome." Ginawaran ito ni Aisen ng isang malaking ngiti saka ginulo ang kanyang buhok.
"Papa, 'yong cake ko po?" Tanong niya sa akin pagkatapos mabuwag sa pagkakakapit kay Aisen.
"Ito na po, mahal na hari." Inilabas ko sa eco-bag ang isang box saka iyon ibinigay sa kanya. "May mga cookies rin ako dito at brownies, paghatian niyo ng mga kaibigan mo."
Kinuha niya mula sa kamay ko ang box at dahan-dahang pumunta doon sa grupo ng mga bata. Nakasunod lang kami ni Aisen sa kaniya.
"Kiyo, happy birthday sa'yo!" Ang excited na bati ni Hernan sa batang lalaki na may maliit na ngiti.
"S-Salamat, Clycly. Salamat din po." Ang saad ng bata ng makita niya ako.
"Walang ano man. May mga cookies at brownies ako dito. Paghatian niyo ha?" Inilabas ko ang tupperware na may lamang brownies at cupcake saka iyon ibinaba para makakuha sila.
"Ang galing talaga ng papa mo, Clycly!"
"Oo nga! Palaging may pagkain."
"Sana papa ko nalang papa mo." Ang sabi pa ng isa na ikinailing ni Hernan.
"Akin lang papa ko 'no! Walang mang-aagaw. Ang mang-aagaw shokoy." Anito saka mahigpit na yumakap sa paa ko. Natawa na lang ako. Mga bata talaga. "Ah, Regil!"
Napatigil ang lahat ng lumapit sa amin ang isang batang lalaki. Dahan-dahan itong naglakad habang nakatitig ng mariin sa akin. Napakunot ang noo ko ng makitang mukha itong maiiyak. M-May ginawa ba akonf masama? Natakot ba siya sa akin?
"P-papa?"
Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit pero bigla na lang kumawala ang luha sa mga mata ko.
"Regil! I told you to we—" Nabaling ang paningin ko sa isang matipunong lalaki. Pati siya ay napatigil sa kinatatayuan niya nang makita ako.
"L-Lancer?"
-----------------------------------------------------------
Yay! May naka-update rin sa wakas! HAHAHAHAHAHA! Ayon lang po! Hehe. Happy Independence Day po sa ating inang bayan. ❤ Ayon lang po! Stay safe. Stay Healthy. Keep safe and God bless us all po. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top