Chapter Twenty Six
Paano napunta sa lugar na ito si Mingyu?! Nagpalpitate bigla yung puso ko. Hindi ko alam kung bakit :"<
"Hi Mingyu?" Yun nalang ang nasabi ko at patanong pa talaga.
"Yoonsun!" Sigaw niya ulit pero mahina nalang. Niyakap niya ako ng mahigpit at tumalon talon pa siya. Hindi niya ata alam kung gaano ako nahirapan sa ginawa niya ano? Tinulak ko siya para kumalawa sa pagyayakap sa akin. Infairness, masarap sa pakiramdam yung may yayakap sayo.
"New Sun! Siya ba yung Mingyu na nakita namin ni Euijin na kasama mo noon?" Inalala ko kung ano ang ibig sabihin ni Minjae eonnie at yung gabi pala na namasyal kami ni Mingyu dahil nasuspend kami.
"Yes eonnie. Yan nga si Mingyu yung nakita mong kasama ko noong gabi na iyon." Para namang nastarstruck si Minjae eonnie kay Mingyu dahil medyo napanganga siya. Hindi na mapagkakaila na sobrang gwapo talaga ni Mingyu.
"Diba magdedebut ka na Mingyu-ssi?" Nakatayo parin kami dito sa labas ng cafe at nasa malapit sa glass door. Biglang bumukas yung pinto kaya medyo nabagok na naman ang ulo ko. Nang lingunin ko kung sino ang nag-open ay nakita ko sina Nahyun at High.D eonnie.
"New Sun!" Ngumiti sila sa akin. Hindi ata inaasahan na mapupunta kami rito.
"Minjaeee!" Bati nila kay Minjae eonnie nang napagtanto nila na nandito rin siya.
"Nandito si Mingyu oh!" Tinuro naman niya si Mingyu na nasa harapan niya. Para talagang nakakita ng artista si Minjae eonnie.
Sabay namang napanganga si Nahyun at High.D eonnie nang makita nila si Mingyu at nagheart heart din ang mata nila. Okay. Nasobrahan na ba ako?
"Hi Mingyu!" Unang bumati si Nahyun at sumunod naman si High.D. Nakipagkamayan sila kay Mingyu at mukhang kinikilig.
Bumati naman pabalik sakanila si Mingyu at nagsimula na silang mag-usap.
"Kaya pala mukha kang familiar sakin kanina. Ikaw pala yun Mingyu!" Ani ni High.D eonnie. Schoolmate kasi namin siya dati kaya syempre nakikita na niya noon si Mingyu.
"Kamusta buhay ng pagiging trainee mo Mingyu? Parehas na kayo ni New Sun na trainee. Ano to? Couple trainee? Hehehehe. Peace!" Napakamot naman ng ulo si Mingyu at ako ay lumingon sa ibang angle. Ano ba ang pinagsasabi ng Nahyun na to? Lagot talaga sakin to mamaya!
Naging awkward yung atmosphere namin dahil dun. Hindi rin kaagad nakasagot si Mingyu. Ewan ko kung bakit basta ako ay nakatingin sa ibang side.
"Nakakapagod at nakakaexcite yung pakiramdam ko bikang trainee." Tumango naman silang tatlo sa sagot ni Mingyu at mukhang satisfied na rin. Nilingon ako ni Nahyun eonnie tapos pinanlakihan ko siya ng mata.
Bumuhos bigla ang malakas na ulan. Hindi na namin napansin na umitim na pala yung langit dahil busy kami sa pag-uusap dito sa labas.
"Pumasok muna tayo sa loob para magpasilong tsaka hindi safe na dito tayo sa labas tumambay dahil may kasama tayong pogi. Hehehe." Joke ni Minjae eonnie. Tama siya na hindi safe sa amin lalo na kasi trainee kami lahat at baka may fansite na itong si Mingyu na palaging nakasunod sa kanya. Ayaw naming gumawa ng issue dahil hindi pa naman kami nagdedebut.
Nagpaalam sina Nahyun, Minjae at High.D eonnie na mag-ccr muna sila kaya naiwan kami rito ni Mingyu sa isang table for six.
"Anong ginagawa mo dito?" Umpisa ko at sinagot niya agad.
"May binili ako para kay mama kanina at dumaan ako rito para kumain. Wag kang magtaka Yoonsun kung bakit dito ako napadpad, baka mag-assume ka na destiny tayo. Dito ako napadpad kasi tita ko may-ari nito at syempre libre ako."
"Sinong nagsabi sayo na nag-aassume ako na destiny tayo? In your dreams!" Bwelta ko pero mukhang natuwa siya sa ginawa ko.
"Alam mo, namiss ko to. Yung palagi tayong nag-aasaran tapos ini-isnob mo lang ako palagi. Yung mga araw na naiinis ka sa mga admirers ko hahahaha at yung mga araw na wala lang sayo pero mahalaga para sa akin."
Inirapan ko lang siya. As usual, ganun naman talaga ang una kong response kapag may pinagsasabi siya.
"Sorry to tell you that I don't miss those things." At dahil seryoso ako sa pagkasabi ko nun mukhang naniwala siya sa sinabi ko base sa facial expression niya. Mapaglalaruan mo talaga ang damdamin ni Mingyu.
"Eto. Eto talaga yung namiss ko, na parang wala lang talaga sayo." Aakma sana siyang yayakapin ako kaso lumayo ang ng kunti sakanya kaya hindi natuloy.
"Nakita ko kanina yung teaser mo Yoonsun at mukha ka na ring tao doon." Pang-aasar niya at nang-asar din ako pabalik.
"May nakita rin akong picture at video mo Mingyu pero ang pangit talaga. Hindi ka photogenic."
"Sus! Ako pa talaga? Sa gwapo kung ito, kahit saang angle gwapo pa rin!"
"Sus! Ang feeling mo talaga. Sarap isako at ipakain sa mga uod."
Tumawa siya pero mahina lang. Yung pigil tawa?
Ilang minuto na ba ang lumipas tsaka bakit hindi pa bumabalik silang tatlo?
"Feeling ko nalunod na sa iniduro yung mga kasamahan mo. Sayang naman sila." Baliw talaga tong si Mingyu. Seryoso pa talaga siya ng sinabi niya iyon.
"Sila yung tipong hindi magpapakalunod." Sinabayan ko na rin naman siya.
"Bakit naging New Sun ang stage name mo?"
"Trip ko lang. Para di mo ko makilala?" Saad ko at nagsad face naman kaagad siya. Kinurot ko yung dalawa niyang pisngi kahit hindi naman siya cute.
"Awwwww. Ang sakit nun ha!"
"Hindi ka kasi cute eh. Triny ko lang naman kung pwede ka bang maging cute and I guess my alternative hypothesis that you are cute is rejected!"
Sarap kutusan ni Mingyu nung nag-aegyo siya. Yung bbuing bbuing na si Krystal Jung ang nagpa-uso? Yun. Hindi bagay sakanya ang laswaaaaaaa.
"Masyado niyo ng inienjoy ang company niyo ha. Pwede pa ba kaming sumali sa inyo? Kung hindi okay lang."
"Dito lang kayo!" Baka ano pa ang isipin nila sa amin ni Mingyu. At magiging awkward lang.
Umupo rin sila tsaka nag-order ng pagkain. Inako naman lahat ni Mingyu yung gastos tsaka nagmakaawa si Minjae eonnie na pwede bang magtake home kasi papakainin niya sina Sumin, Euijin at D.ana eonnie. Hindi raw kaya ng sikmura niyang kumain at yung tatlo na wala dito ay hindi nakakain ng kinakain namin. Wala namang pagdadalawang isip si Mingyu at sumang-ayon siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top