Chapter Twenty Two

Nagkaka-goosebumps ako kapag naalala ko yung binulong sa akin ni Sumin eonnie sakin.

"Hashtag Team Zelo."

Pinalo palo ko yung ulo ko para hindi ko na maalala pa. Aish! Naloloka na ako kay Sumin eonnie. Palagi nalang may ibang ibig sabihin kapag tumitingin siya sakin. Inaakusahan ako na parang may malaking kasalanang nagawa sa mundo.

Kanina pa kami dito sa TS Entertainment na nag-eensayo. Sabi ni tito, magsisimula na daw kami ng mv filming. Na-eexcite na kaming lahat. Tapos na kami magrecord para sa first album namin. Tanging mv filming at photoshoot nalang ang kulang. Ginawan na niya rin kami ng facebook page at daum cafe. May sarili sarili na rin kaming twitter at ngayon ay nakaprivate pa yun. Ipupublic yun kapag 1 week after ng debut namin.

"New Suuuun!" Hyper na sigaw ni Nahyun eonnie sakin. Nababaliw na ata ang babae na ito. Bigla ring dumating si High.D eonnie. Hays. Iistorbohin na naman nila ako.

"Nakita namin kanina si Zelo sunbaenim!" Kilig na kilig si High.D eonnie pagkasabi niya. Tinubuan naman kaagad ako ng hiya. Hindi ba nila feel ang awkward feeling? Mga manhid ba ang mga ito?

"Nag-hi siya sakiiiin! Kyaaaah 😍😍" Parang mangingisay sa kilig si Nahyun eonnie. Edi siya nalang ang magkagusto kay Zelo! Kesa naman ako yung i-todo push nila.

"Pake ko? Wala akong time para sa ganyan. Magsplit ka nalang Nahyun eonnie at turuan mo si High.D eonnie kung pano pumayat okay? Wag niyo kong distorbihin please."

Agad namang sumimangot yung mukha nila. Lalo na si Nahyun eonnie na mukhang nagmamaldita yung mukha.

"Ang kj mo New Sun!" Sabi niya sakin at padabog na umalis sa harapan ko. Sumunod naman si High.D eonnie at bineletan ako.

"Pero New Sun, si Mingyu nalang ang piliin mo. Tutal ay matagal na kayong magkakilala at kilala niyo na ang isa't isa baka pati pamilya niyo kilala na rin kayo kaya mas madali iyon. Kesa itatago yung relasyon niyo. Mas maganda talaga yung tanggap na talaga kayo ng bawat isa."

Hindi ko inaasahan na isisingit pa yun ni High.D eonnie kasi papalabas na sila.

"Wala nga akong pake. Umalis na nga kayo!"

Tinawanan naman ako nung dalawa. Hays nakakasira talaga sila ng mood.

Kahapon yung vacation day ni Nahyun eonnie habang kami ay nalublob lang buong magdamag sa dorm. Mabuti nalang pagbalik niya may dala siyang mga pagkain na luto ng mama niya. Ang swerte namin diba? Nakatikim ng home made foods na matagal na naming inaasam!

"Hello eomma?" Naka-sandal ako ngayon sa railings dito sa rooftop. Gusto ko talaga dito. Ang ganda ng ambience dito at yung feeling na malayo ka sa ibang tao.

"Kamusta ka anak?"

"Sobra ko na pong galing. Magiging proud po kayo sakin kapag nakita niyo na yung music video namin at kapag mag-dedebut stage na po kami." Napangiti ako habang kinakausap si mama.

"Tama talaga na pinush kita diyan sa tito mo. Tignan mo ang kinalabasan, diba? Masaya ka ngayon at unti unti mo nang minamahal ang larangan na yan. Sana nga lang ay hindi mo pagsisisihan yan anak. Hindi ko alam ang gagawin kapag magsisisi ka kasi ako yung nagtulak sayo para mapunta diyan. Maging mabait ka anak palagi at wag kang makipag-away. Mahalin mo rin ang ibang kagrupo mo at wag kang maging makulit. Asahan mo ang suporta namin ng papa at ni Yoongi. Mahal ka namin Yoonsun. Nandito lang kami palagi nakasuporta sayo. Sa saya at lungkot na matatamasa mo, wag kang sumuko dahil parte yan ng pagiging kung sino ka."

Napaluha ako sa mga sinabi ni mama. Sobra akong natouch sa mga sinabi niya. Walang ng mas sasarap pa kapag nanggaling mismo sa pamilyang unang nagmahal at nag-aruga sayo ang mga salitang iyon. Sila ang unang susuporta sayo whether like mo o hindi.

"Oh? Bakit ka humihikbi jan?" Napatawa naman si mama sa kabilanv linya. Singhot kasi ako ng singhot kaya nahalata niya.

"Natouch kasi ako. Hehehe."

"Natotouch ka pala anak ko. Hehehe." Natawa ako nung ginaya ni eomma yung tawa ko. Hays! Mama ko talaga.

"Eomma, hajima!" Reklamo ko. Hindi ako sanay tuksuhin ni mama. ㅠㅠ

"Minsan lang to uri Yoonsunie. Hehehe."

Isang oras at higit pa yung pag-uusap namin. Nakisali rin si papa pati si Yoongi. Kinamusta at pinapalakas nila ang loob ko. Makakabuti rin naman yun sakin para gumaan ang loob ko at mas lalong ganahan.

"Fighting!"

***

"Maknae! Samahan mo ko. Jebal?"

(Maknae means youngest in the group)

"Eodi?" (Where?)

"Bibili ako ng pagkain. Ako inutusan ni Sumin eonnie eh. Bad niya no? Huhuhu." Reklamo ni Nahyun eonnie.

"Luuuuh. Ikaw lang naman pala. You can do it. Fighting!"

"New Sun naman ehhhhh >< maawa ka nga sakin!"

"Split ka muna Najjang!"

"Ay. Gusto mo talagang mapagod ako no? Bad kang maknae ka! Dapat sinusunod mo ko kasi eonnie mo ko. Lagot ka kay Sumin eonnie. Isusumbong kita."

Alam ko na katuwaan lang to kaya natawa ako sa masyadong seryoso na mukha niya. Ang galing umacting talaga ni Najjang!

Pumasok na kami sa loob ng isang store. Niloko niya ako na pinapabili kami ni Sumin eonnie. Gusto lang naman niyang kumain ng pepero. Sinama pa niya ako!

"Ubos na ba pepero sa dorm natin? Pinagod mo pa ako ha!"

"Inubos ni High.D! Kaya siya hindi punapayat eh. Kain ng kain. Magmumukha ng balloon mukha niya pag nagkataon eh."

Nasa mga nakahilera na kami ngayon ng goods at sya ay kumukuha ng pepero.

"Kumuha ka lang ng gusto mo New Sun, ako na ang magbabayad." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Lagot siya sakin. Pinagod niya ako! Wahahahaha.

"Eotteohke! Mga tao pala sila at hindi sila bilihin na dapat bilhin! Pero sana yung piliin mo yung gusto mo talaga at masasatisfy ka." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong sinasabi nito? Talking out of the blue eh.

Hindi ko nalang iyon pinansin at kumuha na ng pagkain na gusto ko. Kumuha rin ako ng pagkain para sa ibang members. Wala na ring nagawa si Nahyun eonnie sa mga kinuha ko. Ito bayad niya sa pagdala niya sakin dito!

"Inubos mo pera ko!"

Nasa daan na kami at wala namang tao kaya naisipan ni Nahyun eonnie na magpicture kami. Ako naman yung pinabitbit nung cellophane at pinasuot sa backpack niya. Wala na akong nagawa kundi sundin siya.

"New Sun! Smile!"

******

Hi! Busy sa school. Hehe. At nakita niyo na ba yung FRIDAY NIGHT ng Sonamoo? Panoorin niyo na. Nakalimutan kong ilagay sa past update ko ㅠㅠ Thanks!

#TeamBahayDiamondEdgeInManila
Juskooooooo di ko makikita Vernon ko pati si Mingyu 😂 Not a fully Carat but love them and their songs 😍
TAPOS TAPOS TAPOS may WANNA ONE pa! 😭😭😭 Double Kill 😣 Kekeke. Byeeeee na. Gawa lang muna is me ng thesis. Hehehe. Galit na si leader eh :----(

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top