5.Lagdameos
Lancer Trinidad
Napailing ako nang makita si Hexus na naghihikahos sa pagtakbo papasok sa loob ng bahay. Galing ako sa clinic ni Mich para magpa-check up. Six days ago, naisugod ako sa clinic dahil biglang sumakit ang tiyan ko. Akala namin kung ano na pero sabi ni Mich okay lang naman daw ang baby.
"Hexus, okay ka lang?" Ang natatawa kong tanong sa kanya pagpasok ng bahay.
Humarap ito sa akin na nakapamewang at taas-baba ang dibdib. Malalaking hakbang ang ginawa niya upang makarating sa harapan ko. Niyakap ako nito ng mahigpit bago lumayo upang suriin ang kabuuan ko.
"Are you...are you fine? Is the baby fine?"
Tumango ako dito at ngumite. "Okay lang ako . Masyado lang talagang paranoid si Aisen."
Lihim akong natawa ng muli kong maalala ang nangyari sa harap ng paaralan. Mas takot pa si Aisen sa pagsakit ng tiyan ko. Pagdating namin sa clinic kinailangan rin siyang asikasuhin dahil sa labis na pamumutla at panginginig.
"I am so sorry. Gusto ko sanang umuwi kaagad dito pero nagkaroon kasi ng sobrang lakas na ulan hindi kami pinayagang makaalis sa port."
"Okay lang. Hindi mo kailangang mag-alala. Inalagaan ako ng mabuti ng mga taga-isla, nila Mich, Aisen at Hernan." Tinulungan ko itong tanggalin ang coat niya at isinabit sa coat rack.
"Speaking of Hernan, where is that kid? May ipinapabigay ang lola niya sa inyong dalawa." Kinuha nito ang isang may kalakihang paper bag at umupo sa sofa.
"Nasa taas, tatawagin ko lang. Hindi ko kasi pinayagang maglaro hanggat hindi tinatapos ang assignment niya."
"Hm. I'll wait here."
Masunurin at mabuting bata si Hernan pero minsan ay hindi talaga maiwasan ang pagiging mapaglaro nito. Kapag hindi ko pa tinatawag hindi ito titigil sa paglalaro at tuwing uuwi ay bagsak sa sofa na naliligo sa sariling pawis. Tinutulugan rin niya ang kanyang mga assignment kapag labis na napagod sa paglalaro.
"Nak? Tapos ka na sa assignment mo?" Tanong ko dito pagpapasok sa kwarto niya. Naglalaro na kasi ito sa mga maliliit niyang superhero figurines.
"Opo!" Itinabi nito ang kanyang mga laruan at ibinuklat ang kanyang libro. Napataas ang kilay ko ng makita ang ginuhit nitong 'family picture'.
"Ang galing mo mag-draw ah! Ang galing ng kuya ko." Nakangiti kong papuri dito pagka-upo ko sa tabi niya.
"Thank you po! Look po, papa, oh. Ikaw po ito tapos nasa loob ng tummy po si baby. Tapos ako ito na nasa gitna tapos tabi si daddy." Ang nae-excite nitong paliwanag sa akin ang stick figure na guhit niya.
Parang may kung anong mabigat sa puso ko habang tinitingnan ang ginuhit niya.
"Ngh.." Napahawak ako sa noo ko ng maramdaman ang masakit na pagpulso nito. Ito na naman. Kagat labi akong napayuko nang maramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko.
"P-papa? P-papa?! Ano pong nangyayari sa inyo po?"
Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nangyayari. Natatakot ako. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Nahihirapan na akong huminga at parang umiikot na ang mundo ko.
"Papa? Pinagtawanan po nila ako po n'ong pinakita ko yong family picture natin. Bakit daw boy po ang mama ko."
May naririnig akong boses pero hindi ko alam kung sino o kung nasaan.
"Papa, bakit po sabi nila weirdo ako po? Sabi ng classmates ko anak po ako ng abnormal."
"You'll get through this, Angel. Concentrate on your breathing. Good job." Muli akong nagbalik sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Hexus. Unti-unti kong pinakalma ang sarili habang mahigpit na nakahawak sa mga kamay niya. Doon ako humuhugot ng lakas. Alam kong hindi ako papabayaan ni Hexus. I'll be fine.
"Good job, Angel. That's it. You're doing great." Napasandal ako sa dibdib nito pagkatapos kong kumalma. Lupaypay ang katawan ko at parang hinigop ng kung ano ang lakas ko.
"What do you want, angel?" Ang malumanay nitong tanong habang taas-baba ang kanyang kamay sa likuran ko.
"Gusto kong magpahinga. Please?"
Akala ko ay aalalayan lang niya ako pero nagulat ako nang buhatin niya ako ng parang bagong kasal. "Hexus, mabigat ako."
"It's fine and you're not heavy." I did not make a fuss dahil pati pagsasalita ay pakiramdam ko nakakapagod.
Sa tatlong buwan na nandito ako, kahit gaano pa sila kabuti sa akin hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng mga negatibong bagay. May mga gabing hindi ako makatulog ng maayos dahil pakiramdam ko may kailangan akong maalala. Hindi ako makatulog kakaisip sa bagong buhay ko. Kahit gaano ko pa subukang makibagay hinding-hindi ako babagay dito, kina Hexus at sa mga taga-isla. At natatakot ako sa kung anong naghihintay sa akin sa totoong mundo ko. May naghihintay nga ba?
Naguguluhan at nalilito rin ako sa mga bagay-bagay pero nahihiya akong sabihin iyon kay Hexus. Masyado na siyang busy sa trabaho niya ayoko ng dagdagan.
"Thank you, Hexus." Ang mahina kong pasasalamat dito ng mailapag niya ako sa kama.
"Do you want to eat?"
Wala akong ganang kumain pero ayoko namang palipasan ng gutom ang anak ko. Tanghali na kasi at hindi pa ako kumain. Balak ko sanang makisabay kay Hexus at Hernan. Kailangan kong maging matatag para sa anghel dito sa sinapupunan ko.
"Mm. Pero kaunti lang." Sagot ko dito.
"I'll be quick." Hinalikan ako nito sa noo bago umalis para bumaba.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi ko nakilala si Hexus. Hindi ko alam kung saan na ako ngayon kung hindi ako napadpad dito sa Isla. Siguro patay na ako ngayon.
-----
Linggo ngayon at todo paghahanda pa rin ang ginagawa ng mga taga-isla. Simula kahapon hanggang ngayong umaga ay naglilibot si Hexus kung may mga problema bah.
"Ijo, pagsabihan mo nga iyang si Hexus na huwag i-overwork ang sarili. Everything is going to be fine." Ang nakabusangot na utos ni tita Helen sa akin, mama ni Hexus.
Dahil maayos na ang signal dito sa isla, kahapon pa nakikipag-videocall si tita sa amin.
"Sinabihan ko na po siya pero ayaw mapirmi. Pati si Aisen ay pinagsabihan na ito pero ayon at nilibot ang buong isla." Ang natatawa kong sabi dito.
"Masyado kasing perfectionist iyang lalaking 'yan. Anyway, nasaan na ba ang apo ko, ijo? I want to see him."
"Nasa pool po, tita." Iniharap ko ang screen ng cellphone paharap sa pool at tinawag si Hernan.
Sobrang laki ng ngiti nito ng makita ang lola niya sa screen. "Hi po, lola! Nagustuhan ko po 'yong spiderman na toy po. Pati 'yong pillow ni papa."
Narinig ko ang pagtawa ng matanda sa kabilang linya. "Para kay papa mo yong pregnancy pillow bakit ka nakikigamit ha? When your lolo and I visit there, bibilhan kita ng human size spiderman pillow."
Napasigaw at napatalon si Hernan sa narinig mula kay tita Helen.
Tita Helen...kahit hindi kami personal nitong nagkakilala pero sobrang bait nito sa akin. Noong una ay natatakot ako dito dahil may pagka-maldita at bossy ang boses nito pag nagsasalita but she have been nothing but good to me. Sa halip na pandirihan o pagtawanan ako, inalam ni tita ang kondisyon ko. Nagulat ako nang sabihin ni Hexus sa akin na bumili daw ng mga libro ang mama niya tungkol sa mga carriers. Sabi ni Hexus mahilig daw mag-aral at magbasa ang mama niya kaya open minded ito sa mga bagay-bagay.
"Angelo, Hernan, mag-lunch muna tayo. Hi, ma!" Kumaway ito sa screen ng cellphone bago inilagay ang tray na may lamang pagkain sa lamesa. Nakasunod pa sa kanya si Chiko, isa sa mga tauhan dito sa resort.
Nandito kami ngayon sa harap ng hotel ng isla at isa lang ang masasabi ko dito, pang-world class ang hotel na ito. Sigurado akong dadayuhin ito ng mga turista sa opening. Sa kabila ng magandang istraktura ng resort sinisigurado rin ni Hexus na hindi masisira ang kalikasan at mapapanatili itong malinis.
"Hello, anak. Mabuti naman at naisipan mo pang kumain. Angelo told me you didn't eat your breakfast. Hindi ka rin nag-dinner yesterday. Mas mauuna ka pa yatang mamatay kesa sa opening niyang resort mo." Ang sermon dito ni tita. Parang batang napakamot na lang sa ulo si Hexus habang pinapangaralan ni tita.
"Ma, I just want this to be perfect, okay? In just an hour darating na ang mga Lagdameo at mga bisita nila." Ang narinig kong sabi nito. Hexus is a confident man, confident ito sa hindi mayabang na paraan, ngunit ngayon ay halata ang kaba sa boses niya.
Pinasuot ko muna ng pambatan roba si Hernan bago ito tinulungang maka-upo sa pagitan namin ni Hexus. Nilagyan ko muna ng mga pagkain ang plato nilang dalawa bago ang sa akin.
"Why are you so nervous ba? It's just the Lagdameos. Huwag silang magkakamaling ipahiya iyang resort mo at makikita nila."
"Ma, naman!"
"I'm just kidding, ijo. Don't worry kasi. Everything will be fine, ikaw pa ba? You're my son! Whatever you do is perfect. Look at my apo, kahit tamod lang ang nai-contribute mo he looks perfect!" Ang masiglang sabi nito dahilan para mapa-ubo ako sa aking kinakain. Diyos ko, aatakihin yata ako dito kay tita.
"Lola, what's tamod po?" Kaming dalawa na ni Hexus ang napa-ubo sa tanong ni Hernan. Tumawa lamang ng malakas si Tita.
"You will know someday apo kapag big ka na like your papa at daddy. Tamod is—"
"Ma," saway ni Hernan dito.
"What? Sasabihin ko lang na adult word 'yon."
Napailing na lang si Hexus dito at napahilot sa noo. Dahil ayaw pa ibaba ni tita ang tawag, kumain na rin ito ng lunch niya habang naka-video call sa amin. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa ni Hernan.
"Siya nga pala, Angelo, ijo. Nakita mo ba yong mga baby onesie. It's so cute right?"
Ngumite ako dito at tumango. "Opo. Nagustuhan ko talaga. Hindi ko po alam kung paano kayo pasasalamatan." Ang nahihiya kong sabi dito.
"Wag mo ng alamin, you taking care of my son and apo is enough." Ang nakangiti nitong sabi sa akin.
Napatagil lang ang aming usapan ni tita nang dumating ang isang tauhan ni Hernan. Nakasuot na ito ng kanilang uniporme at halatang kabado rin.
"Bossing, malapit na daw ho ang barko ng mga Lagdameo."
Yumuko si Hexus at tiningnan ang kanyang relos bago kami tiningnan. "Do you guys want to welcome them with me?" Tanong nito sa amin.
Hindi ako sumagot kaagad at tiningnan si Hernan. Namumungay na ang mga mata nito at mukhang babagsak na. Hahaha! Ang cute talaga.
"Pwede bang ikaw na lang? Mukhang inaantok na tong si Hernan."
Tumango siya at tumayo. "Sure. Ihahatid ko na lang muna kayo doon." Bahagya itong yumuko at binuhat si Hernan bago humarap sa screen ng cellphone. "Ma, magpahinga na po kayo. Don't forget to take your meds."
"Yes, yes. Sige na. Goodbye, Angelo, Hernan. Take care you guys. We will see you soon. Mwuah!" Kumaway kaming tatlo dito bago pinatay ni tita ang tawag.
"Angelo, let's go."
Nang mapadaan kami sa tabing dagat papunta sa bahay pansin ang kumpol ng mga taga-isla na tumatanaw sa unang mga bisita ng isla. Isang malaki at magarang barko ang papalapit na dito sa isla.
"You okay?" Napalingon ako kay Hexus na may nag-aalalang tingin.
"Okay lang ako. Tayo na."
"Tayo na?" Taas kilay niyang tanong habang nakangisi.
"HAHAHA! Tayo na po sa bahay." Baliw talaga.
Bago pa kami tuluyang nakapasok sa loob ng bahay, rinig ko pa ang pagsisimulang pagpapatugtog ng banda at mga hiyawan ng mga taga-isla.
Third Person POV
Labis na namang ang buong angkan ng mga Lagdameo at mga bisita nito pagbaba nila mula sa barko. The island screams beauty. The sand is white and fine at ang tubig sa dagat ay napakalinaw.
"Sayang at naunahan tayo ng mga Geronimo sa pagbili ng islang ito. This is a beautiful place." Ang nakangiting papuri ni Richard Lagdameo.
"Regil, apo, do you like it here?" Ang tanong ni Rhea Lagdameo na asawa nito sa kanilang apo.
Hindi sumagot ang bata at nagpatuloy lang sa pagtingala sa isang bahay. Nakatitig ito sa isang pamilyar na pigura na nakatayo sa may balkonahe at nakatanaw sa kanilang gawi.
"Regil, what's wrong?" Ang ama nitong si Raego na ang nagtanong sa anak. Umupo ito upang mapantayan ang taas ng bata.
Mabilis na lumingon sa kanya ang bata at yumakap sa kanyang leeg.
"Daddy, si papa po."
Itinuro nito ang balkonahe ngunit hindi na ito nakaharap sa kanila. Ang pigura ay nakatalikod na't naglakad papasok sa loob ng kwarto.
"Regil..." buntong hininga ng kanyang ama.
Alam niyang iisipin na naman nitong nag-iilusyon siya ngunit hindi iyon totoo. Sigurado siyang papa niya iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. Ayaw niyang magkamali.
-----------------------------------------------------------
Ayan naaaaaaa magkikita na sila. HAHAHA! Labas mga Lagdameo bashers hahaha charot. Labyu po haha! Thank you all! Mwuah mwuah! Chup chup! ❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top