4. Identity

Lancer Trinidad

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang anak ko na masayang nagkukulay sa kanyang coloring book. Nakaupo ito sa pagitan ng mga hita ko.

Sumandal siya sa aking dibdib at hinimas-himas ang medyo may kalakihan ko ng tiyan. "Papa, kailan po lalabas si baby?" Ang tanong niya sa akin habang patuloy pa ring hinihimas ang tiyan ko.

Ngumite ako dito at inayos ang kanyang nagulong buhok. "Three more months pa anak eh. Excited ka na ba?"

Tumingala ito sa akin, excited na tumango at ngumite ng pagkalaki-laki.

"Opo! Sila Jangjang, Clent, at Kiyo may kapatid na po sila. Ako lang wala." Ang may bahad ng lungkot nitong sagot sa akin.

Ipinalibot ko dito ang aking mga braso at mariing niyakap. "Alam ko magiging the best kuya ka." Ang sabi ko dito bago siya ginawaran ng halik sa ulo.

Tatlong buwan na simula ng mapadpad ako dito sa isla Libutan. Wala akong kaalam-alam kung saan ako papunta o anong mangyayari sa akin dito. Wala akong maalala ni isa, anong mang pilit kong gawin. Habang nandoon ako sa clinic pawang takot at sakit lang ng katawan ang nararamdaman ko. Idagdag pa nang sinabi ni Mich sa akin na buntis ako.

Mas lalo akong naguluhan sa nangyayari. Para akong nakatayo sa malawak na kawalan. Hindi ko inakalang may abnormal pala akong kakayahan.

Pero tinulungan ako ni Hexus na makabangon. Kinupkop niya ako at inalagaan. Tinuring nila ako ni Hernan na anak niya na parang isang tunay na pamilya.

Habang nasa piling nila ako parant nay kunh anong napupunan sa puso. Parang pamilyar sa akin yong saya tuwing nakakasama ko sila.

Naramdaman kong mas bumibigat na si Hernan na nakasandal sa dibdib. Pagsilip ko sa maamo nitong mukha ay sumalubong sa akin ang nakapikit nitong mga mata at mahina nitong paghinga. Tahimik akong napabungisngis.

Two months ago, nahihiya itong nakiusap sa akin kung pwede ba daw niya akong tawaging mama. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun ang gusto niyang itawag sa akin. Halos gawain kasi ng isang ina ang ginagawa ko at mukhang nangungulila ang bata sa alaga ng isang ina. Eh hindi naman ako babae para tawaging ganun kaya sinabi ko nalang na pwede niya akong tawaging papa. Simula noon papa na ang tawag nito sa akin. Palagi rin niya akong nilalambing.

Tiningala ko ang kulay gintong orasan na nakasabit sa may kaputiang dingding. Pasado alas singko na pala ng hapon. Maya't maya lang ay darating na rin si Hexus. Busy kasi ito sa ginagawang resort niya na magbubukas na sa susunod na buwan. Todo ang preperasyon na ginagawa ng mga taga isla. Lahat sila ay nagtutulungan.

Napalingon ako sa pinto ng marinig kong magclick ang busol ng pintuan. Dahan-dahan itong bumukas hanggang sa iluwa doon si Hexus na bakas ang pagod sa gwapo nitong mukha.

Nakakunot ang noo nitong lumapit sa amin habang ang mga mata'y nakatuon sa kanyang anak na nakatulog sa dibdib ko.

"Hi," ang nakangiti kong bati dito pagkalapit niya sa amin. Mula kay Hernan, ibinaling niya sa akin ang kanyang mga tingin at ngumite pabalik. Yumuko ito at hinalikan kaming dalawa ni Hernan sa noo.

Ganito palagi si Hexus sa akin. Noong una ay nabigla at medyo naasiwaan ako. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang niya akong hinahalikan sa noo. Sabi niya ganun lang daw siya sa mga taong importante sa kanya. Isang buwan pa lang kaming magkakilala nun pero pinagkatiwalaan niya kaagad ako at tinuring na isang matalik na kaibigan. Tumitira ako sa bahay nila kapalit ng pagbabantay ko kag Hernan. Ayaw kasi akong pagtrabahuin ni Hexus eh ayaw ko namang umasa sa kanya. Kaya ito naging yayo ako ni Hernan.

"How's your day, Angel?" Tanong niya sa akin habang kinukuha si Hernan sa dibdib ko. Dahil sa pagkakalapit ng katawan namin, nalalanghap ko ang sumisingaw na amoy ng dagat sa kanya na nahahalo sa kanyang panlalaking cologne. Ito yong pabangong ipinapili niya sa akin dahil sumusuka ako sa dati niyang amoy.

"Okay lang kaming dalawa ni Hernan. Pagkatapos niya sa school kanina pinalaro ko siya labas saglit." Karga niya si Hernan sa isang braso at ang isa ay inilahad sa akin para tulungan akong makatayo. Tinanggap ko iyon at ginawang pang suporta para makatayo. "Ikaw? Kamusta ang trabaho mo?"

Inayos niya muna ang pagkakahiga ni Hernan sa sofa bago ito sumagot sa akin. "Stressful but I'm having fun. Masaya rin ang mga taga isla dahil hindi na nila kailangan pang pumunta sa kabisera para magtrabaho."Ang pagkwe-kwento nito habang tinatanggal ang suot nitong suit. May meeting kasi siya kanina kaya ganito ang suot niya.

Mabilis naman akong lumapit sa likuran niya at tinulungan siyang tanggalin iyon. Natural na natural at parang sanay na sa mga ganitong gawain ang katawan ko. Pati sa pagluluto ay marunong naman ako at mga gawaing bahay.

"Thank you." Aniya ng lingunin ako.

"Wala 'yon. Kain ka na. Mamaya mo nalang gisingin si Clyde, kakakain lang niyan ng pizza." Ang sabi ko dito habang naunang naglakad papuntang kusina. Siya naman ay nakasunod sa akin.

Pinaupo ko siya sa harap ng hapag at ako nama'y inihanda 'yong mga kakainin niya. Nagrequest ito kanina ng ginataang kalabasa kaya 'yon ang iniluto ko. Inilagay ko 'yong ginataan sa puting mangkok. Naglagay rin ako ng kanin sa malaking plato bago 'yon inihatid sa lamesa.

Sobrang laki ng ngiti nito ng inilapag ko ang pagkain sa lamesa. Kumuha rin ako ng dalawang plato, kutsara at tinidor bago ako umupo sa tabi niya.

"The best ka talaga, Ange. Baka masanay ako sa pag-aalaga mo nito at hindi na kita magawang pakawalan." Ang pambobola nito sa akin habang kumukuha ng kanin. Natawa nalang ako sa kabaliwan ng lalaking ito. Nasanay na kasi ako sa mga banat nitong pabigla-bigla.

Angelo ang tawag ng mga taga isla sa akin. Palagi kasing sinasabi ni Hernan na mukha daw akong anghel. Nahihiya pa ako noong una pero kalaunan ay nakasanayan ko rin naman. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan ang mga tao dito. Tinanggap kaagad nila ako at itinuring na kabilang sa kanila. Nakaalalay rin sila sa akin noong nagpapagaling pa lang ako.

Hindi ko muna ginalaw ang pagkain ko at pinanuod lang siyang kumain. Hinihintay ang magiging reaksyon niya sa niluto ko. Nagtataka itong lumingon ito sa akin pagkatapos niyang lunukin ang pagkain.

"What? Napatulala ka na ba sa kagwapuhan ko?" Ang mahangin nitong tanong na muli kong ikinatawa. Kahit kailan abnormal talaga ang lalaking ito.

Mukha lang suplado at mayabang si Hexus pero mabuti itong tao. Hindi lang dahil tinulungan niya ako, kung hindi dahil sa mga nagawa nito sa mga tao sa isla.

"Kahit sino naman mapapatulala sa kagwapohan mo. Pero gusto ko lang talagang malaman kung okay lang ba ang luto ko?" As much as possible gusto kong maging perpekto ang luto ko at mga ginagawa kong pagsisilbi kay Hexus.

"Okay lang? Your food tastes divine, Angel. Thank you." Aniya at binigyam ako ng isang malugod na ngiti. Lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

"Thank you rin. Kain ka na ulit."

Bukod sa gusto ko siyang suklian sa mga naitulong sa akin, parang may kung anong takot dito sa puso ko. Takot na hindi ko mawari kung saan nanggagaling.

Lalo na kapag naiiwan akong mag-isa kapag nagpupunta na sa trabaho si Hexus at sa school si Hernan. Natatakot ako na baka hindi na sila umuwi at iwan ako mag-isa sa bahay. Kaya nga masaya ako kapag umuuwi silang dalawa. Naghahanda talaga ako ng mga gusto nilang pagkain at sinisiguradong naasikaso sila pag-uwi.

"By the way, pupunta nga pala ako sa kabisera bukas." Aniya sa kalagitnaan ng katahimikan habang kumakain kami.

Inangat ko ang aking paningin sa kanya at tumango. Nginuya ko muna ang aking pagkain at nilunok bago sumagot dito. "Wag kang mag-alala, aalagaan ko si Hernan. We'll be fine here."

"No...do you want to go with me? Let's report to the police para matulungan nila tayong mahanap ang pamilya mo." Napatigil ako sa sinabi niya. Mahanap ang pamilya ko? Pamilya...ko?

Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang malakas nitong pagkabog.

"Are you okay? Asan ang masakit? Tatawagin ko na ba si Mich?" Ang paranoid na tanong niya sa akin. Napatayo pa ito sa gilid ko. Umiling ako bilang pagtanggi.

"O-okay lang ako. Tapusin mo na lang yang pagkain mo." Ang sabi ko dito pero nanatili pa rin itong nakatayo sa gilid ko at mariin akong tinitigan. "Please, Hexus?"

Napabuntong hininga nalang ito habang pabalik ito sa kanyang upuan.

"You can stay here as long as you want. Hindi lang ako ang sasaya kung mananatili ka dito pati ang mga tao sa isla at si Hernan. But we can't force you to stay here, ang iniisip ko lang ay baka gusto mo ng umuwi sa pamilya mo." Ang seryoso nitong paliwanag sa akin. I can feel his honesty while saying that to me at masaya akong malaman ang lahat ng 'yon. I feel like I found a home again. Again? Ewan ko.

"Masaya ako dito." Ang tangi ko lang naisabi sa kanya.

I know I should take this opportunity to find my family but something in my heart says otherwise. Parang pinipigilan ako nito. I don't feel like going away from here.

"I'm glad you are."

Natapos kami sa pagkain ng hindi nag-uusap tungkol doon. Tungkol lang sa pagbubuntis ko ang naging topic namin hanggang sa matapos kaming kumain. Sinamahan lang namin si Hernan sa sala na kakagising lang. Tinulungan ito ni Hexus sa kanyang mga assignments habang ako naman ay hinahanda ang mga ipinapadala ng teacher niya. Pagkatapos namin sa kanyang mga school works ay nagsalang si Hexus ng cd sa dvd player. Nanood lang kami ng trolls buong gabi. Mahina kasi ang signal dito sa isla kaya paminsan-minsan lang nakakasagap ng mga channel ang TV.

Ganito ang palagi naming routine araw-araw. Kahit napakasimple lang ng ginagawa namin kuntento ang pakiramdam ko.

Kinabukasan hindi ako sumama kay Hexus na umalis. Masaya pa ako dito at hindi komportable ang puso ko sa kabesera. Wala naman sigurong mawawala kung mananatili ako saglit dito.

Inihatid na lamang namin ni Hernan si Hexus sa barko na magdadala sa kanya at ng kanyang mga tauhan sa kabisera.

"Tatlong araw akong mawawala dahil sa mga meetings. Kung may problema man, don't hesitate to call Mich or kahit sinong taga dito. Aisen will sleep in the house para samahan kayo. Please, take good care of yourselves. Hernan, wag kang makulit, Okay? Makinig ka sa mga nakakatanda. Goodbye." Ang mahaba nitong paalala sa amin bago kami nito hinalikan sa noo.

"Mag-ingat ka din doon saka wag kang masyadong mag-alala sa amin. We'll be fine." Ang sabi ko dito.

"I will. Sige na, baka malate pa kayo ni Hernan. Wag masyadong magalaw at baka mapano si baby." Dagdag nito bago tuluyan pumasok sa barko.

Pagtalikod namin nadatnan ko doon si Mich na may malisyosang ngiting naka-ukit sa kanyang labi. Pinaikutan ko ito ng mata. Ito na naman po tayo.

"Hi, inaanak kong gwapo!" Bati nito kay Hernan.

"Hello po, ninang. Good morning po." Ang sagot ng anak ko bago ito lumapit kay Mich at nagmano.

"Good morning din, nak." Anito bago kinurot ang pisngi ng bata.

"So ano na, AYN-GEL? Ano nang real score niyo ni Hexus?" Ang tanong nito sa akin habang sinasabayan kami nito sa paglalakad. Nagtaas-baba pa ang kanyang maiitim na kilay at siniko-siko ako.

Nakakahiya kay Hexus kapag nalaman niyang pinagiisipan kami ng mga tao na may namamagitan daw sa amin.

"A-anong real score? Magkaibigan lang kami. Tsaka amo ko rin siya at utang ko sa kanya ang buhay ko. Wala ng iba pa. Tapos."

Pero mukhang hindi ito kumbinsido dahil hindi pa rin nabubura ang mailisyosa nitong mga ngiti.

"Oh-kee. Sabi mo eh. Walang something sa inyo ni HEXUS na KAIBIGAN mo na KINI-KISS ka."

Mahina kong hinampas ang braso nito ng marating namin ang munting paaralan dito sa isla. Sakto pang nasa labas si Aisen at rinig na rinig ang pinag-uusapan namin.

Napatingin si Mich dito at unaktong nagulat. "OH! Hi, torpe-na-teacher- na-may-crush-sa kaibigan-ko-na- bestfriend-niya." Ang pangiinis dito ni Mich. Sinamaan siya nito ng tingin at tinapunan ng bitbit na basura.

"Gaga! Papatayin talaga kita kapag may nakaalam niyang iba." Ang pabirong banta nito dito.

"So kailangan talagang itapon sa akin ang basura? I'm a doctor tapos gagawin mo lang akong basurahan?!" Ang naiinis na tanong ni Mich dito habang maarteng pinupunasan ang lab gown.

"Basurahan ka naman talaga, gaga. Saka ano bang ginagawa mo dito't naghahasik ka ng virus mo?" Taas kilay na tanong ni Aisen sa kanya na ikinatawa ko.

"Break ko saglit. Gusto ko lang makipag chikahan." Napailing ako dito. Kahit kailan napaka chismosa talaga ng doctor na 'to kaya maraming mga nanay ang tumatambay sa clinic dahil dito.

Pinapasok muna ni Aisen si Hernan sa classroom dahil alam niyang magsisimula ng puputak si Mich. Maliit lang naman itong school. May tig-iisang classroom para sa bawat grade level. Hindi naman kasi karamihan ang nakatira dito, mga tauhan lang ni Hexus.

"Bye po, papa." Paalam ni Hernan sa akin bago ako hinalikan sa pisngi. Parang may kung anong saya sa puso ko kapag naglalambing ito sa akin. Pero hindi ko maiwasang mapansin ang kaunting pakiramdam ng pangungulila dito sa puso ko.

"Bye, nak! Love you."

"Love you too po." Anito bago tumakbo papunta sa loob ng room.

Muli akong humarap sa dalawa at nakita ko ang saglit na paglandas ng kakaibang ekspresyon sa mukha ni Aisen. Alam kong may lihim na pagtingin si Aisen kay Hexus kaya pinaliwanag ko na dito na wala talagang namamagitan sa amin. Mabuting tao si Aisen at mabait ito sa akin. Ayokong magkalamat ang pagkakaibigan namin dahil sa lalaki.

"OH HA! Papa daw, kabog si Aisen bakla. Sana oils." Ang pang-aasar ni Mich sa huli. Nakatanggap tuloy siya ng sabunot sa buhok.

"Wag mo na ngang asarin, Mich. Baliw ka talaga." Ang natatawa kong saway dito. Binilatan naman siya ni Aisen at nginisihan.

"Bilis na Mich, anong chismis mo at may klase pa ako." Ang aburidong tanong ni Aisen dito matapos tingnan ang relos niya.

"So ayon nga, before daw magbukas ang resort may isang family friend daw na uukupa dito next week. Parang dry-run ganun? Ice-celebrate daw kasi nila ang wedding anniversary ng mga seniors. Guess who?" Ang kwento nito sa amin habang nakangiti ng pagkalaki-laki sa amin. Nagkatinginan lang kami ni Aisen. Wala naman akong kilalang ibang tao bukod dito sa mga taga isla.

"Sino? Wag ka ngang pa thrilling." Si Aisen na ang sumagot.

"The Lagdameos."

Kasabay ng pagkakasabi ni Mich no'n ay ang pagsakit ng tiyan ko.

"M-Mich...ang b-baby ko."

----------------------------------------------------------
H

alu! Halu! Sa wakas na survive ko rin itong si Lancer aka 4nG3L0. Nagka writer's block pa ako kanina hahaha kaya nanood muna ako nga mga gay couple sa youtube. Bumalik ako dito na inspired. Yieeekssss! Ayon lang sana magustuhan niyo. Wala pa masyadong ganap sa life nila hahaha sarreh powxzx. Ayon lang! Tenkyu ol! Labyu! Mwua mwuah! Ciao!





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top