Chapter Twenty Three
"Look fierce!" Sigaw nung director sa amin at ginawa namin ang sinabi niya. Nasatisfy naman ata sya kaya itinigil muna yung pagphoto shoot.
Tapos na kaming picturan bawat isa. At bukas daw ilalabas na nila yung photo teasers namin. Medyo excited na rin ako. Marami na ring makakakilala sa amin not only in South Korea but also in other countries!
"Ang ganda koooooooo!" Kilig na kilig si Nahyun eonnie habang tinitignan ang pics na sa computer. Egocentric!
"Are you blind?!! Mas maganda ako kasi ako yung eonnie niyong lahat!" Sigaw ni Sumin eonnie at agad namang napatingin sakanya yung lahat ng staffs dito. Napangisi naman siya ng hilaw.
Sumali na rin ako sakanila sa pagpanood ng mga pictures namin. Cute din tong concept namin eh. What I mean is hindi yung cute na pabebe. Parang nagdepict siya sa nature.
"Tignan mo si New Sun oh. Mukhang si Mathilda. Hahaha." Sinamaan ko naman ng tingin si High.D eonnie. Ang bad ha.
(A/N: Si Mathilda po ay isang character sa movie ng Léon: The Professional.)
"Yeji eonnie! Pwede po bang humingi kami ng kopya ng pictures?" Tanong ni Sumin eonnie sakanya habang papalapit siya sa amin at may dala dalang pagkain.
"Sure. Basta wag niyo lang yang iupload. Or isend sa mga family o kaibigan niyo. Bukas naman yan ipapalabas kaya makikita na nila yan bukas din.
"Okay po!"
****
Naka-upo kami sa couch ngayon at nagpapahinga. May 2 hours kaming rest hour. Lahat kami ay nakasalampak sa bawat isang couch na andito. Mabuti nalang at binigyan nila kami ng tig-isang couch! Mayaman ang TS eh! 😂
Una akong nagising kasi nauuhaw ako. Nakakapagod kaya yung MV filming namin kanina. Tapos hindi pa tapos. May mamaya pa. Hanggang gabi siguro kami. At day 2 na ngayon sa pagshoshoot namin. Mabuti nalang at hindi outdoor yung pinagtapingan namin kundi mas nakakapagod.
"New Sun san ka pupunta?" Tanong ng isang staff ng makita ako na may hinahanap.
"Naghahanap po sana ako ng tubig na maiinom. Inuuhaw po kasi ako."
May maliit na cooler sa tabi niya at binuksan yun tsaka kumuha ng tubig. "Ito New Sun oh. Kapag gumising na yung iba mong kasama at maghanap ng tubig ituro mo nalang ako sakanila para mabigyan ko sila ng tubig."
Tumango ako at nagpasalamat sakanya at bumalik na sa couch na pinanggagalingan ko.
Limang araw na simula nung mailabas yung teaser photos namin. Nakakatuwa kasi maraming feedback na magaganda. Pero hindi mawawala ang negative effect at syempre balewala lang. Ganun naman dapat para hindi ka masaktan at ito naman ang pinili namin kaya dapat naming tanggapin kung paano gumalaw sa mundo ng showbiz.
Nang maibsan na ang uhaw ko, bumalik na ako sa pagkakahiga. May 30 minutes pa akong pwedeng matulog ulit.
****
Sumin's POV
Nagising ako dahil sobra akong nainitan! Lahat naman sila ay nakatulog na. Nakita ko naman si Yeji eonnie at nagtanong ako kung ilang oras nalang ang natitira sa rest hours namin.
"May 20 minutes pa kayo Sumin. At after 5 minutes balik ulit tayo sa pagfifilm."
At dahil naiinitan ako, lumabas ako ng studio. Hindi na ako nagpaalam pa baka kasi hindi ako payagan. Nasa loob lang din naman ng TS ang studio kaya hindi masyadong hassle. Pero as a leader, ginagampanan ko ang pagiging eomma sa grupo! At kaninang umaga, nahirapan akong gisingin sila ng maaga. Mabuti nalang andyan si Euijin para tulungan ako.
Naglalakad ako sa pasilyo para makapuntang rooftop. Hindi naman ako pwedeng lumabas mismo ng building at malapit lang din ang studio ang rooftop. Isang hagdang paliko lang.
Natuwa naman ako ng walang ibang tao ang nakatambay sa rooftop. Umupo ako sa isang bench doon at sinasamsam ang malamig na hangin.
Naramdaman ko na may nakatingin sakin kaya nilingon ko. Hindi nga ako nagkamali. Meron nga! Nang napagtanto ko kung sino agad akong nagbow kahit na mas matanda ako sakanya. Syempre sunbae ko siya.
"Annyeonghaseyo Zelo sunbaenim." Bati ko pero hindi siya agad ngumiti sakin. Natagalan pa siyang bumati sakin pabalik.
"Hi. Tapos na kayo?" Siguro yung tinutukoy niya ay yung mv filming. Naalala ko tuloy yung unang pag-approach niya sakin. Kinilig ako ng maalala ko yun. 😍😍
"Uh .. hindi pa po. Babalik pa kami ngayon. Nagpahangin lang ako kaya napadpad ako rito."
"Ganun ba? Ikaw lang ba mag-isa ang nagpunta dito?" Dahil sa tanong na iyon, bigla akong kinilig. Hindi dahil sa tinanong niya sakin kundi dahil kay New Sun! Magkakalovelife na ang maknae namin! Na-ungusan ako ㅠㅠ
"Sadly, ako lang. Bakit po?" Nilagyan ko pa talaga ng sadly para malaman niya at hindi siya umusang nandito si New Sun. HAHAHA. A mother should protect her child. Hashtag motto.
Nahalata ko naman sa mukha niya yung disappointment. Hashtag alam na dis! Kaya naman medyo napangisi ako na parang tatawa na. Baka gusto niyang sabihin sakin ulit na magreply naman si New Sun sa mga messages niya. Hehehehe
"Bakit ka nakangisi?" Bigla naman akong kinabahan sa tanong niya. Baka akalain niya na kinikilig ako sa kanya at mag-assume sya na may gusto ako sakanya. No way!
"Nasiyahan po kasi ako na nakita ko kayo at naka-usap ngayon. Salamat po! At aalis na rin po ako dahil magfifilm na kami. Wag po kayong mag-alala kasi maipaparating ko po sakanya. Annyeong!"
Kumaripas na ako ng takbo at naiwan siyang hindi gets yung sinabi ko. Tutuksuhin ko mamaya si New Sun kapag nasa dorm na kami. Lagot talaga ang maknae namin. *evil laugh*
***
New Sun's POV
Ang gusto kong part sa music video ay yung parang mag-aapir kami ni D.ana eonnie sabay sabing, "Spit Fire here we go!"
Nagsaya kaming lahat dahil sa wakas, natapos na iyong MV filming. Successful ang mv filming namin dahil marami kaming nagtutulungan at binigay talaga namin ang best. Wala ng mas sasarap pa kapag nakompleto mo na ang isang bagay. Mailalabas na yung mv sa December 28! December 15 na ngayon, malapit na ang pasko. Sana naman ay maraming mamigay ng regalo sa amin.
Deja Vu ang title nun. Tapos yung iba namang kanta na nasa album ay Into Me (english siya pero hanggang 1:16 lang), Love Call, People's Little Sister, Just Go at Everlasting Love.
Habang kumakain kami ngayon, kasama ang production team, panay ang titig sakin ni Sumin eonnie. Nagtaka naman ako kung bakit. Baka may dumi sa mukha ko kaya tinanong ko si D.ana eonnie na katabi ko.
"Wala naman New Sun." Sagot niya pero yung mga mata ni Sumin eonnie ay may gustong ipahiwatig. Naweweirdohan na ako sakanya.
Matapos kumain agad ko siyang nilapitan. "Eonnie, anong gusto mong sabihin sakin kanina?" Ini-snob lang niya ako pero patuloy parin sa pagtingin sakin na kakaiba. Baka gusto niya akong patayin? Andwae! ㅠㅠ
"Neomu haengbokhae!" Narinig kong sabi niya kay Euijin eonnie. Ano kaya ang ikinasasaya niya? Mas lalo lang tuloy akong na curious kung ano ang pinag-usapan nila dahil lumingon silang dalawa sa akin.
Niyakap ko ang sarili ko para maibsan ang ginaw. December na kaya sobrang ginaw. Sasakay na kami ng van pabalik sa dorm. Alas 10 na ng gabi kaya antok na antok na kaming lahat. Hindi ko nalang tinuloy alamin yung tungkol kina Sumin at Euijin eonnie kanina. Wala naman ata silang planong sabihin sakin yun.
Tumabi ako sa likuran ni Nahyun eonnie. "Najjang~" Bulong ko sakanga pero dedma lang kasi tulog na tulog siya. Nilagay ko nalang sa tenga ko ang headphone para pampawala ng stress. Isang nakakapagod ang araw na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top