Chapter 9: Nagbago Na

Puso’y pagod at nagdaramdam,
‘pagkat dating masayang tayo’y,
unti-unti nang namamaalam
Sa labis na kalungkutan, 
ako’y nagsasawa’t nanlalamig na ng tuluyan
Dahil din sa kalumbayan kong ito,
kalamna’y namanhid nang pangmatagalan
Pagpapanggap na ako’y okay lang,
‘di na kayang mapigilan

‘Pagkat sumisiwalat ng mainam,
sakit na aking nararamdaman
Paninikip ng dibdib ko’y tumatagos sa aking kalamnan
Kaya pagluha ko’y walang patid,
patuloy naging malawak na karagatan
‘Pagkat sa sobrang kalungkutan ko’y, nilalamon akong maging mapag-isa na lamang

Puso’y dumaing, ano’ng nangyari sa atin?
‘pagkat dating kaligayahan sa isa’t isa’y, parang pinagsawaan na natin
Dating laging ikaw ang mamahalin,
naging ‘di na kita kailangang maituturing
Kaya katanungang isinisigaw,
paano tayo naging ganito Kasintahan

Pagtitiwala’y ba’y natapos na,
o, sadyang nawalan na ng halaga
Pagmamahalang puno ng kinang noon,
naging mailap sa kagubatang masukal na ngayon
Maaliwalas na ugnayan noon,
naging kasinlabo ng plastik na malabo na ngayon
Nakikita ang laman, ngunit ‘di alam kung tama ba ang nasisilayan

Katawan ko’y sumuko na,
kaya nangangailangan na ng enerhiya
Upang sa pakikipagbaka,
tunay na may maipananggalang pang lakas tuwina
Sa luhang umagos,
sinasala ng iba’t ibang kulay na blusa
‘Pagkat wala ng pakialam,
kahit masipunan o, mabasang tuluyan pa
‘Pagkat nais na lamang, mailabas ang dinaramdam na kalungkutan—‘di naiibsan, nang kahit sino pa man

Ako’y nagtatanong, saan nagkamali
‘Pagkat pakiramdam ko, wala namang ginawang ‘di mo nagustuhan
Kung kaya’t aking napag-isipan,
malamang hindi pa ganoon katatag ating pinagsamahan
‘Pagkat ating pag-iibigan, 
kaya pang baliin ng kung anuman

Ngunit aking hinihiling, nawa’y ikaw pa rin
‘Pagkat ikaw pa rin, aking ipinapanalangin
Sa tamang panahon,
maging tama para sa atin
Pero ganoon pa man,
lamat sa pag-iibiga’y, unti-unting lumalalim
Kaya maaring dumating,
paghihiwalayan natin

Ayaw ko mang sabihin,
ngunit pakiramda’y paroroon din
Lamat sa pag-iibiga’y, 
patuloy nabubuhay sa atin
Kaya ‘di pagkakaunawa’y
unti-unting umuusbong na sa atin
Hanggang magulat na lang tayo,
pag-ibig nawalan na ring kabuluhan
Kaya naging panambitan na lamang,
maghiwalay na lamang tayo, Ginoong minsang minahal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top