A/P 2: ATE LOVIE
Kaibigan, kapatid at taga-payo
Kung nasaan ka man ngayon, Ate Lovie
Lagi mong tatandaan, nandito, Ako
Lagi mong isipin, 'di ka mawawala,
Sa 'king puso't isip, mananatili ka
Kahit wala ka na sa aking pandama.
Magtago, mawala ka man sa paningin
Mananatiling kaibigan ko pa rin
Sa aking pandama kaibigan pa rin,
Kahit nasa malayo na ang paningin
Sana iyo pa rin akong matandaan
Kahit sa'ng lugar ka man, kaibigan.
'Paghanda ng lumapit kaibigan ko
Tawagan mo lang ako, taga-payo ko,
Makikinig ako sa mga hinaing mo
Kahit sa akin, ayaw mong mag-kuwento,
Ng sakit at pighating dama sa puso,
Na halos 'di na kaya kapatid ko.
Kapag ika'y maayos, handa na Lovie
Nandirito lang ako, kaibigan ko
Kahit sa isip, kinalimutan ako,
'Di kita sisisihin, taga-payo ko
Pagkat puso't isip mo'y dumaraing na,
Sa sobrang kalungkutan mo, Ate Lovie.
Pagkawala mo siyang ninanais na lang,
Maibsan ang bigat ng 'yong kalungkutan,
Naging dahilan, ngiti'y mawalang saysay
Naging isang masahol pang namatayan,
Pagkat puso mo'y winasak ng dahilan,
Pagod na sa problemang 'di makayanan.
Lahat tayo, nahihirapan sa buhay
Lahat tayo, dumaraing sa problema
Lahat tayo, tumatangis sa pagsubok
Lahat tayo, sumusuko sa hinaing
Lahat tayo, ayaw na 'to maranasan
Lahat tayo, hindi 'to maiiwasan,
Pagkat habang tayo'y may buhay sa mundo
Palagi tayong lalaban sa problema
Palagi tayong ngangawa sa pagluha
Palaging may pag-ahon sa pagkadapa
Palaging may salitang hindi na kaya,
Pero, laging may bukas pa, Bhe Lovie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top