Chapter 19: Liham ng manunulat

Batang isinilang, taong ika-1995
Nasanay sa larong kadaanan: piko, chinese garter, tumbang preso, habulan, at tao-tauhan—nabiling piso-piso sa tindahan
Nasanay sa mumunting buhay: tahimik, at masaya lang, 
‘Pagkat buhay noon, simple lang, walang agam-agam

May malinis na hangin, at ‘di pa modernisasyong gaya ngayon: mausok, mabaho at wala nang nalalanghap—malinis, simoy-hangin
Dating mumurahing bilihin,
ngayo’y singmahal ng pangmahirap na pagkain
Puno ng hilahil, kaguluhan sa paligid,
‘pagkat tao’y, totoong nagiging ganid 

Ngunit paslit, may tinatagong kakayahan,
gamit ang tinta at pluma, siya’y humabi ng istorya
Sa maliit na pluma ipinagkakasya,
maiksing akdang inihulma, gamit ang tinta
Isang batang babae, mula-noon hanggang ngayon,
pangarap maging manunulat,
kahit pa sa munting kalagayan

Sa musmos niyang kaanyuhan,
‘di batid ang naihahabi panitikan
‘Pagkat sa kaniyang isipan,
siya’y naglalaro lamang
Sa munting papel, may blankong guhit: pula, buhaghaw, at berde
Kaniyang ginagawa, walang may alam na sinuman
‘Pagkat ang uso lang noon, maglaro’t maglibang

Walang gulo, o kahapisan man lang
’pagkat buhay noo’y, kay simpleng pakinggan
Nasanay sa munting buhay,
kasama papel at plumang mayroon lang
Gamit ang mga ito, tunay niyang ikinaliligaya sa kalungkutan
‘Pagkat mamahaling laruan noon,
‘di pa usong gamitin ng munting bata noon

Teletavis na may antenna sa ulo,
kaniyang natatandaan—maging teks, pogs, at gomang ipinanglalaban—sa mga batang lalaki sa daan
Habulan dito at d’yan,
kung anu-ano pang mapaglilibangan
Simpleng bagay na kaniyang libangan,
gamit ang mga bagay na ‘yong unang mayroon lang

Ngunit pagdating sa sekondaryang pag-aaral,
siya’y nagkaroon ng munting pala-pindutan; nagkakapaghulma ng mensahe, nakatatawag sa ibang dako
Gamit ang bagay na ‘yon,
siya natutong gumamit ng wattpad
Nagbasa nang nagbasa,
ng mga akdang hindi kilala ang may hulma
Ngunit nagpatuloy pa rin,
upang malibang sa hapis ng buhay na mayroon siya
Ngunit makalipas ng isang taon,
siya’y nawalan ng panghulma at pagtawag na kagamitan

Kaya kaniyang pagbabasa’y,
nawala na ngang tuluyan
Ngunit gamit ang ibang librong mayroon siya,
nagbasa nang kung ano-ano na lang
Baka sakaling malibang pa rin,
‘pagkat pagbabasa, kaniyang hobbies talaga
Mawala na lahat, huwag lang ang libro niya

Tumigil sa mga nakasanayan, ngunit ‘di nangatwiran
Hanggang sa magkolehiyo sa taong 2012,
Ngunit ganoon pa rin ang kaganapan
Ngunit siya’y ‘di tumigil,
‘pagkat pangarap n’ya talagang luminang
Hanggang sa huminto’t nag-aral muli,
sa taong ika-2016

Dito nagsimula, ang pangarap gumawa ng akda
Gamit ang makabagong palapindutan,
siya’y gumawa ng isa, dalawa, tatlong akda
Dito rin sa taong ito, nagsimula ang kaniyang layunin; gumawa ng akdang, kapupulutan ng aral ninuman,
gigising sa buhay, na dapat alam ng karamihan
‘Pagkat gamot sa pagkalimot, ipaalalang lagi na, 
Upang taong nanghihina, magabayan pa’ng magpatuloy pa

‘Pagkat ika nga nila, “Tao’y nakakalimot, ‘pagdating ng sakuna, kaya mainam laging magpaalala,
upang tao’y maging handa, sa kalamidad nang pananalasa; tag-gutom man, o akademyang maaring mapaminsala.”
Buhay simple lang, pero may kaukulan,
kung laging mapapa-alalahanan

Balik tayo sa batang babae,
siya’y sumusulat para sa pangarap;
maging ehemplo ng katotohanan—sa buhay ng nilalang
Hindi para sumikat, nang wala lang,
ngunit sumikat, nang may palatandaan
Upang sa pagkamatay niya’y,
may makaalala man lamang
Gamit ang kaniyang munting akda—may binhing nilalaman

Hindi man tangkilin ng iba, kaniyang munting akda
Ngunit kasayahan sa puso niya—ang may magbasa
Ngunit pagkakatao’y mailap,
‘pagkat siya’y sinubok ng taas
Taon ulit ang naranasan, bago nakapagpatuloy ng ganap
‘Pagkat gaya sa una, pangalawa, pangatlong karanasan, siya’y nagbigo na naman

Sa ika-2019 na bilang,
nagsimula muling umusbong kaniya pangarap
Sumulat-sumali, sa mga gawad patimpalak ng iba’t ibang bookclub
Nagbakasakaling, may tumangkilik man lamang
Ngunit siya’y dininig ng maykapal,
Nakakuha ng tropiyong, kaniyang ipinagpapasalamat,
‘pagkat hindi niya inaasahang makakuha ng alinman

Natalo man sa iba, ngunit ‘di nawalan ng pag-asa,
‘pagkat nais niyang sumulat ng may kakaiba,
Kahit wala mang humanga’t makaunawa,
hindi man kasing galing at talentado ng iba,
ngunit gamit ang puso, nakakahulma ng kakaiba,
hinahangaan ng iba, sa hayag man o lihim ng may akda

Kaya salamat sa kaniyang mambabasa, sumusuporta’t umuunawa
Sa kabila ng maraming manunulat na may akda,
napiling siya ang makilala,
Sa mga taong nagbigay halaga’t pakikisama,
salamat sa kanilang pananatili pa
Sa mga mambabasang ‘di nagsasawa,
siya’y nagpapasalamat ng walang katapusan
Salamat mga mambabasang piniling sumuporta,
kahit may akda’y hindi kilala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top