15: Miss F
2 years later.
"Babalik na tayo sa Pilipinas." Sabi ni Mrs. Monteverde kay Blaze.
Hindi umimik si Blaze. Ano pa bang babalikan niya sa Pilipinas? Wala na si Fhaye. Wala na siyang babalikan pa. Kung kailan wala na ang kaibigan niya saka pa nila sasabihin na babalik na siya?
"Hindi ko siya nailigtas dahil wala ako sa tabi niya. Kung sana'y nandoon pa ako hindi niya maisipang umalis. Hindi sana siya mapapahamak." Ito ang nasa isip ni Blaze sa bawat oras na maalala niya si Fhaye.
Kailangan nilang bumalik sa Pilipinas dahil nasa Pilipinas ngayon ang investor na hinahanap nila.
Napabuntung-hininga naman ang ina ni Blaze makitang nagsuot lamang ng headphone ang anak at di siya pinansin. Magmula noong mabalitaan ni Blaze na namatay si Fhaye, hindi na ito nakikipag-usap pa sa kanila. Masyado na rin itong cold sa kahit sino at ni minsan hindi na nila nakikita pang ngumiti. Napapadalas na rin ang paglalaro nito sa mga online games.
Sa gawi naman ni Verse, kasama niya ngayon si Aeron. "Babalik ka ba sa Pilipinas?" Tanong ni Aeron sa kanya.
"Wala na akong babalikan pa. Wala na siya. Ang sabi niya hihintayin niya ang pagbabalik ko. Pero hindi niya ginawa. Wala na siya." Sambit niya at napayuko.
"Bakit di nalang ako ang namatay? Bakit niyo pa ba ako iniligtas?" Muli na namang tumulo ang kanyang luha. Iniisip niya na kung hindi sana sila umalis, may isa sa kanila ang mapupuntahan ni Fhaye. Hindi na nito kailangan pang sumakay ng bus at mamamatay.
"Bakit di niyo agad sinabi sa aking wala na siya? Bakit?" Isang taon pagkatapos ng operasyon niya saka niya nalamang wala na si Fhaye.
"I'm so sorry. Kakagaling mo lang sa operasyon noon. Kaya hindi namin sinabi sayo. Im really sorry." Nakayukong paghingi ng paumanhin ni Aeron.
"Wala kang kasalanan. Kasalanan ko ang lahat."
"No. Hindi mo iyon kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo okay?"
***
"Ang ganda mo talaga. Tingnan yko o. Bagay na bagay tayo." Sabi ni Edrian at idinikit ang mukha sa pisngi ni Fhaye. Tinulak naman ni Fhaye ang noo ni Edrian.
"Tumigil ka nga." Natatawa niyang sambit habang kaharap nila ngayon ang mga posters nilang dalawa ni Edrian.
"Mabintang-mabinta ang mga products namin magmula noong ikaw ang ginawa naming model."
"Tsk. Alam ko. Pero kailangan pa bang idikit mo iyang mukha mo palapit sa mukha ko?" Sabay pitik sa noo ni Edrian.
"Tinitiyak ko lang kung sinong may makinis na mukha no. Ngayon alam ko na."
"Na mas maganda ako?"
"Na mas makinis ang mukha ko." Sabi ni Edrian sabay kindat. "Alam ko na. Na bagay tayo."
Napaikot na lamang si Fhaye sa mga mata.
Ilang sandali pa'y pinatawag sila ni Edmund sa office nito.
"Maraming nagrequest kung maaari ka bang magperform ngayong birthday ni Edrian. Ipapakilala ko na din siya sa lahat bilang tagapagmana ko, maaari ka bang tumugtog ngayong birthday niya?"
"Ayos lang po. Hindi naman mahirap iyang request niyo." Sagot agad ni Fhaye. Palage naman na siyang nagpeperform sa mga events. Madalas kumakanta siya o ba kaya tumutugtog ng piano.
"Kung ganon handa ka na bang bumalik bilang si Fhaye Hedron?"
"Po?" Hindi niya inaakalang sa Pilipinas pala gaganapin ang birthday party ni Edrian.
"Wala ka bang balak dalawin ang Micanovic family? Nagpaimbestiga kasi ako at nalaman kong sinisisi ng anak nila ang sarili kung bakit ka nawala. Kung hindi ka magpapakita, posibleng habang buhay niyang dadalhin ang guilt na iyon. Gusto mo ba yun?"
Naalala ni Fhaye ang mag-asawang Micanovic. Kahit sina Andro, Beverly at syempre si Luijen. Kahit naman hindi niya maintindihan ang kasungitan nito sa kanya, hindi niya maiwasang maisip din siya. Lumaki naman kasi siya sa poder nila at madalas na si Luijen ang palage niyang nakakasama sa mansion.
Hindi man niya aaminin ngunit namimiss din niya ang pamilyang ito.
Dalawang taon na ang nakalipas magmula noong umalis sila sa Pilipinas at naging model dito sa US sa tulong nina Edmund. Kaya lang, dala niya ang identity ni Fara Yu na anak ni Edmund.
Fast forward.
Nakabalik na rin sa Pilipinas sina Fhaye. Kakalabas lang nila sa airport ngayon.
"Anong sasabihin mo sa kanila kapag ipapakilala mo rin ako?" Tanong ni Edrian kay Fhaye.
"Sasabihin kong assistant mo ako." Bigla namang tumawa si Edrian.
"Ano bang nakakatawa kung magiging assistant mo ako?" Tanong ni Fhaye.
"Ang swerte ko namang magkaroon ng model na assistant." Sabay tingin kay Fhaye mula ulo hanggang paa.
"Sexy na nga, napakaganda pa." Dagdag niya pa.
"Sige, mambola ka lang diyan."
"Totoo ang sinasabi ko."
Muntik ng matumba si Edrian nang mabanggaan siya ng isang matangkad na lalake. Nakashade ito at nakasumbrero.
"Sorry bro." Hinging paumanhin nito.
"It's okay." Sagot agad ni Edrian.
Yumuko ang lalake at umalis na. Sinundan naman ni Fhaye ng tingin ang papalayong pigura.
"Ehem. Nagseselos na ako." Biro ni Edrian.
"Tse. Magselos mukha mo." Sagot ni Fhaye at inirapan si Edrian. Kanina nga sa airplane panay landi nito sa magandang stewardess.
"Totoo. Di ba halata? Nagseselos talaga ako." Pagtatapat ni Edrian.
"Tayo na nga." Sabi ni Fhaye at nauna ng maglakad.
"Dad, di ba halata na nagseselos ako?" Tanong ni Edrian sa ama.
"Napansin mo din pala ako? Kala ko nga wala akong kasama e." Sagot ni Edmund dahil hindi man lang pinansin ng anak kanina. Iiling-iling na nilagpasan niya si Edrian.
Hinabol naman ni Edrian si Fhaye.
"Wag ka namang magmadali. Hintayin mo na munang manliligaw na ako bago mo sabihing tayo na." Tukso ni Edrian sa dalaga.
"Loko. I said let's go." Sagot ni Fhaye.
"Luijen, nandito ako."
Napatigil si Fhaye sa paglalakad marinig ang pangalan na ito.
"Bakit ko ba iisipin ang lalaking yun?" Napailing siya at nagpatuloy ng muli sa paglalakad.
"Si Miss F yan di ba?" Sabi ng isang babaeng fan sa model na si Miss F.
"Kasama niya si Mr. Yu." Sabi naman ng kasama nito.
Natuon naman ang atensyon ng iba sa kanilang direksyon at nagsilapitan ang iba pang nakakakilala kay Edrian.
Nagkatinginan sina Edrian at Fhaye saka nagmamadaling pumasok sa kotseng naghihintay na sa kanila.
"Muntik na yun a." Sabi ni Edrian at tinapik-tapik pa ang dibdib.
"Himala at kilala din tayo dito? Di ba dapat sa US lang?" Nagtatakang tanong ni Fhaye. Hindi naman siya gaanong sikat sa pagiging model niya. Part time lang naman niya yun.
"Ganyan talaga kapag magaganda at gwapo. Sikat kahit saan pupunta." Sagot naman ni Edrian.
Hinintay na makakapasok na si Edmund bago pinaandar ng driver ang kotse.
Paalis na sa kotse nang matanaw ang isang lalaking kamukha ni Blaze. Ngunit mas matangkad nga lang ito kay Blaze.
"Blaze?" Sambit niya ngunit napailing makitang tinulak ng lalaking iyon ang babaing humawak sa braso niya.
"Hindi ganyan si Blaze. Mabait siya at di ganyan." Sambit niya hanggang sa mawala na sa paningin ang lalake.
"Ano ba Fhaye. Bakit ba palage mo nalang akong pinapaselos?" Sabi ni Edrian at napanguso. "Mas gwapo pa kaya ako sa lalaking yon." Dagdag niya pa at napanguso.
"Ayan ka na naman sa selos-selos mo. Bakit di mo yan sabihin sa mga gf mo?"
"Wala akong gf."
Marami kasi siyang ka-flirt ngunit hindi siya seryoso sa mga yon. Madalas din niyang nilalandi si Fhaye kaya lang di umuobra ang charm niya. Madalas din siyang nababatukan ng ama kapag nagpapakita siya ng motibo kay Fhaye. Kaya naman madalas dinadaan na lamang niya sa biro para di siya mapagalitan ng ama.
***
Nakaupo si Luijen sa piano bench habang hawak ang isang magazine.
"Maaari mo ba akong samahan sa birthday ng anak ni Mr. Yu? Wala kasi akong escort. Sige na Luijen. Samahan mo na ako." Pakiusap ni Luiza kay Luijen ngunit hindi siya pinansin.
"Alam mo bang kasama niya si Miss F?" Tanong bigla ni Luiza. Nabitiwan naman ni Luijen ang hawak na magazine at napatingin kay Luiza.
Si Luiza naman napahigpit sa paghawak sa laylayan ng damit niya. Isang taon ng mawala si Fhaye, nagdala ng magazine na mula sa US si Beverly.
Ang magazine kung saan sina Edrian at Miss F ang model. Masyadong misteryosa ang Miss F na ito. Hindi kasi ito nagpapakita sa medya ni magpa-interview. Ngunit masyadong mabenta ang anumang produkto kung saan siya ang model. Marami ang kumukuha sa kanya na magiging model nila kahit pa ang mga sikat na mga international brand kaya lang pili lang ang tinatanggap niya. Napakaganda ni Miss F ngunit ang nakapagtataka dahil kamukhang-kamukha niya si Fhaye.
Magmula ng sumulpot ang Miss F na yan, palage ng nakaabang si Luijen sa mga bagong release na magazine na patungkol sa misteryosong model. Kahit ang mga produkto na pinagmomodelo han ng Miss F na ito kinokolekta na rin ni Luijen. Kahit ang mga kantang kinakanta nito sa mga party na dinaluhan, nagiging favorite song bigla ni Luijen.
Masyadong idol ni Luijen si Miss F kaya naman binanggit ni Luiza ang pangalang Miss F para samahan siya ni Luijen sa isang party. Madalas kasing nakakulong lamang si Luijen sa kanyang kwarto. Gusto niyang lumabas naman si Luijen kahit minsan. Kaya lang hindi maiwasan ni Luiza ang masaktan sa nakikita niyang reaksyon ni Luijen tungkol kay Miss F.
Wala na sana si Fhaye kaya lang nandito naman ang Miss F na posibleng magiging kaagaw niya kay Luijen. Gusto niyang bawiin ang sinabi niya ngunit posible namang pupunta parin si Luijen sa nasabing party kahit hindi siya pupunta. Kaya mas mabuti pang sabay na lamang silang pupunta para makilala niya ang Miss F na ito na kamukhang-kamukha ni Fhaye.
***
(✓)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top