Chapter Thirteen
Prente akong naka-upo sa sofa. Katabi ko si Yeji eonnie habang si tito naman ay naka-upo sa kaharap na sofa.
"Yeji for the meantime, tawagan mo sila at papuntahin mo rito. Right now." Utos ni tito
kay Yeji eonnie.
Wala pa akong lakas na loob na sagutin ang alok ni tito. Hindi pa ako makapag-desisyon ng maayos. Kailangan ko ng proper process upang maisipan talaga ang magiging sagot ko. Charrs. Pero di nga. Mahirap magdesisyon pag nasa harap mo na ang isang napakagandang offer at agad agad ay kailangan mo ng sumagot. Baka sa huli, ang pipiliin mong desisyon ay pagsisisihan mo. Kaya kailangan talagang pairalin ang critical thinking dito.
"Bilisan niyo girls!" Pasigaw na sabi ni Yeji eonnie sa labas. Dali dali naman siyang bumalik sa upuan niya at may mga babae na atang pumasok. Hindi ko pa sila binalingan ng tingin dahil busy ako kaka-isip.
"Annyeonghaseyo sajangnim!" Bati nila kay tito at binalingan ko na sila. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Sina Dohee, Euijin at Minjae! May tatlong babae pa na hindi ko kilala pero isa mukhang familiar. Nakita ko na ata itong kasama si Dohee doon. Si Nahyun pala!
"Yoonsun ~!" Bati sakin ni Minjae. Nginitian ko naman siya pero hindi malaki. Na-awawkwardan ako sa nangyayari. Ako? Isasali sa kanila? NO WAY!
Ang gaganda pa naman nila at may talent eh ako? EWAN.
"For sure kilala mo na ang iba sa kanila Yoonsun dahil ikaw mismo ang dumiskubre sa kanila. You have a good taste." Bulong sakin ni tito. Nanahimik nalang ako at walang sinabi.
"Yoonsun what's your desicion? You are the key para makapag-debut sila." Para akong nalagutan ng hininga sa tanong ni tito. Ano ka ba tito?!! Nakaka-stress! ㅇㅅㅇ
Mabuti nalang at yung mga dumating pa ang in-entertain ni tito.
"Hello girls. You are gathered here para malaman niyo kung makokompleto ba kayo o hindi. I hope na ang isa rito ay may sagot na." Sheeet si tito nang-prepressure >_____<
"Before we get her answer, I hope you don't mind na magpakilala sa kanya?" I know his referring to me. Lumapit naman sakin yung babaeng halata na sexy ang katawan dahil hapit na hapit yung suot niya sakanya.
"Annyeonghaseyo, Ji Sumin imnida." Kinawayan niya ako at ako naman ay kumaway din.
Sunod namang lumapit ang babaeng blonde hair.
"Annyeonghaseyo. Jo Eunae imnida." Inextend niya yung kamay niya sakin at nag-shake hands kami.
"Annyeonghaseyo! Kim Nahyun imnida ~ I guess nagkita na tayo kagabi? Hehehe." Tumango naman ako. Hindi na ko nag-abala pang magsalita kasi nahihiya ako.
"Kilala mo na naman siguro ako diba? Kim Dohee at your service!" May pa salute salute pang nalalaman si Dohee. Tumawa naman ako at sila.
"Hi Yoonsun! Our angel ~." Saad nina Euijin at Minjae. Medyo namula naman ang cheeks ng ate niyo sa sinabi nila. Ngayon ko lang napagtanto na kailangan kong tumayo upang magpakilala.
"Annyeonghaseyo yeorobeun. Choi Yoonsun imnida!" Pagpapakilala ko. Pinapalakpakan naman ako ni tito pagkatapos kong magsalita.
"The seven of you looks perfect in one frame together. Anong masasabi mo Yoonsun?" Tinignan ko muna ang mga mukha nung mga girls at halatang excited sila sa sagot ko. Eotteohkae! ㅠㅠ Nasa mga kamay ko pa naman ang kapalaran nila para makapag-debut.
Lahat sila ay inaasahan na yes ang sagot ko.
"Uhm .."
"Go Yoonsun!" Cheer ni Yeji eonnie sa tabi ko.
"Hmm .. I think its a..." Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Ang desisyon na ito ay sana hindi ko pagsisisihan sa huli. This is my chance pero kailangan kong isipin ang magiging kalalabasan ng desisyon ko. I don't want to ruin everything. Sila at ang buhay ko. It's hard to make a decision right away. Your decision is not strong enough to stand when calamities strike.
"Yes. Yes." Andyan na. Nasabi ko na ang sagot ko. Wala akong maramdaman. Lungkot o saya, wala. Para akong estatwa na nagdesisyon. I don't know pero sana magiging masaya at tama ang sagot ko.
Nabulabog ang opisina ni tito dahil sa ingay na ginawa nila. They are all happy on what I said. Hindi makapaniwala si tito na yun ang isasagot ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Yoonsun, alam kong mapepersuade kita. I'm happy on your yes. I will make all of you a star. Aasahan niyo yan. I will never fail you and waste your talent."
"Salamat tito. Sana po talaga ay matutupad ang lahat ng sinabi niyo para hindi ako magsisi." Biro ko sakanya. Tumawa naman kaagad siya sa sinabi ko.
"I promise Yoonsun. Ako ang bahala sa inyong pito. You will be the brightest stars in South Korea!"
Narinig ata yun nilang anim kaya lumapit sila sa amin at sumisigaw at tumatalon.
"Sajangnim! Aasahan namin yan ha! Kundi magfifile kaagad kami ng contract termination." Biro ni Ji Sumin. Tumawa naman ang katabi niyang si Dohee.
"Ikaw eonnie ha. Pinapangunahan mo na kaagad si CEO!" Aniya. Puro lang kami tawa ng tawa.
"Yoonsun natutuwa ako na magiging ka group tayo! Ikaw ang dahilan kung bakit kami nandito ni Minjae kaya dapat kasali ka rin." Sabi ni Euijin at niyakap ako ng mahigpit. Para siyang umiiyak kasi panay siya sniff. "Oy Euijin eonnie, wag kang umiyak. Baka pumangit ka niyan."
Inalis niya ang pagkakayakap sakin. "Maganda ba ko Yoonsun?" Aniya.
"Hindi na kasi umiyak ka." Sagot ko naman. Lumapit na rin sa amin sina Minjae, Dohee, Nahyun, Sumin at Eunae.
"Yoonsun!!!" Sigaw nilang lahat at nag-group hug kami. "Fight! Fight! Fight!" Sabay sabay naming sinabi. "Walang titibag sa grupo natin. Kahit ano pang delubyo ang dumating sa atin, wala silang magagawa na buwagin tayo. Girls fighting!" Sigaw ni Sumin. Feeling ko siya ang pinakamatanda kasi siya yung may malawak na pag-iisip.
"Natutuwa ako sa pinapakita niyo girls. You are all determined sa pagiging artists niyo. Yan ang dapat. Pinapakita niyo na determinado at motivated sa lahat ng ginagawa. Keep it up." Sabi ni tito sa amin. Kaming pito ay naka-linya sa harap niya.
"Your manager will be Yeji." Tinignan niya si Yeji eonnie at halata niyang hindi ini-expect ang pagiging manager. Nag-thumbs up naman kami sa kanya. Mabuti na rin at siya ang aming manager dahil parang kilala na namin siya.
"Bukas, pag-uusapan natin ang mgaactivities niyo as a group at ang magiging group name niyo pati stage names. And please keep this as a secret muna. Mga pamilya niyo pa ang dapat maka-alam. That's all for today."
Lumabas kaming lahat sa opisina ni tito. Tila ba parang hindi totoo yung pagsabi ko ng yes. Totohanan na ba talaga to? Kumabog naman yung dibdib dahil sa excitement na nararamdaman. Sana maging maganda ang mangyayari sa amin.
Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba to kay Mingyu o hindi. Hindi na rin siya iba sakin pero susundin ko nalang muna ang payo ni tito. Baka akalain lang niya na nag-jojoke lang ako. Tatawagan ko nalang siya mamaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top