A/P 23: I DO, LOVE YOU

Nagmamahal ako, minahal mo ako
Nagparamdam sa akin, paulit-ulit,
Nangulit nang nangulit, hindi nahapis,
Nagpatawa kahit ako'y nalulungkot
Nagpangiti sa akin, kahit malayo
Natapos ugnayang sa 'kin pagpapanggap,

Matapos ang malungkot na nakaraan,
Natanggap Oo ko'y, tayo'y nag-ibigan,
Pag-ibig, binigay, aking sinuklian
Binigay lahat, walang natira man lang
Pagdating sa buhay ko'y puno ng kulay
Binigyang-pag-asa, pusong walang-buhay.

Salamat Ginoo, pagbibigay kulay
Salamat sa 'yo't naranasan kong lahat
Dating walang-muwang, may natutunan din
Isip bata man, at malabong mag-isip,
Pero, damdamin, Ikaw minamahal ko,
Isipin mang engot pero, puso 'y sa 'yo.

Hindi man akalain, tayo'y tatagal,
Ngunit isa lang masasabi ko sa 'yo
Mahal, mahal na mahal kita, Ginoo
Ikaw nagparamdam, paggalang, respeto
Aking puso'y natuwa, pagkat ramdam ko,
Iyong pagmamahal, binuhos sa akin.

Salamat, Mahal, nang walang katapusan
Binigyang-kulay, pinasaya't minahal
Sanay huwag magbago't lumisan, Mahal
Pagkat nasanay, laging nasa tabi mo,
Naipakitang totoo, ako sa 'yo,
Walang tinatago, magmukhang tanga man,

Pagkat totoong ako, pinakita 'ko,
Kahit engot na hindi makaintindi,
Mabagal pagkaunawa, pagkat, unang
Lumabas, hawlang binuo ko sa mundo
Pagkat natatakot akong magkamali,
Sisihin ng mundong ginawa ko noon.

Ngunit dahil sa 'yo, tuluyang nagbago,
Mundong ayaw kong bitiwan, dahil sa 'yo
Natutunan ko ng labanan, Mahal ko
Kaunti pang panahon, mayayakap na,
Pagkat mahal na mahal na mahal kita.
Sanay walang magbago, hindi na kaya,

Masaktan at lumaban pa, pagkat mundo,
Nais kong ikaw na tuwina, Mahal ko
Tatandang kasama, sa lungkot at saya
Mahal na mahal kita, sana 'di huli,
Pagkat nais mabuhay, makasama ka,
Sa hirap at ginhawa, aking Ginoo.

Nahirapan akong buoin 'to, Mahal
Pagkat binuo ko ang piyesang ito
Gamit ang totoong damdamin ko sa 'yo,
Iniiyakan ko, dahil baka, Mahal
Ito'y maging isang alaala na lang,
Na minsang nagmahal ako ng lubusan.

Umaasa akong tayo pa rin, Mahal
Umaasa akong ako pa rin ang nandiyan
Umaasa pa rin 'kong walang nagbago
Pagkat hinihiling ko, mahal kong, Mahal ko
Sa puso mo, ako pa rin ang prinsesa,
'Di pinabayaan, minahal, lubusan.

Sana mali lang ako ng pakiramdam,
Sana walang nagbago sa damdamin mo
Minsan na akong tumama sa ganito,
Ayaw ko ng maulit 'yon. . . ayaw ko na
Umaasa pa rin akong tayo pa rin,
Magsasabi ng salitang "I DO, LOVE YOU".

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top