Epilogue
MINGYU
Kusang tumakbo ang mga paa ko palabas ng dance practice room namin. Kanina, nanonood ako via live streaming sa presscon ni Yoonsun pero hindi ko natapos dahil bigla akong tinawag ng mga kagrupo ko na magpapractice raw kami.
Kinakabahan pa ako habang nanonood nung nagsasalita siya at binabato ng mga tanong. Masasabi ko na isang malakas na tao si Yoonsun at handang labanan ang kung anong pagsubok ang darating.
"Yoonsun please kumapit ka." Sambit ko habang patuloy na tumatakbo. May mga tao pa ngang pinapagalitan at sinisigawan ako kasi nababangga ko sila pero hindi ko na iyon pinansin. Ang mahalaga makarating ako kung nasaan si Yoonsun ngayon.
Gumuho ang mundo ko ng tumawag sa akin ang mama niya. Parang hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi mag-sink in sa utak ko ang nangyari sa kanya. Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito sakanya. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nasasaktan kahit wala naman siyang ginawang masama. Kasalanan ko ba na mahalin ko siya? Kung hindi kami naging artista, matatanggap ba kami ng lahat?
Tumutulo ang luha ko na walang pasabi. Nasasabihan na ata akong weirdo sa mga taong nakakasalamuha ko habang ako'y tumatakbo. Hindi ko na pinansin ang street light at dumiretso na sa pagtakbo kahit umaandar ang mga sasakyan.
"Hijo nababaliw ka na ba?!"
"Magpapakamatay ka bang bata ka? Wag mo naman kaming idamay!"
"Tumalon ka nalang sa Han River kung gusto mong magpakamatay!"
"Huwag kang mamerwisyo!"
"Si Mingyu yaaan! Bakit para siyang nababaliw?"
"KIM MINGYU SARANGHAEEEE!"
"You're so handsome!"
"Bagay lang yung nangyari kay New Sun!"
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo na parang ako lang ang tanging tao sa mundo. Hingal na hingal ako ng makarating sa ospital na pinagdalhan ni Yoonsun. Wala akong balita kung ano na ang kalagayan niya ngayon. Ang alam ko lang ay binaril siya ng mga fans ko. Ganun na ba ako kamahal ng mga fans ko para manakit sila ng ibang tao? Ganun na ba nila kaayaw kay Yoonsun kaya nagawa nilang tapakan ang pagkatao niya? Sana nalang pala ay hindi ako naging idol dahil bad influence lang ako sa mga tao. Natuto silang bumaril at manakit dahil sa akin. Natuto silang gumawa ng malaking kasalanan dahil sa akin.
Hindi ko inalintana ang mga busina ng mga sasakyan. Wala na ako sa tamang pag-iisip. Ang tangi ko lang inaalala ay ang kaligtasan ni Yoonsun. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi siya maaaring mawala sa mundong ito dahil inosente siya. Oo, nagsinguling siya pero hindi iyon kasalanan upang magbayad siya ng ganito.
"Kumapit ka Yoonsun please. Kailangan mong mabuhay. Paparating na ako." Yan lang ang paulit ulit na binibigkas ng bibig ko.
Himala kasi hindi ako nakaramdam ng pagod o kahit ano sa pagtakbo ko. Sabihan man akong tanga dahil imbes na gumamit ako ng sasakyan upang makapunta ng mabilis eh pagtakbo pa ang ginawa ko. Sino ba naman ang makakapag-isip ng matino kung malalaman mo na nasa bingit ng kamatayan ang mahal mo?
Laking pasasalamat ko na kaharap ko na ang mataas na building ng ospital. Maraming tao ang nagkalat at yung iba sa kanila ay pamilyar. Merong nagdadala ng mga camera at pang broadcasting. Alam ko na kaagad kung sino ang pinunta nila dito.
Hindi ko namalayan na pinapalibutan na pala ako ng iilang mamahayag. Pilitin ko mang makawala sa kanila ay hindi ko magawa. Agresibo silang makuha ang testimonya ko.
"Alam mo ba ang nangyari kay New Sun ng SONAMOO kaya ka ba naparito?" Sinagot ko ng tango ang unang nagtanong at ang sumunod ay hindi ko na nasagot pa dahil padami sila ng padami gaya ng mga tanong nila.
"Magka-ano ano ba talaga kayo ni New Sun?"
"Sobra ka bang nag-alala para sakanya? Anong masasabi mo sa nangyari?"
"Fans mo ba talaga ang gumawa ng pamamaril?"
"Mingyu, mayroon ka bang gustong iparating sa namaril kay New Sun?"
"Nanood ka ba ng presscon kanina kaya ka naparito kaagad?"
"ANO BA?!! AYAW NIYO BANG TIGILAN YANG KAKATANONG NIYO?! PADAANIN NIYO NAMAN AKO. MGA WALANG RESPETO!"
Napatahimik ang lahat sa biglaan kong pagsigaw. Maski ako ay nabigla rin sa sarili ko. Hindi ako ganito. Hindi ako madaling magalit at mairita.
"Ano? Anong gusto niyong malaman ha? Alam niyo ba na nanganganib ang buhay niya? Imbes na makiusisa kayo, tulungan niyo nalang kaming magdasal! Parang awa niyo na. Umuwi na kayo bilang respeto naman."
Iniwan ko na sila dun na hindi nakakasagot. Sana lang talaga ay madakip yung nanakit kay Yoonsun at bayaran sa kulungan ang ginawa niya. Bagay lang sakanya na mabulok sa bilangguan habang buhay.
Nagtanong kagaad ako sa nursing station kung saan naka-confine si Yoonsun.
"Miss, si New Sun po yung sa Sonamoo, nasaan siya?" Nang tumingala ang babaeng nurse, para siyang nakakita ng isang gwapo. Alam kong gwapo ako at kabighani pero hindi ito yung panahon upang magpantasya siya. Napailing ako dahil kahit na pabalik balik ako ay nakatitig pa din sa akin yung nurse. Wala akong ibang naisip na paraan kundi sampalin siya at dun parang nabalik siya sa realidad.
Ang isang konklusyon na napagtanto ko ay bawal pala akong ma-involve sa mga ganito, yung nagmamadali, kasi gwapo ako. Maaaring mawala ang wisyo ng iba kapag nakita ako.
"Nasa operating room po!" Sagot niya kaagad. Nahirapan pa akong hanapin kung saan yung operating room. Bubuksan ko na sana yung pintuan kaso may pumigil sa akin, yung papa ni Yoonsun. Hindi ko pala namalayan na madami silang naghihintay dito sa labas. Nag-iiyakan at nagdadasal na sana ay maligtas siya.
Napalunok ako ng makita ko ang mukha ni tito. Namamaga na yung mga mata niya at para din niyang pinipigilan ang mata niyang lumuha. Rinig na rinig ko rin ang malakas na hikbi ng mga kagrupo ni Yoonsun at si tita na parang nadudurog na. Mas sumakit ang nararamdaman ko dahil sa nakita ko.
Hindi dapat sila umiiyak at masaktan ng ganito. Hindi deserve ni Yoonsun ang sinapit niya ngayon. Wala akong ibang maisip na paraan para mawala o maibsan ang sakit na nararamdaman nila.
"Mingyu, ipagdasal nalang natin na maligtas si Yoonsun ang aking anak."
"Maliligtas po siya tito. Malakas siyang tao at hinding hindi po niya tayo iiwanan. Mahal na mahal niya po tayong lahat."
***
Naging matagumpay ang operasyon ni Yoonsun. Nabawasan ng kunti ang pag-alala namin pero nag-alala pa rin kami sa kalagayan niya ngayon kasi hindi pa rin siya nagkakamalay.
"Ako po muna ang magbabantay kay Yoonsun, tita. Umuwi muna kayo para makapagpahinga."
"Ikaw yung walang pahinga Mingyu. Isang linggo ka ng hindi umuuwi. Baka magkasakit ka."
"Ayos lang po ako at ang gwapong katulad ko ay hindi magkakasakit."
Na-persaude ko naman sila na umuwi muna. Pinasama niya rin sa akin si Yoongi magbantay tutal wala namang pasok.
"Sana magising na si noona, hyung. Hindi ako sanay na makita siyang ganyan." Malungkot na saad niya. Napabuntong hininga nalang ako at tumabi sa kinauupuan niya.
"Gigising ang noona mo Yoongi. Tiwala lang. Mahal tayo niyan."
Ilang ulit na akong tinawagan ng manager namin upang makipagkita sa akin dahil mag-cocomeback daw kami. Ano mang pilit niya ay hindi ako napapayag. Hindi ko pwedeng iwan si Yoonsun dito na ganito ang kalagayan niya. Gusto ko sa oras na magising siya, nandito ako sa kanyang tabi.
Biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang isang hindi inaasahang bisita. Tinignan ko siya ng matulis bago nagsalita.
"Pasok ka." Nilapag niya ang dalang basket na puno ng prutas sa lamesa at nilapitan si Yoonsun na nakahiga at maraming aparatus na nakasabit.
"Sorry ngayon lang ako nakadalaw."
"Wag kang mag-alala, hindi ka naman niya hinahanap." Natawa siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun?
"Sana nilayuan mo na siya unang-una pa lang para hindi umabot sa ganito."
"Hindi mo na kailangang pangaralan ako. Alam ko na yun."
"Pero bakit ngayon nandito ka pa rin sa tabi niya?" Natamaan ako sa sinabi niya pero bakit ako naguguluhan? Malamang na nandito ako kasi mahal ko si Yoonsun.
Natigil kaming dalawa dahil narinig namin na nag-bebeep yung aparatu ni Yoonsun. Agad namin siyang nilapitan.
"Yoongi tawagin mo ang doctor!" Mabilis naman na tumugon sa sinabi ko si Yoongi.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Yoonsun wag mo naman kaming pakabahin ng ganito." Hinalikan ko yung kamay niya. Kusang umagos ang luha ko na parang gripo.
"Nasasaktan ka ba dahil sa akin? Ay ang tanga ko naman. Bakit ko pa kailangang tanungin yun eh yun naman ang totoo. Sorry sa mga nangyayari sa iyo Yoonsun. Dahil sa akin kaya ka naghihirap ng ganito. You don't deserve this."
"Mi-Mingyu.." parang may sumabog sa loob ko ng marinig ko mula sa kanya ang pangalan ko.
"Kumapit ka Yoonsun. Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko, sa buhay namin."
***
Mabilis na lumipas ang mga araw. Parang kailan lang ang nangyari kay Yoonsun at ngayon ay pwede na siyang lumabas ng ospital.
"Salamat Mingyu at inalagaan mo ng maayos si Yoonsun."
Nasa bahay na nila kami. Si Yoonsun ay tinutulak ko habang nakasakay ng wheelchair. Ipapahiga ko kasi siya sa kama niya.
"Handa ko pong gawin ang lahat para sa anak niyo. I love her."
Hindi ko alam kung anong ekspresyon ni Yoonsun pero alam ko na kanina pa ako nito iniirapan.
"Kaya kong tumayo Mingyu." Aakma sana akong bubuhatin siya pabridal style pero inunahan niya ako.
Humiga siya sa kama at inayos ko lang yung unan at kumot niya.
"Magpagaling ka kagaad ha. Dapat bumalik ka kaagad sa dati. Mahal na mahal kita, tandaan mo yan." Hinalikan ko siya sa noo niya tsaka hinawakan ang kamay niya.
"Yoonsun, loving you is perfect but but at the same time, chaos. Mahirap man tanggapin pero iyon ang totoo. I put you in danger yet here I am, impenitent of what I had done."
"Sadyang isa tayo sa mga taong umibig na nagmahal sa maling oras at panahon."
"Anong ibig mong sabihin Mingyu? Did you regret.. loving me?" Hindi niya masyadong nilakasan ang huli niyang sinabi. Nararamdaman ko kung anong nararamdaman niya ngayon. Hinawakan ko pa ng mahigpit ang kamay niya.
"Aniyo. I will never regret loving you. Loving someone like you is magnificent and you, loving me back is feels surreal." Hinawakan ko ang baba niya at pinatakan ang labi niya ng isang mabilis na halik at pinagtagpo ko ang aming mga noo.
"Sana ganun din ang nararamdaman mo para sa akin Yoonsun. Ikaw ang pinakamaganda na nangyari sa buhay ko, at alam ko, kahit hindi mo sabihin sa akin, I am your nightmare."
"No!"
"Sshhh. Huwag ka ng umiyak. Mas lalo akong nasasaktan." Pinahid ko ang mga luha niyang umaagos. Pati na rin ako naiiyak at nahihirapan ng magsalita kasi parang may nagbara sa lalamunan ko.
"You were my dream that came true. You were the dream I keep on chasing and finally, got a grip on to. Kissing you was my fantasy but you made it real. Loving you seemed to be difficult and yes, it may inflict pain to hear the truth but it is truly hellacious. I am not saying this to give you pain, but to let you know how euphoric I am to love you. You are not just the missing puzzle who completes me but the whole of the puzzle. You are my everything Yoonsun."
Pilit akong nagsusumikap para magsalita pa. "It's not easy to do this, it is too dreary to come up with this decision but this is the only way to save you. This time, I won't let you save me anymore. Let me play my part Yoonsun. Gusto kong ako naman ang sumagip sayo. Hinding hindi na kita hahayaan pang masaktan."
Hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Baka kasi ito na ang huling pagyakap ko sakanya.
"I want us to be together.. forever pero hindi pa ito ang panahon. Kapag nasa tabi mo lang ako, palagi ka lang na masasaktan. Ayokong masasaktan ka dahil sa akin. What I want is to let you feel happiness pero hindi iyon nangyari."
"Gusto mo bang makipaghiwalay sa akin? Kung yun ang gagawin mo.. mas lalo akong masasaktan. Gusto mo ba yun na masaktan ako?"
"Please Yoonsun. Don't be selfish. You risked your life already. Natuto na ako. Kapag patuloy pa tayong magkasama kahit magkaibigan lang, hindi ka nila titigilan. I love you and I don't want you to get hurt. And I am not breaking up with you.."
"Totoo?" Lumiwanag ang mukha niya at para akong nasaksak ng kutsilyo. Hindi agad ako nakasagot.
"Yes."
Hinampas niya ako. "Nagdrama pa ako dito. Naku Mingyu akala ko tala-" hindi ko na siya pinatapos kasi hinalikan ko siya.
"I am not breaking up with you and will never be. I just want to say.." huminga ako ng malalim at tinitigan siya ng deritso sa mata, " I'm saying goodbye."
Halata sa mukha niya na hindi nag-sink in ang sinasabi ko.
"Gusto pa kitang balikan Yoonsun kaya hinding hindi ako makikipaghiwalay sayo. Eto lang ang tanging paraan na alam ko at hindi masyadong masakit. Pero masakit pa rin ng todo kahit gwapo ako."
"Sana sa paglipas ng panahon ay handa mo parin akong tanggapin. Aalis ako. Mag-aaral ako sa ibang bansa para pagbalik ko, may maipagmamalaki na ako sayo. Ayoko ng ipagpatuloy pa ang nasimulan ko. Mas mabuting magsimula akong muli."
Tumayo ako at niyakap siya sa huling pagkakataon at hinalikan. "Sana sa pagbalik ko, mayayakap at mahahalikan pa kita. Mahal kita. Palagi mo yang tandaan. Goodbye."
Tumayo ako at nagsimula ng maglakad. Kahit na nagsasalit siya patuloy parin akong naglakad papunta sa pintuan niya para lumabas.
"You will be always in my heart Kim Mingyu. And where's good in goodbye?"
Lumakas ang pag-iyak niya na para bang gumuguho ang kanyang mundo. Gusto ko man siyang daluhan hindi maari. Nagdesisyon na ako. Papanindigan ko 'to.
She was within my reach but now, I parted ourselves like millions apart. My incessant love for her will be for eternity.
I'm broke but I'll stand for her. I'm gonna save her from me, from her downfall. My goodbye may not be good but I hope soon, she'll realize it's the most good thing.
🏵⚊THE END⚊🏵
Thanks for reading! 😚
Happy New Year!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top