Chapter Ten




"Kanina pa tayo naglalakad ah! Wala ka bang balak pumunta sa isang lugar?" Pagmamaktol ko. Simula nang umalis kami sa bahay ay naglakad lang kami. Hanggang ngayon ay naglalakad pa rin kami. Hindi ako nakapagdala ng maraming pera kasi nakalimutan ko kaya aasa na lang ako kay Mingyu.

"Dapat natin sulitin ang ganitong pagkakataon. Minsan lang ito dumarating sa buhay natin. Maganda kayang maglakad. Exercise and at the same time ay madadama mo ang paligid. Use your senses to feel the surrounding."

"Feel the surrounding my foot! Masakit na paa ko Mingyu-ssi." ㅇㅅㅇ

"Gusto mo piggy back?" Offer niya sakin na agad ko namang tinanggihan. Magmumukha kaming timang pag ginawa namin iyon.

"Mamayang gabi tayo uuwi. Susulitin natin ang araw na ito! Yuhooooo!" Tumakbo naman siya at nakisabay na rin ako. Mas mabuti ito kesa sa pumasok. Gaya nga ng sinabi ni Mingyu, feel the surrounding! O dapat feel the moment?

Nasa pathway kami sa gilid ng Han River. Naglalakad at nag-uusap.

"Sorry Mingyu kung nadamay ka rito." Pag-bubukas ko sa usapan namin. Nilingon naman niya ako na may amusement sa mukha.

"It's alright. Ganun talaga ang mga gwapo. Palaging nadadawit sa mga gulo. Boom rhyme!" Imbes na ma-inis o mabwesit sa sinabi niya, napatawa nalang ako dahil sa kakornihan.

"Hindi nakakatawa ang pagiging gwapo ko Yoonsun."

"Sorry.. Hahahahah .."

Puros lang tungkol sa kagwapuhan ang topic namin habang naglalakad kami.

"May sweet corn doon. Gusto mo?" Alok niya sa akin na hindi ko naman tinanggihan. Well, medyo gutom naman ako at natetempt din ako sa sweet corn dahil sa kakornihan ni Mingyu.

Pagkatapos naming bumili ay umupo kaming dalawa sa isang bench na nasa ilalim ng isang punong kahoy kaya hindi maiinit.

"Ang sarap pala nito." Saad ko habang nginunguya ang ilang bits ng mais.

"Masarap nga siya plus kasama pa kita equals ang gwapo ko talaga!"

Napahalakhak naman ako sa sinabi niya at natapon ang ilang kinain ko at bigla akong nabilaukan. Binigyan naman niya ako ng tubig at ininum ko kaagad iyon.

"Mingyu kailan ka magtitino?" Tanong ko sakanya pero halatang hindi niya sineryoso ang tanong na iyon.

"10 minutes from now." Sagot niya.

"Loko ka."

Tumahimik muna kami saglit para tapusin na kainin ang sweet corn.

"Di ba nagalit mama mo dahil na-suspend ka?"

"Syempre na galit. Hindi niya daw iyon inaasahan sa na mangyari iyon sa gwapo niyang anak." Pinalo ko siya sa braso kasi naman namimihasa na siya sa pagiging gwapo niya.

"Bagay sayo ang pangalang Narciso." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Hindi niya ata naintindihan.

"Nevermind." Sabi ko. Kesa naman mag-explain pa ako ng kehaba haba. Nakakapagod yun no!

Tumayo siya at kumuha ng mga dahon sa puno na nagbibigay shield dito sa kina-uupuan namin.

"Hoy Mingyu! Anong gagawin mo diyan? Mapapagalitan ka ng MMDA!" Saway ko sa ginawa niya pero hindi siya nakinig. Bagkus ay tinapon niya iyon sa mismong mukha ko.

"Walanghiyaaaaaaaa!" Sigaw ko. Napalingon naman ako sa palagid ng mapagtanto ko na masyadong malakas ang pagkaka-sigaw ko. Medyo napahiya ako dun.

Tinawanan ako ng malakas ni Mingyu kaya hinabol ko siya.

"You can't catch me!" Sabi niya sa akin habang tumatawa.

"Lagot ka kapag nahuli kita!"

Naghabulan lang kami pero hindi ko siya magawang mahuli. Mabuti nalang at grassy ang lugar na ito at mahangin kaya na-enjoy ko rin naman kahit papano. Napuno ng tawanan namin ni Mingyu ang lugar. Pinagpapawisan narin ako at hinahabol narin ang hininga pero hindi ko magawang tumigil dahil gusto kong hulihin si Mingyu.

"Ano? Di ka ba napapagod?" Sigaw niya sa akin. Mga tatlong metro ang layo niya sa akin.

"Hindi!" Sigaw ko pabalik.

"Hindi ka mapapagod na habulin ako?!" Sigaw niya ulit.

"HINDEEEEEE!"

Naghabulan ulit kami hanggang sa parehas na kaming napagod.

"Pawis na pawis ka na Yoonsun. Ang baho mo na siguro?" Tinaasan ko lang siya ng kilay at kinuha ang facetowel niyang gagamitin niya sana.

"Aaahhh! Bakit mo yan ginamit?" Reklamo niya. Pagkatapos kong gamitin ay binigay ko ulit sakanya at di ko inasahan na gagamitin niya iyon sa sarili niya.

"Ang bango pala ng pawis mo Yoonsun." Sarkastiko niyang sabi.

"Salamat ha?" Sagot ko.

Napagdesisyonan namin na kumain muna ng tanghalian. Pumasok kami sa isang restuarant at nag-order ng pagkain. Madaming inorder si Mingyu kasi gutom na raw siya.

"Magmumukha kang baboy Mingyu." Tukso ko sakanya.

"Baka hindi nako makakakain ng marami sa susunod." Saad niya na medyo malungkot o cold? Dunno.

Luuh? ㅇ.ㅇ Bakit medyo naging gloomy siya sumagot? Parang may pinagdadaanan sa buhay. Bigla tuloy akong kinabahan sa kanya.

"Okay ka lang Mingyu? May sakit ka ba?" Tinapunan niya lang ako ng baliw-ka-ba-look.

"Bakit mo nasabi yun kanina? May taning na ba buhay mo?" Kaya ba sinabi niya sa akin kanina na dapat sulitin ang pagkakataon na ito dahil baka sa susunod ay hindi na niya magawa?

"Yoonsun, wag kang mag-isip ng ganyan. Hindi mawawala ang kapogian ko sa mundong ito. I-shashare ko pa sa ibang tao ang kapogian ko. Hahahahha." Tumahimik nalang ako at palihim na pinagmamasdan siya. Medyo may kakaiba kay Mingyu eh. May something talaga sakanya. Yun ata ang dahilan kung bakit ang saya niyang masuspend.

***

Third Person's POV

Habang kumakain sila ni Yoonsun ay naramdaman ni Mingyu na paminsan-minsan ay sinusulyapan siya ni Yoonsun. Nakaramdam din siya na may suspicion si Yoonsun sakanya pero iba ang suspetsa nito. Mas mabuti na iyon. Nahihiya kasi siyang sabihin ang katotohanan. Hindi niya alam kung ano ang reaksiyon ni Yoonsun kapag sinabi niya na isa siyang trainee sa Pledis at ilang buwan nalang ay magdedebut sila.

Sinabihan nya rin si Ms. Jung Eun Gun na palagi na siyang aabsent dahil sa pagiging trainee niya at ganun na rin ang school na pinapasukan niya. Kaya nga ay nasuspend siya dahil siya mismo ang humiling na isali siya sa suspension. Ang mismong CEO ng Pledis Entertainment ang kumausap sa head ng school nila sa kondisyon niya. Sumang-ayon naman ang paaralan niya at bibigyan na lamang siya ng special classes. Mayroon na rin kasing ibang mga idols na nag-aral doon.

Pagkatapos nilang kumain ay naglaro sila sa World of Fun at sinulit ang pagkakataon lalo na si Mingyu. Bukas kasi ay simula na ng pagpractice nila at recording para sa debut ng grupo na sasalihan niya.

Habang si Yoonsun naman ay wala lang at in-enjoy ang paglalaro nila ni Mingyu. Mahahalata mo sakanilang mga mukha na masaya sila.

"Ubos na pera ko Yoonsun!" Saad ni Mingyu. Totoo naman na ubos na ang pera niya at tanging pamasahe nalang pauwi ang sobra.

"Tsk. Kill joy mo ah." Pagmamaktol ni Yoonsun. Gusto pa kasi nitong maglaro. Nagsisisi rin siya kasi hindi siya nakapagdala ng pera ㅠㅠ

"Kumain nalang tayo sa labas. Libre ko!" Saad ni Yoonsun. Kahit papanonay pambili pa siya ng pagkain. Bumili sila ng popcorn at shake. Yun lang kasi ang afford ng wallet niya.

"Hindi ko makakalimutan ang araw na ito na nilibre mo ko. Hahahaha." Sabi ni Mingyu.

Umupo sila sa isang bench at doon kumain.

"Picturan mo ko Mingyu." Utos ni Yoonsun at sumang-ayon naman si Mingyu.

Sinuot ni Yoonsun ang kanyang shades at cap. "Yung ma-ala stolen ha."

Pinagmasdan muna ni Mingyu ang picture bago pinakita kay Yoonsun. Bakit ba ako nagka-crush sa kaibigan ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top