1. Painful Goodbye
Lancer Trinidad
Nagmamadali akong naglakad patungo sa gate ng paaralan ng anak kong si Regil. Sabi kasi ni Raego kahapon na pwede daw akong dumalaw sa bata. Hindi naman talaga ako ang kadalasang kumukuha kay Regil dahil nahihiya siya sa akin. Ngayon lang ulit ako sumundo sa kanya kasi hindi na kami nagkikita sa bahay. Ayoko rin namang ipagpilitan ang sarili ko sa anak ko dahil naging tampulan ito ng tukso dahil sa akin.
Alam ko namang hindi normal ang lalaking nabubuntis. Naiintindihan ko kong ayaw niya akong lumalapit sa kanya sa school. Siguro paraan ko na rin 'yon para maprotektahan siya. Kahit sino naman sigurong magulang ay gagawin ang lahat maprotektahan lang ang anak nila. Kahit masakit at nakakababa ng sarili minsan, okay lang, basta para sa anak mo.
Masaya akong dumungaw mula sa malayo habang hinihintay ang paglabas niya. Mag-iisang linggo na rin simula noong kinuha na siya ng daddy niya paalis ng bahay. Sobrang miss ko na ito pero wala akong laban sa daddy niya at nakikita ko namang masaya siya doon. Sino ba naman ako para sirain ang kaligayahan ng anak ko? Uunahin ko pa ba ang sarili kong pangungulila sa kanya?
"Anak! Regil!" Ang nasasabik kong tawag dito ng makita siyang lumabas ng gate. Mabuti na lang at wala ng gaanong tao dito sa labas. Kumaway ako dito para mapansin niya ako.
Lumingon-lingon muna ito sa paligid bago patakbong lumapit sa akin. Mabilis niya ako hinila paalis doon sa kinatatayuan.Hawak-hawak niya ang kamay ko habang palayo kami sa lugar na 'yon.
Pagdating namin sa lugar na wala masyadong tao doon lamang siya tumigil sa pagtakbo. Napatukod pa ang kanyang mga kamay sa kanyang mga tuhod dahil sa pagod.
"Naku, basa na ng pawis itong likuran mo, nak. Lagyan ko muna ito ng towel." Kumuha ako ng towel sa bag ko at nilagyan ang basa niyang likuran. Madali pa naman itong ubuhin.
"Papa, ihahatid mo naman po ako kina mommy Camille at daddy diba?" Tanong niya sa akin dahilan para mapatigil ako sa pagpupunas sa kanya.
"A-ah, oo naman." Tumunog ang telepono ko kaya tiningnan ko muna kung sino ang nag-text.
Next time mo nalang patulugin sa bahay mo si Regil. Ipapasukat daw siya ni mom at Camille. Ihatid mo nalang siya sa bahay nila mom.
Sa bahay mo. Bahay natin 'yon dati eh.
Tiningnan ko ang anak kong nakamasid sa paligid at nagpakawala ng isang malalin na buntong hininga. Ginulo ko ang buhok nito at ngumite.
"Lika na, nak. Punta na tayo sa lola mo."
Habang naglalakad kami pauwi hindi ko maiwasang pagmasdan ang anak ko. Habang lumalaki ito ay mas nagiging kamukha ito ng daddy niya. Mas gwapo pa yata ito eh. Matalino rin ito at sporty. Hindi ako makapaniwalang pitong taon na 'tong baby ko. Parang kailan lang hindi ako makatulog ng maayos dahil halos oras-oras itong ngumangawa.
"Nak, happy ka ba sa b-bagong family mo?"
Mabilis itong tumango at ngumite.
"Opo, kasi may mommy at daddy na ako. Pareho na kami ng mga classmates ko hindi na nila ako tinutukso." Ang masayang kwento nito.
Ngumite ako dito at yumuko para halikan ang kanyang noo. "Masaya ako na masaya ka, nak."
Pagdating namin sa loob ng bahay ni mam-Mrs. Lagdameo nakakalat ang malalaking boxes. Sa di kalayuan ay nakita ko si Camille at Raego na bagay na bagay sa kanilang suot na wedding gown at suit. Minsan ko ring pinangarap na makasal sa kanya sa harap ng aming mga pamilya pero tutol ang angkan niya sa amin kaya patago kaming nagpakasal noon.
Hinayaan ko si Rigel na tumakbo palapit sa kanila at ako nama'y mabilis na tumalikod. Hindi ako nararapat dito.
"Ah! Lancer, you're here. Kumain ka muna." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong tinawag ni Camille ang pangalan ko.
"'Naku hindi na, nakapagluto kasi ako sa bahay." Lumapit siya sa akin at hinila ako papalapit kay Regil.
Gusto ko tampalin ang kamay niya palayo sa akin pero ayoko ng gulo. Lahat sila ay boto kay Camille. Lahat sila ay nagpapasalamat kay Camille dahil sinalba nito si Raego mula sa akin. Ganoon ba ako kasama para pasalamatan si Camille na parang bayani? Nagmahal lang naman ako eh.
"Ang gwapo naman ng anak ko." Pinigilan ko ang luha ko dahil ayaw kong isipin nila na mahina ako.
Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko habang pinagmamasdan ang anak namin. Kung natanggap kami ng pamilya nila ganito rin kaya kagulo ang sala namin bago kami ikasal ulit? Makikita ko rin kaya ang anak kong dala-dala ang singsing namin?
"Right?! Kamukhang-kamukha ni Raego." Napatingin ako kay Raego na nakatitig rin pala sa akin. Sinuri ko ang kabuuan nito at ngumite.
"Mm. Bagay na bagay rin sa kanya ang suot." Sobrang gwapo nito sa suot na itim na groom suit. Mas lalo pa siyang kumisig tingnan.
"Lancer, I know we did not have a good relationship but I hope to see you in our wedding." Ang malambing nitong sabi sa akin. Kung makipag-usap ito parang hindi niya inagaw sa akin ang lalaking papakasalan. Hindi ako nakasagot dahil tumunog bigla ang telepono ko.
Kung sino man ang kasalukuyang tumatawag sa akin ay lubusan ang nagpapasalamat ko dito.
"P-pasensya na...sasagutin ko lang 'to. Congrats sa kasal niyo bukas." Nagmamadali akong lumabas ng mansyon nila, doon nagsimulang magsilabasan ang mga luha ko.
"Hello?" Pinilit kong pinakalma ang sarili habang binabaybay ang daan palabas ng kanilang gate. Marahas kong pinunasan ang mga luhang naglandas sa mga pisnge ko.
Kailan ba 'to mauubos? Sobrang unlimited naman yata nitong mga luha ko.
"K-kuya...si mama.." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses ng kapatid ko. Garalgal ito at hindi kasingsigla tuwing tumatawag siya sa akin.
"Bakit, Leo? Anong nangyari kay mama?" Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan.
Pakiramdam ko...pakiramdam ko may masamang mangyayari.
"Si mama...wala na si mama kuya.." Napatutop ako ng aking bibig nang marinig ko ang sinabi ni Leo.
"Paanong..bakit? Bakit Leo?! Nagjo-joke ka lang 'di ba?!" Ang umiiyak kong tanong dito.
Wala na bang imamalas itong buhay ko?
"Inatake ito sa puso, kuya. Nalaman niya kasi sa balita na ikakasal na si kuya Raego." Ang kwento nito sa pagitan ng kanyang mga iyak. Napaupo nalang ako sa gutter at napasabunot sa sarili.
Bakit? Bakit ang mama ko pa? Bakit hindi na lang ako? Bakit ngayon pang kailangang-kailangan ko siya?
"U-uuwi ako ngayon. Hintayin mo ako ha?" Pagaalo ko dito. Meron pa si Leo. Nandito pa ang kapatid ko. Kailangan kong maging matatag.
Lutang at wala sa sarili akong napauwi sa bahay. Inilibot ko ang paningin dito at muling napaiyak. Wala kabuhay-buhay ang bahay na ito di kagaya ng dati noong kumpleto pa kami. Noong mga panahong nangangarap pa lang kami ni Raego. Noong mga panahong nagmamahalan pa lang kami.
Tinatagan ko ang aking sarili at pumunta sa kwarto namin dati ni Raego. Inimpake ko lahat ng damit ko. Hindi ko alam kung kailan ako babalik dito. Wala rin namang silbi kong mananatili pa ako dito dahil dadalhin ni Raego si Regil papunta sa Paris para sa isang buwang honeymoon nila Camille doon. Sigurado naman akong aalagaan nila ng mabuti si Regil.
Niligpit ko muna ang mga picture frame namin dahil baka madapuan ito ng mga alikabok habang wala ako.
Kumain rin ako ng kaunti sa pagkaing inihanda ko para sana sa amin ni Rigel. Adobong manok ito na paborito namin ni Rigel. Tuwang-tuwa ako kapag nilulutuan ko ito dahil pinupugpug niya ng halik ang mukha ko.
Dumapo ang paningin ko sa maliit na chocolate cake na binake ko kanina. Kumuha ako ng lighter at sinindihan ang nakatirik na kandila dito.
"Happy birthday, Lancer." Ang pabulong kong pagbati sa sarili ko. Mahina akong natawa sa kabaliwan ko at hinipan 'yon.
Walang lingun-lingon kong iniwan ang bahay. Mahirap lingunin ang mapait na nakaraan. Pilit ko mang tanggapin na wala na ang dati kong buhay hindi ko pa rin maiwasang malungkot at masaktan. Ang masayang ala-ala ng pamilya namin sa bahay na 'yan ay habang buhay na mananatiling nakaraan.
Mabilis akong nakasakay ng barko pabalik sa probinsya namin. Bandang ala sais na rin ng gabi ng kami'y nagsimulang maglayag palayo sa syudad.
"Hindi ba parang masama ang panahon?" Napalingon ako sa babaeng katabi ko. May karga-karga itong bata na natutulog. Ngumite ako dito.
"Mukha nga. Pero hindi naman siguro ganoon kasama.Pinayagan naman tayong makaalis sa port." Nakatuon ang pansin ko sa lumiliit na imahe ng lungsod na pinanggalingan ko.
"Kung sa bagay."
Sinubukan kong kuntakin si Raego para sana makausap si Rigel kaso hindi ko naman ito ma-contact. Busy siguro ito. Pagdating nalang sa bahay mamaya ko ito tatawagan.
Napayakap ako sa sarili nang umihip ng malakas ang hangin. Sinundan pa ito ng malakas na alon. Umuga-uga ang sinasakyan naming barko sa sunod-sunod na paghampas ng malalaking alon. Nagsimula na ring pumatak ang ulan. Patuloy pa ring umuuga ang barko dahil sa mga alon. Rinig ko ang mga tiliin at dasal ng mga kapwa ko pasahero dito sa barko. Mahigpit akong napahawak sa railings at blankong napatingin sa paligid. Nakapasok na sa barko namin ang maraming tubig.
"Kumuha ka na ng life jacket, ijo! Lumulubog na ang barko!"
Napatingin ako sa matanda na nakasuot ng life jacket. Medyo marami kami sa loob ng barko kaya nagkakaubusan na ng life jacket. May nakuha akong isang life jacket pero nagawi ang paningin ko sa isang batang nakaupo sa gilid at takot na takot.
Mabilis ko itong nilapitan dahil wala itong suot na jacket.
"Bata! Nasaan ang mga magulang mo? Magsuot ka ng life jacket." Mariin itong umiling at tiningala ako.
"Kuya, hindi po kasi ako nagbayad ng pamasahe. Sikreto lang po akong pumasok dito kasi wala akong pamasahe pauwi sa amin. Para po sa mga nagbayad ang life jacket." Ang umiiyak nitong sabi. Saglit akong napatigil at napalingon sa paligid.
Naisip ko bigla ang anak ko. Kumpleto pa rin ang pamilya ng anak ko kahit wala ako at masaya siya doon. Alam kong hindi siya pababayaan ni Raego kapag nawala ako. Si Leo ay nakatapos na ng pag-aaral. Kaya na niyang mabuhay na wala ako. Kayang ipagpatuloy ng mga mahal ko sa buhay ang buhay nila na wala ako. Ako...napahawak ako sa tiyan ko.
May...may anghel dito sa sinapupunan ko.
"Kuya! Kuya! Lumabas ka na po! Lulubog na ang barko!" Itinulak ako ng bata palayo sa kanya pero hindi ko magawang ewan ito.
Mariin akong napapikit at mas lumapit ba sa bata. Isinuot ko sa kanya ang life jacket at kinarga papalapit sa mga crew.
Muling hinampas ng malakas na alon ang barko kaya nabitiwan ko ang bata mabuti nalang at nakuha ito ng mga crew.
"Sir, nasaan ho ang--" Hinampas ng sobrang lakas ang barko namin at tuluyan na akong nawalan ng balanse. Tumilapon ako palabas ng barko. Tumama pa ang ulo sa parang poste ng barko.
Lumubog ang katawan ko sa dagat. Pilit kong hinihila pataas ang katawan ko pero sobrang lakas ng alon at nanghihina na ang katawan ko.
Ito na ba talaga ang katapusan ko?
Kung may diyos man...sana...sana kung ano man ang kasalanan ko sa inyo sana napagbayaran ko na ito. Kung may susunod na buhay man, sana hindi niyo na ako pahirapan ng ganito. Kayo na ang bahal sa anak ko.
Third Person POV
Hating gabi na ngunit nagkakatuwaan pa rin ang pamilyang Lagdameo sa pag-uusap sa magaganap na kasalan kinabukasan ng mapatigil dahil sa lumabas na flash report sa telebisyon.
"Isang masamang balita po ang natanggap namin. Lumubog po ang barkong Fast Jester kaninang banda alas otso ng gabi. Limampu ang sugatan, dalawapu ang patay at labing tatlo naman po ang patuloy pa ring pinaghahanap. Kabilang sa nawawala sina Juan Hernandez, Chorie Pepito, Chloe Fanlo, James Policarpio at Lancer John Trinidad." Nabitiwan ni ng batang si Rigel ang hawak-hawak na baso ng gatas at tinitigan ang ipinakitang imahe ng kanyang ama.
"Rigel...Rigel..." Nag-uunahang tumulo ang kanyang luha ng maalala ang kaarawan ng amang nagluwal sa kanya.
"Daddy..." Umiiyak na tumakbo ito sa kanyang ama at yumakap. Tulala lamang si Raego habang pinagmamasdan ang telebisyon. Hindi niya maintindihan ang namumuong takot at kaba sa kanyang dibdib. "Daddy...si papa..si papa...birthday po ngayon ni papa!"
-----------------------------------------------------------
Ang hirap isulat nito. Hindi ko maisulat ito ng maayos dahil umiiyak ako habang sinusulat ito. Papalipasin ko muna ang sakit ng puso ko habang sinusulat ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top