Chapter 13: Paalam kahapon
Unang pagtatagpo’y kasiyahan ko,
‘pagkat ika’y aking nakilala
Bawat ngiti mo’y sapat,
upang puso’y lumigaya’t humalakhak
Ngunit kapalaran nati’y mailap,
‘pagkat ika’y nagbago na
Lumayo ka’t iniwan ako,
sa dako ng kahapisan ko’t kahinaan
Puso’y dumaing sa ’yo’t umasa
nawa’y mahalin pa rin tuwina
Ngunit ika’y bumitaw na,
sa pangakong binuo nating dalawa
Isa pang pagkakatao’y ibigay
Ating ibalik, kahapon sa ’ting nagdaan,
upang puso’y kumalmang muli,
sa pusong nagtiis at naghirap
Paulit-ulit kong nais, Mahal
ako’y mahalin ulit
Pangako’y tupdin nating muli,
‘pagkat ika’y pangarap ko,
hanggang sa huling tibok nito
Sa aking puso’y makapiling,
taong nagbigay saya’t ligaya
‘Pagkat puso’y sisidlan ng galak,
nang makilala ka’t makasama
Ngunit pilit mang mamutawi,
salita ko’t damdamin sa ’yo,
Kung sadyang ika’y bumitaw na,
puso’y wala ng magagawa pa
Pag-iisip at puso’y kaniya
Pagmamahal niya’y siyang nais
Salita’t luha ko’y balewala na,
‘pagkat siya na’ng nagmamay-ari pa
Kaya ako’y bibitaw na,
aking Ginoong minamahal
‘Pagkat pagbitaw mo’y katumbas,
hindi na kita mahal
Paalam, mahal kong Ginoo,
nawa’y kasiyahan mo’y makamit
Kahit kalungkutan ang kapalit,
sa puso mong sasaya’t liligaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top