25: Reunion
Fhaye's p.o.v
Tinawag na ako ni mommy dahil maghapunan na daw kami.
Napahinga ako ng maluwag dahil wala na si Luijen sa may hagdan. Nasaan kaya siya?
Bahagya na namang napapigil ang hininga ko makitang nasa dining room na pala siya. At siyang naghahanda ng mga pagkain sa mesa.
Pinaghila niya kami ni mommy ng upuan bago siya umupo sa upuan niya. Bahagyang natuwa ang puso ko pero naglaho bigla dahil nakita ko si Ate Luiza. Ewan ko ba, sumama agad ang pakiramdam ko. Wala naman siyang ginawang masama. Siguro dahil noong huli naming pag-uusap kaya medyo hindi na magaan ang loob ko sa kanya.
"Mom, tikman niyo to. Luto ko ito." Sambit niya.
Kakain na sana ako ng beef steak pero ng marinig ko ang sinabi niya nagbago ang isip ko.
"Luijen pumapayat ka na. Kainin mo to." Naglagay siya ng isang piraso ng meat sa plato ni Luijen.
"Fhaye, tikman mo itong niluto kong adobo. Para yan sayo. Masyado ka na kasing payat." Sabi ni Luijen at nilagyan ang plato ko.
"Tikman mo din itong chicken and mushroom soup. Masarap to. Kapag natikman mo to maiinlab ka na sa akin."
Sinubuan niya ako ng chicken and mushroom soup daw ngunit naibuga ko naman ang sabaw nang marinig ang huli niyang sinabi. Mabuti nalang at naiharap ko na agad sa ibang direksyon ang mukha ko. At nagkakalat ang naibuga ko sa sahig.
Mabilis siyang kumuha ng tubig para ipainom sa akin saka kumuha ng tissue at pinunasan ang aking bibig.
Agad namang nilinis ng katulong ang sahig.
"Sorry." Pagpaumanhin ko.
"Ayos lang. Kumain ka na." Nakangiting sabi ni daddy. Nakapagtataka lang kasi kakaiba siya kung makangiti.
Kahit si mommy nakangiti rin maliban kay ate Luiza na parang nawalan ng ganang kumain.
Kukuha na sana ako ng chicken na nilagyan nila ng broccoli pero tinampal ni Luijen ang kamay ko.
"Wag mong kainin ang bawal sayo ano ka ba."
"Gusto ko lang naman sanang tikman kasi mukhang sarap na sarap kayo." Sagot ko.
Gusto ko talagang tikman ang mga putaheng may broccoli kaya lang kundi ko maisusuka, mangangati naman ang katawan ko. Na-curious lang talaga ako kasi favorite yan nina Luijen at Ate Luiza at kung bakit gustong-gusto nila ang lasa nito.
"Kung may iba kang gustong kainin sabihin mo lang. Lulutuan kita. Wag mo lang kainin ang bawal sayo ha ba?"
Napatitig tuloy ako sa kanya. Ang sarap itanong kung bakit ganyan siya sa akin? Para na siyang si Blaze kung mag-care sa akin.
Siguro dahil tanggap na niyang magiging kapatid na niya ako? Siguro nga.
"Oo." Sagot ko at napayuko. Kinain ang kanin na nilagay niya sa pinggan ko.
"Niluto ni Luijen ang lahat ng mga paborito mo kaya naman kumain ka na diyan baka mamaya iiyak na naman yan." Sabi ni Mommy na may halong panunukso.
"Mom." Tawag ni Luijen ngunit mas lalo lang napangiti si mommy.
Ako naman bumarang bigla ang kanin na kinakain ko. Bakit pakiramdam ko nirereto ni mommy ang anak niya sa akin?
"Tapos na akong kumain. Mauuna na ako sa inyo. May appointment pa kasi ako." Sabi ni Ate Luiza at tumayo na.
Napatingin naman ako kay Luijen at naisip na nagselos si Ate Luiza kaya umalis. Nagbreak na kaya sila? Kaya ba nagiging sweet sa akin si Luijen para pagselosin si Ate Luiza?
Bigla na lamang akong nawalan ng gana sa pagkain.
Tumikhim si Daddy at nagkatinginan sila ni mommy.
"Ay, may nakalimutan nga pala tayo honey." Biglang sabi ni mommy.
"Buti nga at naalala mo na may date pa pala tayo. Tara na." Sagot agad ni Daddy.
"Kumain na muna kayo Fhaye, sayang ang niluto ni Luijen kung itatapon niyo lang." Sabi ni Dad at umalis na. Napatingin ako kay Luijen tapos sa mag-asawang bigla-bigla na lamang umalis. Saka sa mga pagkain sa mesa.
Sayang naman talaga lalo na halos paborito ko ang lahat ng nandito. Bahala na nga sila. Kakain nalang ako.
Nakailang subo na ako nang napatigil dahil nakatitig si Luijen sa akin.
"Kumain ka na kaya. Puro buto ka na nga o." Sabi ko at tinuro ang collar bone niya.
Nalaman kong hindi siya kumakain at natutulog ng maayos magmula noong naaksidente ako. Kaya medyo may kinalaman din ako kung bakit siya pumayat at di na gaya ng dati.
Kumuha ako ng porkchop at nilagay sa plato niya. Ngumiti naman siya at nagsimula ng kumain.
Pagkatapos naming kumain bumalik na rin ako sa silid ko.
Magdamag kong pinag-isipan ang tungkol sa pamilya ko.
Naisip kong walang patutunguhan kung palage lang akong iiwas at magtatago. At hindi matatapos ang isyung ito kundi ko sila haharapin.
Kaya naman naisipan kong kausapin na sila ng maayos at di na iiwas pa.
Pinatawag ko sina Xhirren at Xhyrrel. Si Xhirren ang unang dumating.
"Nandito na siya." Sabi ni Luijen bago lumabas ng mansion.
"Buti nalang at di sila nagsisinungaling sa akin at kakausapin mo na nga ako kapag handa ka na." Sabi niya agad ng makaharap ako. Pero nangingilid parin ang mga luha niya.
"Alam kong inaakala mo kinalimutan ka na namin. Pero alam mo bang namimiss kita Ate Xhirra?" Sambit niya na may garalgal na boses.
"Pwede ba kitang mayakap kahit sandali? Please." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya. Ngayon ko lang narealize na sobrang namiss ko pala sila.
"Alam mo bang namimiss kita ng sobra?" Umiiyak nitong sambit.
Naramdaman ko na lamang na may yumakap din sa likuran ko.
"Ate Xhirra namimiss ka namin." Sambit ng lalaking nakayakap sa akin mula sa likuran.
Ang laki-laki na nila at kung di sila nagpakilala sigurado akong hindi ko sila agad makikilala.
Namimiss ko sila. Saka ko natuklasan na hindi ko galit. Nagtatampo ako dahil bigla nila akong iwan pero hindi ako galit. Nasasaktan lang ako dahil inaakala kong kinalimutan na nila ako pero ngayon narealize kong kahit bata pa sila noon, hindi nila ako kinalimutan.
Matapos ang madrama naming pagtatagpo nag-uusap kaming magkapatid.
"Ate, nasa hospital si dad noon. At ayaw niyang malaman mo ang sitwasyon niya." Sabi ni Xhirren. Xhirren Feona Hedron ang kanyang buong pangalan. Seven years old sila ni Xhyrrel nang magkahiwalay kami. Ngayon naman fifteen years old na silang dalawa at malapit ng mag-sixteen.
"May bumangga sa kanya noong mga oras na pupuntahan ka sana niya nang mabalitaang naaksidente ka. Nagkataon ding umatake ang paninilim ng kanyang paningin sa mga oras na iyon kaya di niya naiwasan ang kotseng bumangga sa kanya."
Kaya naman pala hindi sila dumating. Akala ko wala na talaga silang pakialaman sa akin.
"Kinailangan niyang maoperahan ngunit kinapos kami ng pera. At ipinadala niya pa sayo ang natitira niyang pera. Ate, sana mapatawad mo si papa. Mahal ka niya at mahal na mahal ka niya na handa niyang ipagsawalang-bahala ang buhay niya para sayo. Two years na ang nakalipas pero hindi parin siya nagpaopera."
"Ano ba ang sakit ni papa?"
"May tumor na tumubo sa brain niya at palaki ng palaki na raw ito sabi ng doktor. Pero ayaw niyang magpaopera."
"Ang totoo tumakas lang ako papunta dito upang makita ka at para matulungan din akong kumbensihin si papa."
"Kailangan niyang maoperahan pero palage niyang sinasabi na saka nalang kapag napatawad mo na siya at nakausap ka na niya. Ate pakiusap. Tulungan mo akong kumbenshin si papa."
Kaya naman pala disperadang-disperada na ang batang ito.
"Noong magkahiwa-hiwalay tayo iniisip kong wala na akong pamilya kahit isa at si papa nalang. Kapag nawala na siya paano na ako? Pero ngayon nandito na rin kayong muli? Hindi niyo naman ako itutulak palayo di ba?" Naluluha niyang sambit.
"Sinabi na kasing sa amin ka na sasam e. Bakit kasi kay papa ka pa sumama?" Sabi naman ni Xhyrrel.
"Kala mo gusto kong sumama? Ayaw ko ngang iwan si ate e. Kaya lang wala akong magawa kasi masyado pa akong bata noon." Sagot naman ni Xhirren.
"Ayaw ko ding sumama kaso sinabi ni mommy na sumama na daw si Ate sa mayamang pamilya kaya nagtampo ako kay ate dahil iniwan niya tayo." Nakayukong sagot ni Xhyrrel.
"Ate, nang makita kong nakatira ka na sa mansion na ito inaakala kong iniwan mo kami dahil sa yaman ng pamilyang ito. Kaya nang sabihin ni mama na pupunta na kami sa Amerika hindi na ako nagpakita pa sayo."
"Kung gano'n nandito pa kayo bago ako ampunin ng mga Micanovic?"
"Nagtatago kami kasi nabaon sa utang si papa noon. May gusto ding pumatay kay papa dahil sa pagiging witness niya. Higit sa lahat bumagsak ang kompanya natin na isa sa mga kompanyang nadamay sa pagkabagsak ng L Group." Paliwanag ni Xhyrrel.
"L Group?" Sa pagkakaalam ko, kompanya iyan nina Throne. Hindi ko na siya nakita pang mula magmula noong press conference.
Naalala ko sina Blaze, nadisgrasya din ang pamilya niya two years ago. Kasosyo din ng pamilya niya ang mga Lionheart at tapat silang nagtatrabaho kay Chairman Arthuro Lionheart.
Dumating na rin sina mama at papa. Ikinuwento rin ni mama ang dahilan kung bakit di sila nakapunta.
"Nagpadala na lamang kami ng pera sayo dahil iyon lamang ang kaya naming gawin. Nabaon kami sa utang sa mga panahong iyon at pinaghahabol ang tito mo ng mga pulis."
"Kamakailan lang nagiging maayos na ulit ang buhay namin kaya hinanap na kitang muli." Pagtatapat ni mama na di niya sinabi noong nag-usap kami.
"Ayaw kitang madamay sa problema namin at mas ligtas ang buhay mo kapag walang nakakaalam sa koneksyon mo sa buhay namin." Paliwanag naman ni papa.
"Patawarin mo ako anak. Patawad." Sabi pa ni papa.
"Ate. Wag ka na sanang magagalit. Ipinadala ni mama lahat ng mga natitirang pera na meron kami para lang may maipadala sayo noon. Kahit pa gipit kami." Sabi naman ni Xhyrrel.
"Saan ba ang gusto mo? Iyong ikaw ang nasa tabi ngunit ang wala ang palaging iniisip?" Dagdag niya pa. "Kasama ako ni mama pero ikaw ang bukambibig niya. Kaya nga minsan naisip ko nalang na paano kung ako na naman ang nawala, maaalala na ba niya ako? Pero nawawala rin ang iniisip kong iyon dahil gusto din naman kitang makita at makasama. Ganon ka kahalaga sa amin ate kaya sana wag ka ng magalit kina mama at papa." Paliwanag pa ni Xhyrrel.
"Mahalaga ka kay papa. Bumalik siya sa bahay para kunin ka ngunit natuklasan niyang inampon ka na ng mga Micanovic." Sagot naman ni Xhirren.
"Iniisip ko na mas maganda ang magiging buhay mo sa kanila kaya umalis kami na di ka kasama." Sagot naman ni papa.
Ako ito tahimik lang at nakikinig sa kanila.
"Hindi kami tanggap ng pamilya ni Tito noon at posibleng magiging mahirap din ang buhay mo kapag kasama ka namin. Kaya mas nakakabuti paring iwan ka nalang para di ka makipagbugbugan kay Benedic." Napahawak pa si Xhyrrel sa kanyang panga matapos banggitin ang pangalang iyon. Siguro hindi maganda ang nagiging samahan nilang dalawa.
Gusto ni mama na sumama ako sa kanila at makilala ang mga pamilya niya. Gusto naman ni papa na sa kanya ako sasama at makilala ang mga kapatid ko sa iba niyang asawa.
Kaya naman napagpasyahan ko na sasamahan ko muna sina papa at tulungan siyang makapagpaopera tapos isasama ko si Xhirren para makabonding din sina mama at Xhyrrel para fair. Hindi ko isasama si Xhyrrel sa pagpunta sa pamilya ni papa baka kasi makipagbasagan siya ng mukha sa mga anak ni papa sa iba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top