Chapter 10: Ang Pamamaalam
Isang munting dalaga, mapagmahal at maalaga
Umibig sa kasintahang tumagal ng taon
Ngunit isang araw, pag-iibiga’y nauwi sa hiwalayan
Pagtangis ng dalaga’y, hindi mapigilan,
‘pagkat patak ng luha’y, naging balong malalim—hindi kayang sukatin ang lalim ng lagusan
Kalungkutan niya’y ‘di masaid,
‘pagkat kahit anong pilit, kasintahan pa ring nais
Nasaktan nang labis,
ngunit nagmakaawa pa’ng ulit,
Baka sakaling desisyong nasambit, mabawi pang ulit
‘Pagkat nais niya, huwag masayang pinagsamahan nila
Ngunit kasintaha’y hambog,
salita niya’y hindi katanggap-tanggap
Kaya dalaga’y naging miserable,
‘di batid kung kailan maiibsan ang sakit
Pinilit maging matatag, sa kabila ng walang hanggang pasakit
Araw-araw na pagluha, siyang laging dinadaing
Bawat alaala sa memorya ng dalaga,
patuloy sumasagi’t, nagbibigay kahinaan sa kaniya
Minsang naisip, mawalan na lang ng alaala,
upang nakaraan nila’y hindi na maalala pa
‘Pagkat bawat makitang nagpapaalala,
isang libong saksak sa dibdib niya
Walang magawa kundi mapaluha—maging sa pampublikong kalsada
Pilit kinakaya, masaklap salitang-nabasa—narinig at bumaon sa puso niya
Kaya kahit anong pilit makalimot,
paulit-ulit pa ring umaasa,
baka sakaling magkabalikan pa
Ngunit Maykapal ay mabait,
‘pagkat isang ginoo, inihandog sa kaniya
Nagkakilala sila’t siya’y umibig sa pangalawa
‘Pagkat gusto niyang makamit,
tunay na pag-ibig na kailanma’y ‘di nakamit
Pero tadhana’y mapaglaro,
‘pagkat ginoo may kinahuhumalingan pa’ng iba
Buong pagmamahal nito’y, nasa minamahal lamang
Kahit pa pinaglaruan, sinaktan,
at pinaasang tuluyan
Kaya dalaga’y walang mahintay,
kundi tubig ulang ‘di nalalaman
Kaya sa huling pagkakatao’y,
puso niya’y nasirang muling tuluyan
Pag-aasam niya’y, nauwi sa masaklap na kapalaran
Kaya puso’y nakulong na naman, sa malagim na karimlan
Walang magawa, kundi masaktan,
habang taong minamahal, nagmamahal ng sinuman
Damdaming pilit kinakayang pigilan,
ngunit ‘di masunod
‘Pagkat puso’y ‘di maturuan,
kung sinong nais paglingkuran
Kaya naman pagsuko’y siyang lunas,
upang puso’y ‘di masaktang tuluyan
Kaya kaniyang puso’y,
nagmahal ng iba na lamang
Upang ‘di makulong muli, sa masaklap na kawalan
Ikatlong pag-ibig kaniyang naranasan, nagmahal siya’t minahal,
Nabuo ang pagmamahalan, hanggang ‘di namalayan,
sa paglipas ng panahon,
isang masakit na kaganapa’y nangyari
Unang pag-ibig, nais bumalik at mangulit,
ngunit dalaga’y nagdesisyong lumimot ng tuluyan,
kaya unang pag-ibig, wala nang masambit pa’ng salita man lamang
Maging pangalawang pag-ibig,
dumating at nagsabi, “Mahal na kita, puwude pa ba?”
Ngunit sagot ng dalaga,
“Ako’y pag-aari na ng iba, Patawad
Puso’y ‘di nakapaghintay pa, sa sobrang sakit ‘di natiis pa
Kaya pagmamahal ng iba’y, tingin ko’y lunas,
sa sakit na nadarama.”
Ginoo’y nalugmok, nagsisi sa huli,
ngunit huli na, ‘pagkat nakaraa’y,
‘di na maibabalik pa
Dalaga’y nalumbay ng makitang harapan,
pagpatak ng luha nito’y, tuwirang nalaglag sa ilang
Ngunit siya’y walang magawa,
kundi mamaalam—lumimot sa nakaraan,
at tuluyang tumingin, sa malayong kapatagan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top