Chapter 18: Binata't musmos
Isang magandang dilag,
nag-aaral sa unibersidad
Sa murang edad, nag-aral ng tuwiran,
librong hawak, sa musmos na kalagayan
Ngunit isang araw,
makisig na binata, nabighani sa kabataang ‘yon,
sa kabila ng musmos na kalagayan,
ganda’y lumabas ng tuluyan
Binata’y naglakas-loob,
hingin ang kamay ng batang iyon,
Sa musmong niyang kalagayan,
siya'y tunay na walang kamalay-malay
Ngunit sa kasawiang palad,
dalaga’y may kasintahan,
Minahal ng lubos, at tunay na iniyakan
Ngunit kasintaha’y manloloko’t taksil,
naghanap ng iba’t, siya’y ipinagpalit ng tuluyan
Kaya batang may musmos na kalagayan,
sakit ng damdamin ang naramdaman
Taon ang lumipas, mula ng mangyari ang lahat,
‘Di inaasahang, sila’y nagkitang minsan,
ngunit binata’y kasal na’t, may anak ng tuwiran
Dalagang nagsimula sa musmos na kabataan,
naging napakagandang dilag sa hangganan
Batid nilang dalawa, sila’y magkakilala noon pa man
Nakikita sa magagandang mata, ang sakit ng kahapong nakalipas na sa kanila
‘Di man siya lumingon sa magandang dilag,
ngunit mata’y iba ang ipinamamalas,
Panghihinayang ang inilalabas,
sa pusong ‘di napagbigyang maipamalas
Dalagang may pagtingin, nawalan ng lakas-loob,
nakaraang nakalipas, hindi na magawang maibalik—kahit ng isang araw na pagkikitang iyon.
Sa isip ng binata,
siya’y ayaw ng minimithing dalaga noon
Ngunit dahil sa maling pagkakataon,
dalaga’y walang nagawa, kundi lumingon sa patag na kapatangan ngayon
Iwaglit sa isipan, ang binatang kaniyang natipuhan sa nakalipas na panahon
Pag-ibig na umusbong sana,
nilipad ng hangin, nauwi sa salitang, “Pinagtagpo tayo, pero ‘di nakalaan.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top