Chapter 20: The End

Mula noon hanggang ngayon, 
tao'y nakakaranas ng iba't ibang suliranin
Mapamayaman o mahirap ka man,
walang makakaligtas sa bagsik ng buhay sa mundong ibabaw
Taggutom, kahirapan, kawalang kapayapaan at kasawian,
mga bagay na nagpapahirap sa buhay ng tao sa kasalukuyan
Ngunit gano’n pa man,
wala magawa para pigilin ito
'pagkat lahat ng ito'y marapat lang mangyari sa mundo

Dahil sa pagiging masama ng tao,
mundo'y sobrang bigat na—hindi na kayang pagaanin pa, ng kahit anong pagbabago
Kaya naman tao'y walang magawa,
sa pagbabagong nananalasa
Naglalakihang mga tsunami sa iba't-ibang dako ng mundo,
Naglalakasang bagyo, nananalasa sa iba't ibang bansa,
Nag-aapoy na kagubatan, sa hindi malamang kadahilanan
Nagyayanigang lindol, mula sa iba't-ibang lugar,
maging lumalalang karamdaman, kay hirap solusyonan

Anumang iwas gawin ng tao,
kung pagkawasak hayag na,
Wala nang magagawa pa, maging makapangyarihang tao sa mundo,
Kundi mapasakamay ng Panginoon diyos,
lumalang ng lahat ng bagay sa mundo
Ngunit sa paglipas ng panahon,
mundo'y patuloy na lumiliit
Nawawalan ng espasyo, upang matugunan ang kalungkutan ng tao
Kahit anumang yaman at kapangyarihang mayroon
Kung ang Diyos ang hahatol,
walang sinuman ang makakapigil,
sa parusang ipapataw sa sangkatauhan sa mundo

Ang mundo’y nakakapanglaw,
dating kasing ganda ng kulay berdeng halaman sa ilang,
ngayo'y isa ng tigang na lupang tubig ang kailangan
Dating malamig na simoy na hangin,
ngayo'y isa ng polusyong sumisira sa hangin
Dating puno ng kapayapaan,
ngayo'y singgulo ng bungangang nagtsitsimisan sa daan

Dating malamyos na tinig sa kabilang tahanan,
ngayo'y isa nang sabungang panlaban
Dating malinaw na tubig dagat,
ngayo'y isa ng maitim na kanal
Dating hindi magarbong siyudad,
ngayo'y isa ng masikip na daanan
Dating masayang nagkakawanggawang magkakaratig-bayan,
ngayo'y digmaan na ng bawat mandirimang bansang kinabibilangan

Dating nasa maunlad na pamumuhay,
ngayo'y naghihirap nang walang makain pa sa kabundukan
Dating bituing nagiging ilaw sa gabi
ngayo'y karimlan nang panaghoy ng langit
Dating punong masagana sa bunga’t masarap
ngayo'y nabubudburan na lang ng pulbura, upang maging malinamnam,
‘pagkat masaganang prutas, gulay ngayo’y,
sapilitan na lang magbunga sa ilang
Malalaki’t hitik na bunga noon, ngayo’y singliit na piraso na lang
Dating mga bagay noon, naglalaho na ng tuluyan ngayon

Masakit mang tanggapin,
ngunit katotohana'y inihahatid
Walang na ang dating buhay noon,
'pagkat ngayo’y mas tumitindi ang hirap at sakit
Wala ng magagawa pa, kundi umiyak at manalangin ng taimtim
Nawa’y bigyang pagkakataon ulit, upang makapagbagong buhay pang ulit
Sapagkat, pag mundo’y winakasan,
katumbas nito’y, katapusan ng mundong ibabaw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top