4: Where should I belong?

Fhaye's point of view

Nagtatago talaga ako ngayon. Di na ako lumalabas ng library. Hindi ako agad makikita ng kung sino dahil nasa pinakasulok ako.

Ayan basa-basa lang pero Novel naman. Bahala ng magsama sina Blaze at Verse. Para naman makapagsolo pa sila. Gusto ko sanang maging cupid sa dalawa kaso masyado silang dependent sa akin. Sabi kasi nila the backer is the owner. Aba naman baka mahulog pa sa akin si Blaze pag magiging backer ako sa kanila ni Verse.

 Kailan kaya mahulog sa isa't-isa ang dalawang yun? Ang cute cute siguro ng mga chikiting nila. Pero baka naman magiging unano. Liit plus liit equal to super liit kasi. Pero cute plus cute equal to super cute.

Tiningnan ko ang oras, 12:00 pm palang. Idlip muna ako. Naka-ball ang katawan ko habang nakapatong ang dalawang braso ko sa mga tuhod at pinatong ang ulo sa dalawang braso.

====

Third person's P.O.V
   
"Ba't ka nandito sa room ng grade 9?" Tanong ni Rex kay Kian.

"May gusto lang akong tanungin." Sagot ni Kian. Ilang saglit nakita si Blaze.

"Tol, nakita mo ba I mean, nasaan na yung isa n'yong kasama?" Tanong ni Kian kay Blaze.

"Si Fhaye ba? Hinahanap din namin. Bakit?" Sagot ni Blaze na nagtanong din pabalik. Nagtataka lang kasi siya kung bakit hinahanap ng lalaking ito si Fhaye.

"Ahmm... M-may itatanong lang ako sa kanya. Sige ha." Nauutal nitong sagot at mabilis na umalis.

"Verse maghiwalay na kaya tayo?" Sabi ni Blaze na nakakuha ng atensyon ng lahat.

"Sabi ko nga sila na eh." Girl 1.

"Kaya siguro di nila kasama si Fhaye." Girl 2.
 
"Ikaw sa library, ako naman sa likod ng school." Dugtong ni Blaze. Kaya lang hindi na ito narinig pa ng mga ususirang mga estudyante dahil malayo na sina Blaze at Verse sa kanila.

"Sige, sabihin mo kung nakita mo na siya. Punta na ako sa library ha?"

"Sige."

Iyon na yata ang pinakamatinong pag uusap ng dalawa.

"Sa library daw." Bulong ni Jeff kay Kian.

Agad namang nagtungo sa library ang KingZi.

"Wala naman ah." Sabi ni Luijen pagdating sa library.

Naglakad siya papunta sa pinakasulok ng library. At doon natagpuan ang natutulog na si Fhaye. Aalis na sana siya para sabihin kina Kian pero napatigil siya.

"Wag kang umalis..."

"Ano?" Sagot niya pero hindi pala siya ang kinakausap.

"Mama, papa... Ba't kayo umalis? Ayokong mag-isa."

Luijen's P.O.V

Palage ko siyang iniinsulto. Puro masasakit na mga salita ang binibitawan ko sa kanya pag nakakapag-usap kami. I always said, sipsip at goldigger siya.

Pero bakit parang naaawa ako sa kanya ngayon?

"Ayokong maiwan mag-isa. Ba't nyo 'ko iniwan?" Sabi niyang muli na natutulog parin. Napalapit ako sa kanya.

"Hoy! Gising! Hoy!" Niyugyog ko na nga. Napabalikwas naman siya.

"Xhirren?" Hinihingal niyang tanong. Palang-pula ang mga mata na may luha pa. May mga pawis din sa noo.

Anong Xhirren na naman yan? Boyfriend niya? Akala ko ba mama niya ang napanaginipan niya? Uminit na naman ang ulo ko. Nawala lahat ng awang nararamdaman ko sa kanya kanina.

"Ah, ikaw pala." Sabi niya na nagiging cold na naman ang boses saka nilibot ang tingin sa buong paligid.  Hanggang sa mapadako ang tingin sa orasan.

"Oh my kambing! Mag wa-one na!" Dali dali siyang tumayo at tumakbo na. Napatingin ako sa sahig. Notebook? Iiwan ko na sana kaso naisipan kong kunin nalang.

Tiningnan ko ang loob. Picture niya na nakangiti. Tapos nang buklatin ko ulit may nabasa akong sulat. Ayoko sanang basahin at itutupi na sanang muli ang notebook pero parang gusto ko siyang basahin.

Binuklat ko nalang ulit at binasa.

"Where Should I Belong?" Ano 'to? Bakit may pa-where should I belong pa siyang nalalaman?

Diary naman pala to. Mabasa nga muna.

"They left me. Throw me. No one sees, no one care coz im just nobody. I know I'm not belong here but where should I belong then? I missed my family but I know they won't feel the same way."

Nakita ko pa ang pangalan ko at sa ibaba no'n ang sulat na naman. "He always said I'm not belong to anybody, and should not be cared by somebody.
If I Am not belong in this world, Where should I belong then?"

Flashback!

"Si Xhirra Fhaye, bago niyong kapatid." Pakilala ni mommy sa batang babaeng 10 years old.

"Hello po." Nahihiya nitong sabi.

"Psh." I said and walkout. Pera lang naman ang habol niyan eh. Makapag-ampon na nga lang panget pa. Buti sana kung mala-Luiza hindi naman.

Papasok na sana siya sa silid niya pero pinigilan ko siya.

"Hoy! Hindi porket inampon ka ng pamilya iisipin mo ng nababagay ka na dito. You're not belong here. Ang bagay sa tulad mo iwanan at itapon! Dahil isa ka lamang basura na kailangan ng itapon."

"If you said so, I know Im not belong here. Its painful but it's the truth. Don't worry kung pwede  na akong magtrabaho at 18 na ako, aalis na ako dito." Sagot niya. Akala ko di siya sasagot kasi napakatahimik niya eh. English-english pa . Pa-impress?

 I always give her my cold treatment. And always called her gold digger pag wala sina mom and dad. Gusto ko kasi siyang lumayas sa amin.

"Hey gold digger. Magtrabaho ka nga ng may silbi ka naman." Sigaw ko sa kanya. Pero siya pokerface lang. Ni di man lang ako pinansin.

"Why not leave here? We don't need you." Pero tiningnan lang niya ako.

"Im talking to you, bakit di ka sumasagot?"

"What you want me to say then?" Aba English na naman?

"Yun lang isasagot mo?"

"Alangan namang thank you. Tawagin mo nalang ako sa anumang nais mong itawag sa akin. I won't care. Just don't hurt me physically because it's too much. Enough na ang emotion ang mamanhid sa sakit. Wag lang ang physical body." Sagot niya.

"Don't you dare to talk to me on school. Neither say that we are siblings nor living with the same roof." Banta ko sa kanya. Tumango lang siya at nando'n na naman ang cold eyes. Gaya gaya siya eh.

End of flashback...

At magmula nga noon, di nga kami nag-uusap sa school. Wala ring nakakaalam na nasa iisang bahay lamang kami nakatira.

Dinala ko na lamang ang diary niya at nagmamadali ng bumalik sa klase.

***

{✓}

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top