20: Naguguluhan
Fhaye's p.o.v
Magmula ng makabalik ako sa Micanovic mansion , kapansin-pansin ang pagiging mabait sa akin ni Luijen. Parang ibang Luijen ang nakikita ko. Noong una nakakapanibago at nakakailang. Hanggang sa unti-unti na rin akong nasasanay.
Katulad nalang ngayon. Para akong prinsesa na pinaglilingkuran niya.
"Kumain ka na. Nagluto si Manang ng pork belly steak. Masarap to." Sabi niya. Makikipagkita sana ako kay Edrian dahil niyaya niya akong mag-dinner. Ngunit ayaw ko namang sayangin ang effort ni Luijen na nagpahanda pala para sa akin. Naalala kong ipinaghahanda pala niya ako ng pagkain dati tapos di pala ako magdidinner dito kaya naman ayaw kong magtampo na naman siya at itapon na naman ang mga inihanda niyang ito.
Nakapagtataka lang kung bakit hindi ko nakikita ang effort niya dati? Dahil ba sa palage niyang pag-iinsulto sa akin o dahil hindi niya sinasabi verbally?
Pagkatapos mag-dinner saka niya ako hinatid sa lugar kung saan kami magkikita ni Edrian.
Pero umalis din agad nang magsimula na ang pagkuha ng mga larawan sa aming dalawa ni Edrian.
"Hindi ka pa ba hihiwalay sa kanila?" Tanong ni Edrian sa akin ng bigyan kami ng ilang minutong break.
"Alam mo naman siguro na gustong-gusto na kita dati pa. Sayo lang umiikot ang mundo ko Fhaye. Mula noong nagkakilala tayo. Kaya sana maiintindihan mo naman ang nararamdaman ko. Nagseselos din ako."
"Edrian." Nakakagulat naman. Bigla-bigla ba namang sabihin yun? Di ba hanggang biro lang naman siya?
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Kinikilabutan ako." Natatawa kong sagot kahit ang totoo naapektuhan ako sa sinabi niya. Sobrang nagulat kasi ako e.
"Fhaye. Seryoso ako." Natigilan ako sa sinabi niya. Seryosong-seryoso kasi ang mukha niya habang sinasabi yun. Mabuti na lang at tinawag na kami ng photographer. Nakailang ulit nga lang kami kasi mali daw ang emosyong ipinapakita namin.
Natapos din ang photoshoot kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Nagulat na lamang ako dahil dumating si Blaze na sinundo daw ako. Nagpunta daw siya sa bahay kanina kaso wala ako kaya naisipan niyang sunduin na lamang ako dito.
Ang di ko inaasahan na darating din si Luijen. Nagprisinta din si Edrian na ihatid ako. Parehong nagtapat ng nararamdaman sa akin sina Blaze at Edrian kaya mas naiilang akong kasama sila kaya naman kay Luijen ako sumama. Siya lang naman ang neutral sa kanilang tatlo. Hindi ako gusto at di rin naman ayaw. Kaya siya ang pinili ko.
Habang nasa biyahe, pansin kong madilim ang mukha ni Luijen.
"May problema ka ba?"
"Wala." Sagot niya at buntong-hininga.
Tahimik lamang kami sa biyahe hanggang sa makarating na sa Micanovic mansion.
Kinanukasan, sobrang nagulat ako dahil sa dami ng mga reporters na nakapaligid sa mansion.
"Miss F. Totoo bang iniwan mo si Mr. Yu at nasa iisang bahay na kasama si Mr. Luijen Micanovic?"
"Miss F? Bakit mo iniwan si Mr. Yu? Dahil ba wala na silang pera?"
Napakunot ang aking noo. Bakit nila sinasabi na wala ng pera sina Edrian?
"Narinig naming isa ka pala sa past lovers ni Throne Lionheart? Kasangkot ka ba talaga sa nangyaring pagsabog sa sinasakyang bus ni Miss Airah two years ago?"
Bakit nasali si Throne? At sino naman iyang si Miss Airah'ng sinasabi nila?
"Pwede ba, wala siyang alam sa sinasabi niyo. Biktima din siya sa nangyaring aksidente bakit niyo ba siya pinagbibintangan ha?" Sabi ni Luijen na hinarang ang katawan sa mga reporters na ito.
"Sagutin mo kami. Kaya ka ba nawala para makatakas sa krimen na nagawa mo?"
Sa totoo lang wala akong naintindihan sa mga tinatanong nila sa akin. Lutang na lutang pa ako. Siguro dahil matagal-tagal na ring hindi ako nanonood ng balita ngayong nagdaang mga araw.
Dumating naman si Edrian at sinundo ako dahil handa na raw ang press conference para sa amin.
"Alis na muna ako." Paalam ko kay Luijen bago sumama kay Edrian.
"Edrian, ano ba ang nangyayari?" Tanong ko sa kanya habang nasa loob kami ng kotse.
"Mukhang magkakaroon na ng bagong tagapagmana ang L trademark at Lions group. Nadamay lang ang kompanya ni dad dahil sa alitan ng mga tagapagmana." Sagot ni Edrian at ipinaliwanag sa akin ang lahat.
Ipinaliwanag ni Edrian na hindi aksidente ang nangyaring pagsabog sa bus na sinakyan ko noon. Kundi isa itong plano. Isang plano upang patayin ang isa sa tagapagmana ni Don Art na isa sa mga pasahero sa bus. At nagkataong isa ako sa sakay ng bus na ito at isa sa tatlong taong nakaligtas.
Ang isang nakaligtas ay si Airah na sinasabi nila at si Aikoh na isa din sa mga tagapagmana. Si Airah ang isa sa rason kung bakit sumabog ang bus kaya galit sa kanya ang mga kamag-anak ng mga yumao at siya ang sinisisi kahit hindi naman siya ang may gawa. At si Aikoh naman na naka-wheelchair na lamang ngayon dahil sa nangyaring aksidente at ako na tinaguriang pinaka-suspicious sa lahat dahil naglaho nalang bigla at ngayon lang nagbabalik. Ako ang nagiging main suspect sa nangyaring aksidente.
"Nandito na tayo." Sabi ni Edrian at sinamahan ako patungo sa conference room. Sa unang pagkakataong tatanungin ako ng lahat na parang kriminal. At nadamay lang sa alitan ng pamilyang Lionheart.
"Fhaye!" Tawag ng lalaking naka-white tuxedo. Napatayo pa siya makita ako.
May hitsura siya at pamilyar ang mukha. Hanggang sa maalala kong siya nga pala si Throne.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya na halatang gulat ang mga mata.
"Pinatawag ako ni Tito Edmund." Sagot ko. Hindi na siya ang dating Throne na nakilala ko dati. Wala na ang childish nature na meron siya kundi may pagkamatured na ang aura niya.
Sinalubong ako ni Tito Edmund at pinaghila ng upuan.
Napatingin ako sa ibaba namin at nakitang ang daming mga news reporter ang nandirito.
Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang napakagandang babaeng nakaupo sa isa sa mga VIP seats sa silid na ito. Masyadong cold ang aurang nakapaligid sa kanya na tila ba sinasabi na wag niyo akong lapitan.
Nabigla pa ako nang mag-angat siya ng tingin nang magkasalubong ang aming mga mata. Hindi ko maiwasang matulala sa ganda niya. Natomboy yata akong bigla.
"Fhaye. Ayos ka lang?" Napaigtad ako nang tawagin ni Edrian ang aking pangalan.
"A, ayos lang ako." Mabilis kong sagot.
"Siya si Miss Airah Aragon. Isa sa heiresses ni Don Art. At isa siya sa sakay ng bus na sinakyan mo noon." Sabi ni Edrian. Hindi ko na maalala kung nakita ko ba siya sa loob ng bus o hindi.
Nagsimula ng magtanong ang media sa akin. Sinagot ko naman lahat ng mga tanong nila ayun sa nalalaman ko at kung ano ang tunay na nangyari sa akin magmula nong madisgrasya ako hanggang sa magiging isang model.
Pagkatapos masagot lahat ng mga tanong nila lumabas na kami ni Edrian.
"Sandali." Tawag ni Miss Airah sa amin kaya napatigil kami sa paglakad.
"Bakit Miss?" Tanong ko mapansing sa akin siya nakatingin.
Timigil siya sa tapat ko. Walang kurap na tiningnan ako diretso sa mata.
"Salamat at buhay ka." Sabi niya at nilagpasan na kami.
Bakit siya nagpapasalamat na buhay pa ako?
Napaangat ulit ako ng tingin mapansing papalapit sa gawi namin si Throne. Hindi na siya tumingin ng diretso sa akin. Bahagya siyang tumigil nang mapatapat siya sa akin.
"Sorry." Iyon lang ang sinabi niya saka umalis na.
Bakit ba ang hilig nilang magsasabi ng bagay na di ko alam kung bakit? Tapos aalis na lamang bigla?
"Fhaye!" Napalingon ako at nakita si Verse. Sinalubong niya ako ng yakap. Si Edrian naman nagpaalam para makapag-usap kaming magkaibigan.
"Pinag-alala mo kami. Nagulat talaga ako nang makita kita sa TV. Ayos ka lang ba?" Napangiti ako makita ang pag-alala sa mga mata niya. Kahit papano may nag-alala parin sa akin na kaibigang para ko na ring kapatid.
"Ayos lang ako. Makapag-alala ka naman, parang iiyak ka na." Niyaya na naman akong mag-ice cream.
"Alam mo, papunta na sana dito si Blaze kaso hinarang ng ex-fiance niya kaya hindi nakarating." Sabi ni Verse. Nakita ko ang dumaang lungkot sa kanyang mga mata habang sinasabi yun.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko sa natuklasan. Kung hindi ako nagkakamali, may pagtingin si Verse kay Blaze ngunit nagtapat si Blaze sa akin?
Balak ko pa namang sabihin kay Verse ang sinabi ni Blaze sa akin pero hindi ba siya mas masasaktan? Kaya lang kaysa naman sa iba niya malaman mas mabuti ng nanggaling sa akin.
Kumakain na kami ngayon ng ice cream at naglalakad na lamang patungo sa kanyang kotse.
"Verse may nais sana akong sabihin sayo." Tumigil naman siya sa paglakad at tumingin sa akin.
"Nagtapat sa akin si Blaze nitong nagdaang mga araw." Sabi ko at tiningnan kung ano ang magiging reaksyon niya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata at muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na ice cream.
Ngunit naglaho agad ang gulat na yun at pinalitan ng ngiti. "Di nga? Nagtapat na pala ang lalaking yun? Tapos? Anong sagot mo? Kayo na ba?" Tanong niya na may pilyang ngiti. Siniko-siko pa ang braso ko. Gusto ko tuloy itanong kung totoo ba ang ngiti at panunukso niyang ito o nagpapanggap lang siya?
"Verse, hindi mo ba talaga gusto si Blaze?" Tanong ko na ikinaubo niya.
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan? Nakakagulat ka." Sambit niya na halatang pinilit na tumawa.
"Sorry." Sagot ko nalang. Kung ayaw man niyang maging honest sa sarili niya wala akong magawa. Gusto ko sanang magiging tulay para maging sila ni Blaze kaya lang paano naman ang fiance ni Blaze? Ang malala sa akin naman nagtapat si Blaze. Nakakalito na talaga.
"Fhaye. Tingnan mo. Di ba si Luijen yan?" Napatingin ako sa sinasabi ni Verse. Dito ko nakita si Luijen na nakasandal sa kotse niya at kahalikan si Ate Luiza. May mga passer-by na kinunan sila ng mga larawan.
"Yung ice cream mo sayang." Nagulat ako dahil nabitiwan ko pala ang hawak kong ice cream.
Hindi ko maintindihan bakit ang sikip naman yata ng dibdib kong ito? Ano bang nangyayari sa akin? Nagseselos ba ako?
"Alam mo ang sikip ng dibdib ko ngayon."
"Halata naman sa mukha mo e." Sagot ni Verse.
"Aminin mo, may gusto ka ba kay Luijen? Paano na si Blaze?"
"Wala akong gusto kay Luijen. Bakit mo naman yan natanong?" Parang bumalik lang sa akin ang tanong ko kay Verse a. Denial din ba ako tulad niya? O tulad niya rin akong naguguluhan sa tunay na nararamdaman?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top