Chapter Twenty Five

Mingyu's POV

"Paanong wala po si Yoonsun dito? Christmas break na sa school namin ah."

Nandito na ako sa bahay ni Yoonsun. Mabuti nalang at nandito lang si tita kundi wala akong dadatnan na tao.

Binigyan niya ako ng kape at sumimsim naman ako ng kunti. "Salamat tita."

Ngumiti lang sakin si tita at walang sinabi. Umalis din siya pagkatapos at dumeritso sa kusina. Baka nasa kwarto lang si Yoonsun? At pinaghihintay lang ako dahil tulog pa siya. Namiss ko tuloy ang pagiging ordinaryong estudyante. Minsan nalang kasi akong pumasok at wala pang kaklase talaga. Sayang ang gwapo kong mukha dahil walang classmate na makikinabang.

"Annyeonghaseyo hyung." Pumasok sa  sala si Yoongi at may dala dalang long board.

"Mahilig ka niyan Yoongi?"

"Ngayon lang. Naghahanap ako ng ibang libangan." Sagot niya na pa-cool yung tono.

"Try mo kayang mag-audition Yoongi! May charms ka naman pero malayo lang talaga sa akin. Magiging sikat ka balang araw."
Tinignan ko siya ng nakakaloko pero pacool pa rin yung dating niya.

"Hindi naman ako marunong sumayaw. Wala akong pag-asa sa bagay na yan hyung."

Sabagay tama naman siya. Hindi ko pa siya nakikitang sumayaw pero sabi ni Yoonsun sakin noon, may boses naman daw ang batang ito.

"Siya nga pala, saan nga pala yung noona mo? Kanina ko pa siya hinihintay. Pakisabi sakanya na nandito ako. Nginitian lang ako ni tita kanina eh."

Kumunot yung noo ni Yoongi at agad na napa-iling sa sinabi ko. Weirdo ata yung nakatira dito.

"Sagutin niyo naman ako! May problema ba kayo sa gwapo kong pagmumukha?" Tinawanan lang ako ni Yoongi at umupo sa tabi ko.

"Wala naman hyung! Medyo naawa lang ako sayo." Hindi ko alam kung bakit siya tumatawa.

"Gisingin mo na nga yung noona mo. Ililibre kita mamaya ng pagkain na pinakamahal."

"Sayang naman hyung! Wala akong noonang magigising ngayon. Meron pa naman sana akong gustong kainin pero kulang pera ko!" Reklamo niya. Bata pa rin sa pag-iisip tong si Yoongi. Nasaan ba si Yoonsun?

"Tsk. Wala pala akong makukuha sayo eh."

Hindi rin ako nagtagal sa bahay nila Yoonsun. Umuwi ako dahil wala naman siya at wala silang sinabi kung nasaan siya. Baka nagbakasyon siguro?

Habang naglalakad ako papuntang mall kasi may pinapabili si eomma, nahinto ako sa isang jewelry shop. May kwintas kasi na nakakuha ng atensyon ko. Nilapitan ko at tinignan ng mabuti. Finger heart yung pendant niya tapos may maliliit na diamonds.

Hinanap ko yung sales lady dito kasi magtatanong sana ako kung magkano yung kwintas. Plano ko sanang ibigay yun kay eomma. Pambawi man lang sa mga bagay na nagawa niya para sa akin.

Nakita ko naman iyong dalawang sales lady na nakahangad sa may flat screen tv sa may itaas. Humakbang ako papalapit sakanila at tinignan kung ano ang pinapanood nila. Mga teaser ata ng isang upcoming girl group.

"Kapatid ko yan Sunbi! Ang ganda niya diba?"

Bakit mukhang familiar ang mukha nito? At yung sumunod pa ay naging familiar rin sakin.

"Ay sir! Hello po. Ano pong gusto ninyo? Necklace? Ring? Bracelet?" Hindi ko pinansin yung babae dahil bigla akong nacurious kung sino ang mga babaeng ito.

Nakita ko na talaga sila eh. Hindi ako pwedeng magkamali. Naghintay pa ako ng ilang segundo at literal na nanlaki talaga ang mata ko. Papaanong? Paanong na sali si Yoonsun dito? Kailan pa to? Bakit wala siyang sinabi sa akin?

***

New Sun's POV

"Tapos ka na bang maglinis D.ana eonnie?!" Bagong gising palang ako at maghihilamos sana kasi naglilinis pala si D.ana eonnie ng banyo. Mga limang minuto na rin akong naghintay pero hindi pa siya tapos.

"Maghintay ka!" Sigaw niya pabalik. Wala naman akong nagawa kundi maghintay na matapos siya.

"New Sun may tumatawag." Lumapit sakin si Euijin eonnie na bitbit yung cellphone ko. Kinuha ko naman iyon at tinignan kung sino ang tumatawag. Tapos si mama pala.

"Yeoboseyo?"

"Yoonsun, pumunta rito si Mingyu kanina hinahanap ka."

HALA? Baka nalaman niya na isa na rin akong trainee katulad niya? May chance na rin na makita niya kasi naipalabas na yung teaser namin pero baka naman hindi. Busy siya diba at nagtretrain pa. Baka magtampo sakin yung pag nagkataon.

"Wag kang mag-alala hindi ko sinabi. Pero narinig ko silang nag-usap kanina ni Yoongi. Hindi ko lang alam kung sinabihan ba siya o hindi."

Lintik na Yoongi talaga yun. Sarap talagang ibitin patiwarik.

"Tanungin niyo si Yoongi ma! Alam niyo naman iyon na walang pakealam sa akin. Baka sinabi na niya iyon."

Sa kabilang linya, narinig ko si eomma na tinawag si Yoongi. Feeling ko naman ay lumapit yung kapatid ko kasi medyo narinig ko yung boses niya.

"Bakit eomma?" Bored niyang tanong na halata naman na ayaw niyang makipag-usap.

"Sinabi mo ba kay Mingyu kung nasaan ang noona mo?"

"Hindi. Hindi ko nga alam kung nasaan siya at kung anong address yung bahay na tinutulugan niya."

Guminhawa yung loob ko sa narinig kay Yoongi. Baka atakihin sa puso si Mingyu kapag nalaman niya ang pinaggagawa ko na hindi ko man lang sinabi sakanya. Magtatampo yun panigurado.

"Bumait ata yang si Yoongi ma?" Humalakhak naman si mama sa kabilang linya.

"Nagmana lang sayo anak. Magkapatid kayo eh." Bakit parang nainsulto ako? Joke lang.

"New Sun-ie! Tapos na ako. Pwede mo nang gamitin yung cr." Nagpaalam nako kay mama at dumeritso sa banyo bitbit ang tuwalya ko. Maliligo nalang kaagad ako kesa maghilamos pa.

Nakapagbihis na ako at nasa kalagitnaan ng paglalagay ng pampaganda sa mukha ng bigla akong hilahin ni Nahyun eonnie.

"New Sun!"

Nasa labas kami ng dorm. "Aish!" Inis kong sabi at binigyan siya ng masamang tingin. Wag niyong sabihin na magpapasama na naman itong magpabili ng pagkain?

"Samahan mo naman ako."

"Ayoko! Sa iba ka nalang magpasama." Sagot ko na agad namang ikinalukot ng kanyang mukha.

Binuksan ko ang pintuan pabalik at iniwan siya dun.

"Nasan si Najjang?" Tanong sakin ni High.D eonnie at tinuro ko naman kung nasan siya.

Bumalik ako sa kwarto at tinapos ang paglagay ng pampaganda sa mukha ko.

"Kayo lang po ba ang nandito?" Tumabi ako kay Sumin eonnie na nasa sofa. Nagtaka ako kasi wala si Nahyun,  Euijin at High.D eonnie. Si Sumin at Minjae eonnie lang ang naiwan.

"Nagpaalam sa akin si Euijin na lumabas. Ewan ko lang kay High.D at Nahyun. Mabuti nalangbat wala tayong schedule ngayong araw.

Tumayo ako at nagpapasyahang lumabas din. Nagpaalam naman ako kay Sumin eonnie tapos biglang gustong sumama ni Minjae eonnie. Niyaya namin si Sumin eonnie dahil siya lang ang mag-isa dito pero hindi niya daw feel lumabas tsaka babantayan niya yung dorm.

"San tayo pupunta New Sun? Food trip tayo?"

"May pera ka eonnie?" Tumawa ako kasi kunti lang din naman pera ko.

"Kunti lang din pera ko eh ㅠㅠ"

"So yan na tayo pupunta eonnie?" Tanong ko sakanya. Naramadaman ko na kasi na para kaming tanga ngayon.

"Hanapin nalang kaya natin sina Nahyun at High.D? Baka may sekreto yun diba. Yun nalang para exciting!"

Nagspark naman ang mata ko sa sinabi niya. What a great idea eonnie.

Naglakad lang kami nagbabasakaling nasa malapit lang pumunta silang dalawa. At hindi nga kami nagkamali. Nakita namin silang naka-upo sa isang cafe at parang may hinihintay. Baka may boyfriend to si Nahyun eonnie kaya gusto niya magpasama sa akin kanina?

"Ano New Sun? Susugurin na ba natin sila?" Tinampal ko yung braso ni Minjae eonnie. Nag-eexaggerate siya eh. Hahaha

"Gulatin nalang natin sila. Wag kang magpahalata eonnie ha na nandito tayo kasi irerecord natin to." Excited na ako sa magiging reaksyon nila. Baka magamit namin to in the future para matuwa naman ang fans namin kapag nakita to.

Nag-thumbs up sakin si Minjae at malapit na kami sa may glass door. I-oopen ko na sana kaso may una ng nakapag-open kaya tumama yung forehead ko sa pintuan. Medyo masakit siya ha.

"Miss sorry!" Nakakunot yung noo ko dahil sa inis. Hindi mawawala ang sakit nito dahil sa sorry niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Okay lang." Hindi na akong nag-abalang tignan siya at nilampasan siya. Pero napahinto ako nung pigilan niya ko hawak ang braso ko.

"YOONSUN?!" Sigaw niya na napalingon ang ibang tao. Nanlaki naman ang mga mata ko. Si Mingyu!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top