Chapter 17: Ginoo
Tadhana'y kakaiba, 'pagkat pagkatapos ng masalimuot na nakaraan—nakilala kita
Kasayahan ko'y nag-uumapaw,
sa kaibuturan ng aking puso,
'pagkat pagdating mo'y,
maliwanag pa sa sikat ng araw
Binigyang kulay,
mundong nasa madilim na kagubatan
Kaya pagdating mo,
tuluyang pagbabago ng buhay kong taglay
Puso ko ngayon, walang humpay sa kaligayahan,
walang laman, kundi ikaw lamang,
Bibi kong patuloy kong minamahal
Nawa'y sarili mo'y alagaan
'pagkat ayaw kang magkaroon ng karamdaman
Pagkain mo'y huwag kalimutan,
'pagkat gana ko'y mawawala ring tuluyan
Nais kong makita kang malusog,
malakas at masayang sa piling ko,
'pagkat wala ng nais pang makasama
Kundi ikaw, Ginoong Bibi, mahal ko
Ako'y nasisiyahan, 'pagkat iyong pagmamahal,
ramdam sa aking puso
Ikaw lamang, gustong titigan—makasama ng walang hanggan
'Pagkat pagmamahal mo'y sapat,
upang ika'y mas mahalin pang tuluyan,
Ginoo kong nag-iisa sa lahat ng nilalang
Ako'y pasaway, makulit at matigas,
animo'y babaeng,
seryosong nakikipag-away sa labas
Ngunit pag ika'y kaharap,
nagiging batang paslit, bago pa lamang namumulat
Kaya pagpasensyahan muna,
sa aking kakulitan,
‘Pagkat ikaw lamang, nais kulitin nang matwiran,
upang sa gano'n, hindi mo malimutan
May topak kang kasintahan,
nagmamahal sa 'yo nang lubusan
Salamat Ginoo, sa pagdating sa aking buhay
'pagkat kasayahan ko'y walang maipapantay
Dahil ikaw lang sapat na,
upang maging huling lalaking mamahalin ko
Hanggang sa huling yugto, ng madrama kong buhay
'Pagkat pagdating mo’y katumbas,
“Nakita ko na si The One,”
walang iba, kundi Ikaw,
binatang aking minamahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top