14: Fara Yu


2 months later...

"Nang siya'y mawalay. Saka nalaman. Kanyang pag-ibig, ay aking kailangan. Paano kung siya'y iba na ang mahal. Pano ang puso. At narararamdaman." Nabato ng libro ang kumakantang si Jeff.

"Luijen naman. Kumakanta yung tao, binabato mo ng libro." Reklamo ni Jeff na napahimas sa ulo.

"Baka natamaan ng kanta." Bulong naman ni Rex sa tainga ni Jeff.

"Oo nga noh." Sagot naman ni Jeff na parang natauhan.

Dalawang buwan na ang nakalipas mula sa nangyaring aksidente. Iilang mga pasahero ang hindi lna talaga nakuha pa ang mga katawan dahil nagiging abo na at isa na doon ang katawan ni Fhaye.

Lalo naman nagiging cold si Luijen at once in a while na lamang kung magsalita.

***

Sa isang hospital naman, nagising ang isang babaeng dalawang buwan ng tulog.

"Dad. Gising na siya." Mababakasan ng pagkasabik at tuwa ang boses ng binatang nagsalita.

Mabilis namang lumapit ang tinawag niyang daddy kanina na kausap ang doctor.

"Miss ayos ka na ba? May masakit ba sayo? Ano ang nararamdaman mo ngayon?" Tanong ni Edrian sa babaeng nakahiga sa kama.

"Bigyan niyo muna siya ng soup. Mamaya niyo na siya tanungin kapag nai-check ko na ulit ang kalagayan niya." Sabi ni Edmund.

"Humiga ka na muna diyan. Bantayan mo muna siya Edrian. Bibili lang ako ng makakain." Sabi ni Edmund at lumabas na.

"Opo dad." Mabilis na sagot ni Edrian at binalingan ng tingin ang nakahigang babae na ngayon ay may nagtatakang mga mata.

"Anong pangalan mo Miss?"

"Fhaye."

"Ako nga pala si Edrian."

"Bakit ako nandito?" Nanghihinang tanong ni Fhaye.

"Pasensya ka na talaga. Hindi namin sinasadyang mabunggo ka."

"Nabunggo?"

Saka naalala ni Fhaye na naisipan niyang bumaba dahil nagbago ang isip niya. Maalala niya ang malungkot na mukha ni Luijen habang papalayo ang bus. At ang pagtawag nito sa pangalan niya habang hinahabol ang sinasakyan niya. Bumaba siya para bumalik.

Kaya lang naiwan niya ang bag niya at cellphone sa loob ng bus. Tumakbo siya para habulin ang bus ngunit isang sasakyan ang galing sa kabilang daan ang bigla na lamang sumulpot at nabanggaan siya.

"Akala namin di ka na magigising. Kinabahan na talaga kami." Sabi ni Edrian.

"Tinawagan na pala namin ang pamilya mo."

"Pamilya ko?" Bumilis ang tibok ng puso ni Fhaye sa narinig.

"Sina Mr. Xhian Hedron at Fina Hedron. Kaya lang, natuklasan namin na nasa ibang bansa sila pareho. Nagpadala din sila ng allowance mo."

Nang marinig ang mga pangalang iyon mas lalo lang tumamlay ang mukha ni Fhaye.

Ibang bansa. Nasa ibang bansa ang pamilyang nag-abandona sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" Nag-alalang tanong ni Edrian.

"Paano niyo nalaman na sila ang mga magulang ko?" Tanong ni Fhaye.

"Tiningnan ko sa internet ang impormasyon tungkol sayo. Nang malaman kong sila ang mga magulang mo agad namin silang pinahanap. May binigay silang allowance para sa'yo." Hindi na sinabi ni Edrian na binabaan sila ng telepono nang malamang may kinalaman kay Fhaye ang pagtawag nila. Baka kasi mas lalong malulungkot ang dalaga.

"Dumalaw ba sila kahit minsan sa akin?" Tanong ni Fhaye.

"Wala e. Sinabi lang nila na kami na daw bahala sayo."

"Wala talaga silang pakialam sa akin. Inabandona na nga kasi nila ako. Sino pa ba akong mangangarap na hanapin nila, at balikan?" Sambit ni Fhaye sa isip.

"Wag niyo na silang tawagan ulit." Babangon na sana siya kaso nahihilo siya.

"Wag ka na munang bumangon. Di pa kaya ng katawan mo. Siya nga pala, gusto mo ng prutas?"

Umiling naman si Fhaye.

"Bakit ikaw ang nagbabantay sa akin dito?" Di naman kasi niya kaano-ano si Edrian ngunit ito ang kasama niya dito ngayon. Kaya lang sino naman ang magbabantay sa kanya gayong humiwalay na nga pala siya sa mga Micanovic family?

May tumawag kay Edrian kaya nagpaalam na muna ito at lumabas. Si Fhaye naman nanonood na lamang ng palabas sa TV na nakadikit sa pader.
Ilang sandali pa'y nanlaki ang mga mata sa natuklasan. Isa siya sa mga pasahero ng sumabog na bus ang di na nakuha ang labi? At dalawang buwan na ang nakalipas magmula nang mangyari yun.

Pagbalik ni Edrian tinanong niya ang tungkol sa nangyari sa bus at nalaman ni Fhaye na sumabog ang bus nang magbanggaan ito ng isang ten wheeler truck. Hindi lang naman ang bus ang nadisgrasya dahil sa nangyaring pagsabog dahil maging ang mga sasakyang nasa malapit ay nadamay. May isa pa ngang sasakyan ang nawasak din dahil sa pagsalpukan ng dalawang sasakyan.

At kung ano man ang dahilan ng banggaan ay wala paring nakakaalam. Ang tanging alam ng iba na dahil nawalan ng break ang ten wheeler truck kaya nangyari yun ngunit wala pa silang nakitang patunay kung totoo ba o sinadya.

"Kung ganon inaakala nila na patay na ako?"

"Sinabi na namin sa pamilya mo kaya lang hindi namin sinabi sa mga pulis ang tungkol sayo. Pasensya na kasi nag-alala kami na baka guluhin ka dito at di na maiaayos ang pagpapagaling mo. Lalo na at hindi pa sigurado kung kailan ka magigising. Tinago ka na lang namin sa publiko. Kung hindi mo iyon nagustuhan, humihingi kami ng pasensya." Pagpapaumanhin ni Edrian.

"Naintindihan ko." Ilang sandali pa'y dumating na rin si Edmund. Tinanong kung din niya kung may iba pa ba siyang pamilya na pwede nilang makontak.

Naisip ni Fhaye ang mga Micanovic family. Hindi niya alam kung alin ang mas nakakabuti. Ang ipaalam ba na buhay siya o ang hayaan na lamang silang iisipin na patay na siya?

Pinag-isipan niyang mabuti ang mga bagay na ito hanggang sa napagpasyahan na lamang na hindi na ipaalam sa kanila na buhay pa siya. Naisip niyang mas nakakabuti pa itong aakalain nila na wala na siya. Wala ng manggugulo sa pamilya at wala na ang maituturing na sampid lamang sa pamilya ng mga Micanovic.

"May hihingin po sana akong pabor."

"Sabihin mo lang. Handa naming ibigay." Sagot ni Edmund.

"Gusto ko sanang makapagpatuloy sa pag-aaral kapag malakas na ulit ako. Kaya lang ang alam ng lahat na wala ako at under investigation parin ang nangyaring aksidente. Wala naman akong alam sa nangyaei ngunit ayaw kong mas lalong magiging magulo ang buhay ko dahil dito. Kaya gusto ko sanang itanong sa inyo kung may ibang paraan pa ba ako bukod sa pagpunta na lamang sa mga magulang ko na nasa ibang bansa na ngayon."

Seryoso namang napatingin ang mag-ama kay Fhaye. Nag-usap muna ang mga ito hanggang sa mapagpasyahan nilang bigyan ng bagong identity si Fhaye. Tinanggap naman agad ni Fhaye ang bago niyang identity.

"Magmula ngayon ikaw na si Fara Yu." Sabi ni Edmund kay Fhaye.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top