Chapter Twenty Four

"Lalalalala ~" Ilang araw na tong ganito si Sumin eonnie kapag nakikita ako. Hindi ko alam kong bakit at kung magtatanong ako wala naman siyang isasagot.

"New Sun! Hindi ko masabi sayo kasi wala naman siyang sinabi. Hehehehe." Pati yung ibang mga eonnies naweweirduhan na sakanya. Hays.

"Waaaaaaaaah!!!" Nakatapat sa tenga ni D.ana eonnie yung telephone. Tinawag niya kami na may ngiti sa mukha at halatang excited sa sasabihin niya.

"May 2 days christmas vacation tayo. Sa 24 at 25. Makakasama natin ang pamilya natin sa pasko!"

Lahat naman kami ay tumatalon sa tuwa. December 20 ngayon kaya 4 days from now pa kami makakauwi.

"So what's your plan girls?" Sigaw ni High.D eonnie.

"Kumain ng maraming hamon!"

"Magpapalechon ako!"

"Magbababad sa snow!"

Habang sila ay busy sa kung ano ang gagawin, ako naman ay nag-isip lang ng tahimik kung ano ang gagawin. Sigurado akong sabay namin icecelebrate nina tito Taesung yung Christmas Eve. Nakasanayan na yun ng pamilya namin.

Kinuha ko yung phone ko at itetext sana si eomma pero may nagtext pala kaya binasa ko muna yun. Agad namang kumunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahan na mag text si Mingyu. Tanging 'Hi' lang naman ang laman ng text niya.

To Mingyu:
Hu u?

Natap ko na yung send at natawa ako sa ginawa ko. Hmm. Baka akalain pa nun na jeje ako.

From Mingyu:
Huh? Hindi mo ba ako kilala?

To Mingyu:
Hndi kac nakaregistr eh!!

Ang jeje ko na maygahd!

Naghintay pako ng ilang minuto bago siya magreply.

From Mingyu:
Sigurado ka bang hindi mo ako kilala?

Napaisip naman ako kung sasabihin ko na ba ang totoo o hindi. Hindi muna. Magpaprank pa ako sakanya eh!

***

Mingyu's POV

Sa wakas nakauwi na rin ako sa bahay namin. 1 week kasi yung christmas vacation namin tapos mga medyo malayo pa namam daw ang debut namin. Mga January daw.

Matagal ko na ring hindi nakausap si Yoonsun. Namiss ko na siya!

(A/N: Yoonsun tawag niya kasi di pa niya alam ang ganap sa buhay ng crush niya. Hehe)

Agad ko naman siyang tinext. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya nag hi nalang ako. Gusto ko sana siyang tawagan kaso gabi na at ayaw ko siyang madisturbo. Ayokong masigawan at mapagalitan!

From Yoonsun❤:
Hu u?

Siguro pinaprank lang ako nito. Pero nung nagreply ako at nabasa ang reply niya sabi na hindi daw nakaregister tapos jejemon pa! Hindi naman ganito ang Yoonsun ko. At wala yung oras na ganituhin ako.

To Yoonsun❤:
Sigurado ka bang hindi mo ako kilala?

Baka nagbago na siya ng number? Puntahan ko nalang kaya siya sakanila bukas?

From Yoonsun❤:
Kaya nga ako nag HU U diba?!! NAKAKABWESIT KA TALAGA.

***

New Sun's POV

Hindi ko na napigilan yung sarili ko sa reply ko kay Mingyu. Sabi ngang ipaprank ko muna siya pero nahighblood ako ng basahin ko ulit yung text eh.

From Mingyu:
Sigurado ka bang hindi mo ako kilala?

TANGA BA SIYA? SYEMPRE KILALA KO SIYA. BWEIST! Pero iba yung nireply ko at I guess alam na niyang pinaglalaruan ko lang siya kanina. Bad New Sun!

"Hoy bata matulog ka na." Kinuha ni Sumin eonnie yung cellphone ko.

"Sino ba tong katext mo?" Tanong niya pero kinilikot namn niya yung cellphone ko. Huli na nung kukunin ko na sana yung phone kasi nalaman na niya na si Mingyu yung katext ko.

Sinauli naman niya uli yung cellphone ko pero iba ang tingin niya kagaya nung dati.

"May gayuma ka ba?" Seryoso niyang tanong. Naguluhan naman ako.

"Joke lang!" Sagot niya ng napagtantong naguguluhan ata ako. Paepal si Sumin eonnie eh katext ko si Mingyu tas eepal siya >_>

Naisipan ko nalang na matulog na pero nag-open muna ako ng twitter account.

Tinignan ko sa message kung may nagmessage ba at hindi nga ako nagkamali. Yung may B.A.P na naman yung nagmessage sakin.

Nagpakilala siya na si Zelo daw sya. Naniwala naman ako kasi may proof siyang sinend at pinakita sakin kaya natagalan akong matulog.

B.A.P
@_0000

New Sun-ssi, gusto ko lang sabihin sayo na nagka-crush ako sayo nung una pero wala na ngayon. Mianhae ✌

Errr. Flip hair na ba ako nito? Medyo napangiti rin naman ako sa sinabi ni Zelo. Ikaw ba naman maging crush ng isang idol! Pero wala na naman daw. Gusto niya lang makipag-kaibigan sa aming lahat at maging close para happy family kaming mga artists sa ilalim ng TS.

Sinabihan niya rin ako na baka tinutukso ako ni Sumin eonnie sakanya. Wag ko nalang daw pansinin dahil baka mastress pa ako. Wala naman dawng katotohanan. Noon lang din naman iyon. Mabuto nalang at honest tong si Zelo sunbaenim. #RoleModel

Nagpaalam ako sakanya na matulog na kasi tulog na mga kasama ko kaya hindi na siya nagreply pa.

***

Mingyu's POV

Nakatutok lang ako sa kisame ng kwarto ko kasi hindi ako makatulog. Iniimagine ko na magkasama kami ni Yoonsun at masayang naghaharutan. Joke lang. Hehehehe

Puntahan ko nalang kaya siya sakanila bukas tapos magdadala ako ng regalo? Kahit na hindi na pang-12 days yung regalo ko, dahil 21 na naman bukas.

Sa hindi inaasahan, may narinig akong kumanta nung 12 days of Christmas. Magdala kaya ako ng three french hens sakanya? Para ihawin namin yun tapos kami ni Yoonsun yung maglelechon sa manok. Tama! Bright idea!

Pinikit ko nalang yung mata ko na may ngiti sa labi. See you in dreamland Yoonsun kooooo ❤

"Eomma! Pupunta po ako kina Yoonsun." Paalam ko kay mama baka hanapin ako mamaya eh. Mawindang pa sila kakahanap sa pogi nilang anak.

Lumabas ako ng gate namin at naglakad patungo sa bus stop area. Magcocommute nalang ako tutal wala pa naman akong car. Hindi naman siguro mapili si Yoonsun diba? Hindi naman siguro basehan yung car para magustuhan niya ang isang lalaki tapos imposibleng magkagusto si Yoonsun. Ako lang naman palaging kasama nun at ang gwapo kong pagmumukha lang naman ang nakikita niya araw araw.

Lumingon ako sa likod nung may nagbusina ng kotse. Nagtaka naman ako kung sino.

"Mingyu." Bati niya. Tumango ako at ngumiti.

"San punta mo?"

"Sa may bus stop. Ikaw?" Sagot ko. Hindi naman kami masyadong close nitong si Sungjun, magkaaway kami nito noon eh pero hindi naman yung totoong away. Away bata lang.

(A/N: Remember Sungjun? Yung nakasalamuha ni New Sun.)

"Madadaanan ko rin yun. Sumakay ka na. Maginaw pa naman ngayon." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanggap ang kanyang alok. Mga 2 minutes lang din yung byahe kaysa sa maglakad ako na nakakapagod.

Sa frontseat ako umupo at nagpasalamat sa kanya.

"May kilala ka bang Yoonsun ang pangalan?"

Kumunot naman ng sobrang bongga ang noo ko pero gwapo parin. Paano niya nakilala si Yoonsun? Aba hindi pwede!

"Bakit mo siya kilala? Paano at saan kayo nagkakilala?" Curious na curious ako na malaman kung bakit, paano at saan sila nagkakilala.

"Diyan sa may cafe." Nagets ko naman kaagad kung anong cafe yung tinutukoy niya.

"Pinasakay ko siya sa kotse ko kasi umuulan nun at hinatid ko siya papunta sa inyo."

Naalala ko na! Iyon yung araw na nagkita kaming dalawa tapos iniwan ko siya sa cafe dahil maliligo lang ako pero nilagnat ako ng sobra at pinuntahan ako nila Vernon at Wonwoo.

Ang ikinababahala ko ay may car itong si Sungjun. Baka naging textmate na sila ni Yoonsun. Paano na 'to?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top