Chapter Twelve
Yoonsun's POV
Umaga na naman. Wala na naman akong pasok kasi suspended nga. Gusto ko ulit pumunta dun sa pinuntahan namin ni Mingyu kagabi na may pa-fireworks display.
"Yoonsun, wag kang gumala ngayon. Maglaba ka ng mga labahin mo tsaka maglinis ka ng bahay. Arrasseo? Palagi ka nalang walang ginagawang gawaing bahay." Pinasok ako ni mama sa kwarto para pagsabihan. Hindi pa nga ako nakabangon ay may ipapagawa na agad.
"Sige." Sagot ko. Yung may halong pagsang-ayon at hindi.
"Bumangon ka na dyan para malaki ang magawa mo! Kung ayaw mong mag-trainee sa TS, hala mag-trainee ka dito sa bahay sa paglilinis oara kapag makapag-asawa ka marunong kang gumawa." Aba. Anong meron kay mama ngayong araw? Bakit sya nagkaganito? Nang mawala si mama sa kwarto ay lumabas ako sa kwarto at tinawag si papa.
"Abbeoji! San ka po?" Pasigaw kong tanong.
"Nasa sala!" Sagot niya na pasigaw.
Nilapitan ko siya sa sala at tumabi sa kanya sa sofa.
"Anong nangyari kay eomma? Bakit siya nagkakaganun?"
Umepal naman yung kapatid kong si Yoongi.
"Panget ka kasi. Sino ba namang hindi iinit ulo pag nakita ka noona?"
"Ang epal mooooooo!"
"Pero gwapooooooo!"
=__________________________________=
Wala akong mapapala kung makikipagbangayan ako sa kapatid ko kaya ako nalang ang nag-adjust. Ako nalang ang tumahimik at binalingan ulit si papa.
"Hindi niyo po ba ako sasagutin?"
"Anak, tanungin mo mama mo. Siya lang makakasagot niyan." Hindi naman talaga ako na-curios kung bakit naging ganun si mama. Manghihingi lang ako ng pera. Hehehehe.
"Appa, tutal naman ay wala akong pasok ng isang linggo ..pwede bang manghingi ng pera?" Mahina ko lang to na sinabi baka marinig ni mama. Dadaldal na naman iyon pag nagkataon.
"Kapag wala ng bakas ng alikabok pag-uwi namin dito mamayang gabi. Sweswelduhan kita. Pang isang linggong allowance mo ay ibibigay ko." Aniya. Akala ko pa naman mauuto ko si papa. Hindi pala ito uto-ito.
"Abbeoji!" Pagmamaktol ko.
"Tayo na yeobo. Yoongi halika na. Baka malate ka." Saad ni mama na papalabas na ng pintuan. "Yung sinabi ko sa yo kanina Choi Yoonsun ha. Lagot ka kapag wala kang ginawa." Dagdag niya.
Pagka-alis nila ay agad akong naligo at kumain. Nag-isip muna ako kung ano ang una kong gagawin. Kung maglalaba ba o maglinis muna ng bahay.
***
Tatlong at kalahiting oras na akong naglilinis sa bahay namin at malapit na akong matapos. Mabuti nalang at sinapian ako ng kasipagan. I-tatapon ko nalang yung basura sa labas at tapos na ko! Sa ngayon ay naghuhugas muna ako ng mop na ginamit kanina sa cr. Yung kwarto ko at kanila mama at papa lang ang nilinisan ko. Hindi ko sinali kay Yoongi. Anong akala niya? Maswerte siya sa noona niya? No!
"Hi Yoonsun!" Bati ng kapitbahay kong nag-jojogging. Nasa labas nako ng bahay at nilabas yung garbage bag para mapick-up mamaya ng garbage truck. Binati ko rin siya pabalik. Pumasok ako sa loob at kinuha na ang mga labahin ko para malabhan. Pero nakaka-tempt yung sofa >.< Umupo muna ako dun para makapagpahinga. Ngayon ko lang napagtanto na nakakapagod yung paglilinis ko at nananakit ata ang mga kalamnan ko sa katawan. Hindi sanay eh. #FirstTimer
Tumunog ang telephone ng bahay namin. Mabuti nalang at nasa gilid lang ito ng kina-uupuan ko kaya hindi ako masyadong napagod.
"Yeoboseyo. Choi's residence." Parang nasa opisina lang no. Hahahahha
"Yeoboseyo? Yoonsun? Ikaw ba 'to?"
"Ah opo. Sino po ba ito?"
"Si tito Taesung mo to." Nanlaki ang mata ko. Madalang lang itong makatawag kasi sobrang busy nito. Kadalasan ay secretary o ibang nagtratrabaho sa TS ang kumaka-usap samin, katulad ni Yeji eonnie.
"Bakit po kayo napatawag?"
"Nabanggit ng mama mo na na-suspend ka raw."
Bakit naman yun pinagsasabi ni mama?! Proud ba siya sa pagkaka-suspend ko?!!
"Uh .. opo tito." Mahina kong sagot dahil nahiya ako. Baka kung ano pang maisip ni tito. Hindi naman ako bulakbol.
"Pumunta ka na ngayon din dito sa TS. May ipapagawa ako sayo. Matutulungan mo naman ata ako."
Kahit na hindi ko pa alam kung anong ipapagawa niya ay umo-o ako. Nakakahiya naman kung hihindian ko siya. Minsan lang kasi siya humingi ng pabor. Kaya pagbigyan na natin! Bunganga ni mama ang makakasalubong ko kapag hindi.
***
Maiintindahan naman ata ako ni mama kung hindi ako nakapaglaba diba?
Nag-taxi ako papuntang TS Entertainment para mabilis akong makarating.
"San po kayo mam?" Tanong ni manong driver.
"Sa TS Entertainment po ahjussi. At pwede po bang pakibilisan?" Saad ko.
"Maasahan niyo po ako mam."
"Salamat ahjussi."
"Mam, kung hindi niyo po mamasamain, artista po ba kayo sa TS?" Tanong ni ahjussi.
Baka akala niya na artista ako tapos underrated naman. Haaay
"Hindi po. Nagtratrabaho po ako dun." Pagsisinungaling ko. Kumunot naman ang noo ni ahjussi.
"Ang bata pa po ng mukha niyo." Wow! Compliment ba yun?
"Wala naman po yan sa edad kung kailan ka magtratrabaho. Nag-aaral pa din po ako."
Pagpapaliwanag ko para naman ma-enlighten siya.
"Pasensya na po mam."
"Wala lang po yun ahjussi."
"Alam niyo ba mam na pwede niyong baguhin ang iyong kapalaran gamit ang iyong swerte?" Imbes na nakatingin ako sa labas ay tumingin ako sakanya.
"Paano naman po?"
"Ang kapalaran kasi ay nandyan na yan. Nakasulat at nakatakda na. Pero mababago mo ito gamit ang iyong swerte kung paano mo ito imaniubra." Tila nalilito man ay tumango nalang ako.
"Nandito na po tayo mam." Binigay ko sakanya ang pamasahe ko at lumabas na ng sasakyan. Nakita ko kaagad si Yeji eonnie at kinaway niya ako.
"Hinihintay niyo po ba ako eonnie?"
"Yes. Halika ka na. Kailangan nating magmadali kasi aalis si Sir. Dapat natin siyang i-meet ngayon."
Tinakbo namin ang opisina ni tito. Hindi na rin ako nag-abala pang batiin ang mga taong nakikita namin kahit na kakilala ko sila. Kahit nga nadaanan namin ang SECRET ay hindi ako nakapag-bati.
Kumatok muna si Yeji eonnie bago niya ito binuksan.
"Good morning sir." Bati niya kay tito.
"Good morning tito." Bati ko rin.
"Hindi ko na papatagalin to. Kaya kita pinapunta dito Yoonsun ay kailangan mong sumali sa bubuuin naming girl group. Alam ko na may talent ka. Wala na kaming oras upang makahanap ng ibang trainee. Yung mga babaeng trainee kasi dito ay mga bata pa. Kaya sana tanggapin mo itong offer namin. Please Yoonsun." Sabi ni tito.
Wala pa ako sa sarili ko ng sinabi niya yun. Hindi ko rin maproseso sa sarili ang sinabi niya.
"Pag-iisipan ko muna tito." Yun nalang ang tangi kong nasabi.
"Yoonsun, I need you to decide right away. Hindi pwedeng patagalin ito. Please. Ikaw nalang ang maaasahan ko." Pagmamakaawa ni tito. Sht! Ano ba ang magiging desisyon ko? Hindi pa ako handa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top