A/P 3: MAY MAYARI NA
Ika'y bumalik na ulit
Nawa'y yakapin mo ulit
Nawa'y mahalin mo ulit
Nawa'y pakinggan mo ulit,
Upang pusong nangungulit,
Mapagbigyan mo pang ulit.
Ngunit ano pang halaga,
Kung puso'y may may-ari na
Pilitin mang abutin ka,
Wala na rin halaga pa,
Salitang mahal pa kita,
Kahit pa habulin kita.
Kung kaya patawad na lang,
Gusto kong sabihin sa 'yo,
Gustong iparating sa 'yo
Gusto kong maramdaman mo,
Gusto kong isigaw sa 'yo
Kahit pa wala ng saysay,
Panambitang mahal kita
Panambitang miss na kita
Panambitang ako na lang,
Muli mong mahalin, Sinta
Muli mong yakapin, Sinta
Pagkat ngayong wala ka na,
Nawalan na ng kuwenta
Buhay, puno ng pag-asa,
Nawalan na ng tiyansa
Salitang mahal pa kita,
Kahit ako'y sumigaw pa-
Ng may lubos na pag-asa.
Ngunit nakakalungkot lang,
Pagkat 'di na matanglawan
Dating masayang ugnayan,
Naging kalukuhan na lang
Pagkat puso'y pinaglaruan,
Sa labang hindi malaman.
Pusong nagmahal ng labis,
Naging Luhaang tumangis
Sa kalungkutang lumabis,
Siya nagmukhang lumihis
Mala-anghel niyang wangis,
Taliwas na sa ninais.
Bumalik na kalungkutan,
Nagbigay ng kahinaan
Pusong natutong lumaban,
Tuluyang naging palaban
Masakit man maramdaman,
Katotohanang nalaman,
Ngunit walang magagawa,
Kundi mamaalam na lang
Kahit ayaw maramdaman,
Pananakit ng kalamnan
Sa harap ng patotoong,
Wala na siyang tuluyan.
Kasabay ng lakas-ulan,
Kumulimlim ng tuluyan
Nagluluminaw na lagusan,
Naging malabong tuluyan
Kalikasang kumikinang,
Masaklap ang kinasapitan.
Pag-ibig na sinayang lang,
Natauhan nang tuluyan
Pusong natutong bumitaw,
Nasaktan sa kahapisan
Kaya wala ng magagawa,
Kundi lubusang humiyaw.
Pagkat aanhin, pag-ibig,
Siya na lang nagmamahal
Katagang sinambit noon,
Wala ng halaga ngayon
Pakiusap niya ngayon,
Hanggang sa susunod na lang
Pilitin mang pag-usapan,
Nakalipas na orasan
Kung wala na ngang halaga,
Salitang 'di maalala
Naging nakaraan na lang,
Na dapat ng kalimutan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top