10
Fhaye's p.o.v
Ito na. ito ang araw na kinatatakutan ko. Ang maiwan. Ang mag-isa.
"Ingat kayo don ha? Aantayin ko kayo." Pinilit kong maging maayos ang boses ko habang pinipigilang maiyak.
"Ingat ka dito. babalikan pa kita. liligawan pa kita. Magpapatangkad lang ako." Natawa na lang ako sa sinabi ni Blaze.
"O ba. Basta ba magpatangkad ka." Natatawa ko ring sagot.
"Tatangkad ako. Itaga mo sa bato." Pangako niya. Ginulo ko lang ang bangs ni Blaze na ikinasimangot niya. Sayang daw kasi ang tatlong oras na ginugol niya sa pag-aayos ng kanyang buhok.
Napatingin kami kay Verse na naiiyak na naman.
"Verse, lumaban ka a? Sabay tayong uuwi." Sabi ni at akma ring guluhin ang buhok ni Verse na mabilis naman nitong naiwasan.
"Antayin kita Verse kaya magpagaling ka. Antayin ko kayo ni Blaze." Sabi ko.
"Oo. Babalik ako pangako yan." Sagot niya at pinunasan ang luha.
"Verse. Alis na tayo." Tawag ng lalaking palaging sumusundo sa kanya. Kasama parin pala niya pati sa pagpunta sa ibang bansa.
"Verse. Tayo na." Tawag naman nong fiance ni Blaze na si Aesha.
Ako kaya? Sino kaya ang tatawag sa akin? Pinagmasdan ko nalang silang papalayo. Tumulo na rin ang luhang matagal ko ng pinipigilan.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo hanggang sa maisipan ko na ring umalis.
"Uwi na tayo, gumagabi na." Napatingin ako kay Luijen. Ano namang ginagawa niya dito? Saka ano bang nakain niya at bumait siyang bigla?
"Inutusan ako nina mommy. Kala mo naman ginusto ko." Sabi niya at tumalikod na.
***
Luijen's p.o.v
"Oh, Xhirra? bakit di mo pa ginagalaw ang pagkain mo?" tanong ni mommy sa kanya. Saka lang niya ginalaw ang kutsara niya. Nakailang subo lang ay nagpaalam na siya.
Pagkatapos kong kumain napadaan ako sa silid niya. What I heard is her sobs and sniffs.
Kinabukasan, mugto ang kanyang mga mata. Lage din siyang nakayuko at ayaw kausapin ang kahit sino man sa amin. Hindi rin siya pumasok sa school.
"Kumain ka na muna." Sabi ko sa kanya. Di pa kasi siya kumain sa araw na ito e hapon na.
"Why do you care? Di ba ganito ang dapat sa akin? Ang itapon, masaktan at maiwan. Ah, nga pala. Hindi pa ako naitatapon ng pamilya mo." Sagot niya at yumuko ng muli.
"Lumabas ka na. Pakisara nalang din ng pintuan." Sabi niya pa.
"No, nagkakamali ka. I'm sorry for what I said and did before. I regretted it. Sorry. Im sorry. I can't bear to see you like that. Kaya please lang. Kumain ka na muna okay?"
Tiningnan lamang niya ako. Dahan-dahan namang tumulo ang kanyang mga luha.
"Bakit ka biglang bumait? Bakit ka ba biglang nagsosory? Gusto mo bang malulungkot din ako kapag mawala ka?"
"Nagsorry ka pa kasi e. Naiiyak nalang akong lalo." Marahas niyang pinunasan ang pisngi na dinadaluyan ng kanyang mga luha.
Hindi ko alam kung paano ko siya patahanin. At kung anong dapat kong gawin para gumaan kahit kunti ang nararamdaman niya.
Umupo na lamang ako sa tabi niya. Ipinatong ang isang palad sa kanyang likod at marahang tinapik-tapik.
***
Fhaye's p.o.v
Nakakahiya talaga. Sinampal-sampal ko ang aking magkabilang pisngi. Kapag talaga naalala ko yung nangyari kahapon nahihiya talaga ako.
Nakatulog ba naman ako sa kakaiyak? Ginawa ko pang unan ang lap ni Luijen. Nakakahiya talaga. Pero kapag naiisip kong bigla sina Blaze at Verse. At maalala na pagpasok ko sa school wala na sila na mangungulit sa akin. Muli na namang sumisikip ang dibdib ko.
Nasasaktan at nalulungkot ako. Ngunit kailangan kong mag-move on. Babalik sila. At kung sakaling hindi na, kailangan ko din namang ipagpatuloy ang buhay ko kahit na wala na sila.
Panibagong buhay na naman ako ngayon na wala silang dalawa sa buhay ko. Magsisikap ako para hindi sila mag-alala sa akin. At pagbalik nila, may maipagmamalaki na ako.
"Sabay na tayo." Nagulat pa ako dahil nakaabang pala sa labas ng kwarto ko si Luijen.
"Maglalakad na lamang ako." Naiilang kong sagot.
"Sabi ni mommy ihahatid daw kita." Sabi niya sabay hikab. Mukhang tinatamad magsalita.
Sasakay na sana ako sa kotse niya kaso yung motorbike pala ang gagamitin niya.
"Dito." Sabi niya.
Nananadya ba to? Bigla-bigla na lamang maisipan na mag-motorbike?
Kinuha niya ang isang helmet at pinasuot sa akin. Kinilabutan akong bigla kasi medyo bumait siya sa akin. Kahapon pa to a. Hindi ako magtataka kung ibang tao ang bigla na lamang nagpapakita ng kabaitan sa akin. Pero kung ang Luijen na ito ang biglang babait, mananayo talaga ang mga balahibo ko. Nakakatakot.
"Sakay na." Nag-aatubili akong sumakay. Iba pa naman itong motorbike niya. Mapapasubsob ka talaga sa rider.
"Gusto mong malaglag?"
Bakit kasi hindi pa straight ang upuan ng motorbike na ito? Kapag yuyuko ako ng bahagya mapapadikit na ako sa kanya. Kaya lang, sa posisyon ko namang ito, malalaglag talaga ako kapag pinatakbo na niya ang motorbike niyang ito.
Lumapit nalang ako at humawak sa laylayan ng jacket niya.
Pinatakbo na niya ang motorbike. Wala kaming imikan habang nasa biyahe. Pagdating namin sa school, umani agad ng bulungan ang pagkasabay naming dalawa. Sikat naman kasi ang isang to. Sikat din tong beauty ko dahil bestfriend ako ng campus crush at campus Barbie princess.
May nagsabi na baka maid ako kaya pinaangkas na na lamang ako ni Luijen. May nagsabi naman na baka naawa sa akin ang mabait umano nilang crush kaya pinaangkas niya ako sa motorbike niya.
Nagmamadali na akong pumunta sa classroom ko.
Naninibago parin talaga ako dahil wala na ngayon sina Blaze at Verse na mangungulit sa akin. Bakante na rin ang mga upuan nila. Wala na akong katabi.
Pagkatapos ng klase, mag-isa na lamang akong lumabas. Wala ng dalawang taong magtatanong kung ano ang oorderin namin at kung ano ang susunod naming mga gagawin pagkatapos ng klase.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Luijen na papalapit.
"Fhaye." Napalingon ako bigla sa tumawag. Akala ko si Blaze, si Kian pala.
"Hello." Matamlay kong sagot at nginitian siya ng tipid.
"Sabay na tayong pumunta sa cafeteria ha ba?"
Sumama na lamang ako sa kanya. Wala din naman akong kasama. Nilagpasan naman kami ni Luijen. Akala ko pa naman ako yung pakay niya. Umasa ba naman ang puso ko.
Babayaran ko na sana ang mga inorder ko pero binayaran na ni Kian.
"Thanks." Sabi ko na lang.
"Wala yun."
"Nga pala. Pasyal tayo mamaya ha? Nakapagpaalam na ako kina tita."
"Pasyal?" Pumayag sina mommy? Napatingin ako kay Kian. Mabait naman siya at nakapamasyal naman na kami dati kaya bakit di ko nalang susubukan? Para naman ma-distract ang isip ko.
***
Alas sais ng hapon nang sunduin niya ako. Tinuruan niya akong magbowling. Di ko naman maiwasang mapatalon sa tuwa kapag napatumba ko lahat ng vase. Pagkatapos ay nanood ng sine. Kumain sa restaurant at nag-shopping na rin.
Mabait siya, kaya naman medyo magaan din ang loob ko sa kanya. O baka dahil pinagaan niya ang loob ko sa bawat panahong kailangan ko ng masasandalan.
12 pm na kaming nakauwi.
"Ingat." Sabi niya pagkababa ko ng kotse niya.
"Ikaw din. Sige." Paalam ko at pumasok na.
Naratnan ko si Luijen na nanonood parin ng TV sa sala. Nakapagtataka lang dahil hindi naman siya nanonood ng TV dito dahil may TV naman siya sa kwarto niya.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi ko na siya pinansin pa.
***
Kinabukasan...
Tiningnan ko ang cellphone ko. Nagbabakasakaling may nagmessage sa kanila nina Blaze at Verse kaso wala. Kumusta na kaya sila? Kaya lang wala akong nakitang ni isang mensahe.
"Di ka pa ba bababa diyan? 10 am na kaya." Napalingon ako sa may pintuan at nakita si Luijen na hawak ang doorknob ng pintuan ko.
"Mamaya na."
"Hindi ka pa kumakain. Anong gusto mo tawagin ko pa si Kian para sayo para kumain ka na diyan?" Ano na naman ba ang pinagsasabi nito? Di lang kakain idadamay pa yung ibang tao na wala naman dito?
Tumayo na lamang ako at nagtungo na sa banyo. Maliligo nalang ako kaysa makipagtalo sa taong yun. Bigla-bigla lang nagagalit e ang aga-aga pa. Mabait naman sana siya no'ng nagdaang mga araw. Tapos bigla-bigla na lamang sumusungit.
Pagpunta ko sa kusina may nakita akong nakahandang pagkain sa mesa.
"Kanino to?" Tinanong ko na baka kasi kay Luijen to o ba kaya para kay ate Luiza.
"Malamang sayo."
Ano na naman ba ang nangyari sa kanya at nagtataray na naman?
May nakita akong chicken curry with mushroom. Para na tuloy siyang mushroom curry. My favorite. Kaya lang baka kay ate Luiza to. Madalas kasi nag-iiwan ng pagkain si Luijen para kay ate Luiza. Itatapon niya yun kapag nakita niyang binawasan ko. Kaya naman basta alam kong para kay ate Luiza hinding-hindi ko ginagalaw. Madalas ding nilulutuan ni ate Luiza si Luijen. Kaya pareho lang silang nagpapahalaga sa bawat isa.
Yung itlog at sausage nalang ang kinuha ko saka nagsimula ng kumain.
Sino kayang nagluto nito? Di naman kasi ganito ang luto ni madam Fely.
"Humigop ka din ng sabaw para mainitan ang tiyan mo." Napatingin ako sa sinigang na bangus. Paborito ito ni Ate Luiza ngunit hindi ko naman paborito. Yung chicken curry sana kaso paborito din niya yun.
"Next time nalang po. Hindi ko type ang maasim ngayon." Yung curry ang gusto ko kaso baka di para sa akin.
"Humigop ka na kasi ng kunti. Mamaya itapon na naman yan ni Luijen e."
"Po? Hindi ko naman binawasan bakit niya itatapon?" Kapag binawasan ko lang naman tinatapon niya.
"Tinapon niya yung niluto niyang pagkain kagabi malaman niyang di ka naman pala kakain dito. Baka itatapon din—"
"Manang. Anong ginagawa mo diyan?" Tawag ni Luijen mula sa sala.
"Maghuhugas lang ng kamay." Sagot ni madam Fely saka binasa na ang kamay.
Napatingin ako sa sinigang at sa chicken curry. Si Luijen ba talaga ang nagluto nito? Marunong akong magbake pero di ako marunog magluto ng ganito. Yung mga simple lang ang kaya ko. Si ate Luiza magaling yun magluto kasi nag-aaral siya sa culinary school. Pero si Luijen. Alam kong may alam siyang magluto pero di ko alam kung masarap ba ang mga luto niya. Si ate Luiza lang naman ang nakakatikim palage non.
Nag-aatubili akong kumain ng chicken curry. Tinikman ko nalang din yung sinigang. Masarap yung mga luto niya ha. Kaya lang di kaya may lason to? Ano kayang nilagay niya dito? Wala naman kasi siyang rason para lutuan ako ng pagkain. Di kami close at ayaw na ayaw niya sa akin. Kaya naman nagtataka talaga ako sa mga ipinapakita niya ngayong mga nagdaang mga araw.
***
Dahil wala naman akong gagawin naisipan kong pumunta sa orphanage.
Paglabas ko ng mansion, nakita ko si Mang Carlo na isa sa mga personal driver ng mga Micanovic.
"Oh hija, aalis na kayo?" Tanong ni Mang Carlo na ipinagtataka ko.
"Po? Nino po?"
"Sabi kasi ni Sir Luijen, may pupuntahan daw kayo ngayon."
"Wala naman po siyang sinabi sa akin e. Sige po, maiiwan ko na muna kayo."
Kinuha ko ang bisikleta ko at sinakyan na. Nakita ko si Luijen na kakalabas lang ng mansion na parang nagmamadali. Nakita ko rin na binubutunes pa niya ang kanyang polo. Hindi pa rin siya nakapagsuklay. Hindi ko na siya pinansin at umalis na.
Namili muna ako ng mga pasalubong sa mga bata bago ako pumunta sa orphanage.
"Ate Fhaye. Laro tayo." Sabi ng isang 6 years old na bata.
"Draw kami ni ate Fhaye." Sagot naman ng 3 years old.
Pinaghila-hila ba naman ako ng mga chikiting na ito.
"Nood kami ng mobi." Nalito tuloy ako sa kung sino ang pagbibigyan ko.
"Alin ang mas mabuti kong magkantahan nalang tayo?" Suhestiyon ko. Baka kasi mag-aaway pa sila.
"Cge, sige. Gusto ko yan."
"Kanta ako."
"Ako din."
"Ako muna."
Nag-aagawan na tuloy sila sa kung sino ang mauuna ngunit may isa na kumanta na kaya tumahimik yung iba.
Dahil sa kakulitan ng mga bata, bahagya kong nakalimutan na malungkot pala ako.
Nag makauwi ako sa bahay, wala parin sina mommy at daddy.
"Tatawa na yan. Tatawa na yan." Boses yun ni ate Luiza a.
Dumungaw ako sa bintana at nakita sina ate Luiza na gumagawa ng paraan para mapangiti si Luijen. Si Luijen naman parang wala sa mood na binabato ang halaman. Ngunit napatawa rin sa huli.
Napapadalas na ang uwi ni ate Luiza ngayon a.
Pumasok na ako sa kwarto ko. Matapos makaligo at makapagbihis, tinawag ako ni madam Fely dahil maghapunan na daw kami.
Bumaba na lamang ako at nauna ng kumain. Sina Luiza at Luijen, madalas sa labas sila kumakain. Gano'n sila kapag wala sina mommy at daddy.
Seryoso na ako sa pagkain nang may nagsipasukan. Ang ikinagulat ko dahil ang buong KingZi ang mga ito. Kasama sila nina Luijen at Luiza.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top