24: Attracted kay Luijen
Fhaye's p.o.v
"Fhaye." Sambit ni Blaze at bigla na lamang akong niyakap patalikod.
"Chansing ka a." Sabay pitik sa kanyang noo.
"Gusto lang kitang i-comfort kaso di ko alam kung paano." Sagot niya.
"Ano ba yan. Nagseselos na ako o." Sagot naman ni Verse at yumakap din sa akin. "Usod ka kunti, iba ang mayayakap ko." Sabay tulak ng bahagya kay Blaze.
Natawa na lamang ako dahil ganito din sila dati. Niyakap ko sila pareho at nagpapasalamat na nagkaroon ako ng mga kaibigan na tulad nila.
"Ate Xhirra! Si Xhyrrel to." Tawag ng lalaking hinihila ni Edrian palayo.
Ilang araw na akong ginugulo ng mga yan. Gusto ni Xhyrrel na sumama ako sa kanya sa Amerika. Gusto naman ni Xhirren na sa kanila ako sasama ni mama sa Japan.
Balak akong kunin ni papa at mama ngunit di nila tinanong kung ano ang gusto ko. Para silang nag-aagawan ng custody sa isang batang walang muwang sa mundo. Kung dati pa siguro baka sumama na ako sa isa man sa kanila pero ngayon nasasaktan lang ako kapag naaalala at nakikita ko sila.
Lalo na noong nasa hospital ako. Wala man lang ni isa ang nagpakita. Sa halip na dumating sila nagpadala lamang sila ng pera ni di man lang ako dinalaw. Kala ba nila magiging okay na ang lahat kapag may pera silang maipadala? Naisip man lang ba nila na namimiss ko sila at kailangan ko din naman ang kanilang presensya? Ang kanilang pag-aalaga? Pero wala.
Kaya naman ngayong nasanay na akong wala sila at okay na akong di sila makita o makasama saka naman sila dumating at kukunin ako na parang wala lang? Na parang di nila ako minsang tinalikuran at nasaktan?
Hindi ko pa sila kayang harapin na hindi nakakaramdam ng galit at hinanakit kaya naman iniiwasan ko na muna sila. Kakausapin ko naman sila kapag kaya ko na. Naiiyak kasi ako kapag nakakaharap sila kaya naman dumidistansya na muna ako.
Kaya lang wala yata silang balak pagpahingahin ako sandali dahil nandito na naman ang aking ina. Naghihintay sa gate.
Kinausap ko nalang kaysa pagtinginan kami ng mga tao. Saka baka kakalat na naman sa news ang isyu ng pamilya ko.
Dinala ko na lamang si mama sa apartment ko. Ito lang ang pinakasafe na lugar para sa akin.
"Anak, patawarin mo ako. Alam kong galit ka sa amin ng papa mo. Patawad." Akma niyang hawakan ang kamay ko ngunit lumayo ako.
"Kailangan kita. Patawarin mo ako."
"Nasaan kayo noong nasa hospital ako? Bakit hindi man lang kayo nagpakita? Tapos ngayon sasabihin niyo na kailangan niyo ako?" Iniwan na nila ako? Bakit pa ba sila bumalik? Bumalik lang ang sakit at ang lahat ng hinanakit na nararamdaman ko noon.
"Patawad." Nakita kong tumulo ang mga luha niya.
"Pinatawad ko na kayo at kahit papano ina ko parin kayo pero hindi na ako ang batang iniwan niyo. Nabuhay na akong wala kayo at mabubuhay parin ako kahit na hindi kayo kasama. Kaya sana wag niyo na akong guluhin pa. Ina ko kayo at di na yun mababago pa. Pero kung pagmamahal ng anak ang hinahanap niyo, hindi ko na iyon maibibigay." Sabi ko.
Inaamin ko na may hinanakit parin ako sa kanila. Inaamin ko rin na mapapatawad ko naman sila. Pero hindi ko rin naman kayang kalimutan ang katotohanan na minsan na nila akong tinalikuran.
***
Pumunta ako sa Micanovic mansion. Isa kasi sa palage kong tinatakbuhan kapag may problema ako o kung nasasaktan ako ay sina mommy at daddy
Naratnan kong nag-uusap pa sila ni Daddy kaya naman dumiretso ako sa kwarto ko, at umupo na lamang sa aking kama.
Nahagip ng tingin ko ang family picture namin nina mama kasama ang mga kapatid ko. Nandito parin pala to. Kinuha ko ito at tiningnan.
"Fhaye." Napaangat ako ng tingin nang makita ko si mommy. Isinara niyang muli ang pintuan at naglakad palapit sa akin. May bitbit siyang isang cone ng chocolate ice cream at inabot sa akin.
"Binili ni Luijen para sayo. Pampalubag loob mo daw." Kinuha ko ang ice cream siya naman umupo sa tabi ko.
"Narinig kong nagkausap na kayo ng mama mo. Ayos ka lang ba?" Tanong niya pa.
"Ayos lang ako. Medyo gumaan na kunti ang nararamdaman ko ngayong nagka-usap na kami ni mama. At nasabi ko na ang gusto kong sabihin." Sagot ko naman at tinikman ang ice cream.
Ramdam ko ang lamig na binibigay nito sa akin at nagpagaan ng kunti sa aking nararamdaman.
"Alam kong marami kang mga katanungan diyan sa isip mo. Pero mas mabuti sigurong ilabas mo at itanong sa kanila ang lahat ng gusto mong malaman. Lalo na kung bakit ka nila iniwan."
"Wala na akong pakialam sa dahilan nila. Hindi naman kasi nito mababago ang katotohanan na minsan na nila akong inabandona." Sagot ko naman.
"Mabuhay na lamang kami na hindi pinapakialaman ang isa't-isa. Gano'n lang para wala ng problema." Hindi na ako bata na kailangang mamili kung saan pupunta.
Higit sa lahat, nasanay na rin ako na sina mommy at daddy ang tumayong ama at ina ko.
"Ayaw mo ba talaga sa kanila o natatakot ka lang?"
Natigilan ako sa sinabi ni mommy.
"Natatakot ka na baka kung mahulog na ulit ang loob mo maglalaho na naman sila sayo. Hindi ba?" Tanong niya.
Natahimik ako. Ayaw ko ba talaga sa kanila o natatakot akong maramdaman muli ang pakiramdam ng naiwan at hindi pinapahalagahan?
Napapikit ako at napapaisip sa sinabi ni mommy. Natatakot nga ako. Ayokong mapalapit muli kina mama at sa mga kapatid ko dahil natatakot ako na kung mapalapit sila sa akin saka naman sila bigla na namang maglalaho at iiwan ako. Iiwan akong nangungulila sa kanila. Hinahanap sila at magiging laman ng aking mga panaginip.
"Mommy." Hindi ko mapigilan pero naluluha na naman ako.
Niyakap ako ni mommy na mas lalo lang tumulo ang luha ko.
"Wag kang matakot. Kasi kung iiwan ka nilang muli nandito lang naman kami e. Hindi ka namin iiwan." Bulong niya na mas lalo lang ikinasikip ng aking dibdib.
"Iba man sila at iba man kami. Hindi man namin mapunan ang pagmamahal na dapat sila ang nagbibigay maibibigay naman namin ang pagmamahal na hindi nila kayang ibigay. Kaya wag ka ng matakot. Marami kaming nandito at nagmamahal sayo."
"Salamat mom. Salamat sa inyo." Naiiyak kong sambit.
"Wag ka ng umiyak. Kainin mo na yang ice cream mo. Pumila pa si Luijen para lang mabili yan." Sabi niya kaya naalala kong malapit na palang matunaw ang ice cream na hawak ko.
"Bababa na ako. Tatawagin na lamang kita mamaya kapag nakahanda na ang hapunan." Sabi ni mommy. Tumango naman ako.
Ilang minuto nang makalabas si mommy naisipan kong lumabas na rin. Nang makarinig ako ng kanta.
"Kailangan pa bang ako ay tanungin? Kailangan pa bang sayo ay bigkasin? Na mahal kita at wala ng iba. Masdan mo at makikita. Sa aking mga mata." Napatingin ako kay Luijen na nakaupo sa gilid ng hagdan at kumakanta habang nagigitara. Kinakanta ang kanta ni Roel Cortez na ‘sa mata makikita.’
Napatingin siya sa gawi ko at nagkasalubong ang aming paningin. Bigla na lamang akong napapigil ng hininga. Yung mga tingin niya kasi parang kakaiba. Pakiramdam ko tuloy para sa akin ang kanta niya.
"Kailangan pa bang sayo ay lumapit, at sabihin sayo ang laman ng dibdib." Kanta niyang muli.
Ang ganda na nga mg boses niya ang gwapo-gwapo pa niya. Syet, Fhaye. Pigilan mo na yang kabog niyang ouso mo. Parang ang hirap huminga.
"Na mahal kita, at wala ng iba. Masdan mo at makikita, sa aking mga mata." Kanta niya na nakatitig sa'kin.
Nagkunwari na lamang akong naglalakad papunta sa piano room.
Narinig ko pa ang boses ni daddy sa baba.
"Ang pag-ibig hindi lang ipinaparamdam at kinakanta. Sinabi din para magkaliwanagan." Sino kayang tinutukoy ni dad na gusto ni Luijen?
E sino pa ba Fhaye? Malamang si Ate Luiza di ba? Teka lang, di ko na gaanong nakikita sa mansion na ito si Luiza a. Kaya naman pala medyo maayos ang araw ko dito dahil wala siya. Pakiramdam ko talaga para akong nasasakal kapag nandito siya. Mabuti nalang talaga at wala siya dito.
"Lahat ay gagawin para sayo. Ganyan ang alay ng pag-ibig ko. Umasa kang ikaw lage ang mamahalin. Sa isip sa puso at sa damdamin. Sayo'y walang hindi kayang gawin." Napatigil ulit ako marinig na kumanta ulit si Luijen. Kanta ito ng paborito kong singer na si Donna Cruz ang ‘hulog ng langit’. Di ko napigilang mapalingon nang marinig ulit ang kanta ni Luijen.
Muntik pa akong mapatalon dahil nakatitig parin pala siya sa akin?
Mabilis akong pumasok sa kwarto na ikinauntog ko sa pader. Malayo pa pala ako sa may pintuan.
Nakakahiya talaga. Bakit ang lakas ng impact ng kanta ng lalaking yan? Sa kanta ba talaga ako naapektuhan o sa mga mata niya?
Naku naman Fhaye. Maghunos-dili ka. Maraming nagkakagusto sayong iba. Wag sa lalaking may ibang gusto. Sabay sapok sa sarili ko.
Attracted na yata ako dahil sa boses ng lalaking iyon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top