Chapter 7: Munting Kaibigan
Buhay ko’y tahimik, nang ika’y dumating
Pag-iisa ko’y, sinlamig ng tubig sa batis
Isip ko’y daing, nag-iisa na lang,
walang makasama’t, ni makausap man lamang
Sa malawak na lupain, kasama’y damong hilahil,
naging kaagapay, sa kapatagang may lalim
Punong may berdeng tanim, maging damong naliligaw
Walang pumapansin, kundi damong kaparihong luntian
‘Pagkat sa tingin nila’y, isang uri’ng dekorasyon na lamang,
dapat pawiin, pagdating ng panahong darating
May panandaliang halaga, bago magsimula ang kasiyahan
Kaya pag-iisa sa sulok, tila basurahang pinabayaan na lamang
Ngunit sa ‘yong pagdating, naging bulaklak sa ilang
Pagsibol nito’y kay gandang pagmasdan
Sa gitnang bahagi, nagbibigay kahulugan
Upang matanaw, gandang ‘di inasahan
‘Pagkat pagsibol mo’y kagula-gulatang
Tunay na kagalakan, mapagmamasdan tuwina
‘Pagkat sa ‘yong pagsilang,
kaligayahan ko’y nag-uumapaw
Walang halagang maitutumbas,
ni ginto’t pilak man lamang
‘Pagkat pagdating mo’y,
biyayang nilaan ng maykapal
Bagamat walang yamang maibibigay,
kagandahang-loob—siyang aking maipagyayabang
‘Pagkat pag-uugaling ito’y, aking ikinararangal
Batid kong alam mo, puso’y dakila kaninuman
‘Pagkat pananatili mo, patunay na ako’y pinahahalagahan
Kaya sa pagparito mo’y, halakhak ko’y pumapailanlang
‘Pagkat kasiyahan ko’y, ‘di mabilang ng panukat na kailangan
Mahabang pagtatalastasan, tila baga’y walang katapusan
‘Pagkat kuwento mo sa akin, panghabambuhay ang laman
Paalala mo’t gabay,
sa puso’y nagbibigay kagalakan
Gayon din sa pagluha ko’y,
pag-alalay siyang dakilang maibibigay
Ako’y ‘di mailap, kaya’t pagdamay mo’y sapat
Umiyak man at salatin, ika’y nariyan pa rin
Wala mang ibigay, ngunit presensya’y pansin
‘Pagkat pakikinig mo’t payo’y,
naging sandigan kong maituturing
Aking munting kaibigan,
salamat sa pagbibigay kahulugan
Sa buhay kong simpleng, naging ginto’t pilak sa ilang
Pinulot mo’t inalagaan, sa paraang
mabubuhay kailanman
Nawa’y huwag magbago, aking munting kaibigan
‘Pagkat pagkawala mo’y, tropiyo ko’y nawasak ng tuluyan
Salamat muli, aking kaibigan
Tunay na kasayahan, dala mo sa aking buhay
‘Pagkat pagdating mo'y,
kaligayahan kong tunay
Biyayang inilaan, ng Amang nasa kaitaas-taasan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top